Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2023-12-11 15:06:12

Enjoy reading!

NAPALAKI ang mga mata ko sa sinabi ni mama sa akin. Pag-aaralin daw kasi ako ni Governor Harley. Hindi na mangungutang ng pera si mama para sa pag-aaral ko. Kaya sobrang saya ko ngayon nang marinig ko iyon mula kay mama. Siya na lang ang bumubuhay sa amin ng kapatid kong si Justin. Matagal nang patay si papa dahil sa lungs cancer. 

Nang isinama ako ni mama sa mansion ng mga Callanta upang personal na magpasalamat kay Governor Harley ay naramdaman ko na naman ang kaba sa tuwing pumupunta ako rito. Iba kasi kung tumingin si Governor Harley sa tuwing magkaka salubong kami sa daan. Hindi ko alam kung gano'n ba talaga siya tumitig sa lahat ng nakakasalubong niya? Kaya yumuyuko na lang ako sa tuwing magkaka salubong kaming dalawa dahil naiilang ako sa titig niya. Hindi rin naman maipagkakaila na gwapo siya. Sakto lang ang katawan niya, at matangkad. 

Ayaw ko man na iwan ako ni mama sa opisina ni gov ngunit kailangan niya ng magtrabaho  sa kusina. Kaya naiwan kaming dalawa ni gov sa loob at hindi ko alam ang gagawin ko kanina nang dalawa na lang kami ang natira. Nakayuko lang ako at hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. 

"Jane, samahan mo ako." Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni gov. Nakaupo ako sa sofa rito sa sala ng mansion ng mga Callanta. At matapos ang pag-uusap namin kanina sa office niya ay agad na akong nag paalam na lalabas dahil pupuntahan ko si mama sa kusina. At para na rin makaiwas sa mga titig niya na hindi ko kayang salubungin.

"S-saan po, gov?" Nauutal kong tanong at inayos ang damit ko. 

"Sa mall. May bibilhin lang ako." Sagot niya at naunang maglakad palabas ng bahay. Kaya sumunod ako sa kanya. 

Agad kong nakita ang driver niya na nakatayo sa tabi ng isang itim na kotse. Agad siyang binati ng driver at pinagbuksan ng pinto sa back seat. Napahinto ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Malamang sa front seat ako uupo. Alangan naman tatabi ako kay gov sa likod. Ngumiti ako kay Manong Rey pagkatapos niyang isara ang pinto ng back seat.

"Magandang umaga po, Manong Rey." Pagbati ko. 

"Jane, dito ka sa back seat." Nawala lang ang ngiti ko dahil nagulat ako sa biglang pagsalita ni Governor Harley. Nakababa na ang salamin ng bintana at nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay ako na pumasok na sa loob ng kotse. Muling binuksan ni Manong Rey ang pinto ng back seat ngunit nanatili akong nakatayo. 

"Gov, doon na lang po siguro ako sa harap." Nahihiya kong sabi. 

"No. You will sit beside me. Get in." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako kay Manong Rey bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. 

Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya kaya nang isinarado ni Manong Rey ang pinto ay umisod ako sa tabi niya kaya walang namagitan na kahit konting distansiya sa pagitan namin. Dapat pala ay sa kabilang pinto ako pumasok dahil mas maluwag doon. Kahit naiilang ay hindi na ako nagreklamo pa. 

At habang bumabyahe ay hindi ako umiimik. Dikit na dikit na ako sa bintana ng sasakyan habang siya ay dikit din nang dikit sa akin. Wala ba siyang balak na lumayo kahit konti lang?  Nagulat pa ako nang may binigay siya sa akin. At napakunot-noo ako dahil selpon at wallet niya iyon.

"Ikaw ang humawak ng mga 'yan dahil personal assistant kita." Simple niyang sabi habang nakatingin sa akin. Hindi naman yata tama na pati ang wallet niya ay ipahawak niya sa 'kin. Paano kung may nakawin ako rito na pera? O baka may mawala na mga cards niya? E 'di ako pa ang may kasalanan kasi sa akin niya ipinahawak. 

"P-pero, gov, 'y-yong wallet niyo po ikaw na ang humawak." Nauutal kong sagot. 

"Tss. Kapag personal assistant ay dapat lahat ikaw ang magdadala." Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang mga iyon kaysa naman makipag sagutan pa sa kanya. Agad kong inilagay iyon sa dala kong sling bag. 

Halos kalahating oras din ang naging byahe namin bago nakarating sa isang sikat na mall. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakapasok man lang sa mall na 'to. Masyado kasing mahal ang mga presyo ng mga bilihin sa loob at tanging mga mayayaman lang ang nakabibili. Ngunit matagal ko ng pangarap talaga na makapasok man lang sa loob at mukhang matutupad na ngayong araw na 'to. 

Nang huminto ang sinasakyan naming kotse ay agad na lumabas si Manong Rey upang pagbuksan kami ni gov. At dahil nasa tabi ako ng pinto ay ako na ang unang lumabas at sumunod si Governor Harley. Agad akong lumayo sa kanya dahil marami ang nakatingin sa amin. Governor siya nf San Miguel malamang marami ang nakakakilala sa kanya. At baka kung ano pa ang isipin ng mga tao kapag dikit ako nang dikit kay gov.  

Hinintay kong maunang maglakad si gov ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin. 

"B-bakit po?" Tanong ko. 

"Sabay na tayong maglakad. Dito ka lang sa tabi ko. Baka mawala ka pa rito." Sagot niya. Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang inilayo ko iyon. Malaki na ako. Hindi lang halata ngunit kaya ko naman maglakad mag-isa. Hindi naman siguro ako lalagpas ng San Miguel kapag naligaw ako. 

"Gov, okay lang po ako. Huwag niyo na po akong alalahanin. Kaya ko pong maglakad. Susunod na lang po ako sa inyo." Sagot ko. Ayoko lang talaga magkaroon ng issue kay gov. Sa dami ng tao rito ay baka pag-usapan pa kami at kung ano pa ang isipin. 

Nakatingin lang siya sa akin na para bang hinihintay na mag-iba pa ang magiging sagot ko ngunit nanatili akong tahimik at yumuko na lang. Kaya ko naman talaga ang sarili ko. Hindi naman ako mawawala sa loob ng mall na 'yan. 

"Fine." Rinig kong sabi niya bago tuluyang naglakad papasok sa loob ng mall. Nakasunod lang kami ni Manong Rey at napapahinto pa kami sa paglalakad minsan dahil marami ang bumabati sa kanya at nagpapa-picture. 

Medyo maraming tao sa loob ng mall at halos lahat ay nagulat sa biglaang pagpunta ni Governor Harley rito. Ang iba ay nagbubulong bulungan pa nang makita ang governor. 

May isang babae na medyo matanda na sumalubong sa amin. Nakangiti siya habang diretso ang tingin kay gov. 

"Good morning po, Governor Callanta. Saan po kayo?" Magalang na tanong niya. 

"Jewelry." Maikling sagot ni gov. 

"This way po, gov." Magalang na sabi ng babae at naunang naglakad kaya sumunod din si gov at panghuli kami ni Manong Rey. 

Huminto kami sa isang elevator at agad na bumukas iyon at naunang pumasok ang babae at sumunod si gov. Pumasok na rin kami ni Manong Rey at kung minamalas ka nga naman at katabi ko pa si gov. Apat lang kami sa loob ng elevator ngunit napaka lapit niya sa akin. At katulad kanina ay iwinalang bahala ko na lang iyon. 

Ilang segundo lang ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na kaming apat. At katulad kanina ay nakasunod lang kami sa babae hanggang sa pumasok kami sa mga nagbebenta ng mga naggagandahang mga alahas. 

"Good morning po, gov." Nakangiting bati ng isang babae nang pumasok kami sa loob. Halatang nagulat siya nang makita si gov at halatang kinikilig pa nang binati niya iyon. Hindi na ako magtataka kung marami ang nagkakagusto sa kanya dahil gwapo naman talaga ang governor ng San Miguel. 

Nakatayo lang ako sa isang tabi kasama si Manong Rey habang si gov ay tumitingin sa mga naka display na mga kwentas. 

