DANIEL POVTatlong buwan na ang lumipas simula nang ikasal kami ni Madie, at bawat araw ay para pa rin kaming nag-ho-honeymoon. Iniwasan ko munang bumalik sa Maynila para mas ma-enjoy namin ang buhay mag-asawa. Walang problema, walang pressure , tanging saya, saya, at kami lang dalawa. Gusto ko munang gawin ang mga plano naming gawin para sa renovation ng mansyon . Isang umaga, abala akong umiinom ng fresh buko juice sa balkonahe, nang biglang sumulpot si Madie sa tabi ko, ang kaniyang mga mata ay nanginginang sa pagka excitement. Hindi ko alam kung ano na naman ang naisip ng aking asawa. “Baby, ang ganda ng araw! Mag-surfing tayo!”Napangisi ako. “Wow, wow, wow! Teka nilalagnat ka ba Mrs.Madison Miller? Dati-rati, ikaw itong ayaw mag-surf dahil takot ka sa malalaking alon, pero ngayon ikaw pa ang nagyayaya. Sigurado ka ba? Dahil hindi ako tatanggi!”“Oo nga, siguradong-sigurado ako!” mabilis niya
Natahimik siya sandali, at sa pagkakatigil na iyon, narinig ko ang munting hikbi niya sa kabilang linya. "Buntis si Madie?" pabulong niyang tanong, tila hindi pa makapaniwala."Opo, Mommy Kate. Pitong linggo na… may anak kaming dinadala si Madie." Hinigpitan ko ang kapit sa telepono, halos humihinga ako sa bawat salitang sinabi ko"Daniel, anak…" Halos hindi ko marinig ang boses niya, pero dama ko ang kanyang pagmamahal at pag-alala. "Kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang magising para sa anak niyo. Magiging matatag tayo, Daniel. Gagawin natin ang lahat para sa kanilang dalawa."Nagpaalam na ako kay Mommy dahil nag-usap na silang lilipad papunta dito sa Siargao pero habang hawak ko ulit ang kamay ni Madie, hindi ko mapigilang umiyak. "Madie… baby, maghihintay ako sa’yo… may naghihintay sa ating pamilya. Lumaban ka, ha? Para sa akin… para sa atin."Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Madie, hawak ko ang malamig niya
DANIEL POV Lumipas ang mga araw, at si Madie ay patuloy na nasa kanyang malalim na pagtulog. Sa bawat araw na nagdadaan na ako ay naghihintay minsan pakiramdam ko wala ng pag-asang magising pa siya, unti-unti ng bumibigay ang katawan ko sa pagod at matinding pag-aalala. Palagi kong hinahawakan ang kaniyang mga kamay para maramdaman niyang palagi lang akong nasa tabi niya at hindi ako aalis kailanman, umaasa ako na maririnig niya ang bawat salitang ibinubulong ko sa kanya. "Madie," bulong ko sa kaniya, ang boses ko’y parang humuhuni sa hangin. "Alam mo bang ang ganda ng araw ngayon? Asul na asula ng ulap, at ang hangin napaka presko ang sarap maglakad lakad baby. Gusto ko sanang makita mong naglalaro ang mga bata sa labas… parang ikaw at ako noon, punung-puno ng saya habang naghaharutan tayo sa mansyon." Sa isip ko, "Sana marinig mo ako, sana malaman mong nandito ako." Ngunit sa mga mata ko, wala siyang sagot, kundi ang tahimik na mukha na tila nagpapahinga. Pinipilit kong maging ma
AFTER 4 MONTHS Mabilis na nagdaan ang panahon pero ang kondisyon ni Madie ay nananatiling ganuon, dahil sa isang aksidenteng bumago sa aming buhay, magmula nuon ay nangako akong hindi na muling kakapit ng surf board. Lahat ng iyon ay tinapon ko. Ang galit ko sa dagat ay walang paglagyan. Sa tuwing uuwi ako ay palagi kong sinisisi ang dagat kung bakit nagkaganito ang asawa ko. Gayunpaman sa araw-araw na nananatili si Madie sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ay maaninag pa rin ang angking kagandahan niya. At sa bawat araw na nagdaan, matiyaga ko siyang inaalagaan, sinusuklian ang kanyang katahimikan ng bawat pag-aalaga na kaya kong ibigay. Nililinis ko ang kanyang katawan, pinapalitan ang kanyang damit, sinisiguradong kahit na hindi siya gising ay nandito lang ako at nagmamahal sa kaniya. Isang umaga, habang abala ako sa pag-aasikaso sa kanya, narinig kong pumasok si Mommy Kate sa kwarto. Hinawakan niya ang balikat ko, isang mahinang tapik na puno ng pagmamahal at pag-aalala. “Dani
