"Kung ganon, alam mo din na hindi tama ang gibain ang bahay namin nang walang bayad diba?" "Nababagabag ka din dito at gusto mong bumawi sa amin diba?" Kaharap ang marshall, hindi nakaramdam ng kahit anong takot at kaba si Fane. Sa halip, ngumiti siya. "Kung ito ay sa digmaan, at nasa militar pa tayo, hindi ka aasal nang ganito kapag nakita mo ang kapwa mo sundalo!" Lumubog ang mukha ni Dennis. "Hindi ko gusto maging mabilang. Limampung milyon at dapat umalis na ang pamilya mo. Subalit, di mo dapat sabihin kay Ken Clark!" "Kakaiba yan ah. Isa kang mabuti at respetadong sundalo. Pero takot ka kay Ken? Hindi ko talaga maintindihan anong ikinatatakot mo?" Napakunot ang noo ni Fane sa pagkalito. "Hindi ako takot. Dati, bago pa ako maging sundalo, napakahirap ng pamilya namin. Isang beses, noong mamamatay na kami ng kapatid ko sa gutom, dumaan siya sa amin at nagbigay ng ilang libong dolyar. Kahit na wala lang sa kanya yung pera na yun, pero para sa akin, malaking bagay yun at
Makikita ang gulat sa mga mata ni Dennis. Hindi niya maisip na ganito kabilis ang kanyang kalaban para maiwasan ang bawat atake niya. Napakalakas din nito. Nanginig ang kanyang katawan nang patayo na siya. Subalit, inilapag no Fane ang kamay nito sa balikat niya para idiin siya pababa. Gamit ng pwersa napaluhod din ang isa niyang binti. "Ah!" Nagngalit ang kanyang ngipin, sinubukang tumayo, nalaman niya na ang kapangyarihan ni Fane ay parang isang malaking bundok. Hindi siya makatayo habang dinidiin siya ni Fane. Sumulyap si Dennis kay Fane, ngunit ang nakita lamang niya ay isang bahagyang ngiti sa mukha ni Fane. Mukhang hindi pagod si Fane, tila ba hindi siya gumamit masyado ng lakas. "Kung isa kang kalaban sa digmaan, libu-libong beses ka nang namatay!" Dahan-dahang sinabi ni Fane bago pakawalan si Dennis. Napaluhod sa sahig si Dennis habang ang mata niy ay puno ng pagkalito at natulala siya. Ang lakas! Naplalakas niya! Sino ang lalaking itong nasa harapan niya ay
Noon pang ang Supreme Warrior ang pinakamisteryosong tao sa militar! Kahit na maraming tao ang nakakaalam tungkol sa natatangi nitong maskara, iilan lamang ang nakakakilala sa mukha niya. Tuwing lilitaw ang maskarang hugis dragon na ito sa labanan, ang mga sundalong natatalo sa laban ay kaagad na nagkakaroon ng lakas na lumaban nang kampante. Kasabihan na basta lumitaw ang maskara, senyales na sumama na sa giyera ang Supreme Warrior, hindi sila kailanman natalo. Ang maskara at ang may suot nito ang naging pananampalataya ng lahat ng mandirigma at ng kanilang kaluluwa sa pakikipaglaban. Binalak nilang opisyal na ideklara ang pagkatao ng Supreme Warrior dahil gustong malaman ng lahat kung ano ang itsura ng Supreme Warrior. Subalit, hindi alam kung bakit ang Nine Great Gods of War lamang ang ipinakilala at hindi ang maalamat na taong ito. Sa sandaling ito, takot na takot si Dennis na nanghina ang kanyang binti, tumutulo ang pawis sa kanyang noo. Ang Supreme Warrior ay isan
"Kumusta? Dapat bang umalis na kayong lahat? Ayaw kong makarinig ng ibang sagot bukod sa 'oo'!" Ngumiti si Ken at sinabi. "Young Master Clark, umalis na tayo!" Nagdilim ang mukha ni Dennis. Lumapit siya sa harapan ni Ken at sinabi nang may mababang boses, "Dali na at umalis ka na. Kung ayaw mong maglaho ang Clark family sa Middle Province!" "Ano… anong nangyayari?" Natulala si Ken. Diba isang marshall si Dennis? Bakit mukhang takot na takot siya kay Fane? Si Dan Jameson, ang pinakamalakas na tauhan ng Clark family, ay sinabihan siya na huwag galitin si Fane. Sa hindi inaasahan, ang marshall na ito ay takot din at sinabihan din siya na huwag galitin si Fane. "Makinig ka sa akin, kung hindi, katapusan na ng pamilya mo!" Binabaan ni Dennis ang kanyang boses at inabot ang taenga ni Ken. Bumulong siya nang seryoso bago maglakad palabas. Nabigla si Ken. Si Dennis ay natatangi at ang lakas ng kanyang katayuan ay nakakapanindig-balahibo ng marami, subalit takot siya kay Fane. "
