CHAPTER FOURTY-NINE"Oh, anong ginagawa mo dito? Are you following us?" tanong ni Ringgo.Halatang nang-aasar."Why should I? Ikaw lang ba ang may pera para makakain sa ganitong restaurant?""That's not what I meant. Mag-isa kang magdinner? Nakakakaawa ka lang. Baka lalo kang mainggit sa amin niyan?" Pahabol ni Ringgo.Nauna nang naupo si Diane.Ayaw na niyang tapunan pa ng tingin si Gerald.Bakit pa?"Well, enjoy your date." Kibit-balikat na sagot ni Gerald. Wala siyang balak patulan ang pasaring ni Ringgo.Umupo si Ringgo sa harap ni Diane.Nakangiti.Mukhang panalong-panalo na sa laro niya laban kay Gerald."Ano sa tingin mong ginagawa niya dito? Hurting himself? Di ba, nakakaawa lang siya?" bulong ni Ringgo."Baka naman kasi kakain lang.""No Diane, I think he is here spying us.""With those boquet of flowers in front of him?”“Iyon rin ang ipinagtataka ko. But I am sure, he is indeed hurting.”“Why?""He likes you! I know, he likes you. Ayaw lang niya'n umamin."Sasagot palang sa
CHAPTER FIFTY"Diane, okey lang?" tanong ni Ringgo. Nakita niya kasi ang biglang pananahimik nito. "Look, I don't wanna oblige you. Just tell me the truth. I surely understand kahit ano ang desisyon mo. Kaya ko namang maghintay.""Bahala na nga." Naisip ni Diane. Ang nagtutulak sa kanya para gawin iyon ay ang makita si Gerald na mukhang masaya at kuntento na sa kambal ng matalik niyang kaibigan. Ayaw niya yung pakiramdam na para bang mas masaya pa yung taong nag-reject sa kanya, na hanggang ngayon, natatalo pa rin siya ni Gerald."Yes." Tumitig siya kay Ringgo nang inihayag niya iyon."Yes? Anong ibig mong sabihin?" Pinigilan muna ni Ringgo ang sariling sumabog sa saya."Yes Ringgo. I think it's time na hindi na lang "ako" ngayon ang iisipin ko kundi "tayo" na.""Tayo na? Oh my God! Mahal mo na rin ako? Ibig sabihin sinasagot mo na ako?" Malakas na sinabi iyon ni Ringgo.Napalingon pa ang isang babae sa di kalayuan at higit sa lahat ay sina Britney at Gerald.Tumayo pa si Ringgo at ni
CHAPTER FIFTY-ONEMaagang nagising si Gerald sa araw na iyon. Kailangan niya munang dumaan sa gym bago sunduin si Britney at ihatid ito sa kanilang campus kung saan din siya noon nagtapos ng pag-aaral. Maraming mga masasayang sandali ang University na iyon sa kanya ngunit matagal na niya iyong ibinaon sa limot. Hindi na kasi kailangan pang balikan pa niya ng nakaraan.Nagsabi siya kay Britney na siya na lang ang maghahatid at magsusundo kaya huwag na niyang gamitin pa ang sasakyan nito. Mabuti at napapayag niya ang kakambal nitong si Sackey na mahimik. Kailangang pulido ang plano. Hindi siya kailangang magkamali. Kagabi, matagal siyang dinalaw ng antok lalo pa't alam niyang sinagot na ni Diane si Ringgo ngunit alam niyang lalabas at lalabas din kung ano ang totoo. Masakit sa kanya iyon ngunit alam niya kasing darating din sa ganoong pagkakataon. Inunahan lang niya kaya nagawa niyang kontrolin ang emosyon. Hindi pa tapos ang laban. Kung hindi niya magawang ilayo si Diane sa mundo nila
CHAPTER 52Pagkatapos ni Diane na sagutan ang exam nila ay ipinasa na niya ang papel. Nakita niyang abala pa si Sackey. Gusto niyang kausapin ang kaibigan ngunit hindi naman niya alam ang kanyang sasabihin. Paano ba niya sisimulan ang pakikipag-usap? Sa anong dahilan at kailangan niya pa itong kausapin e kambal naman niya ito ang kasangkot at hindi siya mismo?Idinaan na muna niya ang kanyang mga hiniram na books sa library. Naglalakad na siya papunta ng gate nang tumunog ang kanyang cellphone.Si Ringgo ang tumatawag.Bakit hindi siya excited na sagutin iyon?"Don't push yourself Diane, matutunan mo rin siyang mahalin. Just give him a chance to prove himself at darating din yung tamang panahon na maramdaman mong mahal mo na rin siya," bulong niya sa sarili."Hello, Babe!" Masaya ang boses ni Ringgo."Hello po." Pilit niyang pinasaya ang boses."Nasa'n ka?""School pa po. Why?""Are you done there? Puwede na ba kitang daanan?"Nag-isip siya. Gusto niyang umuwi na at magpahinga. Wala s
Chapter 53 Huminga ng malalim si Britney. Ngayon lang naglabas si Diane ng laman ng kanyang puso. Siguro kasi hindi naman sila magkasing-close ng kanyang kakambal. Pero yung makulit, ang parang walang problema at walang kasing-tapang na bestfriend ng kapatid niya, ngayon ay lugmok na lugmok ng dahil lang sa pag-ibig. Si Diane ang isa sa pinakamatalino sa buong campus. Kilala siya halos ng lahat. Ngayon, walang solving problem, walang fill in the blank, enumeration man yan o essay na hindi niya kayang sagutin ngunit pagdating sa pag-ibig, doon lumabas ang kanyang kahinaan."Paano si Ringgo? Sinagot mo siya kagabi. Panibagong problema ang pinasok mo imbes na sana tulungan mo na lang ang sarili mong kalimutan muna si Gerald.""Sa tulad kong desperadong kalimutan ang isang tao, lahat ay gustong gawin para kahit sandali lang sana ay mawala si Gerald sa isip ko. Umaasa akong kapag nandiyan si Ringgo, kausap ko, kasama sa pamamasyal ay mawala sa isip at puso ko si Gerald kahit pansamantala
Chapter 54 Nang nakalapit si Gerald sa apat ay hindi niya napigilan ang sariling titigan at kilalanin ang kasama ng tatlo."Sofia?" napalunok siya. Napakamot. Ayaw niyang maniwala sa nakikita. Ang kaklase niya sa University na ito noon at ang babaeng naging buhay niya ang kasama ngayon ng tatlo."Anong nangyari sa'yo? Oh my God, Sofia, ikaw na ba talaga 'yan?"Nang nakalapit si Gerald sa apat ay hindi niya napigilan ang sariling titigan at kilalanin ang kasama ng tatlo."Sofia?" napalunok siya. Napakamot. Ayaw niyang maniwala sa nakikita. Ang kaklase niya sa University na ito noon at ang babaeng naging buhay niya ang kasama ngayon ng tatlo."Anong nangyari sa'yo? Oh my God, Sofia, ikawna ba talaga 'yan?"Nagulat si Sofia nang makita niya si Gerald na nasa harapan niya. Napakalaki na nang ipinagbago ng hitsura nito. Gwapo na noon pa si Gerald ngunit mas lalong naging gwapo ngayon sa paningin niya dahil bumagay ang laki ng katawan nito at ang parang hindi tumatanda nitong mukha. Siya n
CHAPTER 55Hindi mapakali si Ringgo nang makita niyang nag-uusap ang lima. Ngunit bakit ba siya ninenerbiyos? Bakit kailangan niyang kabahan e, lumabas namang aksidente ang nangyaring iyon kay Sofia noon? Lalo siyang hindi mapakali nang nakita niyang palapit sa kotse niya sina Diane at ang parang magkamukhang lalaki at babae. Yung babae ang bagong ka-date ni Gerald. Kailangan niyang kumalma. Kumuha siya ng kanyang gamot. Sinaid na rin niya ang laman ng bote ng mineral water. Kailangan niyang makontrol ang kanyang pakiramdam."Bahala na! Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari noon. Hindi nakakatulong ang ginagawa mong ganito Ringgo. Panindigan mong wala kang kasalanan sa nangyari kay Sofia dahil iyon naman talaga ang lumabas sa imbestigasyon noon," bulong niya sa sarili bago siya bumaba at hinarap ang dalawang tuluyan nang nasa tabi ng kanyang kotse."Ringgo, gusto ka raw makilala ng best friend ko at ng kambal niya." Nakangiting bungad ni Diane."Ahh, sure. I'm Ringgo." Inil
CHAPTER FIFTY-SIX "Gerald, bumalik na naman pala dito si Ringgo?" Bumunot nang malalim na hininga si Sofia. "Oh my God! Sabihin mo sa aking hindi totoo ang iniisip ko. Sabihin mong nagkakamali ako sa hinala ko.""Anong hinala mo?""Si Diane ba?" humawak si Sofia sa braso ni Gerald. "Siya ba ang sinusubukan mong mahalin Gerald? Dahil nalaman iyon ni Ringgo kaya ngayon siya yung.... Gerald please! Nakikiusap ako, save Diane from him. Napakabata pa ni Diane to go through all these at alam kong malayo ang mararating ng batang 'yan. Hindi ko gusto yung kutob ko ngayon." Halata ang takot sa mukha ni Sofia."Then please tell me the truth tungkol sa kung ano talagang nangyari sa'yo. Pagkatapos kasi natin noong mag-usap at ipinaglaban mo pa rin si Ringgo sa akin, nagdesisyon akong kalimutan na lang kita. Nagdesisyon akong buuin ang buhay ko at abutin ang lahat ng pangarap kong hindi na kita kasama. Pero Sofia, alam na alam mo kung saan mo ako pupuntahan. Bukas ang lahat ng contacts ko sa'yo p