Walang masabi si Selena. Napakabuti ng loob ni Fane, pero talagang di maalis ang pagiging mayabang niya. Pero sa sandaling ito mismo, dalawang pulang Porsche ang humarurot nang may nakakasilaw na ilaw at huminto sa harap ng lahat. "Ate, bayaw, hehe, talagang ang saya imaneho ng kotse niyo! Pakiramdam ko ang daming nakakapansin sa akin kapag bumabiyahe ako sa kalye!" Bumaba si Ben ng kotse at inihagis ang susi kay Fane. Bumaba din si Xena ng kotse at inihagis ang isa pang susi kay Selena. "Napakaganda nito. Ito ang unang pagkakataon kong magmaneho ng isang sports car. Talagang napakasarap sa pakiramdam!" Sa sandaling ito, malungkot niyang idinagdag, "Sayang di amin ito. Hay, kung makakakuha lang ako ng pansarili ko!" "Di pa kayo uuwi?" Nang makita na iniabot nila pareho ang parehong susi, kumunot ang noo ni Selena. "Hehe, may plabo kami ng mga kaibigan ko na maglalaro kami sa internet cafe mamaya. Nandoon sila at naghihintay sa amin. Nalubos na namin ang pagmamaneho ng kot
"Honey, sa totoo lang, sobrang nakakatukso ng 100 million bucks. Lalo na, kung kinuha mo yun, magkakaroon ka na ng pera para sa birthday ni lolo. Pero kung iisipin, hindi natin pwedeng kunin ang pera na 'yun." Umuwi sila at naligo. Nakahiga si Selena sa kama habang nakatingin kay Fane na nakahiga sa lapag. Ngumiti siya at nagsabing, "Honey, napansin ko na baka para talaga tayo sa isat-isa. Minsan, parang pareho tayo ng iniisip!" "Kung niligtas ko ang batang 'yun para sa pera, tatanggapin ko 'yun. Pero, wala sa isip ko ang pera nung niligtas ko siya, kaya di ko 'yun kukunin!" Ngumiti si Fane at tinignan si Selena na nakasuot ng sexy na pantulog. Pagkatapos, nagsabi siya, "Honey, mukhang tulog na si Kylie. Pwede ba kitang halikan?" Kaagad na inirapan ni Selena si Fane. "Syempre hindi. Pero may tanong ako sa'yo. Anong gagawin mo tungkol sa ninakaw na 3.8 million? 'Wag mong kalimutan na may binigay na time limit si mama sayo!" Sa pag-aalala, nagsalita siyang muli pagkatapos niyan
"Anong problema? Di ba siya matawagan?" Nagdilim ang mukha ni Selena habang tinanong siya si Sonia. Tumalon ang puso ni Sonia habang naiilang siyang ngumiti, "Hindi, hindi, matatawagan siya!" Nagpanggap si Sonia na nilabas ang kanyang phone at tinawagan ang numero. Sa katotohanan, si Rosa talaga ang tinatawagan ni Selena. "Hello, nandito ka na ba? May interview ka ngayon, di ba?" Napahiya si Sonia. Hindi niya inaasahan na matatawagan ni Selena ang pekeng numero na kanyang ginawa. Ngunit, ayos lang kung matawagan niya ito. Iisipin lang ng tao sa kabilang linya na isa siyang manloloko. Baka ibaba lang nito ang tawag o pagalitan si Selena. "Nasa may pintuan ka ng kumpanya? Sige, pwede ka nang dumiretso dito mamaya!" Binaba ni Selena ang tawag pagkatapos ng isang pangungusap. "Nasa may pintuan siya at papunta na. Bakit sinabi mo na may sakit siya at hindi makakapunta sa interview?" "Imposible!" Nabigla si Sonia pero kaagad na natauhan. Baka nagkataon lang. Baka naghahanap rin
Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Trevor. Gusto niyang maghukay at tumalon roon. Nagyabang siya sa harap ng lahat kagabi. Sinabi pa niya ito sa lahat, pati ang mga detalye ng kanyang plano para makuha ang posisyon. Hindi iyon ang mahalaga. Ang pinakamalala, sinabi niya sa lahat na nakuha raw ng manager ang trabaho sa di marangal na paraan sa harapan ni Selena. Sinabi niya na baka may lihim na relasyon ang manager na iyon sa young master ng Drake family. Iyon daw ang dahilan kung paano niya nakuha ang trabaho at malaki ang bayad sa kanya. Hindi niya inaasahan na si Selena pala ang sinasabi niya. Ngunit, makapal ang mukha ni Trevor. Tumawa siya at nagsabing, "Selena, lasing ako kahapon. Umaasa ako na hindi mo papansinin ang nangyari. Magkaklase tayo noon. Naniniwala ako na ako ang pinakamagaling na aplikante para tulungan ka." Sa sandaling iyon, isang katok sa pinto ang narinig sa buong silid. "Pasok!" Sumigaw si Selena sa pinto. Hindi nagtagal, pumasok si Sonia mula sa
Nagngitngit ang ngipin ni Trevor at tinaas ang kanyang ulo, "Selena, wag kang masyadong masabik. Minalas lang ako ngayon na mapunta sa mga palad mo. Isa lang yang position para sa isang assistant. Tumatanggi ako ngayon! Hindi ako naniniwala na hindi ako makakahanap ng mas magandang trabaho sa abilidad ko!" "Hah, abilidad mo? Nakakadismaya. Ang alam mo lang ay magsayang ng oras kakalaro noong nasa ibang bansa ka. Tapos, ngayon bumalik ka ay nagyabang sa lahat, sinabi mo sa lahat na galing ka ng ibang bansa. Iyan ba ang tinatawag mong abilidad?" Tumawang muli si Selena. "Trevor, hindi kita gustong sisihin, pero sumosobra ka na talaga kagabi. Kung ako si Selena, hindi kita tatangkaing tanggapin sa trabaho!" Bumuntong hininga si Rosa. Ang mga taong kagaya niya na mahilig mandaya ay kaya kang tagain sa likod sa kahit na anong oras. "Haha, sino ka para pagtawanan ako?" Sa halip ay malamig na ngumiti si Trevor. Mukhang masama ang kanyang mga mata habang malamig na nagsabi, "Isa ak
"Lagot tayo, Selena. Narinig ko na sinabi ni Trevor na ang girlfriend niya ay malayong kamag-anak ng Drake family. Hindi kaya… yun ang tito na sinabi niya kanina? Kung siya talaga yun, hindi ba ibig sabihin nun magiging malaki ang problema natin? Hindi natin alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin nun!" Nagsimulang mag-alala si Rosa pagkatapos umalis ni Sonia. "Galit na galit talaga siya. Mukhang pupunta siya sa Drake family. Paano kung siraan ka niya sa harapan nila? Hindi ba malalagay ka sa alanganin?" Nagdilim ang mukha ni Selena nang marinig niya ang sinabi ni Rosa. Nag-aalala rin siya. Lalo na at magkamag-anak sila, at hindi niya masisiguro kung anong kasinungalingan ang sasabihin ni Sonia sa Drake family. Higit pa roon, nagsimula lang siyang magtrabaho dito mga ilang araw pa lang ang nakakaraan; papaniwalaan ba nila si Sonia o siya, na isang tiga-labas? Mas lalong nag-alala si Rosa nang makita niya ang magkasalubong na kilay ni Selena. "Lagot na talaga tayo. Tatan
Tinignan ni Tanya ang gwapo ngunit mapilit na lalaki. Hindi niya mapigilan na tumawa at magtanong, "Ang asawa mo ang beauty queen ng Middle Province na inaprubahan ng lahat ng lalaki noon. Sige na, pwede mo bang sabihin sa'kin kung paano mo naloko ang magandang babaeng iyon na magkagusto sa'yo? Kaunti lang ang narinig ko tungkol sa storya mo. Wala akong masyadong alam tungkol sa'yo!" "Wala namang masyadong pag-uusapan!" Hindi siya nagsayang ng oras sa kanya. Nasa isang tabi lang siya at tahimik na naninigarilyo. Hindi maiwasan ni Tanya na umirap kay Fane, "Ang boring mo naman. Kung ganoon, pwede mo ba kong kwentuhan tungkol sa giyera? Hindi ba nasa giyera ka ng limang taon? Mayroon ka bang mga pilat sa katawan?" "Meron!" Mapait na ngumiti si Fane. "Pero gumaling na lahat ng yun ngayon. Wala na akong natitirang mga pilat, kaya, di mo makikita! Pero di na importante yun; gusto ko lang makaligtas at mas lumakas noon. Sa huli, nagawa ko!" "Ang galing mo nga. Kahit si Harvey ay
Habang tinitignan ang bahagyang galit na mukha ni Fane, hindi mapigilan ni Tanya na matawa sa tabi. Sinong mag-aakala na mahal na mahal ng lalaking ito ang asawa niya? Higit pa roon, kapag nakatingin ka sa kanya mula sa gilid, ang malamig niyang mukha ay napakagwapo at dominante. Natulala si Tanya ng ilang saglit. "Imposible. Si Selena Taylor ang eldest miss ng Taylor family. Malaki ang kontribusyon niya noon noong pinapatakbo pa niya ang negosyo ng Taylor family!" "Naniniwala ako sa kanya; hindi siya abusado! Baka talagang magaling ang kaibigan niya! Baka di lang kayo nagkaunawaan na dalawa!" Kalmadong ngumiti si James at nagsabing, "Sonia, maraming taon ka nang nagtatrabaho sa Drake family; alam ko na baka hindi ka natuwa sa biglang paglitaw ng isang manager. Ngunit, nagdesisyon kami na gawin 'to pagkatapos namin itong pag-isipan. Kailangan mo lang makisama kay Manager Taylor, ok?" "Uncle, hindi yan totoo! Hindi ako ganoon kababaw na tao!" "Si manager Taylor; gusto niya l