Share

CHAPTER FIVE

Author: MissThick
last update Last Updated: 2023-10-01 09:56:51

Chapter Five

Nang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Gerald. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan.

Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? May bigas pa kaya silang isasaing? Hindi kaya nabaha na ngayon ang loob ng bahay?”

"Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo."

"Naisip ko lang kasi ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon o kahit sana bigas lang na maisasaing." Nangilid ang kaniyang luha.

"Well, let's just enjoy the night.” Ayaw ni Gerald ang drama. “Hindi masamang paminsan-minsan, you also pamper yourself. Kahit ngayon mo lang isipin ang sarili mo. Sorry pero hindi ako mahilig sa drama. My rule, I don't want to talk on any of your or my personal issues." Tinungga nito ang laman ng kaniyang kopita. "Umiinom ka ba?"

Sa narinig niyang iyon ay bigla siyang napahiya. Pinahid niya ang namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Binulungan niya ang sarili. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo Diane at kailangan mong magkuwento ng buhay mo sa estranghero. Baka isipin pa niya nagpapaawa ka para malimusan."

Sasagutin niya sana ang tanong tungkol sa kung umiinom ba siya o hindi ngunit mabilis na sinenyasan ni Gerald ang nakatayo sa di kalayuang waiter. Mabilis itong lumapit dala ang isang kopita. Sinalinan niya iyon ng alak saka magalang na lumayo.

"A li'l vodka is not bad, Diane. Konti lang." itinulak na nito ang kopita sa harap niya.

"Hindi ako umiinom ng hard. Kahit nga beer hindi. Actually, I don’t drink any alcoholic beverages. Not now na kasama ko ang taong hindi ko lubos na kilala." Itinulak niya ang pabalik ang kopita kay Gerald.

"How old are you again?"

“Eighteen.”

“Legal na. Pwede na. Try it! Hindi nakakalason ang alak.” Muli nitong itinulak sa harap niya ang alak. Sasanggain niya sana ngunit nagtagpo ang kanilang mga palad sa hawakan ng kopita. Ramdam ni Diane ang init ng palad ni Gerald. Napalunok siya lalo pa't naramdaman niya ang paghimas ni Gerald sa kaniyang nanlalamig na daliri. Dumaan ang kuryente mula dito hanggang sa pinakasulok na bahagi ng kaniyang katawan. Dahil doon ay kinuha niya ang kopita at itinungga niya ang laman no'n. Mapait. Matapang. Ngunit may kakaibang init na hagod niyon sa kaniyang lalamunan.

Uminom naman na siya ng beer kasama ng mga kaibigang Engineering Students at sa kanilang lugar ngunit beer lang. Hindi katulad ng pinaiinom sa kaniya ni Gerald. Napakatapang naman yata.

"Eigteen ka na nga."

"Oh, ano naman kung 18 na ako?"

"Young and fresh."

Napalunok siya dahil nakita niya ang pagbasa ni Gerald sa labi nito sabay ang pagkindat niya parang may gustong iparating.

"Are you trying to seduce me?"

"No I am not just trying, am doing it purposely. Why? Is it working?" diretsuhang tanong ni Gerald.

Nakita niya ang pagpapa-cute nito na sa totoo lang umeepekto naman talaga. Mukhang sanay siyang gawin iyon. Sanay makuha ang gugustuhin.

Muling sinalinan ng sinenyasan ni Gerald na waiter ang kanilang mga baso. Pagkaalis nito ay itinaas ni Gerald ang kanilang mga baso.

"Cheers, My Lady!"

Kinuha niya ang kopita niya at pinag-umbog nila ang kanilang mga baso.

Sinaid muli ni Diane ang laman no'n.

"Just sip it. You don't need to gulp it all." Natatawang sinabi ni Gerald nang makita niyang muling sinaid ni Diane ang baso. Nagsimula na itong namula dahil sa tindi ng tama ng alak.

"Hindi mo sinabi eh! Akala ko lang parang inuman lang sa kanto. Kailangang ubusin dahil may naghihintay sa pag-ikot ng baso." Pabiro niyang banat. Laking iskwater kaya lumalabas ng kusa ang kanyang pagiging masa.

Tumawa ng malakas si Gerald. "Damn it! Napatawa mo ako, do’n ah!"

"Para 'yun lang? Ambabaw naman ng kaligayahan mo."

