Ilang metro na ang layo sa kanila ng putikan kanina. Subalit, napakalakas ng sipa ni Fane. Nagawa niyang paliparin ang lalaki at bumagsak sa putikan na iyon. Basang-basa ng maputik na tubig ang bulaklaking damit ni Young Master Hugo. "S-si-sinaktan mo si Young Master Hugo? Gusto mo bang mamatay?" Takot na takot ang babae, kaagad siyang umatras habang tinuturo si Fane. Wala pa ring emosyon sa mukha ni Fane habang tinitigan niya ng diretso ang babae, "Kikilos pa ba ako o kusa kang gugulong sa putikan na iyon?" "'W-w-wag mo kong saktan…" Sobrang natakot ang babae sa titig ni Fane. Isa itong titig ng isang taong nakaligtas sa hindi mabilang na pagdanak ng dugo. Pagkatapos niyang magsalita, kaagad siyang tumakbo at nagsimulang gumulong sa maputik na tubig. Maikli ang kanyang palda. Pagkatapos nitong mabasa, mas lalong nakita ang hubog ng kanyang katawan. "Bwisit, m-m-maghintay ka lang!" Kumukulo ang dugo ni Young Master Hugo sa galit. Tumayo siya, sabay dumura ng dugo. Nap
"Gigibain? Kung ganoon, 'di ba dapat makakatanggap tayo ng kahit na magkanong kompensasyon?" Saglit na naguluhan si Fane at pagkatapos ay sumunod kay Selena papasok sa bahay. Sa sandaling iyon, may nagkakasiyahan sa sala. Mayroong ilang mga trabahador na nakikipag-usap kina Fiona at Andrew. "Hala, Selena, anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang dumi niyo?" Nagulat si Joan nang makita niya sina Selena at Fane, kaagad siyang nagtanong. "Hay, napadaan kami sa isang putikan kanina tapos merong kotse na humarurot… kaya natalsikan kami!" Nauutal si Selena habang nakakunot ang noo. Masyado siyang nahihiya na sabihin ito. Kung nalaman ng kanyang ina na sumama ang loob sa kanila ng malupit na Hugo family, paano kaya ang kanyang magiging reaksyon? "Ah, ikaw pala si Miss Taylor!" Masayang tumayo ang isang matandang lalaki at nagpaliwanag, "Ako ang trabahador na may hawak dito. Ganito kasi 'yon. Kukunin namin ang lugar na ito dahil payapa rito. Balak naming magtayo ng isang retir
"Higit pa roon, nakatanggap kami ng reklamo na ilegal raw ang pagpapatayo sa courtyard na 'to, naiintindihan niyo ba? Maswerte na nga kayo hindi kayo pinagbabayad. Nakikipag-usap lang kami para kusa kayong paalisin. Bakit niyo naisip na magkakaroon ng compensation?" Nakangiti pa rin ang matandang lalaki, pero kaagad na sumama ang loob nina Fiona nang dahil sa kanyang mga salita. Walang kumpensasyon ang demolisyon na ito? "Imposible. Ito ang lumang mansyon ng Taylor family. Walang tumira dito ng maraming taon. Ang lolo ko ang nagsabi na dito kami tumira. Kahit na anong mangyari, dapat merong demolition compensation. Panong naging illegal building 'to? Maraming taon na kaming nakatira dito!" Galit na galit Selena. Ang una niyang plano ay umuwi sa kanilang bahay at maligo, pero sa ngayon ay nawalan siya ng gana. Masyado nang nagiging iresonable ang mga taong ito. "Siguro nandyan na ang pera pero balak niyo lang na angkinin 'yon, ano? Hehe, alam niyo ba na nagmula kami sa Taylor fa
"Oh hala, Young Master Clark, bakit ka nandito? Ang tagal nating 'di nagkita!" Nang makita niya si Ken at ang kanyang mga alagad, kaagad na masayang bumati si Fiona. "Hehe, Tita, hindi naman ganun katagal. Nagkita tayo two days ago!" Tumawa si Ken at tinuro ang kanyang mga ngipin. "Tignan niyo, sumisipol ako habang nagsasalita. Dahil 'yan sa pinakamamahal niyong manugang!" Kaagad na nailang si Fiona. Pinilit niyang ngumiti at sumagot, "Ayusin mo ang mga sinasabi mo. Hindi ko manugang ang lalaking 'to. Malalaman lang namin 'yan pagkatapos ng seventieth birthday ng old master sa mga susunod na dalawampung araw!" Nabigla si Ken, napuno ng gulat ang kanyang mukha. "Tita, anong ibig sabihin non? Legal na silang kasal at ilang taon na rin ang anak nila. Bakit ka pa maghihintay ng dalawampung araw para malaman 'yon?" "Yes yes yes!" Kaagad na tumango si Fiona. "Ganito kasi 'yon. 'Wag na nating pag-usapan ang mga nangyari dati. Ganito kasi. Pagkatapos bumalik no Fane, nakipag-away
Pinag-isipan ito ni Fiona at pagkatapos ay lumapit kay Selena. "Anak, sabi ni Young Master Clark ay gusto daw niyang pag-usapan niyong dalawa ang tungkol sa bahay. Makipag-usap ka sa kanya. Hindi dapat ma-demolish ang bahay na 'to. Kung madedemolish ito, saan tayo maghahanap ng titirhan nang ganoon kadali?" Ilang sandaling hindi nagsalita si Selena, pagkatapos ay tumango at naglakad. "Ang bahay na 'to ay ang lumang mansyon ng aming pamilya. Kahit na hindi ito registered property, considered pa rin ito na pagmamay-ari ng Taylor family. Hindi mo pwedeng i-demolish ito nang basta-basta!" Tinitigan ni Selena si Young Master Clark na nasa kanyang harapan at seryosong nagsalita. Bago bumalik si Fane, madalas na pumunta sa kanila si Young Master Clark para manligaw. Mayroong ilang beses na nag-alok siya na gawan ng death certificate si Fane para hiwalayan ito, pagkatapos ay pakasalan siya. Kahit na naiinis siya sa taong ito, hindi naman siya ganoon kasama sa kabuuan. Mas maganda ang i
Sa kabilang banda, sa Clark Family Villa. Hindi nakita ng expert ng Clark Family na si Dan Jameson si Young Master Clark nang makabalik siya. "Nasaan si Young Master Clark? Saan siya nagpunta?" Inisip ito ni Dan at pagkatapos ay nagtanong sa isa sa mga bodyguard. "Nagtawag siya ng isang grupo ng tao sabay umalis. Nakita ko na mukhang masaya siya, sabi niya na makukuha na daw siya ang Selena na iyon!" sagot ng guard pagkatapos mag-isip. "Hindi pwede!" Nang marinig niya ito ay napahinga nang malalim si Dan. "Ang Young Master Clark na 'yon! Hindi ba binalaan ko na siya last time na huwag kalabanin ang Fane Woods na 'yon? Bakit ba hindi siya marunong makinig?!" Simula nang matalo siya kay Fane sa isang laro ng bunuang braso, alam ni Dan sa kailaliman ng kanyang puso kung gaano nakakatakot si Fane. Sa abilidad na mayroon si Fane, kahit na sa loob ng militar, hindi posibleng isa lamang siyang ordinaryong sundalo. Malamang ay mayroon siyang disenteng ranggo. Sa isang taong kag
Masayang nagsalita ang bodyguard, "Baka nga sa ngayon ay nagtagumpay na siya! Naghihintay na lang ang young master na buhatin ang magandang babae na 'yon pauwi!" … "Gibain niyo na 'to!" Binigay na ni Ken ang utos, plinano niya na hayaang kumilos ang mga tao niya. "Anong nangyayari? Narinig ba ng Fane na 'yon ang usapan nila? Bakit siya lumapit at nangialam?" Gulat na gulat si Fiona nang makita niya ang nangyari. Noong una, akala niya ay magiging huwaran ang kanyang anak at papayag sa kanilang pakiusap, pero… "Tignan natin kung sino maglalakas-loob sa inyo!" Humakbang ng ilang beses si Fane at tumayo sa harap ng gate. Sa sandaling iyon, kahit na mukha siyang madumi sa naputikan niyang damit, ang aura na kanyang ipinapakita habang nakatayo roon ay nagdulot ng takot sa mga tao sa paligid. "Haha, Fane Woods, napakatapang mo naman!" Tumawa si Ken sabay sabi sa isang malapit na lalaki, "Brother Howard, umaasa ako sa'yo na tulungan mo akong turuan ng leksyong ang basurang ito!
"Kung ganon, alam mo din na hindi tama ang gibain ang bahay namin nang walang bayad diba?" "Nababagabag ka din dito at gusto mong bumawi sa amin diba?" Kaharap ang marshall, hindi nakaramdam ng kahit anong takot at kaba si Fane. Sa halip, ngumiti siya. "Kung ito ay sa digmaan, at nasa militar pa tayo, hindi ka aasal nang ganito kapag nakita mo ang kapwa mo sundalo!" Lumubog ang mukha ni Dennis. "Hindi ko gusto maging mabilang. Limampung milyon at dapat umalis na ang pamilya mo. Subalit, di mo dapat sabihin kay Ken Clark!" "Kakaiba yan ah. Isa kang mabuti at respetadong sundalo. Pero takot ka kay Ken? Hindi ko talaga maintindihan anong ikinatatakot mo?" Napakunot ang noo ni Fane sa pagkalito. "Hindi ako takot. Dati, bago pa ako maging sundalo, napakahirap ng pamilya namin. Isang beses, noong mamamatay na kami ng kapatid ko sa gutom, dumaan siya sa amin at nagbigay ng ilang libong dolyar. Kahit na wala lang sa kanya yung pera na yun, pero para sa akin, malaking bagay yun at