Medyo nabahala si Ken at nagdalawang-isip. Naniniwala siyang hindi nagsinungaling si Dennis at hindi na siya nangahas na sumugal pa. Kung matalo siya sa pustahan, di lang siya ang mamamatay, madadamay din ang pamilya niya. Nakarating na ang Clark family sa kinatatayuan nito ngayon mula sa isang mahirap na daan at di dapat ito masira nang dahil sa kanya. Kahit na maganda si Selena - kahit sinong lalaki na makakakita sa kanya ay magbabalak na ligawan siya, karapat-dapat bang isuko ang buong Clark family dahil sa isang babae? Buti na lang, sa sandaling ito, hinila ni Fiona si Fane at tinitigan ito nang masama. "Nababaliw ka na ba? Anong kalokohan ang sinasabi mo? Siya ang Young Master ng Clark family, di natin siya dapat galitin!" Matapos niyang magsalita, kinawayan niya si Ken. "Young Master Clark, siguro isa lamang itong hindi-pagkakaunawaan. Ayos lang, makakaalis na kayo!" Matapos marinig ito, nakahinga nang maluwag si Ken. Mabuti nang umalis nang marumi kaysa lumuhod at ma
"Parang ganun nga!" Matapos suriin ni Xena ang lahat, tumango si Ben. "Di na yun mahalaga. Kahit na medyo mukhang walang kwenta si bayaw, alam pa rin niya kung paano iligtas ang dignidad niya. Sinara niya ang pinto, walang nakakita kaya wala siyang dapat ikahiya. Siya nga pala, mabuti at di na kailangan gibain ang bahay natin!" "Oo. Mabuti at di na nito kailangang gibain. Dalawang buwan mula ngayon, kapag nakuha ng kapatid mo ang sahod niya, bumili tayo ng bahay!" Ngumiti si Fiona at tumango. Matapos niya itong pag-isipan, sinabi niya, "Oo nga pala, papasok na ng trabaho ang kapatid mo bukas. Bumili tayo ng pagkain at magshopping. Gusto kong bumili ng mas magagandang damit!" "Opo, ina, may pera ka na ngayon. Diba may walong daang libo ka pa mula sa perang binigay ni Fane sayo? Dapat bumili ka ng magagandang damit. Pagod na pagod ka na nitong nakaraang mga taon! Dapat bumili ka ng maganda at handugan mo nmn ang sarili mo!" Masayang iminungkahi ni Ben. Sandali lang, sila Fiona,
Nagdala ang taong yun ng higit pa sa isang dosenang tao kasama niya. Natakot si Selena nang makita niya ang napakaraming taong palapit nang may dalang sandata. Tumingin siya sa gilid, nandoon si Kylie. Sumugod siya paharap, hinila si Kylie papunta sa kanya, at niyakap siya nang mahigpit. "Hubby, anong dapat nating gawin? Napakaraming tao. Mukhang di maganda ang pakay nila!" Takot na takot si Selena nang yakapin niya nang mas mahigpit si Kylie. "Mummy, wag kang matakot, tatalunin ni daddy ang mga masasamang tao. Magaling si daddy!" Nagsalita si Kylie nang may pambatang boses. Sa edad na apat na taon, alam na kaagad niya na magkusang pagaanin ang loob ni Selena. "Tama, siguradong kayang solusyonan ng tatay mo ito!" Dinamayan ni Selea si Kylie ngunit lalong lumalim ang pagsimangot niya. "Wag kayong mag-alala. Nandito ako, walang makalagalaw sa inyo!" Kapanteng ngumiti si Fane at sinabi, "Paano ako nakaligtas sa labanan sa loob nitong nakaraang limang taon kung hindi?"
Nang makita ang mapanghamak na ekspresyon ni Fane, isa sa mga pinuno ng mga sanggano ang nainis. Nang matapos siya magsalita, higit sa isang dosenang tao ang sumugod at pinaligiran si Fane. "Hubby, kaya… kaya mo ba yan? May mga hawak silang kutsilyo;" Sa sobrang takot ni Selena ay napaatras siya, hindi niya mapigilang takpan ang mata ni Kylie gamit ng kamay niya. Subalit, iniunat ni Kylie ang kanyang kamay para itulak palayo ang kamay ni Selena. "Dali Daddy. Gusto kitang makita talunin ang mga masasamang tao…" "Haha. Honey wag kang mag-alala. Bilang isang lalaki, di ko pwedeng sabihing di ko kaya!" Tumalikod si Fane, tinignan si Selena at nakangiting sinabi sa kanya. Namula si Selena nang maisip na kaya pa niyang magbiro sa mga oras na ito. "Young Master Hugo, anong dapat naming gawin? Patayin ba namin siya o ano?" Nakangiting tanong ng pinuno ng grupo. "Patayin siya?" Napahinto si Young Master Hugo. "Hindi, hindi, hindi. Diba masyadong madali para sa kanya kung papat