Masayang-masaya si Fiona dahil hindi niya inasahan na ganun kalaki ang magiging alok ni Ms. Tanya. Ibig sabihin ba nun, pagkalipas lang ng ilang buwan, makakabili na sila ng mansyon? "Ito ay… Hindi ba't masyado itong malaki?" Naging emosyonal din si Selena at natigilan siya sandali. Noon, pagkatapos siyang palayasin sa Taylor family, nahirapan siyang makahanap ng trabaho. Kahit na gusto niyang kumuha ng agent para makahanap ng trabaho, walang sinuman ang nangahas na kunin siya. Subalit ngayon, binigyan siya ng pagkakataon ni Ms. Tanya. Ang punto dito, mangangahas ba si Ivan na guluhin ang Drake family pagkatapos alukin ni Ms. Tanya ng trabaho si Selena? Napakaimposibleng mangyari nun. Sumimangot si Fane, sa isip-isip niya napakagaling mangalkal ng impormasyon ng Drake family. Dahil malaki ang posibilidad na gusto nilang mapalapit sa kanya dahil inalok nila si Selena ng ganun kagandang trabaho. Kahit na ayaw ni Fane sa pera, basta't masaya at panatag ang kalooban ng kanyan
"Salamat sa mga papuri mo Ms. Tanya. Ang basong ito ay tanda ng paggalang ko sayo!" Bahagyang nag-aalinlangan si Selena. Sahod na nasa isang milyon kada buwan, napakahirap humanap ng ganun klaseng trabaho. Mukhang hindi rin aabot sa ganung halaga ang sahod ng isang general manager. "Hehe, wala yun! Para sa masayang pagsasama natin!" Hindi nagmataas si Tanya, lumapit diya at nagsalin ng red wine sa kanyang baso, pagkatapos ay idinikit niya ang kanyang baso sa baso ni Selena bago uminom. "Fane, ngayong pumayag na ang asawa mo na magtrabaho para samin, hindi ka pwedeng umatras sa usapan, sabihin mo na kung magkano ang gusto mo." Masayang-masaya si Tanya dahil umaasa siya na kapag nalaman ng tatay niya na nakumbinsi niya si Fane na maging bodyguard nila, ay matutuwa ng husto ang kanyang ama. Pinagpapawisan ang lahat. Dahil bukod sa hindi nagalit si Ms. Tanya sa sinabi ni Fane, mukhang gusto niya talagang maging bodyguard ng Drake family si Fane. Natawa si Fane at sinabing, "M
Kahit na hindi nagsalita ang tatlong bodyguard, nangdilim ang kanilang mga mukha. Hindi ba't isa 'tong insulto sa kanila? "Anong pinagsasabi mo?" Labis na nagulat si Selena dito. Nagmamagandang-loob na nga si Ms. Tanya pero paulit ulit na sinusubukan ni Fane ang pasensya niya. Ang buwanang sahod na dalawampung milyong dolyar kasabay ng pag-alis sa Drake family kahit kailan niya gusto? Paano mangyayari yon? Pag nalaman ito ng master ng Drake family, kaagad itong mababaliw sa kahibangan ni Fane. "Fane, nabaliw ka na ba kakaisip sa pera? Diba gusto mo ng mas mababang sahod? Kung ganon, ang mababang sahod para sayo ay dalawampung milyong dolyar kada buwan! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kataas na sahod ng isang bodyguard! Nagbabantang sinabi ni Cecilia. Sa pagkakataong ito, sinasadya ba ng mokong na ito na galitin si Ms. Tanya? Kalokohan kung hindi magagalit si Ms. Tanya sa pagkakataong ito. Halatang galit na galit na ang mga bodyguard ni Ms. Tanya. Tila ba sa pagkakataon
Halos himatayin ang ilang mga bodyguard dahil sa sinabi ni Fane. Puro kalokohan ang mokong na ito. Hindi ba't isa itong pang-iinsulto sa kanila? "Wag kang mag-alala. Isa akong hangal at may tiwala ako sa kakayahan niya! Kung kaya niyang mabuhay sa digmaan sa loob ng limang taon, walang-dudang may kwenta siya!" Disidido si Ms. Tanya at hindi rin naman niya pwedeng sabihin sa kanila na ito ay para lang mapalapit sila sa God of War, kaya pumayag siya sa malaking halaga na hinihingi ni Fane. Dahil dito, nag-isip na lang siya ng idadahilan niya. "Tama, tama, tama! Ms. Tanya, walang katulad ang iyong pagpapasya!" Sabik na sabik si Fiona. Kung ang buwanang sahod ni Fane ay dalawampung milyong dolyar, ibig-sabihin ba nito na makakabuo siya ng dalawang daan at apatnapung milyong dolyar sa isang taon? Kung ganon, pag nagtrabaho si Fane buong buhay niya, kahit sino ay matutuwa kapag maisip ito. "Ms. Tanya, huwag kang mag-alala, sigurado akong di ka bibiguin ng aking bayaw!" Tuwang tuw
Hindi talaga alam ni Selena kung ano ang magiging reaksyon niya dahil hindi siya sigurado kung ano ba talagang nangyayari. "Oo, totoo yan. Sinabi yan mismo ni Ms. Tanya kanina!" Pinaniwalaan pa rin ito ni Fiona kahit na masyadong nakakabigla ang mga napag-usapan nila. "Anong karapatan niya para makakuha ng ganun kalaking sahod?" Masama ang mukha ni Cecilia. Subalit, matapos niya itong pag-isipang maigi, bigla siyang may naisip at nagsimulang tumawa. Sinabi niya, "Haha, alam ko na. Fane, tingin siguro ni Ms. Tanya na isa kang tanga at niloloko ka lang niya!" "Imposible. Sinabi kanina ni Ms. Tanya na makakapasok na sila sa trabaho bukas kaya paanong naging biro yun?" Kaagad na nakipagtalo si Fiona. "Isipin mo, yung ibang mga bodyguard na meron sila, kahit na mga commander pa sila, hindi sila babayaran ng ganun kataas, kaya anong karapatan niya na makakuha ng ganun kataas na sahod?" "Isa pa, ang pagtatrabaho ni Selena bilang isang manager at ang pagkakaroon niya ng sweldo
"Tama, kahit ano pa man, napansin ng Drake family ang galing ni Selena. Bukod pa dun, sinabi kanina ni Ms. Tanya malaking proyekto ang hahawakan ni Selena pero hindi pa tiyak kung anong proyekto yun. Kung matutulungan niya ang Taylor family, mabuti yun!" Sinabi ni Andrew habang humahagikhik dahil isa itong malaking oportunidad! Matagal nang binabalak ng Taylor family na magkaroon ng ugnayan sa Drake family pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon. Subalit ngayon, nagkaroon sila mismo ng taong direktang may kaugnayan sa negosyo ng Drake family sa pamamagitan ng pagiging project manager, isa talaga itong napakagandang oportunidad para sa Taylor family! "Hindi, hindi, hindi. Selena, tulungan mo na lang ang Taylor family kapag nakapagsimula ka na, hindi maganda kung malalaman ito ng Drake family." "Isa pa, bago ka lang dun, kaya dapat mo munang patunayan na mahusay ka at kapag nakuha mo na ang tiwala ng Drake family, pangalagaan mo ang ugnayan niyo. Hintayin mo na magkaroon ng opor
Napangiti ng mapait si Tanya bago siya nagsalita. "Ano? Pumayag ka sa ganung kondisyon? Hindi lamang mataas ang sahod niya, ayaw pa niyang makinig sa atin? Higit pa dun, pwede siyang umalis kahit kailan niya gusto? Paanong naging ayos yun?" Gulat na gulat si Timothy, tila malalaglag na sa lapag ang mga mata niya. Agad niyang nilapag ang tasa at sinabi kay James, "Dad, hindi makatwiran yung mokong na yun. Sino ba siya sa tingin niya? Kung siya ang King of War o God of War, katanggap-tanggap ito pero kung hindi, anong karapatan niyang humiling ng ganito?" "Kahit sino pa siya, kapag hindi siya humingi ng mga ganitong kundisyon, nakakapagtaka ito at papatunayan lang nun na wala lang talaga siya!" Sa kabilang banda si James ay tumatawa habang tumatango. Sinabi niya, "Kung talagang mahusay siya, hindi niya papansinin ang dalawampung milyong dolyar. Pumayag lamang siya kasi wala siyang ibang gagawin at gusto niyang samahan ang kanyang asawa o kaya naman, nagpapalipas lamang siya ng or
"Sige. Medyo mahaba-habang biyahe 'yon. Basta't pagod ka, walang problema!" Ngumiti si Selena. Sa umpisa, iniisip niya na naging malamig si Fane simula nang bumalik siya mula sa giyera. Palaging seryoso ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan na meron rin palang mga oras na kaya niyang maging romantiko. "Syempre, hindi ako mapapagod. Basta't ikaw ang nasa likod ko, lahat ng bagay ay makakaya ko. Kaya nga yata kitang buhatin papunta sa trabaho araw-araw!" masayang sagot ni Fane. "Daddy, buhatin mo rin ako!" Tumawa si Kylie na hawak niya. "Sige, halika. Bubuhatin ka ni Daddy!" Mabilis niyang nabuhat at nailagay ang batang babae sa kanyang likod. "Bayaw, kung talagang maging bodyguard ka na sumasahod ng dalawampung milyon kada buwan, pwede mo ba akong tulungan na makabili ng kotse? Hehe, lahat ng nangyari noon ay sadyang hindi pagkakaunawaan lang." Lumapit si Ben sa kanila pagkatapos niyang tumingin saglit kay Xena at patawang nagtanong, sinusubukan niyang bolahin si Fane. Kah
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin