"Kumusta? Dapat bang umalis na kayong lahat? Ayaw kong makarinig ng ibang sagot bukod sa 'oo'!" Ngumiti si Ken at sinabi. "Young Master Clark, umalis na tayo!" Nagdilim ang mukha ni Dennis. Lumapit siya sa harapan ni Ken at sinabi nang may mababang boses, "Dali na at umalis ka na. Kung ayaw mong maglaho ang Clark family sa Middle Province!" "Ano… anong nangyayari?" Natulala si Ken. Diba isang marshall si Dennis? Bakit mukhang takot na takot siya kay Fane? Si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng Clark family, ay sinabihan siya na huwag galitin si Fane. Sa hindi inaasahan, ang marshall na ito ay takot din at sinabihan din siya na huwag galitin si Fane. "Makinig ka sa akin, kung hindi, katapusan na ng pamilya mo!" Binabaan ni Dennis ang kanyang boses at inabot ang taenga ni Ken. Bumulong siya nang seryoso bago maglakad palabas. Nabigla si Ken. Si Dennis ay natatangi at ang lakas ng kanyang katayuan ay nakakapanindig-balahibo ng marami, subalit takot siya kay Fane. "
Medyo nabahala si Ken at nagdalawang-isip. Naniniwala siyang hindi nagsinungaling si Dennis at hindi na siya nangahas na sumugal pa. Kung matalo siya sa pustahan, di lang siya ang mamamatay, madadamay din ang pamilya niya. Nakarating na ang Clark family sa kinatatayuan nito ngayon mula sa isang mahirap na daan at di dapat ito masira nang dahil sa kanya. Kahit na maganda si Selena - kahit sinong lalaki na makakakita sa kanya ay magbabalak na ligawan siya, karapat-dapat bang isuko ang buong Clark family dahil sa isang babae? Buti na lang, sa sandaling ito, hinila ni Fiona si Fane at tinitigan ito nang masama. "Nababaliw ka na ba? Anong kalokohan ang sinasabi mo? Siya ang Young Master ng Clark family, di natin siya dapat galitin!" Matapos niyang magsalita, kinawayan niya si Ken. "Young Master Clark, siguro isa lamang itong hindi-pagkakaunawaan. Ayos lang, makakaalis na kayo!" Matapos marinig ito, nakahinga nang maluwag si Ken. Mabuti nang umalis nang marumi kaysa lumuhod at ma
"Parang ganun nga!" Matapos suriin ni Xena ang lahat, tumango si Ben. "Di na yun mahalaga. Kahit na medyo mukhang walang kwenta si bayaw, alam pa rin niya kung paano iligtas ang dignidad niya. Sinara niya ang pinto, walang nakakita kaya wala siyang dapat ikahiya. Siya nga pala, mabuti at di na kailangan gibain ang bahay natin!" "Oo. Mabuti at di na nito kailangang gibain. Dalawang buwan mula ngayon, kapag nakuha ng kapatid mo ang sahod niya, bumili tayo ng bahay!" Ngumiti si Fiona at tumango. Matapos niya itong pag-isipan, sinabi niya, "Oo nga pala, papasok na ng trabaho ang kapatid mo bukas. Bumili tayo ng pagkain at magshopping. Gusto kong bumili ng mas magagandang damit!" "Opo, ina, may pera ka na ngayon. Diba may walong daang libo ka pa mula sa perang binigay ni Fane sayo? Dapat bumili ka ng magagandang damit. Pagod na pagod ka na nitong nakaraang mga taon! Dapat bumili ka ng maganda at handugan mo nmn ang sarili mo!" Masayang iminungkahi ni Ben. Sandali lang, sila Fiona,
Nagdala ang taong yun ng higit pa sa isang dosenang tao kasama niya. Natakot si Selena nang makita niya ang napakaraming taong palapit nang may dalang sandata. Tumingin siya sa gilid, nandoon si Kylie. Sumugod siya paharap, hinila si Kylie papunta sa kanya, at niyakap siya nang mahigpit. "Hubby, anong dapat nating gawin? Napakaraming tao. Mukhang di maganda ang pakay nila!" Takot na takot si Selena nang yakapin niya nang mas mahigpit si Kylie. "Mummy, wag kang matakot, tatalunin ni daddy ang mga masasamang tao. Magaling si daddy!" Nagsalita si Kylie nang may pambatang boses. Sa edad na apat na taon, alam na kaagad niya na magkusang pagaanin ang loob ni Selena. "Tama, siguradong kayang solusyonan ng tatay mo ito!" Dinamayan ni Selea si Kylie ngunit lalong lumalim ang pagsimangot niya. "Wag kayong mag-alala. Nandito ako, walang makalagalaw sa inyo!" Kapanteng ngumiti si Fane at sinabi, "Paano ako nakaligtas sa labanan sa loob nitong nakaraang limang taon kung hindi?"
Nang makita ang mapanghamak na ekspresyon ni Fane, isa sa mga pinuno ng mga sanggano ang nainis. Nang matapos siya magsalita, higit sa isang dosenang tao ang sumugod at pinaligiran si Fane. "Hubby, kaya… kaya mo ba yan? May mga hawak silang kutsilyo;" Sa sobrang takot ni Selena ay napaatras siya, hindi niya mapigilang takpan ang mata ni Kylie gamit ng kamay niya. Subalit, iniunat ni Kylie ang kanyang kamay para itulak palayo ang kamay ni Selena. "Dali Daddy. Gusto kitang makita talunin ang mga masasamang tao…" "Haha. Honey wag kang mag-alala. Bilang isang lalaki, di ko pwedeng sabihing di ko kaya!" Tumalikod si Fane, tinignan si Selena at nakangiting sinabi sa kanya. Namula si Selena nang maisip na kaya pa niyang magbiro sa mga oras na ito. "Young Master Hugo, anong dapat naming gawin? Patayin ba namin siya o ano?" Nakangiting tanong ng pinuno ng grupo. "Patayin siya?" Napahinto si Young Master Hugo. "Hindi, hindi, hindi. Diba masyadong madali para sa kanya kung papat
Ngumisi si Fane nang tignan niya ang mga taong sumusugod sa kanya. Kahit na nakakatakot silang tignan sa may kulay nilang buhok at mga tattoo, mapapayat ang katawan nila. Sa isang tingin lang ay alam na ni Fane na mahihina ang mga ito at hindi nagsasanay nang maayos. Nagpanggap lang sila sa pamamagitan ng paghawak ng kutsilyo. Mauunang mamatay ang mga ito sa lahat kapag nalagay sila sa labanan. "Mag-ingat ka Hubby!" Sumigaw si Selena mula sa likod. Nabahala siya nang makita niya ang napakaraming taong sumusugod kay Fane. "Haha. Selena, kung papayag kang makipaglaro sa akin ngayon na, sasabihan ko sila na wag nang pahirapan ang asawa mo. Walang mga kontrol sa sarii ang mga taong ito at walang awa ang sandata. Pag namatay ang asawa mo, magiging biyuda ka na lang! Sa gayon, pwede mo akong pakasalan, o pwede kitang maging kalaguyo!" Tinignan ni Neil si Selena. Hindi niya mapigilang mapalunok ng laway, puno ng kahibangan at galak ang mga mata niya. Noong kinuha niya ang mga sang
"Anong gusto mo mokong? Isa ako sa Hugo…" nagngitngitan ang ngipin ni Neil, naghandang ipakilala muli ang kanyang sarili. Pak! Inikot ni Fane ang kanyang kamay at sinampal nang napakalakas si Neil. Isang malaking bakat ng palad ang naiwan sa mukha ni Neil. "Alam ko na ang pagkatao mo nung una pa lang. Di mo na kailangang ipakilala sarili mo!" Walang pakeng ngumiti si Fane at sinabi. "Sinasabi ko sayo, pag sinampal mo ako…" Pak! "Ikaw…" Pak! Matapos ang tatlong magkakasunod na sampal, sa sobrang hilo ni Neil ay nakakakita na siya ng mga bituin at halos himatayin. "Kapatid, kasalanan ko ito. Di ko na ito gagawin!" Natakot si Neil na mabugbog. Lumuhod siya sa sahig. Tapos nagsimula siyang magmakaawa. "Wala na diyan ang ulo mo kung di dahil sa anak ko, di niya kailangang makita ang ganun kadugong pangyayari!" Mayabang na ngumiti si Fane. Di siya masyado gumamit ng lakas. Kung seryoso siya sa mga sampal niya, lumipad na ang ulo ni Neil sa isang sampal lang. "Kapati
"Oh, wag mong sabihin sa kanila ina yung tungkol sa nangyari kanina. Di na nila kailangang alalahanin pa ito!" Sinabi ni Fane kay Selena matapos mag-isip. Tumango si Selena. "Oo, nagalit natin ngayon yung young master ng Hugo family. Baka pagalitan ka na naman ni ina pag nalaman niya to!" Pagkatapos ay tinignan niya si Kylie na nasa kanyang braso at sinabi, "Kylie, wag mo sasabihin sa mga lola mo kung paano tinalo ng tatay mo yung mga masamang tao kanina ah!" "Okay!" Masunuring tumango si Kylie. Doon na nakauwi si Joan at ang kanyang katulong na si Shauna mula sa paglalakad sa parke. "Kylie, tignan mo. Tignan mo pasalubong ko sayo!" Masayang inilahad ni Joan kay Kylie ang isang hawthorn candy. "Wow, hawthorn candy!" Nagalak si Kylie nang makita ang mga hawthorn candy. Tumakbo siya patungo kay Joan nang ilapag siya ni Selena. "Siya nga pala, papasok ka pa ng trabaho bukas. Ayaw mo bang bumili ng bagong damit?" Tiningan ni Selena si Fane. "Di na kailangan yan. Ayos na