"Ang bilis!" Hindi lang ang mga tao sa Harrison Private Security Company ang nagulat, pati ang mga tao sa kabilang kumpanya ay sobra ring nagulat. Pinapanood nila ang pangyayari mula sa entrance. Nagtataka sila kung totoo ba talagang ang isang napakalakas na taong kagaya nito ay nagpunta para kumuha ng bodyguard. Kailangan pa ba ng mga taong kagaya niya ng isang bodyguard? "Hindi!" Hindi handa ang kalbong lalaki na lumaban. Natulala lang siya at nasa harapan na niya si Fane. Hindi nagtagal ay bumagsak ang suntok ni Fane sa kanyang binti. Sumigaw sa takot ang kalbong lalaki at lumipad papalayo. Pagkatapos niyang sumalpok muli sa pader ay tumumba siya roon––wala nang buhay. "Tanda, gusto mo bang lumapit at matikman to?" Hindi man lang tumingin Fane sa kalbong lalaki. Tumalikod siya, tinignan ang matandang lalaki, at naningkit ang kanyang mga mata. "Nandito ako para bigyan kayo ng pera pero hindi niyo gusto. Ngayon, ang tapang ninyo na sumugod sa kamatayan ninyo!" Gulp!Napalun
Paanong nangyari yun? Pumatay ang lalaking ito at hindi lang siya pinabayaan ng Harrison Private Security, humingi pa sila ng tawad sa kanya? At nagsabi pa na bibigyan siya ng naparaming bodyguards nang libre sa loob ng maraming taon?" Hindi mapigilan ng mga nanonood na mapasalita sa gulat. "Palaging mataas ang tingin ng Harrison Private Security Company sa kanilang sarili. Pero ngayon, naging napaka…" "Haha, hindi mo ba nakita ang nangyari? Malamang poprotektahan ng 8-star King of War ang head commander na to. Maliban roon, pagkakamali iyo ng Harrison Private Security Company. Kung nagalit ang 8-star King of War, hindi sila makakatakas sa kanya!" Tumawa ang bodyguard na may maikling buhok at nagsabing, "Nakasalubong sila ng lalaban sa kanila ngayon, at nanalo nang malaki ang binatang to. Kung makakakuha siya ng dalawampung bodyguards sa loob ng isang taon, kailangan niyang gumastos ng limang milyon. Ang gastos sa isang taon ay nasa limang milyon. Ang sahod sa loob ng limang taon a
Nang makarating sila sa eskinita, tumingin si Fane sa paligid para tignan kung may nakasunod sa kanila bago seryosong nagsalita. "Sa susunod, wag mo nang sasabihin kung gaano ko kamukha ang Supreme Warrior. Gusto ko lang ng normal na buhay at ayaw kong magulo!" Pagkatapos niyang magsalita, inilahad niya ang kanyang palad at pinakita ang isang itim na token. Mukhang malakas ang token at mayroong totem na dragon rito. Kaagad na tinago ni Fane ang token pagkatapos itong masilip ni Skyler. Psst!Napahigop ng hangin si Skyler pagkatapos niyang makita ang token. Kaagad siyang lumuhod. "Binabati ni King of War Skyler Celestino ang Supreme Warrior at nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa'kin ilang taon na ang nakakaraan. Ako, ang mga estudyante ko, at mga kasamahan ko, ay may intensyong bayaran ang utang na loob namin sa Supreme Warrior, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon sa lahat ng nagdaang taon. Matagal ko nang pinapangarap na makilala ka, at ngayon ay natupad na ang pangarap ko
Nanginig ang bibig ni Fane sa sinabi ni Skyler. Ang limampung bodyguards ay nangangahulugan na ang sahod sa isang taon ay aabutin ng sampung milyon. Mapait siyang ngumiti at nagsabing, "Hindi namin kailangan ng ganoon karaming tao dahil hindi naman ako kumukuha ng bodyguards para sa buong Taylor family. Kailangan ko lang ng ilang tao para protektahan ang maliit kong pamilya––kahit ilan lang ba magaling sa martial arts––sapat na yun. Baka mailang ang mga biyenan ko kapag masyado silang marami!" Pinag-isipan ito ni Fane bago nagsabing, "Sampu. Sapat na ang sampu!" "Sige, sampu pala!" Tumango si Skyler at nangako kay Fane. "Hay, wala talaga kaming magawa nitong mga nakaraan. Hilig kong lumaban noong nasa giyera pa tayo. Nakakasabik na pumatay ng mga g*gong Amerikanong yon. Ngayon na nandito na ako, wala na akong ibang magagawa. Pera lang ang mayroon ako, at pwede lang akong uminom o magsagawa ng mga nakakaaliw na gawain kasama ng mga kasamahan ko. Natatakot ako na baka makasalubong