Pagkatapos ng ultrasound, halos hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang sabihin ng doktor na magiging ama ako ng isang baby girl. "Oh Daniel, wag ka ng mag-alala dahil napaka healthy ng baby mo. Hindi naka apekto sa developement niya ang kondisyon ni Madie, kahit papano ngayon ay malaki na ang aimprovement ni Madie, may response na kaming nakita sa kaniya. Malaking bagay na nag-re-response ang kaniyang daliri sa tuwing kakausapn siya. Alam kong mahaba na ang naging battle natin pero malapit na din itong matapos. Konting tiis lang." nakangiting sabi ng doktor. Para namang nanalo sa lotto ang mga kasama ko sa loob ng silid sa sobrang tuwa. "wow! congratulations bro!" pagbati sa akin ni Maverick. "Congratulations Daniel, magkakaruon na tayo ng little Madie” sabi ni Mommy Kate "Aba nga naman Daniel , congratulations. Kailangan kong bumili ng mga ireregalo ko sa apo ko sa tuhod. “ excited namang sabi ni Abuelo. “Oo nga sobrang nakakatuwa naman ipapaayos ko na ang magiging
AFTER 5 YEARS Sa loob ng silid ni Madie, masaya kaming nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Kasama namin ang anak namin na si Madeline. Magmula ng isilang ang anak namin ni Madie walang araw na hindi ko dinadala si Madeline sa kaniyang Mommy kahit pa ng baby ito. Hindi na ako muna kumuha ng tagapag alaga ni Madeline dahil gusto kong maging hands on Dad. Kagaya ng ordinaryong araw namin wala na namang tigil sa kaniyang kadaldalan itong si Madeline, kahit na bulol ay madami siyang kinukwento, may paminsan pang sinusumbong niya ako sa kaniyang mga grand parents kaya naman aliw na aliw sa kanyang mga lolo, lola, at mga tita niya. Si Mommy Kate, Ate Amara, at Tita Zaira ay hindi magkamayaw sa kakulitan ni Madeline. Nagkakagulo pa nga sa pag-aabot ng laruan sa kanya, habang si Abuelo ay natatawang nanonood. Napakasaya ng aming pamilya, at hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang lahat. Kahit papano ay nabawasan ang bigat ng pasanin ng aking puso. “Aba, Madeline, hawig na ha
Nang makumpirma ng doktor na ligtas na sa peligro si Madie. "Maiwan muna namin kayong mag-asawa. Anak, masaya kami sa pagbalik mo. Babalik na lang ulit kami bukas para bisitahin ka. Magpalakas ka" sabi ni Mommy Kate kay Madie na punong puno ng ngiti. "Sige na kung may kailangan kayo Daniel tawagan mo lang ako anytime okay" sabi ni Mommy sabay halik kay Madeline. Nagpaalam ang lahat ng bisita para bigyan kami ng oras bilang isang buong pamilya sa loob ng silid. Pagkalabas nina Mommy Kate, Ate Amara, Tita Zaira, at Abuelo, naramdaman ko ang katahimikan ng silid, ngunit puno ito ng init at pagmamahal. Ang bigat ng limang taong paghihintay, pag-aalala, at dasal ay tila naglaho sa isang iglap ang puso ko ay napuno ng kaligayahan. Nakaupo ako sa tabi ni Madie, hawak ang kanyang kamay, habang si Madeline naman ay masayang nakaupo sa tabi ng mommy niya, may kislap sa mga mata na parang alam niyang sa wakas ay nagising na ang kaniyang Mommy, nakakatuwang pagmasdan si Madeline dahil panay
Matapos ang ilang araw ay pinayagan na din ng doktor na makauwi si Madie sa bahay. Ramdam ko ang kakaibang liwanag sa aming buhay parang bawat umaga ay isang bagong simula. Ang simpleng mga bagay na dati ay halos hindi ko napapansin pero ngayon ay sobrang halaga na. Pagmulat pa lang ng mata ko sa umaga, at nakikita ko si Madie sa aking tabi at sa bawat ngiti niya, parang inaalis ang lahat ng sakit na naranasan namin. Si Madeline naman ay pinapakita sa kaniyang Mommy ang kaniyang pagiging mabibo, palaging may bagong tanong, laging gustong kasama ang mommy at daddy niya sa kahit anong ginagawa. Isang araw, habang nagpapahinga si Madie sa kama at si Madeline naman ay abala sa mga laruan niya sa sahig, bigla siyang nagtanong, “Mommy, Daddy, bakit po kayo masaya?” Napatingin kami ni Madie sa isa’t isa, natatawa sa simpleng tanong na iyon, pero alam kong malalim ang ibig sabihin para sa amin. Bumaba ako at umupo sa tabi ni Madeline, hinahawakan ang kanyang maliit na kamay. “Alam mo, Made
THIRD PERSON POV Nagpatuloy pa ang kasiyahang iyon . Matapos magsayaw ng mag-asawa ay binigay na ng host ang dance floor para sa mga bisita. May gimik din ang organizer ng mga wedding games. Lahat ay nakiki-pag-participate ultimo sila Kim ay palaging gustong kasali sila sa mga palaro. Tuwang tuwa ang mga bata. Ang lahat ng pamangkin ko sa pinsan ay masayang nakikigulo . Nakakatuwa din si Kim dahil kung hindi alam na ito ay anak ni Jerald ay siguradong mapapagkamalan mong si Natalie ang nanay ng mga ito. Kamukha kasi niya ang bata. Nagtapos na nga ang kasiyahan sa reception hall. Ay diretso ng hinatid ni Natalie ang mga parents nila sa kanilang kwarto. Samantalang hindi pa doon nagtatapos ang gabi para sa kanila. Sa isang room sa hotel na arkilado din nila ay nagpatuloy ang party. This time sila -sila na lang magkakaibigan. Sinama din ng mga ito ang kapatid ni Haime pati na rin ang Kuya ni Natalie. Nagpalit muna sila ng mga komportableng damit para makakilos sila ng maayos
Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin. Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin. “Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung
NATALIE POV Pakiramdam ko ay parang paniginip ang lahat. Hindi ko mapigilian ang hindi mapaluha sa sobrang saya. Habang naglalakad ako papalapit sa harap ng altar ay nakikita ko ang aking buong angkan. Sila Tita Amara, Tito George , ang mga pinsan kong dekada na ng huli kong nakita ay masayang nakangiti sa akin. Malapit na ako sa harap kung san nahihintay sa akin si Haime kasama ang parents niya. Nang magtapat na ang aming mga mata ay kinapitan kaagad ni Haime ang aking mga kamay, ngumiti siya habang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata, magalang kaming nagmano sa aming mga parents. Hindi pa man nagsisimula ay narinig ko ng nagbilin si Daddy kay Haime. " huwag mong paiiyakin ang unica ija ko . Buong angkan namin ang makakalaban mo!" pagbibiroa ni Daddy na may halong katotohanan. Malakas naman na tawanan ang maririnig sa loob ng simbahan dahil sa kapilyuhan ni Daddy. “I would never do that po tito, Natalie is my life!" naka-ngiting sagot ni Haime kay Daddy. Matapos ng kan
THIRD PERSON POVMabilis na lumipas ang araw. Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Haime. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Jethro. Kasama niyang nagbyahe ang mga kaibigang nurse at doktor na aalalay sa parents niya at magmomonitor during the floght. Nag leave ang mga ito ng 2 weeks para sa event na yun. Sa bahay ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Haime dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito. Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistik
SA BAHAY NG PARENTS NI HAIME HAIME POV Sinundo ko na si Natalie sa bahay nila . Maganda ang ayos niya at kitang kita na pinaghandaan niya talaga ang gabing ito. Ito kasi ang gabi na makikilala na din niya sa wakas ang family ko. Kinakabahan talaga ako. Bukod sa unang beses nilang magkikita kita ay maaring pag-usapan nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi din naman nagtagal at nakarating na kami sa ancestral home namin. “Good evening Sir, Mam!” Magalang at nakangiting bati ng security guard sa amin.“Good Evening din kuya . Kamusta po?!” Tanong ko sa kaniya.“Okay naman sir. Medyo puyat lang po kasi kakapanganak lang ni Misis.” Tugon niya“Ganun ba kuya?! Sana nag leave muna kayo papayagan namn kayo ni Mommy.” Tanong ko sa kaniya.“Okay lang Sir. Sayang din po kasi ang sasahurin ko.” Sabi pa niya.“Naku kuya. Mas sayang ang moment na kasam mo ang family mo. Sige kakausapin ko si Mommy kahit 30 days leave ka with pay. Ako ng bahala. “ sabi ko sa kaniya“Naku sir salamat po, ang
