Share

Kabanata 298

Author: Roxxy Nakpil
last update Huling Na-update: 2024-11-08 21:17:09

KAYLINE POV

Pagkasakay ko sa sasakyan, naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin mula sa veranda, pero hindi ko na kayang lingunin pa si Ethan. Pagod na akong magpaliwanag, maghintay, at makaramdam ng sakit dahil sa mga salitang binitiwan niya.

Narito na si Anthony, ang kakambal ko, na alam kong handang buhatin ang bawat sugat na iniwan ni Ethan sa akin.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Anthony habang tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, ang bawat bigat ng salitang gusto niyang sabihin, pero pinipigilan niya para hindi na ako masaktan pa.

Napalingon ako sa kanya. “Sinabi ko naman kasi sayong hindi nararapat para sa’yo ’yung lalaking ’yan,” dagdag niya, may halong galit sa kanyang boses. “Tignan mo ang ginawa niya sa’yo, matapos mong talikuran ang lahat para sa kaniya ganito lang ang gagawin sa’yo.”

Kumirot ang puso ko, pero pinilit kong ngumiti. “Thank you, Anthony,” sabi ko, nakatingin ulit sa labas ng bintana, hindi ko lan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 299

    ETHAN POV Matapos na ma grant ang annulment ng kasal namin ni Kayline ay binuhos ko na ang oras ko sa pagtatrabaho. Mapa opisina man o sa bahay . Hindi ko na nilaanan ng pansin ang ibang bagay sa paligid ko. Pati ang mga kaibigan ko ay naninibago na sa akin dahil sa mga pagtanggi ko sa kanilang pag- aaya. Napasandal ako sa aking upuan. “Sh*t bakit parang sobrang apektado ako sa ginawa kong annulment. Ilang taon kong tinakasan ang asawa ko at sa una’t huling beses na nakita ko siya. Kakaibgang pagkalumbay ang naramdaman ko. Stop your illusion Ethan, wag mo ng balikan ang gabing may nangyari sa inyo dahil hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang asawa mong magpaliwanag.” Sabi ko sa aking sarili. Naglalakad si Mom papasok sa opisina, kaya ibinalik ko ang aking paningin sa computer. May dalang mapanuksong ngiti sa labi at tila ba tagumpay na tagumpay ang pakiramdam. Hindi pa man siya nakakalapit ay parang ramdam ko na ang mga susunod niyang sasabihin. Pagkakita niya sa akin, agad

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 300

    Tumitig ako sa kanya, at sa kabila ng inis at galit, alam kong nagtagumpay siyang pagtaniman ako ng pagdududa. Ang mga salita niya ay hindi madaling tanggalin, at habang iniisip ko ang lahat, unti-unting sumiksik sa isipan ko ang imahe ni Kayline kasama ang lalaking iyon.At doon ko naramdaman ang galit, ang pagdududa, at ang kirot ng kawalan ng kontrol.Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga reports na hawak ko, pero hindi ko mapigilan ang iritasyon habang naririnig ang pagsara ni Mommy sa pinto ng aking opisina pero sinadya niyang hindi ito ilapat ng husto . Hindi pa rin siya natitinag ganun talaga siya, laging may paraan para itulak ang gusto niya, kahit pilit kong tanggihan.“Iha! Sofia, bakit hindi ka muna maghintay sa sala? Hayaan mo si Ethan na siya ang lumapit sa’yo,” malambing niyang sabi, pilit binibigyang diin na nasa labas ang babaeng gusto niyang ipakilala sa akin. Naririnig ko ang bawat salitang binibitawan niya mula sa labas ng pinto, at alam kong naroon si Sofia, n

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 301

    ETHAN POV AFTER FEW MONTHS Dahil sa sobrang ka toxic-an ni Mommy at sa mga maling sinabi niya nuon sakin tungkol kay Kayline ay naisipan kong magpakalayo-layo na muna. Ayokong makinig ulit sa mga kasinungalingang tinatanim niya sa utak ko. Kung sana ay nabubuhay lang si Daddy hindi ko sana tinakbuhan ang responsibilidad ko kay Kayline bilang asawa niya. Kaya naman ako nagtago ng mahabang panahon dahil din sa mga sinabi sa akin ni Mommy nuon, tinanim niya sa utak ko na si Kayline ay isang bayarang babae at higit sa lahat walang galang sa kanila ni Daddy. Kalaunan ay nadiskubre kong lahat ng kaniyang mga pinarating sa akin ay walang katotohanan, in fact si Kayline ay isa sa mga kababata ko nuong nakatira pa kami sa Cebu. Lahat ng pagsisisi ko sa desisyong ginawa ko ay huli na. Hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon ang childhood sweetheart ko na ipakita kung sino siya bagkus ay nagdesisyon na lang ako bigla na mag file ng annulment ng hindi ko siya nakakaharap. Ngayon ko nar

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 302

    “Alam niyang ano, Ethan?” seryosong tanong ni Patrick, nakatingin sa akin. “Alam niya bang masakit sa ‘yo? Eh ikaw nga itong nagpakawala sa kanya, di ba? Huwag mong sabihing nagsisisi ka ngayon.” Napatitig ako sa dagat, pero hindi ko maitago ang paninikip ng dibdib ko. “Alam mo ba, Patrick, sa tingin ko… oo, nagsisisi ako. Tangina, hindi ko nga alam. Bakit ganito? Sobrang pang-iinsulto ang ginawa ko sa kaniya.” “Alam mo , no offense ah kaya ka nagkakaganyan dahil nakita mong masaya na siya, ” biro ni Patrick, pero seryoso ang tono niya. “Ethan, huwag kang magpakatanga. Alam kong nasasaktan ka, pero ikaw mismo ang naglagay sa kanya sa sitwasyong to.” Napalingon ako sa kanya, nanlalalim ang tingin ko. “nakadali naman sa kaniya na ganyang ang gawin niya. Agad agad may kapalit na kagad ako. Nakaka-insulto lang kasi bro na ganun-ganun lang ay nakalimot na siya kagad. I hate this feeling, bakit ba kasi naniwala ako kay Mommy ng sabihin niyang bayarang babae si Kayline. ” “and that's y

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 303

    Lumalim na ang gabi, lasing na lasing na kami ni Patrick, halos hindi na makatayo si Patrick sa kaniyang kinauupuan. Wala na din direksyon ang pinag-uusapan namin. Pero ako ang tuon lang ng utak ko ay nasa aking ex-wife. Hindi ko na kayang tiisin pa. Ibinukas ko ang pintuan ng bar, at ramdam ko ang mainit na galit na kumukulo sa dibdib ko. Ang mga galit na salitang ipinagkait ko sa kanya noon, mga pagkakamali kong hindi ko kayang tanggapin, ang lahat ng iyon, kumawala sa katawan ko nang hindi ko namamalayan. Si Kayline at ang lalaki niya, sa kabila ng liwanag ng bar, parang hindi ko sila makita ng malinaw. May pagnanasa akong makita siyang magalit, makuha ang pansin niya, malaman niyang may natirang pagnanasa pa ako para sa kanya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ang sakit ,sobrang sakit, ang bumabalot sa akin. Gusto kong magwala. Gusto kong masaktan siya. Dumiretso ako sa kanilang kinauupuan . Sinapak ko ang lalaking kasama niya. "what's wrong with you?!" nagtataka niyang tanong.

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 304

    KAYLINE EDUARDO POV Pagkatapos naming iwan si Ethan sa loob ng bar, tumatawa pa rin kami ni Lander habang naglalakad palayo. Itong si Lander nasapak na at lahat puro kalandian pa rin ang naiisip. Inaasar niya ako tungkol kay Ethan na ngayon lang niya nakita sa personal. Wala na ang bigat sa dibdib ko, at masaya lang akong kasama si Lander, ang kaibigang laging nagpapasaya sa akin. “Girl, kaya ka pala baliw na baliw sa ex-husband mo,” biro niya, at humagikgik. “Ang gwapo naman pala talaga! At ang hunk, grabe! Sh*t, ang sarap niya siguro!” “Tumigil ka nga diyan, Lander!” balik ko habang tumatawa. Napapailing ako, pero alam kong namumula na naman ang pisngi ko. Nakakainis na kinikilig ako, kahit hindi ko dapat maramdaman iyon ngayon. “Aba, hindi mo maitatanggi, girl! Kita ko ‘yung titig mo habang pinagmamasdan mo siya kanina,” dagdag pa ni Lander, nagtatawa na parang nanalo sa asaran. “Tigilan mo na ako! Tama na yang pang aasar mo!” siniko ko siya ng mahina, pero lalo lang siy

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 305

    Habang nag-aayos kami ng mga dala niya sa mesa, napansin kong pasulyap-sulyap si Lander sa akin, at alam ko na kung anong nasa isip niya. Maya-maya lang ay nagsimula na nga siyang magkuwento nang may halong pang-aasar. “Tita, may chismis ako,” bungad ni Lander, kunwari pa ay nag-aalangan pero halatang sabik. “May nakita si Kayline sa bakasyon namin. ‘Di ba, Kayline?” tinutukso niya ako habang may pilit na ngiti. Nilingon ko siya, at napa-roll eyes ako. “Ano na naman yan, Lander?” Pero si Lander, hindi talaga mapipigilan. “Tita Madie, si Ethan! Alam mo ba? Nagkita sila ni Kayline, at naka check in pa sa hotel nila Tito Daniel” sabi niya, parang announcer na may halong drama. Tawang-tawa na siya bago pa man matapos ang kwento. Napatigil si Tita Madie at tinignan ako nang may malalim na ngiti. “Talaga? So nagkita kayo ni Ethan? Aba, parang tadhana na ‘yan, Kayline!” Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo, Tita, pero wala naman..wala naman talagang nangyari. Nagkabanggaan lang

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 306

    ETHAN POV Simula pa lang ng araw pero hindi na ako mapakali. Ilang araw na rin simula noong nagkita kami ni Kayline sa bar, at simula noon, parang wala nang ibang laman ang isip ko kundi siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa katangahang nagawa ko para kay Kayline. Ang pag-iisip na may ibang lalake siya. Balisang balisa ako dahil nagu-guilty ako sa mga tinapon kong akusasyon sa kaniya na hindi naman niya ginawa. Pumunta ako sa silid ni Patrick at bigla akong humiga sa kaniyang tabi “Patrick, tulungan mo naman ako,” pero hindi siya sumagot sa akin, nagmamaang-maangan at kunyaring natutulog siya. “Patrick! Huwag ka nang magpanggap na natutulog dyan!” hiyaw ko at hinila ko siya sa kanyang pagkakahiga. Hindi niya natuloy ang pagpapanggap at napabuntong-hininga bago umupo nang tamad. “Ethan, ang aga-aga, hindi mo ba ako pagbibigyan ng konting pahinga?” reklamo niya, pero may halong biro ang tono. “Alam mo, bro, daig mo pa baliw ngayon. Wala ka ng bukang

Pinakabagong kabanata

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 329

    ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 328

    Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 327

    Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 326

    Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 325

    KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 324

    ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 323

    Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 322

    ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 321

    Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma

DMCA.com Protection Status