"Gov, meron na po ba kayong napili?" Tanong ng sales lady na kanina pa tingin naang tingin sa kanya.

"Yes. I want this." Turo niya sa isang necklace. Agad namang kinuha iyon ng sales lady at inilagay sa isang kahon at binalot sa isang bag. 

"Fifthy thousand po, gov." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae. Bakit ang mahal? Meron namang nagbebenta sa gilid-gilid na tig-isang daan lang. Ang suwerte naman ng pagbibigyan nito. Kanino naman kaya niya ibibigay 'yan?

Napatingin siya sa kinatatayuan ko kaya agad akong lumapit sa kanya. Napatingin pa ako sa babaeng nagbebenta ng mga alahas dahil biglang nawala ang ngiti niya nang lumapit ako kay gov. 

"Ibigay mo ang credit card." Utos ni gov sa akin. Agad kong binuksan ang sling bag ko at kinuha ang wallet njya. Pagbukas ko ay napatingin ako sa kanya dahil maraming card ang naroon at hindi ko alam kung alin ba roon ang kukunin ko. 

"Blue card." Sabi niya. Agad kong kinuha ang isang blue na card at binigay iyon sa babae. Kinuha niya iyon. Ilang sandali lang ay muli niyang binalik ngunit wala na ang ngiti niya kanina. 

"Thank you, gov. Come again." Sabi niya at ngumiti kay gov. 

"Thanks." Maikling sagot ni Governor Harley at kinuha ang binili niyang kwentas.

Pagkatapos bumili ni gov ng kwentas ay muli kaming pumasok sa elevator at sinigurado ko na malayo ako sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa akin nang tumabi ako kay Manong Rey. Ngunit hindi ko siya pinansin at yumuko na lang ako. 

Paglabas namin ng elevator ay agad na ring nagpaalam ang babaeng nag assist sa amin kanina. Kwentas lang ipinunta ni gov dito kaya ngayon ay naglalakad na kami palabas ng mall. At may nadaanan kaming nagbebenta ng mga damit. Ang gaganda ng nga tela ngunit alam kong malaki rin ang presyo ng mga 'yon.  

"You like that dress?" Napatingin ako kay gov nang magsalita siya at ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"H-ha? H-hindi po, gov. Napatingin lang po ako roon." Pagsisinungaling ko at medyo lumayo sa kanya.

"Tss." Sabi niya at bigla akong hinila sa mga naka-display na mga damit. Agad kaming sinalubong ng isang babae.

"Magandang araw po, gov." Bati ng babae na nagbabantay at ngumiti.

"G-gov, hindi po ako bibili ng mga damit." Sabi ko. Ngunithindi siya nakinig sa sinabi ko at sa halip ay kinuha niya ang mga damit na mga napili niya. 

"Pakisamahan siya sa fitting room." Utos niya sa babae at binigay ang mga damit. Ayoko pa sana ngunit tinitigan niya ako nang masama. 

"Tara po, ma'am sa fitting room." Pag-aaya ng babae kaya sumunod ako sa kanya. 

"Kaano ano po kayo ni gov, ma'am?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. 

"H-ha? Personal assistant niya ako." Agad kong sagot. Baka kung ano kasi ang isipin ng babaeng ito sa amin ni gov. 

"Ang suwerte niyo naman po. Binilhan pa kayo ni gov ng mga damit." Nakangiti niyang sabi. 

"Ah, oo. Alam mo naman si gov matulungin 'yan." Sagot ko at pilit na ngumiti. 

Isa-isa kong isinuot ang mga damit na napili kanina ni gov at lahat iyon ay kasya sa akin. Bibilhin ba talaga lahat 'to ni gov? Ibabawas niya kaya 'to sa scholarship ko? Huwag naman sana. 

Pagkatapos kong sukatin ang mga damit ay agad na akong lumabas ng fitting room dala-dala ang mga damit na sinukat ko at nakasunod naman ang babae na tumulong sa akin. 

"Gov, kasya po lahat kay ma'am." Nakangiting sabi ng babae. 

"Good. How much?" Tanong niya na ikinagulat ko. Bibilhin niya nga talaga lahat! 

"Sandali lang po, gov. Total ko pa po." Magalang na sagot ng babae at kinuha sa akin ang mga damit. 

"Gov, huwag na po natin bilhin ang mga 'yan. Masyado pong mahal." Sabi ko nang lumapit ako sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinansin. 

"Gov, naririnig niyo po ba ako? Baka po wala ng matira sa scholarship ko." Nag-aalala kong sabi. Tumingin siya sa akin at hindi ko inaasahan ang paghila niya sa akin kaya napahawak ako sa braso niya dahil muntik na ako matumba. 

"Don't worry, baby, kahit ano pang hingin mo ay hindi ko ibabawas 'yan sa scholarship mo." Pabulong niyang sabi.  

"Seven thousand four hundred sevety nine po lahat, gov." Biglang sabi ng babae na ikinalaki ng mga mata ko. Ilang piraso lang iyon ngunit umabot na agad sa seven thousand? 

Agad din akong lumayo kay gov nang iba na ang tingin sa amin ng babae habang bitbit ang isang malaking paper bag na naglalaman ng mga damit. 

"Gov, huwag na po natin bilhin ang mga 'yan. Sa Divisoria na lang po ako bibili ng mga damit. Tara na po." Sabi ko at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Hindi pa rin inaalis ng babae ang tingin niya sa amin ni gov at sa kamay namin na magkahawak. 

"Stay here." Mariin niyang sabi. Kinuha niya sa sling bag ko ang kanyang wallet at kinuha roon ang credit card niya. Pagkaraan ay ibinigay na sa amin ng babae ang nakabalot ng mga damit. 

"Thank you." Mahinang sabi ko at kinuha sa babae ang isang malaking paper bag. 

"Thank you po, gov." Sabi ng babae at ngumiti sa amin. Tumango lang si gov sabay kaming naglakad dahil hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. 

"Jane, kaya mo bang bitbitin 'yan?" Nag-aalalang tanong ni Manong Rey. Lumingon ako sa kanya.

"Opo. Kaya naman po." Magalang kong sagot. Tumango lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng mall. 

"Ingat po kayo, gov." Sabi ng security guard nang makalabas na kami sa mall. Ngunit tuloy-tuloy lang sa paglalakad si gov kaya ako na lang ang ngumiti sa security guard upang magpasalamat. 

Nang makarating kami sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ay mabilis na binuksan ni Manong Rey ang back seat at kinuha sa akin ang dala kong paper bag. 

"Ako na rito, hija. Pumasok ka na roon sa loob." Sabi niya at agad na pumunta sa likod ng sasakyan. 

Naunang pumasok si gov kaya sumunod na rin ako. Kahit sa loob ng kotse ay sobrang lapit namin sa isa't isa at hindi ako komportable sa ganito. Ilang sandali lang ay pumasok na rin si Manong Rey sa driver seat

Habang bumabyahe ay nakatingin lang ako sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga sasakyan sa labas at ang mga tao na naglalakad.

"How's school?" Biglang tanong ni gov kaya napatingin ako sa kanya. Pati si Manong Rey ay napatingin din sa rear view mirror.

"O-okay naman po. Medyo mahirap pero kaya naman po." Sagot ko. 

"What course did you take?" Tanong niya. 

"Human Resource Development Management po, gov." Magalang kong sagot. 

"You're second year college, right?" Tanong niya muli. 

"Opo." Sagot ko. Hindi na siya muling nagtanong pa. 

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil hindi naman masyadong traffic. Pagdating sa mansion ng mga Callanta ay hindi ko na hinintay na pagbuksan kami ni Manong Rey ng pinto. Ako na mismo ang nagbukas at naunang bumaba at sumunod si Governor Harley. Dala niya pa rin ang binili niya kaninang kwentas. Pumunta naman ako sa compartment ng sasakyan upang kunin doon ang paper bag na may lamang mga damit ko. 

"Gov, thank you po sa mga damit." Sabi ko nang matapos kong kunin ang mga iyon sa likod ng sasakyan. 

"You're always welcome, Jane. By the way, we need to talk in my office." Sabi niya. 