"I think we're done here. Halika, doon tayo sa bar. Mas mag-eenoy tayo doon kaysa dito," bulong  ni Gerald.

Dahil sa konting tama ay sumunod lang siya. Para lang silang barkadang naglakad. Sanay siya sa mga kaklaseng mga lalaki. Kaya hindi bago sa kanya na may kasamang lalaki. Bahala na. Amoy na amoy niya ang pabango ni Gerald. Pabangong parang nanunuot sa kaniyang kaibuturan.

Maingay ang bar na pinasukan nila. May mangilan-ngilan doong umiinom at sinadya ni Gerald na umupo sila sa sulok. Tumayo siya at pumunta sa bar. Pagbalik niya ay may dala na itong dalawang kopita na naglalaman ng kulay berdeng alak. Kung ano iyon, hindi niya alam. Basta tinanggap niya, tinikman at nagustuhan niya ang lasa nito. Panay lang ang kanilang panakaw na titigan sa isa't isa. Titigang may ibig sabihin kay Diane at hindi niya alam kay Gerald kung ganoon din ang nararamdaman nito sa kaniya. Masaya siya. Nag-eenjoy siya, actually. Hindi pa siya lasing ngunit may tama na. Malakas na ang loob niyang makipagtitigan kay Gerald ngunit hindi niya alam kung paano magpa-cute tulad ng ginagawa nito sa kaniya.

Tinanggal ni Gerald ang necktie niya. Tinanggal din nito ang butones ng kaniyang long slevee hanggang sa nasilip ni Diane ang maumbok at matigas nitong dibdib. Ang malakas na appeal nitong katawan.

Napalunok siya nang kinagat ni Gerald ang kaniyang labi sabay ipinasok nito ang kaniyang kanang kamay sa maskulado nitong dibdib sabay kindat na para bang sinasabi nitong, "game ka ba?"

Yumuko siya. Tumingin siya sa mga iba doong nag-iinuman. "Huwag kang mag-flirt sa akin, please? Hindi ako papatol sa’yo," bulong ni Diane sa sarili. Naramdaman niyang tumayo si Gerald at naglakad papunta sa kaniyang likod.

"Gusto mong tanggalin ang backpack mo?" tanong ni Gerald. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang mainit na bibig ni Gerald sa dulo ng kaniyang tainga. Nagsitindig din ang lahat ng balahibo niya. Hindi siya nakasagot. Hindi na niya kontrolado ang init na nararamdaman niya.

"Are you ready for the final level?"

"Final level? What do you mean?" kumunot ang noo niya.

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko." huminga ito ng malalim. Itinungga niya ang laman ng kaniyang baso. Ibinalik niya iyon sa mesa na di umaalis sa likod ni Diane. Naramdaman niya ang bumubukol na iyon na lumapat sa kaniyang likod. Matigas iyon. Parang may kung anong init siyang naramdaman.

"I'm tired. Gusto ko nang magpahinga. Kung gusto mo ako. Sunod ka sa room 701, 7th floor. Hihintayin kita." Muling pabulong ngunit naramdaman ni Diane ang paghagod ng dila ni Gerald sa dulo ng kaniyang tainga. Lalong nangatog ang tuhod niya. Gusto niyang sampalin ito. Gusto niyang sabihin na binabastos na siya. Na hindi siya ganoong babae. Hindi siya p****k. Hindi siya ganoon kababa. Baka kasi iniisip ni Gerald na pick up girl siya. Well, she’s not! Binabastos na siya ngunit ano itong para siyang si gaga na nadadala? Paano niya lalabanan ang tukso?

Related chapters

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SIX

    Chapter Six Kasunod iyon ng pagtayo ni Gerald.Lumapit sa cashier sa bar.Nagbayad.Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat kay Diane. Bihasa siya sa ganito. Alam niya kung makukuha niya o hindi ang babae at sa nakikita niya kay Diane, kagaya rin ng ibang babae. Bibigay at bibigay rin ito sa kanya. Alam niyang sa angkin niyang kagwapuhan at karisma, mahuhulog ito sa kanyang bitag.Naiwan si Diane na nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa tama ng nainom na alak.Pinagsaklob niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kanyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Gerald.Binilisan niya ang lakad.Nakita niyang pumasok si Gerald sa elevator.“Hindi. Hindi tama ‘to,” naisip niya.Tinungo niya ang pintuan ng hotel palabas. Uuwi na siya. Hindi siya susunod katulad

    Last Updated : 2023-10-24
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER SEVEN

    CHAPTER SEVEN Pagbukas muli ng pintuan ng elevator. Nasa labas si Diane. Halatang medyo nahihiya ngunit nadoon na siya at kailangan na niyang pangatawanan ang pagsama. “You change your mind?” “I did.” “Okey, come on in.” Binasa ni Gerald ang kanyang labi. Nakita ni Diane at lalo siya ngayong nahumaling. Mabilis na pumasok si Diane. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay muna nilang magsara muli ang elevator bago siya nilapitan ni Gerald. Hinawakan niya ang pisngi ni Diane. “Thank you,” bulong ni Gerald. “Thank you for what?” “For accompanying me.” “Okey.” Bumuntong hininga si Diane. Grabeng gwapo ni Gerald. Napakalakas ng dating nito, napakabango pa niya kaya nga nang muling nagtama ang kanilang mga mata ay hindi siya nagpatalo. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Gerald pero nasasakop na siya ng panghihina. Iyon ang ayaw niya sa kanyang

    Last Updated : 2023-10-24
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER EIGHT

    CHAPTER EIGHTHanggang sa naramdaman na lamang niyang bumaba ang labi ni Gerald sa kanyang leeg, sa kanyang tainga pababa sa kanyang malulusog na dibdib. Dinilaan na muna ni Gerald ang maula-mulang nipple niya.Kitang-kita ni Gerald ang pagkagat ni Diane sa labi nito na nagpapatunay na nagugustuhan na nito ang ginagawa niya. Bumaba ang malambot niyang labi sa bahaging tiyan, sa puson hanggang nang naroon na sa harap ng kaselanan ni Diane ay huminga siya nang malalim. Tama lang ang umbok nito at laki. Hindi siya sanay na gawin ito sa ibang babae ngunit sa kagaya ni Diane na fresh meat, bakit hindi? Bakit sasayangin ang kapreskuhan nito?Nagdadalawang isip lang siya kung paanong gawing tama ang bawat ritmo ng paglalaro ng labi at dila niya rito. Hinawakan niya ang maselang bahaging iyon sa pagitan ng hita ni Diane. Maingat at mabusisi. Nang ibinuka niya ang labi para buum-buo niyang angkinin ang perlas nito ay tumingin muna siya sa mukha ng kagat-labing si Diane. Nagtama ang kanilang p

    Last Updated : 2023-10-25
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINESinadya ni Gerald na tigilan ang kaniyang ginagawa nang maramdaman niya ang sobrang lakas na ng pagmumura at halinghing ni Diane. Hindi dito, hindi pa napapanahon. Kailangan niyang pigilan ang tuluyan pagsambulat ng sarap. Marami ang kagaya ni Diane na kung maabot nila ang rurok ng sarap ay magpupunas at maghuhugas at tapos na. Hindi niya gusto yung ideya na baka kagaya siya ng ibang babae na magdGeraldit, hahalik, magpapalaam at tapos na ang isang gabi. Masyado pang maaga para tapusin ang lahat.Aaaahhh! Bakit ka tumigil?" singhal ng naiiritang si Diane.Tumayo si Gerald. "Yun na nga My Lady! Malapit ka na. Let's do it in bed. Not here. Huwag kang swapang. Huwag yung ikaw lang ang mag-isang masasarapan. Dapat sabay tayo." Bulong niya habang magkGeraldpi ang kanilang mga labi.Tumalikod si Gerald. Kinuha nya ang isang tuwalya at pinunasan niya ang basang katawan. Tinungo niya ang kama.Naiwan si Diane na naiirita sa palaging pambibitin sa kaniya ni Gerald. Galit niyang hi

    Last Updated : 2023-10-25
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER TEN

    CHAPTER TEN"Napasaya ba kita?" Hinagod ni Gerald ang buhok ni Diane."Sobra. Ikaw nasarapan ka ba?” tanong ni Diane kahit nahihiya."Puwede na." Sarkastikong tugon ni Gerald."Puwede na? Wow ha? Ang taas naman ng standard?”"Pahinga ka na muna," bulong ni Gerald."Gusto kitang makilala pa sana ng husto. Puwede ba tayong mag-usap?"Nilingon siya ni Gerald. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Huminga siya nang malalim. Hindi ito sumagot.Gamit ang isang kamay ay inabot ni Gerald ang remote control ng TV."Ayaw mo bang kilalanin ako?" muling tanong ni Diane."Pahinga ka na muna.""Bakit ba ayaw mo?""Ang kulit naman.""Bakit nga eh!"Huminga ng malalim si Gerald. Alam niyang likas ang ugaling iyon sa mga kaedad ni Diane. Kailangan niyang sumagot para matigil lang ito."It will set hurdles. I hate tricky situation. I never wanted to complicate simple things.""How a good gesture complicate things between us? I don't understand why an uncomplicated conversation of getting to know each oth

    Last Updated : 2023-10-26
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ELEVEN

    CHAPTER ELEVEN Nasarapan siya sa kanyang naikama. Pang-ilang babae na ba ito na ikinama lang niya na walang balak maging girl friend o pakasalan? Hindi na niya mabilang at wala siyang balak magbilang. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa salamin. Sino ba ang hindi maloloka sa kanyang angking kakisigan? Sa edad niyang 29, tangkad na 5’9”, matipunong katawan, moreno, mukhang hawig kay Piolo Pascual at katawang Jericho Rosales, paniguradong lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya.Kinuha niya ang tuwalya. Nang mapunasan ang buong katawan ay inayos niya ang kaniyang mamahalin relo sa kaniyang bisig. Tapos na sila ng kanyang naka-sex. Pwede niya siyang sumibat. Wala nang dahilan pa para manatili sa hotel room na kinuha niya.Lumaki si Gerald sa mayaman at negosyanteng pamilya. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya niya. Ngunit hindi interesado ang kuya niya sa negosyo ng kanilang pamilya. Mas gusto nitong magkawang-gawa. Dahil doon, siya ang napipisil na susunod na CEO ng kanila

    Last Updated : 2023-10-26
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVEGusto na niya yung excitement ng ginagawa niya ngayon. Iba-ibang kaulayaw. Walang iniisip, walang takot na masaktan at hanggang isang gabing tikiman lang. Simple ang buhay dahil nakukuha rin naman niya ang hilig ng katawan. Madalas tinatanong siya ng mga barkada niyang naniniwala pa rin sa pag-ibig, paano daw naman ang kilig at saya na ibinibigay ng pagmamahal? Kalokohan! Sila nga walang tumatagal na relasyon at kung meron man, naglolokohan na lang sila at madalas siya ang nilalapitan para ilabas ang hinanakit nila sa panloloko at pagkakaroon ng iba ng kanilang mga karelasyon. PUTANG INANG pagmamahal 'yan. Marahil totoo nga iyon ngunit hindi sa kaniya, hindi para sa kagaya nila.Tulad ng kanyang kinasanayan, tatakasan lang niya ang babae. Walang kahit anong contact number o pangalan. Ayaw niyang may tumatawag sa kanyang opisina. Hindi siya papayag na may bubuntot-buntot sa kanya o tatawag tawag dahil desperadang makita siya uli. Hindi siya patatali kahit kanino. Hindi p

    Last Updated : 2023-10-26
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER THIRTEEN

    CHAPTER THIRTEENHindi agad siya bumangon. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya. Sandali kasi siyang nanibago nang magising siya. Kumikirot ang kaniyang ulo. Malambot na kama, malamig at mabangong kuwarto at... hubad siya? Muli niyang ipinikit ang mga mata, uminat at humikab. Bigla siyang bumangon nang mahimasmasan. Pumasok agad sa isip niya ang kasama niya sa kuwartong iyon. Si Gerald!“Oh my God! Ano na naman itong ginawa ko?”Hindi na niya makita si Gerald sa tabi niya. Wala na rin ang mga damit nito. May nakita siyang pera sa tabi ng unan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagbabakasakali siyang nasa banyo lang si Gerald at naliligo. Baka nga sinusubok lang siya nito sa perang nasa kama. Pinapainan siya ng pera.Hindi niya mapigilan ang di kiligin habang naglalakad siya papunta ng CR. Gusto niya yung nangyari kagabi. Totoo ang halik, ang yakap at init ng kanilang pagtatalik. Gusto niya ang kaniyang nararamdaman at handa siyang magmahal kung kagaya rin lang naman ni Gerald

    Last Updated : 2023-10-28

Latest chapter

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   FINAL CHAPTER

    Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    “Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TREE

    Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

    Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

    Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...

DMCA.com Protection Status