"Ha, ha, tama. Tutupad ang Gold family sa mga salita namin at babayaran namin kayo. Ninety million lang yun–ibigay mo sa'min ang bank account number mo!" Pinigilan ni Kelly ang galit sa kanyang puso at natawang nagsabi. "Fane, hayaan mo na lang to." Hindi mapigilan ni Zeus na magsabi. Lalo na at ikakasal si Cecilia kay Mr. Gold. Magiging kapamilya na nila ang kanilang kalaban. Sapat na ang para patayin ang magiging bodyguard ng kanilang pamilya. Baka dumagdag lang sa galit ni Mr. Gold kapag siningil pa niya ang siyamnapung milyon. Maaari nitong maapektuhan ang relasyon sa pagitan ng dalawang pamilya. Nanahimik si Zeus kanina. Lalo na't sinabi na niya na huwag ipagpatuloy ang laban kanina at tinanggihan siya ng Gold family. Nanatili siyang tahimik hanggang sa dumating ang sandaling ito. "Ha, ha, ayos lang sa'kin na kalimutan na lang to, pero sa tingin ko si Mr. Gold ay isang taong tumutupad sa usapan. Kung hindi, hindi ako makakarinig ng magandang mga bagay tungkol sa pagkatao
"Sige, isa tayong pamilya. Sa tingin ko hindi nila to dadamdamin para lang sa ilang bodyguards." Sabi ni Old Master Taylor, "Sinabihan ko na sila laban dito, pero nagpumilit pa rin ang pamilya nila na makipagpaligsahan sa'tin–hindi nila dapat sisihin si Fane para rito." "Pero, itay…" Mukhang hindi pa rin masaya si Zeus–medyo natatakot siya sa Gold family. "Pero ano? Hindi na isang third-class family ang Taylor family. Isa na tayong second class family. Ang Gold family ay isa ring second class family. Pantay ang antas natin at hindi ka dapat matakot." Nagsabi si Old Master Taylor at tinignan si Fane. "Fane, kahit na sila ang nagsimula ng away, dapat maging maingat ka rin sa hinaharap. Magiging kapamilya na natin sila. Dapat magsikap tayo na magpanatili ng isang magandang relasyon." "Wag kang mag-alala, may mga plano ako!" Ngumiti si Fane. Tinignan niyang muli ang oras at nagsabing, "Sige, kailangan na naming umuwi at magpahinga. Bibisitahin namin kayo ulit kapag libre kami."
"Oo, tama si Fane! Maliit na halaga lang to. Ano naman kung ibibigay niya ito sa kanyang mother-in-law?" Tuwang-tuwa si Fiona. Nag-isip na siya kung paano niya gagastusin ang pera at wala siyang pakialam kung nagalit ni Fane ang Gold family. "Sige, matulog na tayo. Kailangan kong matulog nang maaga." Tumawa si Fiona at nagpunta sa villa kasama ni Andrew. "Paano mo nasabing maliit lang na halagang ninety million?" Parang hindi sigurado si Selena kung dapat ba siyang umiyak o tumawa. Hinawakan niya ang kamay ni Kylie at pumasok sa loob. "Hubby, bakit hindi natin liitan lang ang birthday celebration? Wala na akong pakialam kung magmukha tayong tanga. Sa tingin ko hindi tayo dapat magsayang ng pera. Nag-aalala lang talaga ako na naghanda ka ng napakaraming mesa pero kakaunti lang ang dumalo." "Ha, ha, wag kang mag-alala, tiyak na maraming tao ang pupunta! Lalo na't niyanig nito ang buong siyudad–kailangan natin tong pangatawanan!" Tumawa si Fane at hinawakan ang kamay ni Sele
"Bakit mo siya papatayin? Papakasalan mo si Cecilia sa hinaharap at magiging in-laws mo ang Taylor family. Magiging isang pamilya na tayo sa araw na yun kaya hindi natin siya kailangang gilitan ng leeg." Diretsong nanermon ang head ng Gold family. "Papa, mayabang si Fane at palaging nagsasabi ng kung ano-ano! Sige. Kalimutan na natin ang katotohan na ininsulto niya kayo ni Lolo pero para sa ginawa niya sa Gold family ngayong araw, ang pagpatay niya sa marami sa mga tauhan natin, hindi mo ba gustong ipaghiganti ang mga namatay? "At saka kapag kumalat ang tungkol dito, anong mangyayari? Kahihiyan ito para sa Gold family! Hinamon natin sila sa duwelo, hindi isa kundi siyam na beses. Pero ano? Natalo tayo sa lahat ng round! Wala sa mga tao natin ang nanalo ni-isang round! Hindi ba nakakahiya yun?" Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Kelly. Habang lalo niyang inaalala ang nangyari kanina, mas lalong lumalalim ang inis sa kanyang dibdib. "Hindi natin pwedeng ipasa ang lahat ng
