Share

Kabanata 67

Author: Moneto
last update Last Updated: 2021-05-17 11:20:01
Ngumiti si Selena at nagbiro.

"Seryoso ka? Pero sa tingin ko posible rin yun. Kung sabagay, napakagwapo ng asawa mo, anong mangyayari kung bigla akong magkaroon ng sugar mommy?"

Nagsalita si Fane habang nilingon niya ang maputi at mahamis na hita na nasa kanyang tabi. Inilagay niya ang kanyang kamay at marahang hinimas ang gilid ng binti ni Selena.

"Ah!"

Hindi inaasahan ni Selena na gagawin ito ni Fane. Kaagad na namula ang kanyang mukha. "Anong ginagawa mo?! Paano mo nagagawang maging pilyo habang nagmamaneho ng ganitong oras?! Alam mo ba kung gaano nakakahiya 'tong makita ng iba sa kalsada? Hindi ko inaasahan na napakapilyo mo."

"Ahem! Ahem! May nakita lang akong lamok tapos pinatay ko para sa'yo!" sagot ni Fane nang may seryosong mukha.

"Lamok mo mukha mo. Mukha ba akong tatlong taong gulang para sa'yo? 'Pag ginawa mo pa uli 'yan, bababa ako at maglalakad na lang pauwi!"

Naiinis si Selena, sobra rin siyang nahihiya.

Sa oras na iyon ay may dumaang Ferrari. Nang makita
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 68

    "Anong ibig sabihin nito?" Hininto ni Fane ang electric scooter sa tabi ng kotse at malamig na tinignan ang taong iyon pagkatapos nitong bumaba mula rito. "Bulag ka ba?" Umarte si Young Master Hugo na para bang hindi niya narinig ang mga salitang sinabi ni Fane. Sa halip, tinignan niya si Selena at nagtanong, "Oh, ikaw… 'di ba ikaw si Selena Taylor, ang pinakamagandang babae ayon sa mga alamat? Miss Taylor, narinig ko na maraming lalaki ang nanliligaw sa'yo, pero tinanggihan mo silang lahat. At ngayon akala ko nagiging matapat ka at naghihintay sa iyong basurang asawa!" Pagkasabi niya nito, tinignan niya nang may pagkamuhi si Fane at nagpatuloy, "Pero minsan ay hindi mo rin pala malabanan ang kalungkutan. Mukhang nahuli kita sa akto, hindi ba?" "Bakit ka ba nangingialam sa buhay ko?" Hindi na tinangka ni Selena na makipag-debate pa sa kanya, "Sinadya mo 'yon, tama ba? Sinadya mo na i-park yung kotse mo sa gilid, tapos hinintay mo kami na lagpasan ang putik para umandar uli, h

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 69

    Ilang metro na ang layo sa kanila ng putikan kanina. Subalit, napakalakas ng sipa ni Fane. Nagawa niyang paliparin ang lalaki at bumagsak sa putikan na iyon. Basang-basa ng maputik na tubig ang bulaklaking damit ni Young Master Hugo. "S-si-sinaktan mo si Young Master Hugo? Gusto mo bang mamatay?" Takot na takot ang babae, kaagad siyang umatras habang tinuturo si Fane. Wala pa ring emosyon sa mukha ni Fane habang tinitigan niya ng diretso ang babae, "Kikilos pa ba ako o kusa kang gugulong sa putikan na iyon?" "'W-w-wag mo kong saktan…" Sobrang natakot ang babae sa titig ni Fane. Isa itong titig ng isang taong nakaligtas sa hindi mabilang na pagdanak ng dugo. Pagkatapos niyang magsalita, kaagad siyang tumakbo at nagsimulang gumulong sa maputik na tubig. Maikli ang kanyang palda. Pagkatapos nitong mabasa, mas lalong nakita ang hubog ng kanyang katawan. "Bwisit, m-m-maghintay ka lang!" Kumukulo ang dugo ni Young Master Hugo sa galit. Tumayo siya, sabay dumura ng dugo. Nap

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 70

    "Gigibain? Kung ganoon, 'di ba dapat makakatanggap tayo ng kahit na magkanong kompensasyon?" Saglit na naguluhan si Fane at pagkatapos ay sumunod kay Selena papasok sa bahay. Sa sandaling iyon, may nagkakasiyahan sa sala. Mayroong ilang mga trabahador na nakikipag-usap kina Fiona at Andrew. "Hala, Selena, anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang dumi niyo?" Nagulat si Joan nang makita niya sina Selena at Fane, kaagad siyang nagtanong. "Hay, napadaan kami sa isang putikan kanina tapos merong kotse na humarurot… kaya natalsikan kami!" Nauutal si Selena habang nakakunot ang noo. Masyado siyang nahihiya na sabihin ito. Kung nalaman ng kanyang ina na sumama ang loob sa kanila ng malupit na Hugo family, paano kaya ang kanyang magiging reaksyon? "Ah, ikaw pala si Miss Taylor!" Masayang tumayo ang isang matandang lalaki at nagpaliwanag, "Ako ang trabahador na may hawak dito. Ganito kasi 'yon. Kukunin namin ang lugar na ito dahil payapa rito. Balak naming magtayo ng isang retir

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 71

    "Higit pa roon, nakatanggap kami ng reklamo na ilegal raw ang pagpapatayo sa courtyard na 'to, naiintindihan niyo ba? Maswerte na nga kayo hindi kayo pinagbabayad. Nakikipag-usap lang kami para kusa kayong paalisin. Bakit niyo naisip na magkakaroon ng compensation?" Nakangiti pa rin ang matandang lalaki, pero kaagad na sumama ang loob nina Fiona nang dahil sa kanyang mga salita. Walang kumpensasyon ang demolisyon na ito? "Imposible. Ito ang lumang mansyon ng Taylor family. Walang tumira dito ng maraming taon. Ang lolo ko ang nagsabi na dito kami tumira. Kahit na anong mangyari, dapat merong demolition compensation. Panong naging illegal building 'to? Maraming taon na kaming nakatira dito!" Galit na galit Selena. Ang una niyang plano ay umuwi sa kanilang bahay at maligo, pero sa ngayon ay nawalan siya ng gana. Masyado nang nagiging iresonable ang mga taong ito. "Siguro nandyan na ang pera pero balak niyo lang na angkinin 'yon, ano? Hehe, alam niyo ba na nagmula kami sa Taylor fa

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 72

    "Oh hala, Young Master Clark, bakit ka nandito? Ang tagal nating 'di nagkita!" Nang makita niya si Ken at ang kanyang mga alagad, kaagad na masayang bumati si Fiona. "Hehe, Tita, hindi naman ganun katagal. Nagkita tayo two days ago!" Tumawa si Ken at tinuro ang kanyang mga ngipin. "Tignan niyo, sumisipol ako habang nagsasalita. Dahil 'yan sa pinakamamahal niyong manugang!" Kaagad na nailang si Fiona. Pinilit niyang ngumiti at sumagot, "Ayusin mo ang mga sinasabi mo. Hindi ko manugang ang lalaking 'to. Malalaman lang namin 'yan pagkatapos ng seventieth birthday ng old master sa mga susunod na dalawampung araw!" Nabigla si Ken, napuno ng gulat ang kanyang mukha. "Tita, anong ibig sabihin non? Legal na silang kasal at ilang taon na rin ang anak nila. Bakit ka pa maghihintay ng dalawampung araw para malaman 'yon?" "Yes yes yes!" Kaagad na tumango si Fiona. "Ganito kasi 'yon. 'Wag na nating pag-usapan ang mga nangyari dati. Ganito kasi. Pagkatapos bumalik no Fane, nakipag-away

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 73

    Pinag-isipan ito ni Fiona at pagkatapos ay lumapit kay Selena. "Anak, sabi ni Young Master Clark ay gusto daw niyang pag-usapan niyong dalawa ang tungkol sa bahay. Makipag-usap ka sa kanya. Hindi dapat ma-demolish ang bahay na 'to. Kung madedemolish ito, saan tayo maghahanap ng titirhan nang ganoon kadali?" Ilang sandaling hindi nagsalita si Selena, pagkatapos ay tumango at naglakad. "Ang bahay na 'to ay ang lumang mansyon ng aming pamilya. Kahit na hindi ito registered property, considered pa rin ito na pagmamay-ari ng Taylor family. Hindi mo pwedeng i-demolish ito nang basta-basta!" Tinitigan ni Selena si Young Master Clark na nasa kanyang harapan at seryosong nagsalita. Bago bumalik si Fane, madalas na pumunta sa kanila si Young Master Clark para manligaw. Mayroong ilang beses na nag-alok siya na gawan ng death certificate si Fane para hiwalayan ito, pagkatapos ay pakasalan siya. Kahit na naiinis siya sa taong ito, hindi naman siya ganoon kasama sa kabuuan. Mas maganda ang i

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 74

    Sa kabilang banda, sa Clark Family Villa. Hindi nakita ng expert ng Clark Family na si Dan Jameson si Young Master Clark nang makabalik siya. "Nasaan si Young Master Clark? Saan siya nagpunta?" Inisip ito ni Dan at pagkatapos ay nagtanong sa isa sa mga bodyguard. "Nagtawag siya ng isang grupo ng tao sabay umalis. Nakita ko na mukhang masaya siya, sabi niya na makukuha na daw siya ang Selena na iyon!" sagot ng guard pagkatapos mag-isip. "Hindi pwede!" Nang marinig niya ito ay napahinga nang malalim si Dan. "Ang Young Master Clark na 'yon! Hindi ba binalaan ko na siya last time na huwag kalabanin ang Fane Woods na 'yon? Bakit ba hindi siya marunong makinig?!" Simula nang matalo siya kay Fane sa isang laro ng bunuang braso, alam ni Dan sa kailaliman ng kanyang puso kung gaano nakakatakot si Fane. Sa abilidad na mayroon si Fane, kahit na sa loob ng militar, hindi posibleng isa lamang siyang ordinaryong sundalo. Malamang ay mayroon siyang disenteng ranggo. Sa isang taong kag

    Last Updated : 2021-05-18
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 75

    Masayang nagsalita ang bodyguard, "Baka nga sa ngayon ay nagtagumpay na siya! Naghihintay na lang ang young master na buhatin ang magandang babae na 'yon pauwi!" … "Gibain niyo na 'to!" Binigay na ni Ken ang utos, plinano niya na hayaang kumilos ang mga tao niya. "Anong nangyayari? Narinig ba ng Fane na 'yon ang usapan nila? Bakit siya lumapit at nangialam?" Gulat na gulat si Fiona nang makita niya ang nangyari. Noong una, akala niya ay magiging huwaran ang kanyang anak at papayag sa kanilang pakiusap, pero… "Tignan natin kung sino maglalakas-loob sa inyo!" Humakbang ng ilang beses si Fane at tumayo sa harap ng gate. Sa sandaling iyon, kahit na mukha siyang madumi sa naputikan niyang damit, ang aura na kanyang ipinapakita habang nakatayo roon ay nagdulot ng takot sa mga tao sa paligid. "Haha, Fane Woods, napakatapang mo naman!" Tumawa si Ken sabay sabi sa isang malapit na lalaki, "Brother Howard, umaasa ako sa'yo na tulungan mo akong turuan ng leksyong ang basurang ito!

    Last Updated : 2021-05-27

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status