Higit pa rito, ayos lang kay Fane na tanggihan ang 100 milyong dolyar. Talagang kahanga-hanga ang kalooban niya. "Ginagawa lang niya ito para mapuri siya!" "Hmph, ano itong pagmamalinis na ito!" "Tignan niyo nga kung gaano siya kahirap!" Nagkaskasan ang ngipin niyang Britney at naiinis. Akala niya nung una na mapapatay ni O'Neal si Fane, tapos inasahan din niya na mapapatay ito ng mga tauhan ng Roy family. Hindi niya inasahan na ganito ang mangyayari. "Talagang maswerte ang lalaking ito!" Nagtinginan si Ken at Neil, walang magawa. Di nagtagal, sumama sila sa madla at umalis. Tinignan ni Fane ang magandang waitress at kinawayan ito. Tapos naglabas siya ng 50 libong dolyar at iniabot ito sa kanya. "Ito ang tip mo, tulad ng ipinangako ko!" "G-G-Ganito kalaki?! Diba 10 libong dolyar lang yun?" Hinawakan ng magandang waitress ang pera, iniisip na baka ilusyon lang ito. Sobra-sobra ito. Ito ang unang pagkakataong nakatanggap siya ng ganito kalaking tip. "Hehe, ang sabi ko k
"Mahirap? Hehe, makakabili ba ako ng dalawang Porsche kung mahirap ako?" Ngumisi si Fane. Hindi niya pinansin si Britney tapos kumaway sa dalawang babae. "Halika dito sandali!" "Sinasabi pa niya na may dalawa siyang Porsche. Nananaginip siguro ako!" Lalong natulala si Britney. Hari ng kayabangan ba ang lalaking ito? Paanong hindi siya nahihiya na sabihing may dalawa siyang Porsche? Mukhang naguguluhan ang dalawang babae, pero lumapit pa rin sila dito. "May problema po ba Sir?" Natatakot na tanong ng principal. "Ipakita niyo sa akin ang dokumento niyo!" Tanong ni Fane pagkatapos ngumiti. "Oh!" Napagtanto nilang dalawa kung anong nangyayari at inilabas ang kanilang mga dokumento at iniabot ito kay Fane. Kasama nito ang ilang larawan ng paaralan. "Sir, gusto niyo po bang magdonate? Kung di iyo nakakaabala sa inyo, sana matulungan niyo kami, kahit isa o 10 dolyar ay pwede na!" Mukhang medyo nahihiya ang babaeng principal. Subalit, para sa kapakanan ng paaralan at ng mga
Walang masabi si Selena. Napakabuti ng loob ni Fane, pero talagang di maalis ang pagiging mayabang niya. Pero sa sandaling ito mismo, dalawang pulang Porsche ang humarurot nang may nakakasilaw na ilaw at huminto sa harap ng lahat. "Ate, bayaw, hehe, talagang ang saya imaneho ng kotse niyo! Pakiramdam ko ang daming nakakapansin sa akin kapag bumabiyahe ako sa kalye!" Bumaba si Ben ng kotse at inihagis ang susi kay Fane. Bumaba din si Xena ng kotse at inihagis ang isa pang susi kay Selena. "Napakaganda nito. Ito ang unang pagkakataon kong magmaneho ng isang sports car. Talagang napakasarap sa pakiramdam!" Sa sandaling ito, malungkot niyang idinagdag, "Sayang di amin ito. Hay, kung makakakuha lang ako ng pansarili ko!" "Di pa kayo uuwi?" Nang makita na iniabot nila pareho ang parehong susi, kumunot ang noo ni Selena. "Hehe, may plabo kami ng mga kaibigan ko na maglalaro kami sa internet cafe mamaya. Nandoon sila at naghihintay sa amin. Nalubos na namin ang pagmamaneho ng kot
"Honey, sa totoo lang, sobrang nakakatukso ng 100 million bucks. Lalo na, kung kinuha mo yun, magkakaroon ka na ng pera para sa birthday ni lolo. Pero kung iisipin, hindi natin pwedeng kunin ang pera na 'yun." Umuwi sila at naligo. Nakahiga si Selena sa kama habang nakatingin kay Fane na nakahiga sa lapag. Ngumiti siya at nagsabing, "Honey, napansin ko na baka para talaga tayo sa isat-isa. Minsan, parang pareho tayo ng iniisip!" "Kung niligtas ko ang batang 'yun para sa pera, tatanggapin ko 'yun. Pero, wala sa isip ko ang pera nung niligtas ko siya, kaya di ko 'yun kukunin!" Ngumiti si Fane at tinignan si Selena na nakasuot ng sexy na pantulog. Pagkatapos, nagsabi siya, "Honey, mukhang tulog na si Kylie. Pwede ba kitang halikan?" Kaagad na inirapan ni Selena si Fane. "Syempre hindi. Pero may tanong ako sa'yo. Anong gagawin mo tungkol sa ninakaw na 3.8 million? 'Wag mong kalimutan na may binigay na time limit si mama sayo!" Sa pag-aalala, nagsalita siyang muli pagkatapos niyan
"Anong problema? Di ba siya matawagan?" Nagdilim ang mukha ni Selena habang tinanong siya si Sonia. Tumalon ang puso ni Sonia habang naiilang siyang ngumiti, "Hindi, hindi, matatawagan siya!" Nagpanggap si Sonia na nilabas ang kanyang phone at tinawagan ang numero. Sa katotohanan, si Rosa talaga ang tinatawagan ni Selena. "Hello, nandito ka na ba? May interview ka ngayon, di ba?" Napahiya si Sonia. Hindi niya inaasahan na matatawagan ni Selena ang pekeng numero na kanyang ginawa. Ngunit, ayos lang kung matawagan niya ito. Iisipin lang ng tao sa kabilang linya na isa siyang manloloko. Baka ibaba lang nito ang tawag o pagalitan si Selena. "Nasa may pintuan ka ng kumpanya? Sige, pwede ka nang dumiretso dito mamaya!" Binaba ni Selena ang tawag pagkatapos ng isang pangungusap. "Nasa may pintuan siya at papunta na. Bakit sinabi mo na may sakit siya at hindi makakapunta sa interview?" "Imposible!" Nabigla si Sonia pero kaagad na natauhan. Baka nagkataon lang. Baka naghahanap rin
Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Trevor. Gusto niyang maghukay at tumalon roon. Nagyabang siya sa harap ng lahat kagabi. Sinabi pa niya ito sa lahat, pati ang mga detalye ng kanyang plano para makuha ang posisyon. Hindi iyon ang mahalaga. Ang pinakamalala, sinabi niya sa lahat na nakuha raw ng manager ang trabaho sa di marangal na paraan sa harapan ni Selena. Sinabi niya na baka may lihim na relasyon ang manager na iyon sa young master ng Drake family. Iyon daw ang dahilan kung paano niya nakuha ang trabaho at malaki ang bayad sa kanya. Hindi niya inaasahan na si Selena pala ang sinasabi niya. Ngunit, makapal ang mukha ni Trevor. Tumawa siya at nagsabing, "Selena, lasing ako kahapon. Umaasa ako na hindi mo papansinin ang nangyari. Magkaklase tayo noon. Naniniwala ako na ako ang pinakamagaling na aplikante para tulungan ka." Sa sandaling iyon, isang katok sa pinto ang narinig sa buong silid. "Pasok!" Sumigaw si Selena sa pinto. Hindi nagtagal, pumasok si Sonia mula sa
Nagngitngit ang ngipin ni Trevor at tinaas ang kanyang ulo, "Selena, wag kang masyadong masabik. Minalas lang ako ngayon na mapunta sa mga palad mo. Isa lang yang position para sa isang assistant. Tumatanggi ako ngayon! Hindi ako naniniwala na hindi ako makakahanap ng mas magandang trabaho sa abilidad ko!" "Hah, abilidad mo? Nakakadismaya. Ang alam mo lang ay magsayang ng oras kakalaro noong nasa ibang bansa ka. Tapos, ngayon bumalik ka ay nagyabang sa lahat, sinabi mo sa lahat na galing ka ng ibang bansa. Iyan ba ang tinatawag mong abilidad?" Tumawang muli si Selena. "Trevor, hindi kita gustong sisihin, pero sumosobra ka na talaga kagabi. Kung ako si Selena, hindi kita tatangkaing tanggapin sa trabaho!" Bumuntong hininga si Rosa. Ang mga taong kagaya niya na mahilig mandaya ay kaya kang tagain sa likod sa kahit na anong oras. "Haha, sino ka para pagtawanan ako?" Sa halip ay malamig na ngumiti si Trevor. Mukhang masama ang kanyang mga mata habang malamig na nagsabi, "Isa ak
"Lagot tayo, Selena. Narinig ko na sinabi ni Trevor na ang girlfriend niya ay malayong kamag-anak ng Drake family. Hindi kaya… yun ang tito na sinabi niya kanina? Kung siya talaga yun, hindi ba ibig sabihin nun magiging malaki ang problema natin? Hindi natin alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin nun!" Nagsimulang mag-alala si Rosa pagkatapos umalis ni Sonia. "Galit na galit talaga siya. Mukhang pupunta siya sa Drake family. Paano kung siraan ka niya sa harapan nila? Hindi ba malalagay ka sa alanganin?" Nagdilim ang mukha ni Selena nang marinig niya ang sinabi ni Rosa. Nag-aalala rin siya. Lalo na at magkamag-anak sila, at hindi niya masisiguro kung anong kasinungalingan ang sasabihin ni Sonia sa Drake family. Higit pa roon, nagsimula lang siyang magtrabaho dito mga ilang araw pa lang ang nakakaraan; papaniwalaan ba nila si Sonia o siya, na isang tiga-labas? Mas lalong nag-alala si Rosa nang makita niya ang magkasalubong na kilay ni Selena. "Lagot na talaga tayo. Tatan