"Sige po, gov. Susunod po ako." Sagot ko. Tumango lang siya at naglakad na papasok sa loob ng kanilang bahay. 

Pagkatapos kong magpaalam kay Manong Rey at naglakad na rin ako papasok sa loob ng bahay habang dala ang malaking paper bag. Umakyat ako ng hagdan patungo sa office ni gov at dala-dala ko pa rin iyon. Kumatok muna ako bago dahan-dahan na binuksan ang pinto ng office. 

Nadatnan ko siya sa loob na abala sa pagbukas ng binili niyang kwentas. Hanggang ngayon ay manghang mangha pa rin ako sa ganda ng kwentas. Sinong hindi mamamangha sa presyo ng kwentas na iyon. 

"Come here, baby" Nagulat ako sa pag tawag niya sa akin. Pangalawang beses ko ng narinig 'yan kanina mula sa kanya. Isinarado ko ang pinto at agad na naglakad palapit sa lamesa niya. 

"May kailangan po ba kayo, gov?" Tanong ko. Ngunit hindi siya nagsalita. Sa halip ay kinuha niya kwentas sa lagayan at nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko kaya napahakbang ako paatras. 

"This is my gift for you." Sabi niya na ikinagulat ko. Regalo? Para saan? Hindi ko naman birthday. At saka okay na 'yong mga binili niyang damit sa akin.

"Regalo? P-para saan po?" Takang tanong ko. 

"Wala akong regalo sa 'yo noong kaarawan mo. Kulang pa kasi ang inipon ko noon pangbili ng kwentas na 'to." Sagot niya. Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Bakit siya bibili nang ganoon kalaking halaga na kwentas para sa akin? Okay lang naman sa akin na wala siyang regalo. 

"Hindi ko po matatanggap 'yang regalo niyo po, gov. Salamat na lang po." Pagtanggi ko. 

"Why? Binili ko ito para sa 'yo." Nakakunot noong saad niya. 

"Masyado pong mahal 'yang kwentas na binili mo. Ibigay niyo na lang po sa taong importante para sa 'yo. Huwag po sa akin. Okay na po ako sa mga damit na binili mo po." Sagot ko. 

"Baby, hindi pa ba halata? That's why I want to give it to you because you're important to me. I like you. I'm sorry, pero hindi ko na kayang itago pa 'tong nararamdaman ko sa 'yo." Hindi agad ako nakapag salita dahil sa sinabi niya. Nananaginip lang ba ako? Mali ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? Ang governor ng San Miguel ay may gusto sa isang katulad ko? Sa gwapo niyang 'yan sa akin pa nagkagusto?

"G-gov, hindi po pwede. Mali po 'yon. Mawawala rin po 'yang nararamdaman niyo sa 'kin. Kumbaga, sa una lang po 'yan." Nauutal kong sabi. Kumunot pa ang noo ko dahil tinawanan niya lang ako. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Baby, kung alam mo lang kung gaano katagal na kitang gusto." Natatawa niyang sabi. 

Umiling ako. "Mali po na ang isang governor ay magkagusto sa isang katulad ko. Hindi po ako mayaman katulad mo. Kaya bawal po talaga." Sagot ko. 

"Hindi 'yon mali, Jane. Ano bang pakialam nila kung magkagusto ako sa 'yo? Buhay ba nila 'to para diktahan ako kung sino ang gusto ko? At wala akong pakialam kung mahirap ka man o mayaman. Kahit ano pang gusto mong bilhin ay bibilhin ko. You can't stop me, baby. I will make you fall for me." Seryoso niyang sabi.

"Gov, ayaw ko pong pag-usapan ako ng lahat. Takot po ako sa sasabihin ng mga tao kapag ipinagpatuloy niyo po 'yan. Mapapahiya po ako at pati po kayo." Sabi ko. Totoo ang sinabi kong 'yon. Ayaw kong pag-usapan ako ng buong San Miguel. Baka hindi na ako lumabas ng bahay namin kapag nangyari iyon. 

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpaalam na ako sa kanya at agad na lumabas ng kanyang opisina. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon pa. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makababa na ng hagdan.

Kaugnay na kabanata

  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    Chapter 3

    Enjoy reading!NANG tuluyan na akong makababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Madame Helena na mama ni Governor Harley. Agad kong pinakalma ang sarili ko at sana lang ay huwag sumunod si gov dito sa baba. "O, hija, saan ka pupunta?" Tanong ni Madame Helena nang makita niya ako. Ngumiti ako sa kanya. "Uuwi lang po ako saglit. Kakain lang po at babalik din po ako kaagad." Sagot ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "What? Hindi ka pa kumakain ng tanghalian? Hindi ka ba pinakain ni Harley?" Tanong niya. "Okay lang po ako, madam. Uuwi na lang po ako at doon na lang po kakain. Malapit lang naman po ang bahay namin dito." Sagot ko. "No. Halika sa kusina at dito ka na kumain. Let's go." Sabi niya at hinila ako patungo sa kusina. Nakita ko roon si mama na abala sa paghuhugas ng mga plato. Napatingin siya sa amin nang pumasok kami sa kusina. "Nako, Beth, itong anak mo hindi pa nananghalian. Kaya hinila ko na rito sa kusina." Sumbong niya kay mama. Napangiti na lang si mama at huminto

    Huling Na-update : 2023-12-11
  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

    OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta written by Miss_Terious02.This story is a work of fiction. Names,characters,some places and incident are product of the Author's imagination. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead is entirely coincident.PLAGIARISM IS A CRIME! --⚠️ WARNING! R-18.Some scene may not suitable for young readers.⚠️ PAALALA: Edited na po ang kwento na ito. May mga binawas at dinagdag po ako sa kwento kaya kung nabasa mo na ito at balak mong basahin ulit ay pwedeng pwede. Pero kung hindi mo gusto ang kwento ay huwag mo ng basahin o ituloy. Mag next story ka na lang. Iyon lang at maraming salamat!Facebook: Rovelyn OgaycoIG: Miss_Terious02Dreame: Miss_Terious02Hinovel: Miss_Terious02NovelCat: Miss_Terious02Miss_Terious02All Rights Reserved 2019

    Huling Na-update : 2023-12-11
  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    Chapter 1

    Enjoy reading!"Fuck! Oohh." Ungol ko nang naramdaman ang mainit na likido na lumabas sa gitna ng babae na ikinakama ko ngayon."Aahhh.. ooh faster, honey, ugh!" Ungol ng babae habang binibilisan ko ang pagbayo sa kaniya. Mukhang walang kapaguran ang napili kong babae ngayong gabi. Pang ilang round na ito at mukhang wala siyang balak na pahingahin ang mga katawan namin.Mas lalo ko pang binilisan ang paglabos masok sa maluwag niyang lagusan. "Ooohh! Aahh! A-ang sarap." Ungol niya habang hinahawakan ko ang puwetan niya at malakas na binabayo. "Fuck! Ooh! I'm c-cumming!" Sabi ko at mas lalo pang binilisan ang pagbayo sa kaniya. Gumagalaw na ang kama dahil sa paggalaw ko. Isang bayo pa at agad kong hinugot ang pagkalalaki ko sa lagusan niya at biglang sumirit ang katas ko sa kanyang tiyan."Lick it, babe." Utos ko. Agad niya namang sinunod iyon. Ang sarap sa pakiramdam na dinidilaan ang ari ko. Pagkaraan ay agad niyang isinubo iyon at sumagad hanggang lalamunan niya. "Oooh! Ang galing

    Huling Na-update : 2023-12-11

Pinakabagong kabanata

  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    Chapter 3

    Enjoy reading!NANG tuluyan na akong makababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Madame Helena na mama ni Governor Harley. Agad kong pinakalma ang sarili ko at sana lang ay huwag sumunod si gov dito sa baba. "O, hija, saan ka pupunta?" Tanong ni Madame Helena nang makita niya ako. Ngumiti ako sa kanya. "Uuwi lang po ako saglit. Kakain lang po at babalik din po ako kaagad." Sagot ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "What? Hindi ka pa kumakain ng tanghalian? Hindi ka ba pinakain ni Harley?" Tanong niya. "Okay lang po ako, madam. Uuwi na lang po ako at doon na lang po kakain. Malapit lang naman po ang bahay namin dito." Sagot ko. "No. Halika sa kusina at dito ka na kumain. Let's go." Sabi niya at hinila ako patungo sa kusina. Nakita ko roon si mama na abala sa paghuhugas ng mga plato. Napatingin siya sa amin nang pumasok kami sa kusina. "Nako, Beth, itong anak mo hindi pa nananghalian. Kaya hinila ko na rito sa kusina." Sumbong niya kay mama. Napangiti na lang si mama at huminto

  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    Chapter 2

    Enjoy reading!NAPALAKI ang mga mata ko sa sinabi ni mama sa akin. Pag-aaralin daw kasi ako ni Governor Harley. Hindi na mangungutang ng pera si mama para sa pag-aaral ko. Kaya sobrang saya ko ngayon nang marinig ko iyon mula kay mama. Siya na lang ang bumubuhay sa amin ng kapatid kong si Justin. Matagal nang patay si papa dahil sa lungs cancer. Nang isinama ako ni mama sa mansion ng mga Callanta upang personal na magpasalamat kay Governor Harley ay naramdaman ko na naman ang kaba sa tuwing pumupunta ako rito. Iba kasi kung tumingin si Governor Harley sa tuwing magkaka salubong kami sa daan. Hindi ko alam kung gano'n ba talaga siya tumitig sa lahat ng nakakasalubong niya? Kaya yumuyuko na lang ako sa tuwing magkaka salubong kaming dalawa dahil naiilang ako sa titig niya. Hindi rin naman maipagkakaila na gwapo siya. Sakto lang ang katawan niya, at matangkad. Ayaw ko man na iwan ako ni mama sa opisina ni gov ngunit kailangan niya ng magtrabaho sa kusina. Kaya naiwan kaming dalawa ni

  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    Chapter 1

    Enjoy reading!"Fuck! Oohh." Ungol ko nang naramdaman ang mainit na likido na lumabas sa gitna ng babae na ikinakama ko ngayon."Aahhh.. ooh faster, honey, ugh!" Ungol ng babae habang binibilisan ko ang pagbayo sa kaniya. Mukhang walang kapaguran ang napili kong babae ngayong gabi. Pang ilang round na ito at mukhang wala siyang balak na pahingahin ang mga katawan namin.Mas lalo ko pang binilisan ang paglabos masok sa maluwag niyang lagusan. "Ooohh! Aahh! A-ang sarap." Ungol niya habang hinahawakan ko ang puwetan niya at malakas na binabayo. "Fuck! Ooh! I'm c-cumming!" Sabi ko at mas lalo pang binilisan ang pagbayo sa kaniya. Gumagalaw na ang kama dahil sa paggalaw ko. Isang bayo pa at agad kong hinugot ang pagkalalaki ko sa lagusan niya at biglang sumirit ang katas ko sa kanyang tiyan."Lick it, babe." Utos ko. Agad niya namang sinunod iyon. Ang sarap sa pakiramdam na dinidilaan ang ari ko. Pagkaraan ay agad niyang isinubo iyon at sumagad hanggang lalamunan niya. "Oooh! Ang galing

  • OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta    OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

    OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta written by Miss_Terious02.This story is a work of fiction. Names,characters,some places and incident are product of the Author's imagination. Any resemblance to actual events, places or person, living or dead is entirely coincident.PLAGIARISM IS A CRIME! --⚠️ WARNING! R-18.Some scene may not suitable for young readers.⚠️ PAALALA: Edited na po ang kwento na ito. May mga binawas at dinagdag po ako sa kwento kaya kung nabasa mo na ito at balak mong basahin ulit ay pwedeng pwede. Pero kung hindi mo gusto ang kwento ay huwag mo ng basahin o ituloy. Mag next story ka na lang. Iyon lang at maraming salamat!Facebook: Rovelyn OgaycoIG: Miss_Terious02Dreame: Miss_Terious02Hinovel: Miss_Terious02NovelCat: Miss_Terious02Miss_Terious02All Rights Reserved 2019

DMCA.com Protection Status