Tinignan ni Tanya ang gwapo ngunit mapilit na lalaki. Hindi niya mapigilan na tumawa at magtanong, "Ang asawa mo ang beauty queen ng Middle Province na inaprubahan ng lahat ng lalaki noon. Sige na, pwede mo bang sabihin sa'kin kung paano mo naloko ang magandang babaeng iyon na magkagusto sa'yo? Kaunti lang ang narinig ko tungkol sa storya mo. Wala akong masyadong alam tungkol sa'yo!" "Wala namang masyadong pag-uusapan!" Hindi siya nagsayang ng oras sa kanya. Nasa isang tabi lang siya at tahimik na naninigarilyo. Hindi maiwasan ni Tanya na umirap kay Fane, "Ang boring mo naman. Kung ganoon, pwede mo ba kong kwentuhan tungkol sa giyera? Hindi ba nasa giyera ka ng limang taon? Mayroon ka bang mga pilat sa katawan?" "Meron!" Mapait na ngumiti si Fane. "Pero gumaling na lahat ng yun ngayon. Wala na akong natitirang mga pilat, kaya, di mo makikita! Pero di na importante yun; gusto ko lang makaligtas at mas lumakas noon. Sa huli, nagawa ko!" "Ang galing mo nga. Kahit si Harvey ay
Habang tinitignan ang bahagyang galit na mukha ni Fane, hindi mapigilan ni Tanya na matawa sa tabi. Sinong mag-aakala na mahal na mahal ng lalaking ito ang asawa niya? Higit pa roon, kapag nakatingin ka sa kanya mula sa gilid, ang malamig niyang mukha ay napakagwapo at dominante. Natulala si Tanya ng ilang saglit. "Imposible. Si Selena Taylor ang eldest miss ng Taylor family. Malaki ang kontribusyon niya noon noong pinapatakbo pa niya ang negosyo ng Taylor family!" "Naniniwala ako sa kanya; hindi siya abusado! Baka talagang magaling ang kaibigan niya! Baka di lang kayo nagkaunawaan na dalawa!" Kalmadong ngumiti si James at nagsabing, "Sonia, maraming taon ka nang nagtatrabaho sa Drake family; alam ko na baka hindi ka natuwa sa biglang paglitaw ng isang manager. Ngunit, nagdesisyon kami na gawin 'to pagkatapos namin itong pag-isipan. Kailangan mo lang makisama kay Manager Taylor, ok?" "Uncle, hindi yan totoo! Hindi ako ganoon kababaw na tao!" "Si manager Taylor; gusto niya l
"Ikaw, ang lakas ng loob mo na sampalin ako!" Hiningal siya sa galit habang hawak ang kanyang mukha, "G*go ka. Isa ka lang bodyguard, kuha mo? Ang lakas ng loob mo na saktan ako! Kahit na ang assistant commander ay magalang akong tinatawag na sister kapag nakikita niya ako. Sino ka ba sa tingin mo?" "Oo, sinabi ko na magkasabwat kayong dalawa para pagbintangan ako. Eh ano ngayon?" Pak! Sinampal niya ulit siya. "Ikaw…" Natakot si Sonia. Hindi niya inaasahan na napakatapang ng bodyguard sa kanyang harapan. "Tito, pwede bang magsalita kayo? Anong klaseng bodyguard to? Servant niyo ba siya? Kailan pa pwedeng saktan ng mga servant ang boss nila?" Umatras siya ng ilang hakbang sa galit. Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi habang nalulungkot na tinignan si James. Nagulo nang kanyang makapal na makeup. Mukha siyang isang multo! Naisip ni Sonia na pinapahiya ni Fane ang Drake family sa pagsampal sa kanya at bubugbugin siya ni James. Lalo na at sila ang Drake family at pa
"Hindi, hindi. Hindi yun kailangan na mangyari!" Sa pagkataranta, kaagad na kinaway ni Sonia ang kanyang kamay pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni James. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papalayo, "Dalawang araw akong di papasok, tapos babalik ako sa trabaho." Alam ni Sonia na mayroon lamang siyang pagkakataon na makakuha ng pera at pabagsakin si Selena kapag nanatili siya sa procurement department. Mawawalan siya ng pagkakataon kung malipat siya ng ibang department. Habang naiinip, maglalakad-lakad si Sonia sa kalsada pagkatapos niyang umalis sa Drake family. Bigla na lang, nakatanggap siya ng tawag mula kay Ivan. Hindi nagtagal, nagpasya sila na magkita sa isang cafe. "Anong nangyari? Hindi ba may trabaho ka ngayon? Base sa itsura ng mukha mo, mukhang hindi maganda ang timpla mo ngayon!* Tumawa si Ivan at sinabi ito kay Sonia. "Wag mo nang sabihin. Naiinis talaga ako sa Selena na to!" "Gusto kong makapasok sa kumpanya namin ang boyfriend ko at maging assis
Nang makita na naroon sina Xena at Ben, nagkatinginan sina Fane at Selena at ngumiti. "Ma, eto ang tatlong milyon. Binigyan siya ng Drake family dahil magaling siya sa trabaho." Ngumiti si Selena at sumigaw kay Fiona sa hindi kalayuan. Nagliwanag ang mga mata ni Fiona nang marinig niya ang sinabi ni Selena, "Talaga? Magaling. Ang yaman talaga ng Drake family. Paano nila nagagawa siyang bigyan ng ganito karaming pera?" "Oh, lumabas ako kasama ng second miss ngayon. May mga taong hindi nakakilala sa second miss at nagtangkang saktan siya. Kaya nabugbog ko silang lahat!" "Masaya sila sa nagawa ko kaya binigyan nila ako ng tatlong milyon at inuwi ko ang pera!" Ngumiti si Fane at nagsalita muli, "Mother-in-law, nanakaw ang 3.8 million mo nitong nakaraang araw, di ba? Para mabalik ang nawala sa'yo, para sa'yo tong tatlong milyon. Pumunta ka sa bangko ay ideposito mo ang pero bukas ng umaga!" "Sige. Magaling!"Sobrang nasabik si Fiona, "Bata, mukhang maganda ang nagagawa mo kamak
"Oh, anong gagawin natin ngayon? Asan si Fane? Sabihin mo sa kanya na dalian niya dito! Paparating na ang mga magnanakaw na nakamotor!" Takot na takot si Fiona. Mahigpit na yakap ng kanyang mga braso ang pera; nanlaban siya gamit ng buong lakas niya. Gusto sanang hablutin ni Andrew ang isa pang lalaki, pero sa halip ay tinulak siya nito hanggang sa bumagsak siya lapag. Kaagad na lumapit ang dalawang lalaki kay Fiona. Sa sandaling into, nakita nilang tumatakbo si Fane. "Dali, Fane. Dali! Hindi ko na kaya! Makukuha na nila yung pera!" Tumili si Fiona nang makita niya si Fane. Sa kasamaang palad, hindi makatapat ang kanyang lakas sa dalawang lalaking iyon. Nakuha ang bag na nasa kanyang mga kamay. "Tigil!" Tumalon si Fiona nang maisip niya ang tatlong milyon sa loob ng bag, kumapit siya sa lalaki na kakasakay lang ng motor. "Bitiwan mo ko, matandang p*ta!" Nagulat ang lalaki nang kumapit sa kanya si Fiona. Sinipa niya si Fiona hanggang sa tumumba siya. Umandar ang moto
Hindi naawa si Fiona para sa mga magnanakaw. Nagsalita siya nang may sama ng loob sa kanyang boses at paulit-ulit niya silang sinisipa. Sa nagdaang dalawang araw, hindi siya nakakain at nakatulog nang maayos, iniisip niya ang tungkol sa kanyang 3.8 milyon. "Sasabihin ko sa'yo! Binigay namin ang 3.8 million sa boss namin pagkatapos naming 'tong makuha. Tapos binigyan niya kami ng mga parte namin!" Kaagad na sinabi ng lalaki ang lahat. Halatang takot na takot siya. "Kung ganoon, paano niyo nalaman na dito namin tinatabi ang pera namin? Hindi pwedeng nagkataon lang yun!" Tinanong silang muli ni Fane. Alam na niya ang sagot pero kailangan niya pa rin ng maayos na kumpirmasyon. Higit pa roon, imposible na isipin ni Andrew at Fiona na si Xena ang salarin. Tinuring na nilang dalawa na manugang si Xena---lalo na si Fiona. "Si-si Xena Jackson ang nagsabi sa boss namin. Miyembro rin siya ng Motorbike Robbers. Binibigyan niya kami ng impormasyon, tapos kapag nakuha na namin ang pera,
Hindi rin alam ni Andrew kung tatawa siya o iiyak nang makita niya ang asawa niya sa lapag. "Hindi mo ba naiintindihan? Wala talagang pera sa loob. Hindi binigyan ni Ms. Tanya si Fane ng bonus. Isa itong patibong para mahuli si Xena. "Tara, Ma. Umuwi muna tayo. Naniniwala ako na mababawi ni Fane ang 3.8 million mo!" Tinulungan ni Selena ang kanyang nanay na tumayo at kaagad na umalis silang tatlo. Nanood si Fane habang dahan-dahang tumayo ang apat na lalaki, namumutla ang kanilang mga mukha. Saglit siyang nag-isip. "Tara na," sabi niya. "Dalhin niyo ko sa boss niyo." "Sir, pwede bang wag niyo na kaming idamay? Papatayin kami ng boss namin kapag nalaman niya na trinaydor namin siya!" Kaagad na nagmakaawa ang isa sa mga lalaki, napuno ng takot ang kanyang mga ugat. "Heh. Eh di papatayin ko kayo ngayon kung hindi niyo ko dadalhin sa kanya!" Pagbabanta ni Fane habang tumatawa. "Papayuhan kita na wag ka nang pumunta," sabi ng isa pang lalaki. "Mukhang malakas ka talaga, pe