"Sige. Medyo mahaba-habang biyahe 'yon. Basta't pagod ka, walang problema!" Ngumiti si Selena. Sa umpisa, iniisip niya na naging malamig si Fane simula nang bumalik siya mula sa giyera. Palaging seryoso ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan na meron rin palang mga oras na kaya niyang maging romantiko. "Syempre, hindi ako mapapagod. Basta't ikaw ang nasa likod ko, lahat ng bagay ay makakaya ko. Kaya nga yata kitang buhatin papunta sa trabaho araw-araw!" masayang sagot ni Fane. "Daddy, buhatin mo rin ako!" Tumawa si Kylie na hawak niya. "Sige, halika. Bubuhatin ka ni Daddy!" Mabilis niyang nabuhat at nailagay ang batang babae sa kanyang likod. "Bayaw, kung talagang maging bodyguard ka na sumasahod ng dalawampung milyon kada buwan, pwede mo ba akong tulungan na makabili ng kotse? Hehe, lahat ng nangyari noon ay sadyang hindi pagkakaunawaan lang." Lumapit si Ben sa kanila pagkatapos niyang tumingin saglit kay Xena at patawang nagtanong, sinusubukan niyang bolahin si Fane. Kah
Ngumiti si Selena at nagbiro. "Seryoso ka? Pero sa tingin ko posible rin yun. Kung sabagay, napakagwapo ng asawa mo, anong mangyayari kung bigla akong magkaroon ng sugar mommy?" Nagsalita si Fane habang nilingon niya ang maputi at mahamis na hita na nasa kanyang tabi. Inilagay niya ang kanyang kamay at marahang hinimas ang gilid ng binti ni Selena. "Ah!" Hindi inaasahan ni Selena na gagawin ito ni Fane. Kaagad na namula ang kanyang mukha. "Anong ginagawa mo?! Paano mo nagagawang maging pilyo habang nagmamaneho ng ganitong oras?! Alam mo ba kung gaano nakakahiya 'tong makita ng iba sa kalsada? Hindi ko inaasahan na napakapilyo mo." "Ahem! Ahem! May nakita lang akong lamok tapos pinatay ko para sa'yo!" sagot ni Fane nang may seryosong mukha. "Lamok mo mukha mo. Mukha ba akong tatlong taong gulang para sa'yo? 'Pag ginawa mo pa uli 'yan, bababa ako at maglalakad na lang pauwi!" Naiinis si Selena, sobra rin siyang nahihiya. Sa oras na iyon ay may dumaang Ferrari. Nang makita
"Anong ibig sabihin nito?" Hininto ni Fane ang electric scooter sa tabi ng kotse at malamig na tinignan ang taong iyon pagkatapos nitong bumaba mula rito. "Bulag ka ba?" Umarte si Young Master Hugo na para bang hindi niya narinig ang mga salitang sinabi ni Fane. Sa halip, tinignan niya si Selena at nagtanong, "Oh, ikaw… 'di ba ikaw si Selena Taylor, ang pinakamagandang babae ayon sa mga alamat? Miss Taylor, narinig ko na maraming lalaki ang nanliligaw sa'yo, pero tinanggihan mo silang lahat. At ngayon akala ko nagiging matapat ka at naghihintay sa iyong basurang asawa!" Pagkasabi niya nito, tinignan niya nang may pagkamuhi si Fane at nagpatuloy, "Pero minsan ay hindi mo rin pala malabanan ang kalungkutan. Mukhang nahuli kita sa akto, hindi ba?" "Bakit ka ba nangingialam sa buhay ko?" Hindi na tinangka ni Selena na makipag-debate pa sa kanya, "Sinadya mo 'yon, tama ba? Sinadya mo na i-park yung kotse mo sa gilid, tapos hinintay mo kami na lagpasan ang putik para umandar uli, h
Ilang metro na ang layo sa kanila ng putikan kanina. Subalit, napakalakas ng sipa ni Fane. Nagawa niyang paliparin ang lalaki at bumagsak sa putikan na iyon. Basang-basa ng maputik na tubig ang bulaklaking damit ni Young Master Hugo. "S-si-sinaktan mo si Young Master Hugo? Gusto mo bang mamatay?" Takot na takot ang babae, kaagad siyang umatras habang tinuturo si Fane. Wala pa ring emosyon sa mukha ni Fane habang tinitigan niya ng diretso ang babae, "Kikilos pa ba ako o kusa kang gugulong sa putikan na iyon?" "'W-w-wag mo kong saktan…" Sobrang natakot ang babae sa titig ni Fane. Isa itong titig ng isang taong nakaligtas sa hindi mabilang na pagdanak ng dugo. Pagkatapos niyang magsalita, kaagad siyang tumakbo at nagsimulang gumulong sa maputik na tubig. Maikli ang kanyang palda. Pagkatapos nitong mabasa, mas lalong nakita ang hubog ng kanyang katawan. "Bwisit, m-m-maghintay ka lang!" Kumukulo ang dugo ni Young Master Hugo sa galit. Tumayo siya, sabay dumura ng dugo. Nap
"Gigibain? Kung ganoon, 'di ba dapat makakatanggap tayo ng kahit na magkanong kompensasyon?" Saglit na naguluhan si Fane at pagkatapos ay sumunod kay Selena papasok sa bahay. Sa sandaling iyon, may nagkakasiyahan sa sala. Mayroong ilang mga trabahador na nakikipag-usap kina Fiona at Andrew. "Hala, Selena, anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang dumi niyo?" Nagulat si Joan nang makita niya sina Selena at Fane, kaagad siyang nagtanong. "Hay, napadaan kami sa isang putikan kanina tapos merong kotse na humarurot… kaya natalsikan kami!" Nauutal si Selena habang nakakunot ang noo. Masyado siyang nahihiya na sabihin ito. Kung nalaman ng kanyang ina na sumama ang loob sa kanila ng malupit na Hugo family, paano kaya ang kanyang magiging reaksyon? "Ah, ikaw pala si Miss Taylor!" Masayang tumayo ang isang matandang lalaki at nagpaliwanag, "Ako ang trabahador na may hawak dito. Ganito kasi 'yon. Kukunin namin ang lugar na ito dahil payapa rito. Balak naming magtayo ng isang retir
"Higit pa roon, nakatanggap kami ng reklamo na ilegal raw ang pagpapatayo sa courtyard na 'to, naiintindihan niyo ba? Maswerte na nga kayo hindi kayo pinagbabayad. Nakikipag-usap lang kami para kusa kayong paalisin. Bakit niyo naisip na magkakaroon ng compensation?" Nakangiti pa rin ang matandang lalaki, pero kaagad na sumama ang loob nina Fiona nang dahil sa kanyang mga salita. Walang kumpensasyon ang demolisyon na ito? "Imposible. Ito ang lumang mansyon ng Taylor family. Walang tumira dito ng maraming taon. Ang lolo ko ang nagsabi na dito kami tumira. Kahit na anong mangyari, dapat merong demolition compensation. Panong naging illegal building 'to? Maraming taon na kaming nakatira dito!" Galit na galit Selena. Ang una niyang plano ay umuwi sa kanilang bahay at maligo, pero sa ngayon ay nawalan siya ng gana. Masyado nang nagiging iresonable ang mga taong ito. "Siguro nandyan na ang pera pero balak niyo lang na angkinin 'yon, ano? Hehe, alam niyo ba na nagmula kami sa Taylor fa
"Oh hala, Young Master Clark, bakit ka nandito? Ang tagal nating 'di nagkita!" Nang makita niya si Ken at ang kanyang mga alagad, kaagad na masayang bumati si Fiona. "Hehe, Tita, hindi naman ganun katagal. Nagkita tayo two days ago!" Tumawa si Ken at tinuro ang kanyang mga ngipin. "Tignan niyo, sumisipol ako habang nagsasalita. Dahil 'yan sa pinakamamahal niyong manugang!" Kaagad na nailang si Fiona. Pinilit niyang ngumiti at sumagot, "Ayusin mo ang mga sinasabi mo. Hindi ko manugang ang lalaking 'to. Malalaman lang namin 'yan pagkatapos ng seventieth birthday ng old master sa mga susunod na dalawampung araw!" Nabigla si Ken, napuno ng gulat ang kanyang mukha. "Tita, anong ibig sabihin non? Legal na silang kasal at ilang taon na rin ang anak nila. Bakit ka pa maghihintay ng dalawampung araw para malaman 'yon?" "Yes yes yes!" Kaagad na tumango si Fiona. "Ganito kasi 'yon. 'Wag na nating pag-usapan ang mga nangyari dati. Ganito kasi. Pagkatapos bumalik no Fane, nakipag-away
Pinag-isipan ito ni Fiona at pagkatapos ay lumapit kay Selena. "Anak, sabi ni Young Master Clark ay gusto daw niyang pag-usapan niyong dalawa ang tungkol sa bahay. Makipag-usap ka sa kanya. Hindi dapat ma-demolish ang bahay na 'to. Kung madedemolish ito, saan tayo maghahanap ng titirhan nang ganoon kadali?" Ilang sandaling hindi nagsalita si Selena, pagkatapos ay tumango at naglakad. "Ang bahay na 'to ay ang lumang mansyon ng aming pamilya. Kahit na hindi ito registered property, considered pa rin ito na pagmamay-ari ng Taylor family. Hindi mo pwedeng i-demolish ito nang basta-basta!" Tinitigan ni Selena si Young Master Clark na nasa kanyang harapan at seryosong nagsalita. Bago bumalik si Fane, madalas na pumunta sa kanila si Young Master Clark para manligaw. Mayroong ilang beses na nag-alok siya na gawan ng death certificate si Fane para hiwalayan ito, pagkatapos ay pakasalan siya. Kahit na naiinis siya sa taong ito, hindi naman siya ganoon kasama sa kabuuan. Mas maganda ang i