Pinag-isipan ito ni Fane at nagsabing, "Hindi sila isang maliit na pamilya. Natatakot ako na baka nagtapang sila na guluhin akong muli at maapektuhan ang buhay ko!" Hinigpitan ni Skyler and kanyang mga kamao nang marinig niya iyon. "P*ta, mga ignorante. Ang lakas ng loob nila na dakipin ang asawa mo! Dapat hindi na mabuhay ang Xenos family!" Tumango si Fane. "Wag kang masyadong malala. Patayin mo lang ang kanilang martial artists at family master. Inosente ang mga katulong at iba pang mga empleyado, kaya pabayaan mo lang sila!" "Sige!" Tumango si Skyler. Pinag-isipan niya ito at nagsabing, "Pero kung wala na ang pamilyang ito, anong gagawin natin sa ari-arian nila? Napakarami nun!""Ibenta mo na lang sa mababang halaga. Subukan mong kumuha ng mas maraming pera. Pwede nating i-donate ang kalahati sa charity tapos paghatian ang natitirang kalahati. Isalin mo lang sa account ko!" sabi ni Fane pagkatapos niyang pag-isipan sandali ang kanyang desisyon. "Sige, gawin na natin to!" Ma
"Sige, sige, sige. Maganda to, kaya bilisan ninyo. Malaking karangalan to kung makukuha ninyo ang pagkakataon na maging bodyguard!" Kaagad na sinabi ni Skyler sa kanyang mga estudyante habang kinukumpas ang kanyang kamay. "Paanong mangyayari yun? Aling pamilya ang poprotektahan namin? Nakakamangha ba sila?" Bahagyang ngumiti ang babaeng estudyante, iniisip niya na hindi siya lolokohin ng kanyang master. Sabi niya, "Master, pwede ko bang makuha ang posisyon na yun? Hindi ba sabi mo mas maganda kung babae ang bodyguards?" Pumayag si Skyler pagkatapos niya itong pag-isipan. "Saglit lang, mas maganda kung hindi kanina pumunta. Maghanap tayo ng ilang babaeng kasamahan na may mataas na kakayahan sa pakikipaglaban. Maglista ka ng sampung tao, at mas maganda kung babae. Sa ganitong paraan, mas nakakalito ito at mas madali para sa kanila na samahan ang asawa ni Fane sa pamimili at sa iba pang bagay!" "Hindi pwede, babae lang ang gusto nila? Wala ba kaming tyansa?" Nagdilim ang mukha ng is
"Ms. Orchid, bakit gusto mong sumama?" simpleng tanong niya habang naglalakad siya papunta sa tabi ni Orchid. Nilapit ni Orchid ang kanyang ulo at mahinang nagsabi, "Si Elaine ay ang disipulo ng King of War. Kung humingi siya ng posisyon, tiyak magandang bagay to. Ang hula ko magtatrabaho tayo bilang mga bodyguard ng Goddess of War. Kung ganon, mas maganda kung mananatili tayo sa tabi ng Goddess of War. Kung hindi, bakit siya maghahanap ng mga babaeng bodyguard?" Natuwa ang babae pagkatapos niya itong marinig. Mukhang tama ang kanyang hula. Malaki ang posibilidad na magtatrabaho sila para sa Goddess of War kung babae ang hanap nila. Higit pa roon, tutulong ba si King of War Celestino kung hindi ito ang Goddess of War? Nagtaas ng kamay ang ibang tao nang makita nila na mayroon nang tatlong tao. Hindi nagtagal, nakuha na ang lahat ng sampung posisyon. "Sige, pwede nang bumalik ang iba. Maraming salamat sa pagpunta ninyong lahat!" Sinabihan ni Skyler and iba na mauna nang umalis
"Diyos ko, totoo ba to? Ang Supreme Warrior? Niligtas niya ang buhay ko dati!" Tumalon sa sabik si Elaine. "Hindi ko pa siya nakikita nang personal. Hindi ko inakala na makikita ko ang dakilang anyo ng Supreme Warrior gamit ng dalawa kong mata!" "Oo! Ang Supreme Warrior. Buti na lang, nagpasya ako na maging isa sa sampung bodyguards. Kung hindi, tiyak pagsisisihan ko to. Isang karangalan na maging bodyguard niya at magserbisyo sa kanya!" Nagliwanag sa saya ang mga mata ni Orchid. Isa siyang babaeng major at ngayon, naging isa siyang tigahanga. "Handa akong mamatay kung mananatili ako sa tabi ng Supreme Warrior at makikita ko ang tunay niyang itsura!" Namula ang isa pang babae. "Mas maganda kung maliligo o matutulog tayo kasama ng Supreme Warrior!" "Ahem, ahem… Anong sinasabi ninyo? Pupunta kayo roon para magtrabaho bilang bodyguard. Hindi ko kayo inuutusan na maging katulong niya at samahan siya sa kama!" Walang masabi si Skyler. Hindi niya alam na ganito patindi ang reaksyon ng
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin