Chapter 40 Pagkatapos ng kanyang mga pagsisiwalat, iniutos ko sa mga tauhan ko na ikulong ang lalaki sa isang ligtas na lugar. Kailangan kong tiyakin na wala siyang magagawang masama habang iniimbestigahan pa namin ang kanyang mga sinabi. Bumalik ako sa loob ng mansyon at agad na tinawagan ang aking mga pinagkakatiwalaang tauhan. "Kailangan nating kumilos agad," sabi ko sa kanila. "May mga bagong impormasyon tayong nakuha tungkol sa mga plano ni Andrade na iba Sinamatala ng ibang kalaban at kanilang ginamit ang pangalan nito. Kailangan nating tiyakin na walang masamang mangyari sa atin," bigkas ko. Agad silang kumilos, inihanda ang lahat ng kailangan para sa aming susunod na hakbang. Habang naghahanda sila, sinimulan kong ayusin ang mga plano ko. Kailangan kong tiyakin na lahat ng posibleng banta ay mapipigilan bago pa man sila makapaminsala. Makalipas ang ilang oras ng pagsusuri at pag-aayos ng mga dokumento, napagpasyahan kong tawagin ang aking mga pinagkakatiwalaang tauhan
Chapter 41 Pagkatapos naming mag-usap ni Marcos ay agad akong bumalik sa aking opisina at sinimulang ayusin ang mga plano. Kailangan kong tiyakin na lahat ng hakbang ay maingat na pinag-iisipan at walang puwang para sa pagkakamali. Habang ang aking asawa, si Magdalena, at ang kambal ay binabantayan ng maigi ng mga tauhan ko upang ligtas sila. Sinimulan kong ayusin ang mga plano ng depensa. Kailangan kong tiyakin na lahat ng posibleng pag-atake ay mapipigilan bago pa man sila makapaminsala. Ang kaligtasan ng lahat ay nakasalalay sa aking mga kamay. Habang nag-aayos ako ng mga dokumento at plano, naramdaman ko ang bugso ng aking damdamin ang galit ko sa kumalabam sa akin responsibilidad bilang isang Mafia Boss. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, ngunit handa akong gawin ang lahat para protektahan ang aking pamilya at ang mga mahal ko sa buhay at ang mga tauhan ko. Lumipas ang ilang oras ah bumalik si Marco kasama ang ibang tauhan. Agad ko silang pinulong at inilatag ko a
Chapter 42"Mga tauhan, ipunin niyo ang lahat ng pwersa natin. Kailangan nating kumilos agad," utos ko, habang nararamdaman ang pag-alab ng galit sa aking dibdib."Agad po, Boss," sagot ni Marco, habang mabilis na lumabas ng silid upang ipatupad ang aking utos."Cora, kailangan nating malaman ang bawat detalye tungkol sa impostor na ito. Hanapin mo si Botyok at siguraduhing handa siya sa anumang mangyayari," dagdag ko, habang tinitignan si Cora."Agad po, Boss," sagot ni Cora, habang nagmamadaling lumabas upang hanapin si Botyok.Habang naghahanda kami, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Kailangan naming maging mas maingat at mas handa. Hindi pwedeng may magtagumpay na kalaban laban sa amin.Biglang pumasok si Botyok, may dalang mga armas. "Boss, handa na kami. Ano ang susunod na hakbang?" tanong niya, habang inilalapag ang mga armas sa mesa."Kailangan nating sugpuin ang impostor na ito at iligtas ang ating mga mahal sa buhay. Botyok, ikaw ang bahala sa pag-aayos ng mga tauhan. Si
Chapter 43 Pagkatapos naming iligtas ang pinsan naming ni Cora na si Elena, agad kaming bumalik sa mansyon. Ngunit laking gulat ko nang makita kong walang buhay ang mga tauhan kong iniwan sa aking mansyon upang protektahan ang aking mag-iina. "Anong nangyari?" takang tanong ni Cora, aking pinsan. Kaya agad akong lumapit sa isang tauhang naghihingalo. "Anong nangyari?" utoridad kong tanong. "Ni-lu-sob k-kami ng mga kala-ban," utal niyang sabi hanggang nawalan na ito ng buhay. "Shit, ang mag-iina ko," bigkas ko saka nagmamadaling pumunta sa loob ng mansyon. Pagpasok ko sa loob, agad kong hinanap ang aking asawa na si Magdalena at ang mga kambal. Hindi ko napansin na sumunod rin pala sina Cora at Elena, ang totoong pinsan ko. "Magdalena! Mga anak!" sigaw ko habang sinisilip ang bawat sulok ng mansyon. Ang bawat hakbang ko ay tila isang dagok sa puso ko, ang kaba at takot ay hindi maipaliwanag. "Magdalena!" muli kong sigaw, halos mawalan na ako ng boses. Narinig ko ang m
Chapter 44 "Para ito sa pamilya ko." Sabi ko bago ko pinutok ang baril. Isang malakas na putok ang nag-echo sa buong warehouse, at bumagsak si Ricardo sa sahig, walang buhay. Huminga ako ng malalim, ang galit at tensyon sa aking dibdib ay unti-unting lumuluwag. Pero alam kong hindi pa tapos ang laban. Kailangan kong tiyakin na wala nang banta sa aking pamilya. "Linisin niyo ang lugar na ito. Siguraduhing walang makakatakas," utos ko sa aking mga tauhan. "At alamin niyo kung may iba pang mga plano si Ricardo." "Oo, boss," sagot nila sabay-sabay, agad na kumilos upang sundin ang aking utos. Habang nagmamasid ako sa paligid, nakita ko ang isang mesa na puno ng mga papel at mapa. Lumapit ako at sinuri ang mga ito. May mga plano at listahan ng mga pangalan—mga taong pinaplano nilang saktan, kasama na ang aking pamilya. "Boss, may nahanap kami," sabi ng isa sa mga tauhan ko, hawak-hawak ang isang laptop. "Mukhang may mga email dito na nagpapakita ng mga plano nila." "Dalhin n
Chapter 45 Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid at nagliliyab ang mga apoy na tumupok sa buong hideout ng kalaban. Ang patay na katawan ni Ricardo ay kasama sa mga natupok, pati ang mga tauhan nito. "Kayganda sa aking paningin," sambit ko habang ang boses ko'y puno ng panganib. "Boss, kailangan na nating makaalis ngayon din," bigkas ni Botyok. "Handa na ang sasakyan," sabi naman ni Carlos. Kaya agad akong tumalikod upang umalis sa lugar. Hahang papasok ako sa loob ng kotse ay ramdam ko ang init mula sa apoy. "Boss, may nasagap akong mga kalaban paparating," sabi ni Botyok sa kabilang linya. "Mukhang gusto nilang sumunod kay Ricardo. Magsihanda kayo. Susulubungin natin sila sa aking mga sasakyan," utoridad kong sabi habang ang boses ko'y puno ng panganib. Habang umaandar ang sasakyan, naririnig ko ang mga putok ng baril at ang mga sigaw mula sa malayo. Ang tensyon ay lumalakas, at alam kong hindi magiging madali ang pagtakas na ito. "Boss, nasa li
Chapter 46 Agad akong pumasok sa loob ng hideout at pumunta sa isang silid kung saan pinaparusahan ang mga bihag upang umamin. Habang humihit-hit ako sa aking tabako ay naglalaro sa aking isipan kung paano ko ito paparusahan o papatayin. "Pakawalan niyo ako," sigaw ng aming bihag. "Hahaha, kanina lang ay ang tapang mo. Pero ngayon, para kang isang batang nagtatago sa saya ng ina," pang-uuyam ng aking tauhan habang ang iba ay tumatawa sa nasaksihan. "Maawa kayo sa akin, pakawalan ninyo ako," pagmamakaawa ng bihag. "Boss, anong gagawin natin?" tanong ni Botyok habang may ngising nakapaskil sa labi. "Ihanda mo ang mga kagamitan," utos ko dito. Ang aking pinahanda ay ang gagamitin kong mga hinagiban upang paaminin ito. "Ikaw? Sino ka ba talaga?" tanong ng bihag. "Wag mo nang alamin," malamig kong sabi. "Hindi mo kilala ang binangga ninyo? Nakakaawang tao, siya ang Mafia Boss na ipapapatay ng inyong amo," pang-uuyam na wika ni Carlos. Nakita ko ang takot sa mga mata ng bihag. A
Kaya agad niyang sinabi ang lahat-lahat na siyang pakana ng lahat at wala nang iba pa. Agad kong winakasan ang kanyang buhay gamit ang matalim kong kutsilyo. "Ganito ang mangyayari sa mga taong gustong kumalaban sa isang Mafia Boss," malamig kong sabi. Nakita ko kung paano lumabas ang pulang likido sa kanyang bibig hanggang tumirik ang kanyang mga mata saka bumagsak sa sahig. Ang tahimik ng silid ay napalitan ng tunog ng kanyang huling hininga. "Boss, anong susunod na gagawin natin?" tanong ni Botyok habang tinitingnan ang walang buhay na katawan ni Victor. "Lilinisin natin ang kalat na ito. Ayokong may makaalam na narito tayo," utos ko habang pinupunasan ang dugo sa kutsilyo. "Kunin niyo ang lahat ng dokumento at mga mapa. Baka may mahalagang impormasyon na magagamit natin." Habang nagliligpit ang mga tauhan ko, napansin ko ang isang liham sa mesa. Binuksan ko ito at nabasa ang mga plano ni Victor para sa susunod na hakbang ng kanilang operasyon. "Boss, mukhang may iba pa