PRESENT TIME Mahigpit akong niyakap ni Mommy. Umiiyak siya sa tuwa sa mga sandaling ito. n “Anak anong gusto mong kainin?!” excited niyang sabi. panay ang paghalik niya sa akin ” Manang! “ sigaw pa niya sa aming kasambahay ” Pakisabi kay Pen na iluto lahat ng paborito ni Haime!. Andito ang Sir Haime niyo!” Pagmamalaki nito sa mga kasamahan sa bahay. Nagmamadaling lumabas din si Manang mula sa station niya at masayang bumati sa akin Ngumiti naman at masayang binati siya ng matandang mayordoma nila “Sir welcome back po!” “Salamat Manang! “Nakangiti kong tugon sa kaniya. “Mommy may gusto lang sana akong sabihin sayo kaya ako pumunta dito.”nakayakap ako sa bewang ni Mommy habang naglalakad kami papuntang sala. Tahimi ang paligid ng mansyon hindi gaya ng huling apak ko dito na nagkakagulo ang lahat. “Aba anak mukhang seryoso yan! Hindi ka naman pupunta dito kung hindi yan importante. Ilang beses na kitang pinapabalik dito pero ayaw mo!” nagtatakang tugon ni Mommy. “Mommmmy!”tila
SA MANSYON NG MGA RODRIGUEZ Nananakbo pababa ng hagdan si Carmi, ang Mommy ni Haime. Member na din ng Senior Citizen society itong si Carmi, ngunit malayo sa kanyang edad ang kanyang itsura at pagkilos. Aktibo kasi ito sa pag-attend ng zumba class at cardio vascular exercise kasama ng kanyang mga Amiga. Halos mahulog na ito sa hagdan sa pagmamadali, makalipas kasi ng higit sa 5 taon ay ngayon na lang ulit umuwi si Haime sa kanilang family house. Ang huling beses na ito’y umuwi sa mansyon ay bago pa man sila maghiwalay ng kanyang live-in partner na si Pearl. HAIME POV THROWBACK NG RELASYON NI HAIME AT PEARL Buong akala ko ay masaya si Pearl sa aming pagsasama. Ngunit may isang eskandalo ang gumulo sa buhay naming mag partner pati na rin sa aming pamilya pamilya. Maraming balita na siyang naririnig tungkol sa pagkakaroon ng kalaguyo nitong si Pearl, palagi diumanong nakikita itong may kasamang lalaki na lumalabas ngunit hindi ko iyon pinansin, maayos naman kasi ang pakikitungo sa
THIRD POV "Besssyyyyy Congrats! wooooooohhhh!'" hiyaw ni Maika sa kaibigan, sinuot ng mga ito ang sash na kanina ay gamit nila, nilagyan pa nila ng korona si Natalie bilang reyna ng araw na iyon. "naiiyak ako bessy! finally ikakasal ka na!, nakakainggit naman si Natalie baby." pang-aasar ng mga kaibigan niya. Tumingin si Mark sa kaniyang borfriend na si Ryan at sumandal pa ito sa dibdib ng kanyang partner habang hawak ang alak. Hinalikan naman ni Ryan si Mark sa kanyang ulo. Hindi ito sumagot sa sinabing iyon ng kanyang partner. "sus! sussss! ikaw talaga Mark. susunod ka na. Oh ito na ang korona!" humalakhak silang lahat sa pangungulit ni Colton. Napatungga na lang si Jasmin. "aarte ka pa. Ako nga hindi man lang mailabas ni Brett , paminsan-minsan na lang kami magkitang dalawa." pag-iinarte din nito. "eh kung sabunutan ko kaya kayo. ano to paligsahan ng araw ng ikakasal. Basta sis kami happy for you. Kelan na ba ang plano nio?" pagpapakalma ni Maika sa mga kaibigang nag-iinarte
IN THE PHILIPPINES Prolongue May aftermath pa para kay Natalie ang ngyari sa US. Pero wala siyang choice dahil back to reality na naman siya. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay niya muna siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Haime ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog ng silipin niya. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast. Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kas