Kinabukasan, lumabas si Kelly kasama ng ilang bodyguards para gawin ang kanilang plano. Naghintay sila hanggang sa parehong wala na sa bahay sina Fane at Selena at doon lamang siya gumastos ng pera para kumuha ng impormasyon tungkol sa mga babaeng bodyguards mula sa isang katulong ng Taylor family. Nang nakuha na niya sa wakas ang impormasyon tungkol sa sahod ng sampung magagandang bodyguards, napanganga siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Sobra siyang nagulat. Sobrang pambihira ang lakas at kakayahan sa pakikipaglaban ng mga bodyguard na iyon. Sa ganoong kakayahan, pinakamababa na ang limampung libo kada buwan para sa kanila. Ang pinakamalaking katotohanan ay bawat isa sa magagandang bodyguards ay may mahahaba at magagandang binti. Kung ang kumuha sa kanila ay isang young master ng mga prominenteng pamilya, handa silang magbayad kahit na magkano, kahit na mawalan pa sila ng pera sa bangko! "Anong kalokohan to?! Pumayag talaga sila sa ganitong sahod?" Halos masamid
Tinanggihan rin ng isa pang magandang bodyguard ang alok ni Kelly nang hindi man lang kumukurap. Nanginig ang bibig ni Kelly na para ba siyang naii-stroke. Nagsimula siyang magtaka kung nagkamali ba siya ng dinig. Tinaasan na niya ang sahod nila mula dalawampung libo papuntang limampung libo, higit pa yun sa doble! Bakit tatanggihan ng mga babaeng ito ang kanyang alok nang hindi man lang ito pinag-iisipan? "Sige, sige, magbabayad ako ng isandaang libo. Maganda na ang isandaang libo, di ba?" Nagngitngit ang ngipin ni Kelly at iniunat ang isa pa niyang kamay, inilahad ang lahat ng daliri sa pareho niyang kamay para sumenyas ng 'sampu'. "Limang beses ang tinaas ng presyo na to kumpara sa sahod niyo ngayon. Wala kayong dahilan para tumanggi!" "Ayaw namin!" Nagkatinginan ang dalawang magagandang dilag at sabay na sumigaw. Nang marinig ang huling patnig ng salita nila, tumalikod ang dalawa at naglakad papalayo, hindi sila nagsayang ng oras na ipagpatuloy pa ang nakakabagot na
Sa huli, walang nagawa si Kelly kundi bumalik sa Gold's residence nang may nanlulumong mukha. Kumunot ang noo ng head ng Gold family nang makita niya si Kelly. Pagkatapos ay nagtanong siya, "Anong problema? Mukhang hindi ka masaya!" "Nagpunta ako sa villa ni Fane para kausapin ang mga bodyguard na yun na iwan si Fane at magtrabaho para sa'tin. Pero nauwi lang sa wala ang lahat!" Paliwanag ni Kelly at mapait na ngumiti. "Heh? Sigurado ka? Magkano ang sinasahod nila kada buwan ngayon?" Bahagyang nabigla si Ezra––ang head ng Gold family. Hindi pumasok sa kanyang isipan na hindi magtatagumpay ang kanilang pakikiusap. Dahil ba napakataas ng binabayad sa kanila ni Fane? "Dalawampung libo lang kada buwan!" Isang pilit na ngiti ang nasa mukha ni Kelly nang sumagot siya. "Dalawampung libo? Niloloko mo ba ko? Dalawampung libo lang ang sinasahod nila kada buwan at hindi mo pa sila mapilit na iwanan si Fane? Dapat ang dali lang nun!" Napuno ng gulat ang ekspresyon sa mukha
Malamig na suminghal si Elaine, isang malamig na ngiti ang nasa kanyang mga nakatikom na labi. "Ahem! Fane, dahil isa tong pambihirang pagkakataon na magsama-sama ang lahat para sa isang tanghalian, ako ang magbabayad ng bill ngayon!" Bigla na lang nagsalita si Fiona na sinundan ng isang masayang tawa. Kaagad na nagkatinginan sina Fane at Selena, hindi makapaniwala ang mga mata nila. Hindi nila kailanman naisip na magiging galante si Fiona at ililibre ng tanghalian ang lahat gamit ng kanyang sariling pera. "Mama, sigurado ka ba? Ako na ang magbabayad, okay? Wag kang mag-alala!" Isang mapagpanggap na paggalang ang lumitaw sa mukha ni Fane, ngumiti siya at nagpresenta na magbabayad. "Heh! Masaya lang ako ngayong araw. At saka, mayaman na ko ngayon, hindi na ako ang dating Fiona––mahirap at gipit sa pera. Tanghalian lang to, ako na ang magbabayad!" Tumawa si Fiona, malinaw na maganda ang timpla niya. "Tsk tsk, hindi madali para sa isang tao na magbago, Ma. Dati napa
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin