CAMILA POV “Bwis*t sino ba tong akala mo kung makapag doorbell. Wala ba kayong doorbell sa bahay niyo!” Sigaw ko habang papalapit sa gate namin. “Sandali lang!” Sigaw ko pa. Nagulat ako sa napagbuksan ko ng gate, . Malaking ngiti ang sumilip sa aking mga labi ng makita ko ang lalaking nag doorbell. Isang kano ang naligaw sa bahay namin. Tinawag ko naman si George para siya na lang makipag-usap sa poging binatang ito. Wala kasi akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Parang kinakain na niya ang salita baka bigla na lang duguin ang ilong ko dito. “Hi Mam good morning! I am Jay just want to ask if Kate lives in here?!” Tanong nito sakin “Oh! Wait . You wait i call my son” sagot ko naman dito “Okay Mam im her friend , and im a good guy. Sorry for disturbing , “ magalang at nakangiti nitong sabi. “punyet* hindi ko naman maintindihan tong lalaking to sa sinasabi niya!” Bulong ko sa aking sarili “Ok wait.” Nakangiti ko na namang sabi . Narinig ko pangalan ni Kate baka ito yung kano
“But pleade don't tell Kate about me visiting here. I know she will get mad.” Aniya nito"ok no problem. I know Kate" sagot ko naman“Bro , gotta go ahea i need to catch up the flights.Mam i will go now! If you dont mind?!” Sabi pa nito samin“Ok thats so sweet of you” sagot ko naman dito. ewan ko kung tama ba sinasabi ko naririnig ko lang yun sa mga movie. Natawa pa ako ng bahagya sa aking sarili“Once you graduate George let me know i will give you back up in entering the army if you want?” sabi pa niya muli kay George."thanks Man!" maiksing sagot nitong si George“Oh kita mo na isasama ka pa sa pag army. Atleast my back up ka na. Ang daming nag aasam makapasok dun oi.” Sabi ko pa dito kay George. Nakita ko naman siyang pailing-iling."okay Mam really have to go. Hope i can come back to visit all of you again." anas naman nito amin“Sure no problem, anytime. maiksi kong sagot"sige na Ma, aalis na din naman na yan." sabi naman sakin ni George. at tuluyan na ngang tumalikod itong si
"Madam alam mo ba yung kasama ko sa flat. Kagabi nanganak na, diba kilala mo naman si Laiza? yung nakwento ko sayo nung nakaraan. Yung nabuntisan ng Syrian niyang patner tapos iniwan dahil sumama na sa ibang babae?!" panimula nito "oo naalala ko yun nabanggit mo yun dati diba pangalawang anak na niya yan dapat? kung kelan manganganak saka iniwan , mga walang hiya talaga din minsan tong mga lalaking ito" tanong ko naman sa kanya "oo pangalawa na yan si totoy, nanganak na kagabi si Laiza dun lang sa loob ng flat namin. Aba ang takot namin , pano nahihirapan na siya sa pag ire dahil nga sobrang laki ng bata hindi naman namin madala sa ospital at wala naman yung papel, kung dadalhin namin siya wala made-deport lang siya. Ganon pala ang babae pag nanganak parang pusa nakita talaga namin. Lumalaki pekengkeng." pagkwento pa nito "ibig sabihin pala hindi na siya binalikan nung lalaki?" tanong ko pa dito "naku hindi na. sumama na sa ibang babae, nag-live in na daw saka parang nabuntis n
Nakalimutan ko ng tignan ang message ni Gema, lutang ang utak ko pagkatapos ko kasi sa trabaho dumiretso na ako ng uwi ng bahay. Naabutan ko si Gema na nag-aayos ng gamit niya. Tinitignan niya ang mga pinaglumaang damit niya at mga ibang gamit na inilalagay sa maleta. "Oh bakit nagliligpit ka Gema? magbabakasyon ka ba sa Pinas?" tanong ko dito "naku Kate hindi mo siguro nabasa yung mga message ko sayo noh?." tanong naman niya sakin "bakit ano ba yun? hindi ko pa nabasa na busy na kasi ako kanina dami naming napag meetingan nakalimutan ko ng tignan yung message mo." tanong ko dito huhugutin ko sana ang cell phone ko ng magsimula ng magkwento si Gema. "si Margie nahuli ng mga pulis." sabi nito sakin "huh?! may visa naman yun bakit siya mahuhuli? Diba visa 18 naman siya?" gulat kong tanong sa kanya "Ang loka umalis dito sa bahay natin ayun pala nawalan na ng visa, hindi na nirenew ng amo niya , Oo Visa 18 siya! parang na terminate na pala yun sa company nila kaya siya lumipat ng i
Excited naman ang mga staff namin sa magaganap na first year aniniversary celebration sa aming branch . Isa kasi ito sa magiging dahilan kung bakit makaka target na naman kami ngayong buwan at magbibigay sa lahat ng magiging bonus. Isa pa kwento nitong sila Rona nung dumalaw nung nakaraang taon itong COO ng aming kompanya para sa ribbon cutting ceremony halos lahat ng mga kababaihang bisita ay talagang lumapit dito at nagpapansin. Pero masyado daw itong suplado sa mga tao ngumingiti siya pero ramdam ng mga ito ang pagka-ilang dahil mukhang ayaw nito sa mga picture taking. Ayon sa mga ito gwapo at bata pa daw ang aming COO . Pinagbawal din daw nito ang paggamit ng cell phone sa mga staff para makakuha ng picture, hindi ko din maintindihan kung bakit walang picture na nagkalat sa internet tungkol dito samantalang madaming mga picture ang mga ibang lahi na makikita kahit pa sa google at sariling pages ng aming company.Bali-balita kasing ayaw nito ang humaharap sa camera, tila pinatan
KATE POV Habang nagda-drive ako papasok sa trabaho ay panay ang pag ring ng aking telepono. Ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay rumehistro ang pangalan ni Nikka. Hindi ko naman ito masagot kaya naman nag return call na lang ako sa kanya ng tawag ng mag drive thru ako sa Mc Donalds para umorder ng coffee at pang breakfast ko dahil sa pagmamadali ay wala na akong oras mag prepare ng aking pagkain ngayong araw. “Good morning Nikka! Yes what can i do for you?” Wika ko dito “Girl may ichi-chika ako sayo. Alam mo ba si Michael nakaalis na pala kanina hinatid nila Aling Camila. Ayun yung nanay mo talak na naman ng talak sa kanto. Kakaalis pa lang ni Michael napakadami ng plano kagad para sa mga gagawin ni Michael para daw sa bahay niyo.”bungad na kwento ni Nikka ng tumawag siya sa akin “Hahaha akala ko naman kung ano na ang sasabihin mo. Mabuti naman kung ganon!” Sagot ko dito “Eh kasi nga yung nanay mo bida bida dito sa lugar natin andun na naman sila sa umpukan ni Ali
KATE POVPAKKKKK! Lumalagutok na mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long time boyfriend at fiance na si Michael ng surpresahin ko ang aking pamilya . Mula sa aking pagbabalik bayan sa mahigit na dalawang taon kong paninilbihan sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa kompanya ng pinakamalaking supplier ng mga baking items at ingredients ng mga bake shop sa buong Middle East."Hay*p ka Michael! (pinaghahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit, hinagis ko sa kanya ang dala kong maleta ) bakit si Charlotte pa? sa dinami-dami ng babaeng bubuntisin mo bakit ang kapatid ko pa? huhuhu ! (hagulgol kong panunumbat kay Michael) Napakawalang hiya ninyong dalawa." baling na sigaw ko naman pati sa aking kapatid nararamdaman ko naman sa aking pisngi ang walang tigil na pagpatak ng luha sa aking mga mata, sa tindi ng aking galit walang habas kong pinaghahampas si Michael ng aking dalang paper bag na pasalubong ko sana para sa kanya. “5 years Michael! 5 years ang sinayang mo
KATE POVSA BORACAY RESORTTugstugstugsNakakabinging tugtugin ang sumalubong sa akin ng magtungo ako sa isang beach front bar dito sa Boracay. Dito ako dinala ng aking mga paa matapos ang aking mga nalaman tungkol sa pagkabuntis ng aking kapatid na si Charlotte sa fiance kong si Michael. Sinasabayan ko ang malakas na tugtugin ng pagsaway ng sexy dance. Walang hiya kong ginilingan ang posteng nasa ibabaw ng entablado sa bar na nakapwesto sa gilid ng dalampasigan.Hindi ko alintana ang paghihiyawan at tinginan ng mga tao sa aking paligid dahil sa malandi kong paggiling na nakadagdag atensyon sa mga kalalakihan . Suot ko lamang ang manipis na telang tumatabing sa aking puting 2 piece. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan sa tuwing sisipol ang hangin sa dalampasigan kasabay ng aking pagsayaw. Wala na akong pakielam sa lahat. Nagbakasyon ako para mag enjoy. Kaya hindi ko ito sisirain ng dahil lang sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto ngunit ang mga ito din pala ang dudurog sa akin.