Agad na tumango ang lalaki. "Haha, napakabait mo. May taong sinubukang makipagnegosasyon tungkol sa presyo kanina. Hindi kami nakikipagnegosasyon!" Masaya si Fiona at agad niyang inabot ang isang piraso ng papel sa lalaki. "Heto ang mga detalye ng bank account at pwede mo nang ipadala ang pera. Huwag kang mag-alala, mahusay ang son-in-law ko. Kapag hindi niya nagamot ang asawa mo, siguradong ibabalik niya ang pera mo!" Agad na pinadala ng lalaki ang pera sa account ni Fane at dinala niya si Fane sa labas ng siyudad. "Lalabas tayo ng Middle Province?" Nagulat si Fane at tinanong niya ang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan noong nakita niya na lumabas sila ng siyudad. "Haha, miracle-working doctor Fane, huwag kang mag-alala. Nasa Middle Province pa rin tayo. Gusto lang namin ng asawa ko na mamuhay ng tahimik kaya gumawa kami ng maliit na bahay sa labas ng siyudad. Mahilig kaming mangisda sa may lawa kapag wala kaming ginagawa!" Masayang nagpaliwanag ang lalaki. Di kalaunan, pina
Nagkibit-balikat si Fane at nagsalita, “Nagkataon na hindi maganda ang timpla ko nitong mga nakaraang araw. Tutal nagpapakamatay kayong lahat, huwag niyo akong sisihin sa kamatayan niyo!”Ngumiti si Fane. Tumalon mula sa mga puno sa paligid niya ang nasa sandosenang tao noong sandaling matapos siya sa pagsasalita, at pinalibutan nila si Fane.“Haha, bata, matalino ka pala talaga para malaman mo na nandito kami para patayin ka!” Ang nakangiting sinabi ng isang matandang lalaki. “Pero, sa tingin ko hindi maganda na masyado kang kampante dahil marami kami dito !”Clap! Clap!Kasunod ng mga palakpak, naglakad mula sa mga halamanan sila Neil at Ken.“Fane, hindi mo alam ‘to, di ba? Siguradong katapusan mo na ngayon!” Ngumiti ng masama si Ken. Abala si Ivan sa kumpanya niya at nanghihinayang siya na hindi niya masasaksihan ang kamatayan ni Fane.Subalit, nangako si Ken na magpapadala siya agad ng larawan na patay na si Fane upang makasali si Ivan sa kasiyahan nila.“Ngayon alam ko na,
"Diyos ko, isang kayamanan ang singsing na yun! May narinig akong balita na may mga singsing na pwedeng paglagyan ng kahit ano at mga kayamanan ang mga singsing na ito! Siguradong isang kayamanan ang singsing ng lalaking ito!" Hindi mapigilang magsisigaw ng matandang lalaki na pangalawa sa killer list at namula ang kanyang mga mata. Sinugod niya si Fane gamit ang espada niya pagkatapos niyang magsalita na para bang natatakot siya na maunahan siya ng iba na makuha ang singsing. "Haha, isa nga 'tong kayamanan pero kinalulungkot ko na hindi mo na magagamit 'to!" Ngumiti si Fane at kumilos. Naglaho siya sa sobrang bilis niya. Swoosh!Noong biglang lumitaw si Fane, nasa tabi na siya ng matandang lalaki, at nabasag ng espada niya ang espada ng matandang lalaki. "Ano!" Nagulat ang matandang lalaki at sumigaw siya. Mabilis kumilos si Fane at hindi isang ordinaryong espada ang nasa kamay niya. Ang espada ay isang pambihirang kayamanan na napakatalim at kaya nitong putulin ang bakal ng
Ang mga assassin na ito, na napakalakas at marami nang napatay na tao ay takot na takot sa mga sandaling ito.Kung sabagay, ang lakas ng isang assassin na pangalawa sa listahan ay hindi isang biro. Subalit, madaling pinatay ni Fane ang taong iyon.Swoosh! Swoosh!Sa muling paghawi ni Fane ng espada ng dalawang beses, namatay ang dalawang lalaki na nasa mas mababang ranggo sa killer list. "Sabay-sabay tayong umatake!" Muling sinugod ng lalaking may masi si Fane. Swoosh!Sa pagkakataong ito, hindi binigyan ni Fane ng pagkakataong umatake ang lalaking may maso. Naglaho siya sa kanilang paningin at bigla siyang lumitaw sa likod ng lalaki, inatake niya ang lalaki gamit ng espada niya. Nakakita lang ng liwanag ang lalaki sa harap niya at naglaho si Fane. Kasunod ng paglalaho ni Fane, nakaramdam ng matinding takot at pangamba ang lalaki, na nagpamanhid sa kanyang katawan. Gusto niyang lumingon at lumaban ngunit huli na ang lahat. Dumaan ang espada at bumulagta sa lupa ang lalaki.
Kinumpas ni Fane ang kanyang kamay at tinago niya ang mga karayom sa kamay niya habang pinagmamasdan niya ang mga bangkay ng kalaban niya na nakabulagta sa lupa. Pinagbabalakan siya ng masama nila Ken at Neil. Ilang beses na niya silang binigyan ng pagkakataon ngunit nagpatuloy pa rin sila sa panggugulo sa kanya kaya hindi nila siya pwedeng sisihin. Mabuting pinatay na niya ang mga taong 'to dahil masisiguro nito na magkakaroon siya ng mapayapang buhay. Subalit, nagtataka siya kung bakit hindi sumama sila Ivan at Xena. Mas mabuti sana kung pumunta rin silang dalawa dahil wala na siyang aalalahanin kapag pinatay niya din sila. Lalo na si Xena, na sinubukan siyang lasunin. Kung nandito siya, hindi siya papakitaan ng awa ni Fane. Sa mga sandaling ito, nakangiti ang isang matandang lalaki sa loob ng isang courtyard house at binati niya si Joan. "Greetings my lady, ako ang butler ng Woods family. Inimbitahan ka namin ngayon sa pag-asang babalik kayo ng young master sa Woods family.
"Madam, hindi mo masisisi ang master dahil may pinagdadaanan din siya noong mga panahong iyon. Bilang master ng Woods family, kailangan niyang isipin ang mas makakabuti sa buong pamilya! Bukod dun, inutos niya na bigyan kayo ng 1 million taun-taon at walang sinuman dito ang nakakaalam sa insidente na lumuhod ang anak mo sa labas ng mansyon buong gabi!" Naiinis na nagsalita ang matandang lalaki. "Kaya malamang, si Lily Lagorio ang nag-utos sa isang tauhan niya na magsinungaling sa inyo, para magkaroon ng malaking di-pagkakaunawaan sa pagitan natin!" Pinag-isipan ito ng babae at nagsalita siya, "Auntie, ayos lang kung ayaw mong patawarin ang master. Pero, mamamatay na ang master at sana dalawin niyo siya ng young master. Isipin niyo na lang na ito na ang huling pagkakataon na makikita niyo ang master. Araw-araw na binabanggit ng master ang pangalan niyo. Naniniwala ako na pupuntahan ng master si Young Master Fane kung kaya lang niyang kumilos ngayon!""Masama ba talaga ang lagay niya?
Napaisip ang matandang lalaki at muli niyang kinausap si Joan. "Sinabi ng isa sa mga doktor na tatlong buwan na lang ang itatagal ng master base sa kondisyon niya ngayon. Kaya naman, anuman ang mangyari, sana ay nasa tabi niya kayo sa loob ng tatlong buwan na iyon." Inabot ng matandang lalaki ang isang name card kay Joan pagkatapos niyang magsalita. "Sige?" Kinuha ni Joan ang card, tiningnan niya ang address na nakalagay dito, at umalis. Pag-alis ni Joan, nagtanong ang babae, "Butler, sa tingin mo ba pupunta dito si Fane?"Ngumiti ng mapait ang matandang lalaki. "Hindi ako sigurado tungkol diyan. Pero, naniniwala ako na susubukan ni Joan na kumbinsihin si Fane, dahil kinuha niya ang name card na binigay ko. Hayy, ano bang pwedeng gawin… Malaki ang utang sa kanila ng Woods family at maiintindihan ko anuman ang maging desisyon nila!"Sumimangot ang babae pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito. "Pero, hindi matutuwa si Madam Lily kapag nalaman niya na pinababalik natin si F
Tumango ang babae at sinabing, “Kung sabagay, pinapatunayan lang nito na hindi isang walang kwentang tao si Young Master Fane. Siguradong kakampi ang great elder at ang iba pang mga elder kay Fane at lalo silang magiging determinado na suportahan si Fane. Sa kabilang banda, lalo lang magkakaroon ng dahilan si Lily na puntiryahin si Fane!”“Sige, sana makumbinsi ni Joan si Fane dahil may maliit na posibilidad na magawa natin yun. Nanay niya si Joan at baka may pag-asa siya!” Ang sabi ng matandang lalaki.Hapon na at tapos na si Ivan sa trabaho niya. Sinundo siya ni Xena sa trabaho.Hindi mapigilan ni Ivan na magsalita pagkatapos nilang lumabas ng opisina. “Nakakapagtaka, 6 P. M. na pero bakit hindi pa rin tumatawag sila Ken at Neil? Bukod dun, di ba sinabihan ko siya na padalhan niya ako agad ng larawan pagkatapos nilang patayin si Fane?”“Posible kayang may nangyari sa kanila?” Sumimangot si Xena at nanghula siya.“Paano mangyayari yun? Nalason si Fane at kahit na hindi natin alam
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin