LANCE POV
Nabighani ako sa naging ng aming event coordinator para sa loob ng simbahan sa dadanan ni AMara patungo sa harapang ng altar. Nilagyan nila ito ng red carpet at sinunod nila ang aking instruction na medyo may pagka filipino touch dahil sa mga native na strend ng walis tambo at mga kulay puting puting mga bulaklak na hinaluan ng mala rosas na kulay ng bulaklak. Kung iyong titignan ang loob ng simbahan ng Sagrada de Familia ay hindi mo aakalaing nasa Spain ka. Sa vibes ng ayos ng aking coordinator ay aakalain mong nasa simbahan ka lang sa Pilipinas.“Thank you po sa lahat ng naglaan ng time nila at i register ko kahad. Anim na taon ang nakalipas. Panahong halos ikabaliw ko ng hindi ko makita si Amara. Ang dami mang negativity sa paligid ay pilit akong nanindigan sa tinatakbo ng aking puso. Alam kong darating din ang araw na ito. Ang araw na muli kaming haharap dalawa ni Amara sa altar. Tumabi sa akin ang kambal sa harapan ng altar. MagkakasAMARA PROLONGUE "At ngayon naman pakinggan natin ang inyong mga wedding vows sa isa't isa. Tandaan ninyo sasabihin niyo ang mga salitang ito sa harapan ng Panginoon, saksi ang Diyos at tao sa inyong susumpaan kaya dapat lahat ng ipapangako ninyo sa isa't isa ay hindi lang sa salita kundi pati sa gawa ay gagampanan ninyo." paalala pa ni Father sa amin. Inabot na nito ang mikropono sa akin. "Lance, My Love. Uunahin ko na sa sorry. (humarap muna ako sa lahat ng tao) sorry po kasi on the spot ito kaya wala akong note. Sasabihin ko na lang po ang aking nasa puso. (bumalik na ako ng tingin kay Lance, nakatitig ako sa kaniyang mata at sinimulan ko na ang mga gusto kong sabihin) Sorry kasi dapat ngyari na ang lahat ng ito 6 years ago , sorry kung nadala ako ng aking galit at hindi ko hinintay ang iyong paliwanag sa akin ng totoong dahilan ng mga ngyari dati (naluluha kong sabi) sorry Love kasi halos 6 na taon ang nawala sa iyo para maka-bonding ang mga bata na sana ay nakasama ka nila sa
LANCE PROLONGUENauna ang aming sasakyan na magtungo sa aming reception hall. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa Sagrada mabuti na lamang at may kakilalang pinoy caterer ang aking kaibigan at siya ang nag asikaso ng lahat ng makakain sa aming kasal.Kinontrata ko ito sa kanilang all in package na pagkain. Minabuti kong pinoy-european dish ang ipahanda sa aming kasal. Dahil may mga bisita din kaming European people. Nang makita ko ang kanilang dekorasyon ay napa WOW talaga ako dahil pakiramdam ko ay nasa Pilipinas lang ako. Nagsidatingan na ang mga bisita. Masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain kasama ang malalapit naming mga kaibigan at kapamilya."LOVE THANK YOU FOR EVERYTHING!" malambing na bulong sakin ni Amara."ANo ka ba Love ako ang dapat magpasalamat sayo. Sa wakas Love officially you are my wife. Mas okay pala tong ganito intimate lang. atleast konti lang tayo. Sayang nga lang at wala si Jarred. Sana saksi din siya sa pag-iisang dibdib natin. " sabi k
ZAIRA STORY NG PAGTAKAS Wala na akong ibig maisip na puntahang lugar kundi ang pumunta sa bahay nila Amara. Wala akong cellphone, wala din akong kapera pera mabuti na lamang at may matandang mag-asawa ang napadaan sa akin habang naghihintay ako sa magpapasakay sa akin. Kinakabahan man ako dahil hindi ko sigurado kung mabuting tao ba ang matatapatan ko sa aking pakikisabay ay talagang naglakas ako ng loob . Bahala na basta ang mahalaga ay makalayo ako sa lugar na iyon. Naiisip ko din si Sander, naawa ako sa kaniya pero nagpapasalamat ako sa kaniyang tulong sa akin. Sigurado akong malilitikan ang mga ito sa ginawa kong pagtakas. Lalo na kapag nalaman ni Jarred na sinadya akong patakasin nito. Hindi ko naman sinunod ang kaniyang binigay na instruction sa akin kung saan ako didiretsong pumunta dahil naisip ko kung sakaling magkagipitan , pigain man ni Jarred si Sander ay hindi ako nito matatagpuan sa lugar kung saan nito ako ituturo. “Manong/Manang maraming maraming sa
GEORGE POVNais kong sorpresahin si Ate Kate sa aking pag-uwi. Makalipas kasi ng ilang taon na nanirahan ako sa Saudi kasama ang aking ama ay hindi na ako nakakauwi sa amin. Hindi ko na din nabibisita sila Ate dahil sobrang na busy ako sa Saudi. Matapos akong itakwil ng aking ama akala ko ay tapos na ang lahat ng ugnayan namin. Malungkot ang huling pagkikita namin dahil sa takot ang aking ama na malaman ng kaniyang pamilya na nagkaruon siya ng anak sa isang katulong lalo na at Pinoy. Hindi ko ipinilit ang aking sarili kung hindi nila ako tanggap umuwi ako at bumalik sa Italy para ipagpatuloy ang aking buhay. Wala na akong magagawa duon. Hanggang sa isang araw ay naka receive ako ng tawag mula sa number nito. Hindi ko ito inaasahan nabigla talaga ako. At ng sagutin ko ito ay ang ama ko ito. Humiling siya sa akin na sa Saudi na ako manirahan upang imanage ang negosyong kanyang pinapatakbo. Noong una ay doubt ako nagpaalam ako kay Ate Kate at sinuportahan naman niya ako. Hindi ko
ZAIRA POVHalos mag iisang lingo ng din akong nagpapabalik balik sa bahay nila Amara. Naubos na ang perang binigay sa akin ng matandang nasakyan ko dahil sa pagbayad ko sa aking tinutuluyan at pagkain sa pang araw araw. halos hindi na ako nakakakain ng maayos simula ng tumakas ako, tipid na tipid ang bawat pagkain ko. Nag-isip na ako ng kung ano-anong paraan para lang maka survive ako habang hindi pa rin bumabalik sila Amara. Hinang hina na ako sa haba ng aking nilakad para lang makarating sa bahay nila Amara. Nawala na kasi sa isip ko ang petsa. Nang tanungin ko ang guard sa date ay naalala kong dapat nakabalik na nga pala kami sa Faroe. Inabot na ako ng gabi sa kakahintay sa bahay nila Amara. Naalala kong binilinan ako ni Amara na kung sakaling umuwi ako ng wala pa sila ay tinatago nila ang kanilang spare key sa may paso sa gilid ng kanilang main door. Kaya ang una kong inisip ay kung pano ko maakyat ang bakod sa kanilang bahay. Lagpas tao ito kaya may kahirapan i
GEORGE PROLONGUE Makalipas ang ilang oras nagbalik na ako sa bahay ni Amara. Hindi din ako nagtagal sa mall. Kumain lang ako sa restaurant at bumili ng ilang damit para gamitin ko sa ilang araw kong pananatili dito sa Pinas. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Amara ay nagtaka ako. Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko maalala kung bakit nakabukas ang ilaw sa kabilang guest room gayung wala namang ibang tao sa bahay na iyon kundi ako lamang. Kaya malabong binuksan ko iyon dahil wala naman akong gagawin sa silid na iyon. Gayun pa man ay nagpatuloy ako sa aking pagpaparada ng aking sasakyan sa garahe nila Amara. Lalo akong nagtaka ng maaninag kong nakabukas ang TV sa sala dahil sigurado akong walang tao sa bahay na ito kundi ako lamang dahil na din sa reply sa akin ni Amara na next week pa ang kanilang balik dito sa bansa. Dahan dahan akong naglakad papunta sa likudan ng bahay. Kinuha ko ang susi na nakatago sa may pasimano ng kanilang dirty kitchen. Nang mak
“Please don’t judge me. Isa akong entertainer noon sa Casa. Hindi talaga ako nag-ta-table ng lalaki pero dahil sa mabait noon sa akin si Jarred at tinulungan niya ako sa pinansyal para saportahan ang aking pamilya kaya napapayag niya ako sa kaniyang offer na huminto na ako sa Casa para siya na lang ang serbisyuhan ko. Mabait siya nagbago lang ugali niya ng maingit siya kay Lance dahil sa kakaibang trato ni Founder which is yung lolo nga nila sa kaniya. Hindi din niya matanggap na hindi man lang pinarusahan ni Founder si Lance ng suwayin niya ito dahil sa pagmamahal niya kay Amara. Hindi ko din maintindihan kung bakit galit na galit si Founder kay Amara. (Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha) inalok nila ako nng malaking halaga kapalit ng pagpapatay kay Amara at sa mga anak nito. Inaamin ko nuong una ay nasilaw ako sa pera pero hindi pala kaya ng kunsensya ko na patay*n sila Amara . Nagpanggap akong nagawa ko na ang aking misyon tutal naman hindi gumagamit ng kahit na anong so
AMARA POV Sinalubong ko ng yakap si Zaira ng makarating kami sa bahay. Nag-iyakan na kaming dalawa. Awang-awa ako sa kaniyang itsura halatang stress ito dahil nangangalumata siya at bumagsak ang kaniyang katawan. Para din itong laging takot sa paligid. Kaya naman kinomfort ko siya. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi niya tinuloy ang pinapapagawa sa kaniya ng pamilya ni Lance. Kahit na hindi pa namin napapatunayan kung may katotohanan nga ba ang sinasabi ni Zaira ay napagdesisyunan naming lahat na mag doble ingat kaya naman hindi namin pinaalam kahit kanino ang tungkol sa aming pag uwi. Malaking pasasalamat ko kay Daddy sa pagbibigay niya ng security sa aming bahay. Hindi namin alam ang mga susunod na gagawin ng mga taong may binabalak na hindi maganda laban sa amin ng mga bata. Maayos naming nakakaharap at nakakausap si Jarred pero ngayon ganun ang malalaman namin. Kaya naman hindi na kami maaring magtiwala kanino man. Lalong lalo na sa kung sinumang kamag anak ni Lance.
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram