Nang makumpirma ng doktor na ligtas na sa peligro si Madie. "Maiwan muna namin kayong mag-asawa. Anak, masaya kami sa pagbalik mo. Babalik na lang ulit kami bukas para bisitahin ka. Magpalakas ka" sabi ni Mommy Kate kay Madie na punong puno ng ngiti. "Sige na kung may kailangan kayo Daniel tawagan mo lang ako anytime okay" sabi ni Mommy sabay halik kay Madeline. Nagpaalam ang lahat ng bisita para bigyan kami ng oras bilang isang buong pamilya sa loob ng silid. Pagkalabas nina Mommy Kate, Ate Amara, Tita Zaira, at Abuelo, naramdaman ko ang katahimikan ng silid, ngunit puno ito ng init at pagmamahal. Ang bigat ng limang taong paghihintay, pag-aalala, at dasal ay tila naglaho sa isang iglap ang puso ko ay napuno ng kaligayahan. Nakaupo ako sa tabi ni Madie, hawak ang kanyang kamay, habang si Madeline naman ay masayang nakaupo sa tabi ng mommy niya, may kislap sa mga mata na parang alam niyang sa wakas ay nagising na ang kaniyang Mommy, nakakatuwang pagmasdan si Madeline dahil panay
Matapos ang ilang araw ay pinayagan na din ng doktor na makauwi si Madie sa bahay. Ramdam ko ang kakaibang liwanag sa aming buhay parang bawat umaga ay isang bagong simula. Ang simpleng mga bagay na dati ay halos hindi ko napapansin pero ngayon ay sobrang halaga na. Pagmulat pa lang ng mata ko sa umaga, at nakikita ko si Madie sa aking tabi at sa bawat ngiti niya, parang inaalis ang lahat ng sakit na naranasan namin. Si Madeline naman ay pinapakita sa kaniyang Mommy ang kaniyang pagiging mabibo, palaging may bagong tanong, laging gustong kasama ang mommy at daddy niya sa kahit anong ginagawa. Isang araw, habang nagpapahinga si Madie sa kama at si Madeline naman ay abala sa mga laruan niya sa sahig, bigla siyang nagtanong, “Mommy, Daddy, bakit po kayo masaya?” Napatingin kami ni Madie sa isa’t isa, natatawa sa simpleng tanong na iyon, pero alam kong malalim ang ibig sabihin para sa amin. Bumaba ako at umupo sa tabi ni Madeline, hinahawakan ang kanyang maliit na kamay. “Alam mo, Made
PROLONGUE:Mas naging matatag ang pagsasama nina Daniel at Madie. Puno ng sigla si Madie at mas aktibo na siyang nakikisama sa bawat galaw ng kanilang maliit na pamilya. Kahit ang kanilang anak na si Madeline ay napapansin ang kakaibang kasiyahan sa kanilang bahay isang kagalakan na dala ng pagmamahalan at tagumpay laban sa mga pagsubok.Isang umaga, habang naghahanda si Madie ng almusal sa kusina, biglang pumasok si Daniel, may dala-dalang bulaklak at nakangiting parang bata.“Wow, ang aga mo yatang nagising, mister!” sabi ni Madie, habang natatawa at tinanggap ang mga bulaklak.Ngumiti si Daniel at yumakap kay Madie. “Gusto ko lang ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. Alam kong sinasabi ko ito araw-araw, pero hindi ko kayang hindi iparamdam sa’yo.”Bago pa man makasagot si Madie, biglang sumulpot si Madeline, suot ang isang maliit na apron at may dala-dalang kahoy na kutsara. “Mommy, Daddy! Tutulungan ko kayo magluto! Gusto ko rin ng pancakes!” Ang kanyang mga mata ay kumikislap s
KAYLINE POV AFTER 7 YEARS Dahil sa isang kasunduan mula sa kahilingan ng isang lalaki na mamamatay ay napasok ako sa isang kasal na ni minsan ay hindi ko man lang nakita o nakilala ang aking asawa na siyang anak nito. Walang ni sino man ang nakakaalam ng totoong estado ko sa buhay. Ito ang pakiusap ko kila Mommy Amara ang magkaruon ng tahimik na buhay. Gusto kong lumikha ng pangalan ko sa sarili kong kakayahan at hindi dahil sa kung anong meron ang pamilya namin. Makalipas ang tatlong taong pagkakakasal , sa wakas, heto kami ngayon ni Ethan sa isang restoran ang unang pagkakataon naming magkita bilang mag-asawa. Hindi ito ang tipikal na pagkikita ng isang mag-asawa; ni hindi ko nga alam kung alam niyang ako ang asawa niya. Hindi ko alam kung dahil sa tama ng alak o dahil sa pagod at pananabik, pero nauwi ang gabi sa isang hindi inaasahang init. Isang matinding gabi ng pagnanasa ang naging resulta ng aming unang pagkikita. Kinabukasan, nagising akong katabi siya. Nakita
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Nababaliw ka na ba? For God’s sake, I’m your w—” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko. “Huwag na,” bulong niya, malamig, halos tila utos. Ramdam ko ang panlalamig ng kanyang kamay, ngunit mas ramdam ko ang apoy ng poot sa loob ko, na pilit kong pinipigil. Alam kong hindi dito matatapos ang usapan namin, kahit pa pilit niya akong pinapatahimik. Hinawi ko ang kamay niya mula sa bibig ko at diretso siyang tinitigan. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata, pero bakas din ang kanyang pangungutya, na para bang wala akong halaga. Sa bawat titig niya, mas lalong tumitindi ang poot sa dibdib ko. Para bang hindi niya man lang nakikita ang tunay kong pagkatao, ang posisyon ko sa buhay niya. Ako na asawa niya, at wala siyang kamalay-malay. Ngunit ako? Wala na akong balak magpaliwanag. Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa isang taong walang pakialam, sa isang taong walang respeto. Sa halip, tu
Ethan’s POVPagharap ko, napansin kong wala na siya. Yung babae, basta na lang nawala, at ang card na iniwan ko para sa kanya… hindi man lang niya kinuha. Nakakunot ang noo ko. Sino siya para tanggihan iyon? Pero imbes na mag-alala, inisip ko na lang na baka mas mabuti ngang natapos na agad ang gabi namin.Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Mom. Hawak niya ang annulment papers na hinihintay ko nang matagal na. Hinagkan niya ako sa pisngi at nagsimulang mag-usap.“Kung hindi lang dahil namayapa mong ama, hindi ko talaga papayagan na makasal ka kay Kayline,” sabi niya nang walang bahid ng emosyon. “Masyadong malayo ang agwat ng pagkatao ninyo ng anak ko.”“Akala ko ba Mommy napirmahan na ng asawa ko ang annulment e wala pa dito aah?” Nagtataka kong tanong“ay oo anak. Natapunan kasi ng kape yung unang dokumento pero okay na yan, pinatawag ko na siya.” Bulong pa niya sa akin.Tumango ako, kahit wala akong masyadong pakialam sa mga detalye. Basta matapos na ang lahat ng ito.Ilang m
KAYLINE POV Pagkasakay ko sa sasakyan, naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin mula sa veranda, pero hindi ko na kayang lingunin pa si Ethan. Pagod na akong magpaliwanag, maghintay, at makaramdam ng sakit dahil sa mga salitang binitiwan niya. Narito na si Anthony, ang kakambal ko, na alam kong handang buhatin ang bawat sugat na iniwan ni Ethan sa akin. “Okay ka lang ba?” tanong ni Anthony habang tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, ang bawat bigat ng salitang gusto niyang sabihin, pero pinipigilan niya para hindi na ako masaktan pa. Napalingon ako sa kanya. “Sinabi ko naman kasi sayong hindi nararapat para sa’yo ’yung lalaking ’yan,” dagdag niya, may halong galit sa kanyang boses. “Tignan mo ang ginawa niya sa’yo, matapos mong talikuran ang lahat para sa kaniya ganito lang ang gagawin sa’yo.” Kumirot ang puso ko, pero pinilit kong ngumiti. “Thank you, Anthony,” sabi ko, nakatingin ulit sa labas ng bintana, hindi ko lan
ETHAN POV Matapos na ma grant ang annulment ng kasal namin ni Kayline ay binuhos ko na ang oras ko sa pagtatrabaho. Mapa opisina man o sa bahay . Hindi ko na nilaanan ng pansin ang ibang bagay sa paligid ko. Pati ang mga kaibigan ko ay naninibago na sa akin dahil sa mga pagtanggi ko sa kanilang pag- aaya. Napasandal ako sa aking upuan. “Sh*t bakit parang sobrang apektado ako sa ginawa kong annulment. Ilang taon kong tinakasan ang asawa ko at sa una’t huling beses na nakita ko siya. Kakaibgang pagkalumbay ang naramdaman ko. Stop your illusion Ethan, wag mo ng balikan ang gabing may nangyari sa inyo dahil hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang asawa mong magpaliwanag.” Sabi ko sa aking sarili. Naglalakad si Mom papasok sa opisina, kaya ibinalik ko ang aking paningin sa computer. May dalang mapanuksong ngiti sa labi at tila ba tagumpay na tagumpay ang pakiramdam. Hindi pa man siya nakakalapit ay parang ramdam ko na ang mga susunod niyang sasabihin. Pagkakita niya sa akin, agad
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma