JAMES POV Napahampas ako sa aking kinauupuan. Halos paliparin ko ang aking sasakyan patungo sa airport. Hindi ako makapaniwalang ngayong araw pa ngyari ang mga bagay na ito kung kailan wala ako sa tabi ni Kate. Habang nasa daan ay tinawagan ko si Mommy Samantha para ipaalam ang ngyari gayundin kay Mommy Adreana . "Mommy! wag niyo munang ibabalik sa bahay ang mga bata. Pabalik na ako sa Pinas ngayon on the way na ako sa airport" sabi ko kay Mommy "James bakit? anong ngyayari? natatakot naman ako sa tabas ng salita mo. May ngyari bang hindi maganda?" nag aalalang tanong ni Mommy. "wag niyo munang sasabihin sa mga bata Mommy. Si Kate dinukot sa bahay ng mga armadong kalalakihan. Hindi ko pa alam kung anong ngyari sa mga kasambahay namin. Pero ayon kay Kate may mga putok ng baril siyang narinig. Kayo na lang bahalang gumaw ang dahilan sa mga bata kung sakaling magtanong sila kung abkit hindi pa sila maaring umuwi sa bahay. Ayokong ma trauma sila kung makikita nila ang eksena sa b
"Tawagan niyo na ang mga Santiago! wag na nating patagalin ang dramang ito." sabi ng matandang lalaking ito. "sige! "nakatulalang tugon ni Kate ay . Hindi na ito makausap mga ilang minuto lang ang nakalipas, hindi ko inakalang ganito na ang naging buhay ni Charlotte ngayon. Akala ko ay nagtatago lang ito at kapait ng isang matandang ito , ngayon kolang nalaman na lulong na pala ito sa pinagbabawal na gamot. "Hello! James, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo ang tutumbukin ko. Kapit namin ngayon ang asawa mo. 100 million kapalit ng buhay ng asawa mo. (matikas na sabi nito, sa puntong ito alam kong hindi gagawa ng maganda ang matandang ito. Kilala ko si Charlotte hanggang pananakot lang ang kaya niyang gawin sakin pero ang lalaking ito. Mukhang kaya niyang gawin ang mga pagbabanta niya.) mamayang umaga dahil mo iyan sa port, hanapin mo ang Trinidad yatch. matatagpuan mo ang asawa mo dito. Huwag na huwag kang magkakamaling magsabi sa mga pulis kung hindi goodbye Kate ka na! hi
KATE POV “LOVE!” Mahina kong tawag kay James habang nahihimbing ito sa pagtulog sa aking tabi. “Anong ngyari? Bakit ako nandito sa ospital?!” nagtataka kong tanong kay James. Nanghihina pa ako kaya hindi pa ako masyadong makakilos ng maayos. Hindi ko masyadong maalala ang ngyari sa akin kahapon. Hindi ko sigurado kung totoo ba o panaginip lang ang naganap sa pagitan namin ni Charlotte. Pupungas pungas ng kaniyang mata ang aking asawa “Love pasensya na napasarap pala tulog ko. Kanina ka pa ba gising?! hindi mo naaalala ang ngyari kahapon?” Tanong sa akin ni James. Umiling ako sa kaniya. " Love kahapon kasi sinugod ng SWAT TEAM at NBI ang grupo ni Charlotte na dumukot sayo. Mabuti na lang at maagap ang mga ito. Dahil nakipag palitan ng putok ang mga tauhan ni Mr. Chui at Eduardo ay walang nagawa ang mga pulis kundi ang gumanti sila sa mga ito sa kasamaang palad hindi sinuwerte sila Charlotte dahil ayaw niyang sumuko. Tapos na Love, wala ng manggugulo sa atin. Nang papalapit na ang m
Hindi na din nagtagal sa aking silid si Mommy . Pagkatapos ang aming kulitan ay umalis na din ito kaagad ng aking silid. Napaisip din ako sa sinabi ni Mommy Kate totoo namang masyado kong kinulong ang aking sarili magmula ng mahuli kong nakikipagsiping ang aking childhood sweetheart na si Cooper sa aking best friend na si Harper. It was a roller coaster happenings. Kahit sa paniginip ay hindi ko nakitang mangyayari iyon. “Bakla tara gimik tayo!” Desperadang pag aaya ko kay Jeric . Nakasanayan ko na siyang ayain sa tuwing maalala ko ang panget na ngyari sa akin 3 years ago.“Ayan ka na naman. Patulog na sana ako eeh pwede next time wag pabigla bigla. Naku kung hindi lang kita boss bakla ka naku talagang hindi kita sasamahan.” Pagbibirong sagot niya“Hoy! Hindi mo ko boss ! best friend kita, remember?! Hindi ka ba naawa sakin kapag ako nahila ng masasamang lalaki diyan sa tabi tabi kawawa naman ako.” Biro ko ulit dito.“Haha ay paawa. Oo ito na magbibihis na ko. Daanan mo na lang ako
Pagbalik ni Jeric sa aming pwesto ay ang landi landi nitong nagkwento sa akin. "Baks naramdaman ko ang sandata, ang jubis (taba) at ang haba ning! haha ang sarap sarap" napapakagat labi niya pang kwento. "bet ko ning yung matangkad na moreno. Awra awra din naman sakin. naku papatulan ko yun kung hindi lang kita kasama. hahaha" "ang harot mo talaga. minsan try mo ding magpakipot. " pang aasar kong sagot sa kaniya. "bakla mag cr lang ako" pagpapaalam ko kay Jeric. Tumayo na ako, medyo malapit lang naman ang cr sa aming pwesto kaya hindi na ako nagpasama kay Jeric. Isa pa tanaw lang naman ito mula sa aming inuupuan. Kampante akong naglalakad papunta sa CR . Medyo madaming tao dahil weekends kinabukasan walang mga pasok ang mga nagtatrabaho sa opisina. Dumiretso na ako sa pag ihi. Ng lumabas ako para mag retouch ay siya ding paglabas ng isang babae sa kabilang cubicle. Hinding hindi ko makakalimutan kung sino ito. Si Harper ang aking ex-bestfriend na umagaw sa aking boyfriend. Nan
LANCE POVNagdadabog na umalis ang mag-dwowang nakaaway ng babaeng ito. Inaasar ko pa ito ng pagkaway habang papalabas ito ng bar. Inaasahan kong magiging ok na ito sa pakikitungo sakin pero mali ako ng inaakala. Tila nagbalik ito sa pagiging tigre niya laban sakin. "tara na Jeric! baka mamaya humingi pa ng kapalit ang lalaking ito" pag-aaya nito sa kaniyang kaibigan. Umirap pa ito bago tuluyang umalis sa aking harapan. Napapailing ako na natatawa sa babaeng ito. Kakaiba siya sa lahat ng nakasalamuha ko. Ang ibang babae tignan ko pa lang ay agad ng bumibigay sa akin pati ang pagkababae nila ay sinusuko nila sa akin samantalang ito pinagtanggol ko na at lahat na halos makipag suntukan na ako kung sakaling lumaban ang Ex Boyfriend nito ay wala man lang kahit simpleng Thank You akong narinig mula sa kaniya."bro iba tama nung babaeng yun aah. ang tapang mukhang mapapalaban ka. hahaha " sabi sakin ni Ezekiel"haha. itagay na lang natin to bro!" nakangiti kong ininom ang aking alak habang
AMARA POV Bigla akong natigilan sa sinabi ng lalaking ito. Na-touch ako kung paano niya ako diniscribe bilang tao. "mabuti ka pa ngayon lang kita nakilala pero nasabi mo na kagad sakin yung mga ganyang salita samantalang ang hayop na yun. Halos magdedekada kong naging karelasyon pero hindi nakita ang sakripisyo ko para sa kaniya. " bumigat ang aking pakiramdam. Bigla akong naluha ng maalala ko ang paet na naranasan ko sa piling ni Cooper. Malambing na dumapo ang daliri ng lalaking ito sa aking pisngi. Pinahid niya ang mga luha na walang tigil sa pagdaloy sa aking pisngi. "alam mo kailangan mo ng mag move on! para makawala ka sa pagkakakulong sa pagkapuot mo sa mundo?! para makalimot ka sa sakit na nararamdaman mo na hanggang ngayon minumulto ka pa rin. Tinik yan sa buhay mo na dapat mong alisin para gumaan ang pakiramdam no" malumanay niyang sabi sa akin. Tahimik ko siyang tinitigan. “Ang sarap sarap ng buhay oh! Wooooh (sumigaw ito sa kawalan.) ganito lagi mong ilagay sa isip mo
LANCE POV "SH*t nakalimutan kong kunin ang pangalan niya o number man lang. Ang tanga tanga mo Lance! Anong ngyari sayo at natameme ka sa babaeng iyon." napapasigaw kong sabi sa aking sarili ng makalayo layo na ako sa gasulinahan kung saan ko siya iniwan. Naalaa kong bigla na hindi ko man lang nakuha ultimo cantact number nito. Nag u-turn ako kaagad ngunit sa pagbalik ko ay wala na ito sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Kinaumagahan panay pang aasar sakin ni Ezekiel dahil sa pag iwan ko sa kaniya sa bar. Pabalibag itong umupo sa gilid ng aking kama. Pupungas pungas pa ang aking mata ng magising ako sa lakas ng pag uyog nito sa aking kamay. "ano ba yan Ezekiel! anong ginagawa mo dito, anong oras na ba?!" bugnot kong tanong sa kaniya sa pag istorbo niya sa aking paggising "aba Lance anong oras na! bumangon ka diyan at patay ka na naman sa Daddy mo! hindi ka ba papasok sa opisina mo?!" tanong niya sakin Napabalikwas ako ng gising sa kaniyang sinabi. "Sh*t bakit anong oras na ba
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram