Pagpasok namin sa loob ng clinic, kaagad kaming sinalubong ni Dok Santi, ang kaibigan ni Ethan. Napangiti ito nang makita kami. “Ethan! Long time no see, pare! Hello Kayline, ano bang nangyari sa’yo at napilitan kang samahan nitong busy mong asawa?”Ngumiti si Ethan habang nakaakbay pa rin sa akin. “Loko-loko ka talaga Dok Santi, siyempre naman kahit gaano ako ka busy lalaanan ko talaga ng oras ang asawa ko. Saka ilang araw na din kasing hindi maayos ang pakiramdam ni Kayline. Ayaw namang magpa check up kahit palagi kong sinasabihan na magpatingin na sayo." “Grabe ka naman,” biro ko kay Ethan. “don't worry love, hindi pa ako mamamatay ,masamang damo to”Natawa si Dok Santi. “Mukhang malakas pa nga itong asawa mo, Ethan. Pero sige, maupo muna kayo at titingnan natin ang kalagayan niya, mahirap din ngayon at nauuso ang mga flu" sabi pa niya sa aminPagkatapos ng ilang minuto ng paunang pagsusuri, pinakuhaan agad ako ng dugo ni Dok Santi. Habang hinihintay ang resulta, nauwi ang usapan
Mabilis na lumipas ang mga buwan ng pagbubuntis ko, at bawat araw ay puno ng pag-aalala, pananabik, at pagmamahal mula kay Ethan at sa mga taong nakapaligid samin. Siya ang naging lakas ko sa bawat hirap mula sa pagkahilo tuwing umaga, at sa mga pagkaing biglaan kong natitipuhang kainin, may paminsang pag-aalala kung magiging maayos ba ang lahat, naging masyado akong emosyonal nitongmga nakaraang araw kung kailan malapit na akong manganak, hanggang sa mga gabing naglalakad kami sa kwarto ng magiging anak namin habang pinag-uusapan ang mga pangarap namin para sa kanya. At dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Maaga kaming dumating sa ospital, sabik pero kinakabahan. Pinipilit ni Ethan na magpakatatag sa harap ko, pero ramdam ko ang lamig ng mga kamay niyang nakahawak sa akin. “Love, kaya mo ’to,” paulit-ulit niyang sinasabi habang binibigyan ako ng maiikling halik sa noo. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang magsimula na akong mag labor. Pakiramdam ko’y napakatagal n
KAYLINE POV Mabilis na lumipas ang sampung taon. Parang kailan lang, kinakarga ko pa si Natalie, at ngayon, isa na siyang malikot pero masayahin na bata. Pero ang pinakanakakatuwa sa kanya ay parang hindi bata ang kausap ko. Sa dami ng sinasabi niyang parang matanda ang kausap ko. matalino at makabuluhan, minsan naiisip ko, “Saan kaya siya natututo ng ganito?” Tahimik at masaya ang buhay namin. Wala na ang mga dati naming iniwasang gulo, lalo na kay Sofia. Ang huling balita ko sa kanya ay nakapag-asawa na rin siya at masaya na daw sa buhay niya. Para sa ika-sampung kaarawan ni Natalie, gusto naming mag-asawa na gawing espesyal ang araw niya. Inayos namin ang buong bahay, maraming dekorasyon, lobo, at isang mesa na punong-puno ng masasarap na pagkain. Ang daming dumating mga kamag-anak, kaibigan, at pati mga kapitbahay. Present sina Tita Madie, Lola Kate, at halos lahat ng pamilya namin. Sa bawat sulok ng bahay, may tawanan, kwentuhan, at kantahan. Habang abala si Natalie sa pa
Matapos ang masayang party ni Natalie, nagpaalam na ang karamihan ng mga bisita. Naiwan na lang kaming mag-anak, ilang staff na nag-aayos ng kalat, at si Madeline na halatang may nais pang sabihin. “Magpaiwan ka na muna dito, Madeline,” sabi ko habang inaayos ang mesa. “Alam kong gusto mo pa makipagkwentuhan.” Ngumiti siya, pero mababakas ang bigat sa mga mata niya. “Pwede ba? Gusto ko lang… may makausap.” “Syempre naman,” sagot ko. “Halika, dun tayo sa terrace. Tahimik dun.” Naupo kami sa terrace habang tahimik ang paligid. Nakatitig si Madeline sa bituin, tila nag-iisip ng malalim. Kinuha ko ang dalawang tasa ng mainit na tsaa mula sa kusina at nilapag sa harap namin. “Okay ka lang ba?” tanong ko, sinira ang katahimikan. Huminga siya nang malalim, at sa wakas, nagsalita. “Kayline… alam mo, sobrang saya ko kanina sa party ni Natalie. Ang daming tao, ang sayang tignan ng lahat, ang saya ng pamilya mo” “Pamilya natin,” paglilinaw ko. “Kasama ka dito, Madeline. Kahit nasa L
MADELINE POV Kagaya ng pinangako ko kay Natalie, sinama ko siya pabalik ng siargao kinuha na din ito nila Ate Kayline ang oportunidad na ito para makapag bakasyon . “Finally anak, nanatili ka din ng mas matagal dito. Aba kundi pa ata nagtampo itong Mommy mo hindi ka pa papayag na mag stay dito sa bahay ng mas matagal” mag pagtatampong sabi ni Daddy “Naka plano na din naman po talaga Daddy. Sorry po medyo nabusy lang talaga ako sa ospital. Pero promise po sa tuwing free ang calendar ko dadalasan ko ang pag uwi ko. Naghahabol lang din po ako para maging PR na ako.” Mahinahon kong sabi kay Daddy. “Okay anak! Basta if you need help nandito lang kami ng Mommy mo.” Sagot pa sakin ni Daddy na nginitian ko naman. “Oo nga pala Madeline, yung engagement mo hindi mo na sinabi samin baka naman sa kasal mo hindi mo pa rin sasabihin samin. At kailan ba namin makikita ang mapapang asawa mo?!” Tanong sakin ni Mommy . Tahimik kong sinubo ang hinanda niyang cassava cake para sa meryenda namin.
“Auntie Madeline,” sabi ni Natalie, sabay ngiti. “Ang galing mo talagang mag-surf sabi ni Mommy ganyan din daw si Mommyla Madie dati. Sana maging kasing galing niyo ako balang araw.” Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. “Kaya mo ‘yan, Natalie. Basta magtiwala ka sa sarili mo.” Sa sandaling iyon, narealize ko na hindi ko kailangang madaliin ang lahat. Ang dagat, ang alon, at ang saya, dito ko nahanap ulit ang sarili ko. Naglakad na muna kami at nagtungo sa bar counter. “Natalie, dito ka lang ha? Babantayan ka muna ng staff,” bilin ko sa kaniya habang tinatapik ang balikat ng pamangkin ko. Napagod na siya sa kakalaro sa alon, pero ako, nasa mood pa para sumabay sa alon. “Kung may gusto ka umorder ka lang sa kanila. “ sabi ko pa sa kaniya. “Sige, Tita. Ikaw lang muna maglaro sa mga waves because i’m tired na po. Mag-enjoy ka lang po?. sagot niya Naglakad ako papunta sa tubig. Hinampas ng alon ang binti ko, malamig pero masarap. Tumalon ako kasabay ng alon, pakiramdam ko pa
MADELINE POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang kakadating ko palang at tinatakasan ko ang realidad. Ngayon, pabalik na ulit ako ng London, bitbit ang mga bilin nila Mommy sa akin. “Anak, huwag mong kalimutang tumawag ha? Mag-message ka agad kapag nakarating ka na doon,” sabi ni Mommy habang yakap-yakap ako. “Oo naman, Mommy. Lagi akong mag-a-update sa inyo,” sagot ko, pilit akong ngumingiti sa kanila para hindi nila mahalata ang bigat ng nasa loob ko. Nag videocall na lang din ako kila Ate Kayline para magpaalam kay Natalie. “At anak, si Rainiel bago kayo magpakasal gusto naming makita ng daddy mo, ayoko sa videocall lang gusto ko din siyang makita personal? Promise me.” Napabuntong-hininga ako, pero tumango ako. “Opo, Mommy. Don't worry , uuwi naman po kami.” Binitawan nila ako, at nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa airport, huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa gate ko. Pagkapasok ko ng eroplano, pakiramdam ko parang mas bumigat pa an
MADELINE POVPinilit kong magpanggap na natutulog, pero hindi ako mapakali. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko, parang humihila ng atensyon ko palapit sa kanya.Muli kong binuksan ang mga mata ko at sinilip ang paligid. At sa isang iglap, nagtagpo ang mga mata namin.Nakangiti siya. Hindi ko alam kung mayabang ba iyon o sadyang totoo ang sinabi niya kanina, na tadhana nga ang dahilan ng pagkikita namin dito. Pero kung ano man yun , ayoko ng anumang guloBinalik ko ang headphones ko at isinara kong muli ang mga mata ko. Pero kahit gaano ko kagustong takasan ang tensyon, isang tanong ang sumisiksik sa isipan ko, Bakit parang nagiging interesado na ako kagad sa kaniya. Mali itong nararamdaman koPagkalapag ng eroplano, mabilis kong inayos ang sarili ko. Malamig ang hangin sa labas, pero mas nanunuot sa akin ang kaba. Sinabi ko kay Rainiel ang flight details ko. Pilit kong iniiwasang magkrus muli ang landas namin ng lalaking ito dahil baka nandito si Rainiel. Pero nang ti
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram