KATE POV “LOVE!” Mahina kong tawag kay James habang nahihimbing ito sa pagtulog sa aking tabi. “Anong ngyari? Bakit ako nandito sa ospital?!” nagtataka kong tanong kay James. Nanghihina pa ako kaya hindi pa ako masyadong makakilos ng maayos. Hindi ko masyadong maalala ang ngyari sa akin kahapon. Hindi ko sigurado kung totoo ba o panaginip lang ang naganap sa pagitan namin ni Charlotte. Pupungas pungas ng kaniyang mata ang aking asawa “Love pasensya na napasarap pala tulog ko. Kanina ka pa ba gising?! hindi mo naaalala ang ngyari kahapon?” Tanong sa akin ni James. Umiling ako sa kaniya. " Love kahapon kasi sinugod ng SWAT TEAM at NBI ang grupo ni Charlotte na dumukot sayo. Mabuti na lang at maagap ang mga ito. Dahil nakipag palitan ng putok ang mga tauhan ni Mr. Chui at Eduardo ay walang nagawa ang mga pulis kundi ang gumanti sila sa mga ito sa kasamaang palad hindi sinuwerte sila Charlotte dahil ayaw niyang sumuko. Tapos na Love, wala ng manggugulo sa atin. Nang papalapit na ang m
Hindi na din nagtagal sa aking silid si Mommy . Pagkatapos ang aming kulitan ay umalis na din ito kaagad ng aking silid. Napaisip din ako sa sinabi ni Mommy Kate totoo namang masyado kong kinulong ang aking sarili magmula ng mahuli kong nakikipagsiping ang aking childhood sweetheart na si Cooper sa aking best friend na si Harper. It was a roller coaster happenings. Kahit sa paniginip ay hindi ko nakitang mangyayari iyon. “Bakla tara gimik tayo!” Desperadang pag aaya ko kay Jeric . Nakasanayan ko na siyang ayain sa tuwing maalala ko ang panget na ngyari sa akin 3 years ago.“Ayan ka na naman. Patulog na sana ako eeh pwede next time wag pabigla bigla. Naku kung hindi lang kita boss bakla ka naku talagang hindi kita sasamahan.” Pagbibirong sagot niya“Hoy! Hindi mo ko boss ! best friend kita, remember?! Hindi ka ba naawa sakin kapag ako nahila ng masasamang lalaki diyan sa tabi tabi kawawa naman ako.” Biro ko ulit dito.“Haha ay paawa. Oo ito na magbibihis na ko. Daanan mo na lang ako
Pagbalik ni Jeric sa aming pwesto ay ang landi landi nitong nagkwento sa akin. "Baks naramdaman ko ang sandata, ang jubis (taba) at ang haba ning! haha ang sarap sarap" napapakagat labi niya pang kwento. "bet ko ning yung matangkad na moreno. Awra awra din naman sakin. naku papatulan ko yun kung hindi lang kita kasama. hahaha" "ang harot mo talaga. minsan try mo ding magpakipot. " pang aasar kong sagot sa kaniya. "bakla mag cr lang ako" pagpapaalam ko kay Jeric. Tumayo na ako, medyo malapit lang naman ang cr sa aming pwesto kaya hindi na ako nagpasama kay Jeric. Isa pa tanaw lang naman ito mula sa aming inuupuan. Kampante akong naglalakad papunta sa CR . Medyo madaming tao dahil weekends kinabukasan walang mga pasok ang mga nagtatrabaho sa opisina. Dumiretso na ako sa pag ihi. Ng lumabas ako para mag retouch ay siya ding paglabas ng isang babae sa kabilang cubicle. Hinding hindi ko makakalimutan kung sino ito. Si Harper ang aking ex-bestfriend na umagaw sa aking boyfriend. Nan
LANCE POVNagdadabog na umalis ang mag-dwowang nakaaway ng babaeng ito. Inaasar ko pa ito ng pagkaway habang papalabas ito ng bar. Inaasahan kong magiging ok na ito sa pakikitungo sakin pero mali ako ng inaakala. Tila nagbalik ito sa pagiging tigre niya laban sakin. "tara na Jeric! baka mamaya humingi pa ng kapalit ang lalaking ito" pag-aaya nito sa kaniyang kaibigan. Umirap pa ito bago tuluyang umalis sa aking harapan. Napapailing ako na natatawa sa babaeng ito. Kakaiba siya sa lahat ng nakasalamuha ko. Ang ibang babae tignan ko pa lang ay agad ng bumibigay sa akin pati ang pagkababae nila ay sinusuko nila sa akin samantalang ito pinagtanggol ko na at lahat na halos makipag suntukan na ako kung sakaling lumaban ang Ex Boyfriend nito ay wala man lang kahit simpleng Thank You akong narinig mula sa kaniya."bro iba tama nung babaeng yun aah. ang tapang mukhang mapapalaban ka. hahaha " sabi sakin ni Ezekiel"haha. itagay na lang natin to bro!" nakangiti kong ininom ang aking alak habang
AMARA POV Bigla akong natigilan sa sinabi ng lalaking ito. Na-touch ako kung paano niya ako diniscribe bilang tao. "mabuti ka pa ngayon lang kita nakilala pero nasabi mo na kagad sakin yung mga ganyang salita samantalang ang hayop na yun. Halos magdedekada kong naging karelasyon pero hindi nakita ang sakripisyo ko para sa kaniya. " bumigat ang aking pakiramdam. Bigla akong naluha ng maalala ko ang paet na naranasan ko sa piling ni Cooper. Malambing na dumapo ang daliri ng lalaking ito sa aking pisngi. Pinahid niya ang mga luha na walang tigil sa pagdaloy sa aking pisngi. "alam mo kailangan mo ng mag move on! para makawala ka sa pagkakakulong sa pagkapuot mo sa mundo?! para makalimot ka sa sakit na nararamdaman mo na hanggang ngayon minumulto ka pa rin. Tinik yan sa buhay mo na dapat mong alisin para gumaan ang pakiramdam no" malumanay niyang sabi sa akin. Tahimik ko siyang tinitigan. “Ang sarap sarap ng buhay oh! Wooooh (sumigaw ito sa kawalan.) ganito lagi mong ilagay sa isip mo
LANCE POV "SH*t nakalimutan kong kunin ang pangalan niya o number man lang. Ang tanga tanga mo Lance! Anong ngyari sayo at natameme ka sa babaeng iyon." napapasigaw kong sabi sa aking sarili ng makalayo layo na ako sa gasulinahan kung saan ko siya iniwan. Naalaa kong bigla na hindi ko man lang nakuha ultimo cantact number nito. Nag u-turn ako kaagad ngunit sa pagbalik ko ay wala na ito sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Kinaumagahan panay pang aasar sakin ni Ezekiel dahil sa pag iwan ko sa kaniya sa bar. Pabalibag itong umupo sa gilid ng aking kama. Pupungas pungas pa ang aking mata ng magising ako sa lakas ng pag uyog nito sa aking kamay. "ano ba yan Ezekiel! anong ginagawa mo dito, anong oras na ba?!" bugnot kong tanong sa kaniya sa pag istorbo niya sa aking paggising "aba Lance anong oras na! bumangon ka diyan at patay ka na naman sa Daddy mo! hindi ka ba papasok sa opisina mo?!" tanong niya sakin Napabalikwas ako ng gising sa kaniyang sinabi. "Sh*t bakit anong oras na ba
AT THE OFFICE AMARA POV Ang sakit na naman ng ulo ko. Kagabi ay magdamag na naman kaming nag inom ni Jeric sa bahay ko. Hindi na muna ako bumalik sa bar kung saan kami nag inom ni Jeric last time. Dahil ayokong mag krus na naman ang landas namin nila Cooper baka hindi na ako makapagtimpi sa susunod na mag inarte na naman si Harper sa harapan nito. Enough is enough. Tama na ang pagiging mabait sa kanila. Nakaupo ako sa aking silya , napapangiti ako habang pinapaikot ko ang ballpen sa aking sarili. Habang ini-imagine ko ang nangyari samin ng lalaking nakita ko sa bar ng gabing iyon. Parang kinikiliti ang pagkatao ko. Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Jeric. Hindi naman kasi ito typical na pumapasok sa aking opisina ng ganitong oras usually ay pumupunta ito kung lunch time na namin. “Hahahha aba girl! Ano yang smile na yan?! Parang meron akong hindi nalalaman!? Akala ko ba broken ka?” pang aasar nito sakin habang papalapit sa akin. Binato ko siya ng ballpen na kapit ko at ngumit
IN THE CONFERENCE ROOM #5 LANCE POV Mula sa labas ng conference room ay naririnig ko ang boses ng isang babae. Parang pamilyar ang tinig na ito para sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito narinig. Nadismaya naman ako ng marinig ko ang mga panget na salitang sinasabi nito tungkol sa akin dahil sa pagkalate namin ni Eve sa pagdating sa Santiago Building. Marahil ay hindi nito napansing nakaawang ang pintuan ng silid kung saan kami naghihintay sa kaniya.Hindi ko naman kasi akalaing mapapasarap ang tulog ko dahil late na akong nakauwi kagabi. For the record na late akong pumasok sa trabaho hindi dahil sa nag inom ako kundi dahil tinapos ko ang mga pending na trabaho ng sa gayun ay makapag trabaho ako ng maayos sa Santiago Corporation. Mahigpit na pinagbilin sa akin ni Daddy ang seryosohin ko ang trabaho ko dito dahil ayaw niyang mapahiya ang pamilya namin sa pamilya ng mga Santiago dahil sa nalalapit na pag co-combine ng aming mga business dahil sa malalim na pagkakaibigan n
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.