Sumipa nang dalawang magkasunod si Fane at tumalsik ang kalaban niya bago ito bumagsak sa sahig. Bang, bang! Inatras niya ang kanyang kamay para sa dalawang suntok at tumalsik ang dalawa pang lalaki. Ngunit kaagad silang nakabangon ulit. "Mas mahina ang taong ito kay Dennis!" Sigaw ng isa. "Tama. Kung may lakas siya ni Dennis, ang limang yun ay di na makakatayo ulit. Baka sumusuka na sila ng dugo ngayon!" Sumali si Britney, "Maswerte lang si Fane kanina. Talagang natakot niya ako nung inakala ko na may lakas siya ng isang King of War. Lumalabas na nagpapanggap lang siya na malakas!" "Oo. Sa pagsubok na ito, di magtatagal ay mabubunyag din ang tunay niyang lakas!" Tumango din si Matt. "Kung di dahil sa paglaban ni Marshal Dennis kay O'Neal, kaagad sigurong namatay si Fane!" "Kayo, sumali din kayo!" Tinignan ng general manager ang isa pang malaking lalaki at sinabi, "Sabay-sabay niyo siyang sugurin. Di ako makakapayag na matalo tayo sa lalaking ito!" "Ah!" Sa sand
"Diyos ko, kinukuha siya nito para maging arena champion!" Ilang tao ang napasigaw nang maunawaan na nila kung ano ang nangyayari. "Delikado ang maging arena champion. Ang makaharap ang isang eksperto ay parang kamatayan na din. Kahit na hindi siya patayin ng kalaban, malamang na mababaldado siya!" Sinabi ng isa pang nakatambay. "Pero ang pagiging arena champion ay isang posisyon na malaki ang kita. Hindi bawat buwan ang bayad pero sa halip ay bawat laban. Kapag may nagprehistro lang sa hamon magkakaroon ng laban!" Sabi ng iba. "Napakaswerte. Di na niya kailangang bayaran ang bill niya, nakakuha ng tatlong milyong dolyar at higit pa rito, nakahanap pa siya ng trabaho!" Walang masabi si Matt. Noong una inasahan niya na tatanggapin ni Fane ang hamon at mapapatay siya ni O'Neal para lang madagdagan ang pagdurusa ni Selena. Hindi niya inasahan na ganito ang kalalabasan! "Pasensya na pero hindi ako interesado!" "Atsaka, pinapayuhan kita na itigil ang ganitong gawain, kung hindi…
"Kapatid, bakit ka nandito? Nagkamali talaga ako ng akala sa'yo kanina. Akala ko na dahil hindi ka issng doktor, hindi mo rin alam kung paano gamutin ang anak ko. Sa hindi inaasahan, magaling na ang binti ng anak ko ngayon at nakakatakbo at nakakatalon na siya!" Dinala niyang Mrs. Roy ang kanyang anak kay Fane, tapos inudyok ang kanyang anak, "Magpasalamat ka sa uncle mo. Kung hindi sa kanya, baka namatay ka na!" "Salamat uncle, napakagaling mo! Gusto kong maging kasinlakas mo sa hinaharap!" "Maraming salamat sa pagtaboy sa mga tigre kung hindi namatay na ako!" Tinignan ni Jake si Fane, puno ng paghanga at paggalang ang kanyang mga mata. "Ano?!" Huminga nang malalim si Keaton at nababahalang nagtanong, "Honey, s-s-siya ba yung sinasabi mong taong humawak sa dalawang Siberian tiger gamit ng bawat kamay niya?" Kinakabahan nsng sobra si Keaton, sa puntong nanginginig na ang boses niya. "Tama. Di ko inakalang pupunta siya dito. Anong nangyayari?" Nagtatakang nagtanong si Mr
"Diyos ko, 100 milyong dolyar yun! 100 milyong dolyar! Talagang tatanggihan niya ito para sa tatlong milyong dolyar? Tanga ba siya?" Sumigaw si Britney. Gulat na gulat siya. "Oo. Kainis, sa 100 milyong dolyar, sigurado ka nang mabubuhay ka. Bakit niya ito tinanggihan? Kung ako yun, siguradong tatanggapin ko ito nang walang alinlangan!" Napasigaw din si Matt sa gulat, nagtataka kung nananaginip ba siya. "Sinong nagsabi na walang kwenta ang pagiging sundalo? Ang lalaking ito ay malakas at magaling sa pakikipaglaban. Kaya niyang hawakan ang dalawang Siberian tiger gamit ng kanyang kamay. Ngayong dumating na ang swerteng araw niya at nagawa niyang iligtas ang anak ng kapatid ni Master Roy, nagantimpalaan siya ng kayamanan nang isang bagsakan!" "Pero bakit ayaw niya itong tanggapin?" Mukha ding nagtataka si Dylan. "Diba mahirap lang sila? Napakahirap nila na hindi nila kayang bayaran ang 10 milyong dolyar na bill, pero ayaw niyang tanggapin ang 100 milyong dolyar? Atsaka, kung sabi
Higit pa rito, ayos lang kay Fane na tanggihan ang 100 milyong dolyar. Talagang kahanga-hanga ang kalooban niya. "Ginagawa lang niya ito para mapuri siya!" "Hmph, ano itong pagmamalinis na ito!" "Tignan niyo nga kung gaano siya kahirap!" Nagkaskasan ang ngipin niyang Britney at naiinis. Akala niya nung una na mapapatay ni O'Neal si Fane, tapos inasahan din niya na mapapatay ito ng mga tauhan ng Roy family. Hindi niya inasahan na ganito ang mangyayari. "Talagang maswerte ang lalaking ito!" Nagtinginan si Ken at Neil, walang magawa. Di nagtagal, sumama sila sa madla at umalis. Tinignan ni Fane ang magandang waitress at kinawayan ito. Tapos naglabas siya ng 50 libong dolyar at iniabot ito sa kanya. "Ito ang tip mo, tulad ng ipinangako ko!" "G-G-Ganito kalaki?! Diba 10 libong dolyar lang yun?" Hinawakan ng magandang waitress ang pera, iniisip na baka ilusyon lang ito. Sobra-sobra ito. Ito ang unang pagkakataong nakatanggap siya ng ganito kalaking tip. "Hehe, ang sabi ko k
"Mahirap? Hehe, makakabili ba ako ng dalawang Porsche kung mahirap ako?" Ngumisi si Fane. Hindi niya pinansin si Britney tapos kumaway sa dalawang babae. "Halika dito sandali!" "Sinasabi pa niya na may dalawa siyang Porsche. Nananaginip siguro ako!" Lalong natulala si Britney. Hari ng kayabangan ba ang lalaking ito? Paanong hindi siya nahihiya na sabihing may dalawa siyang Porsche? Mukhang naguguluhan ang dalawang babae, pero lumapit pa rin sila dito. "May problema po ba Sir?" Natatakot na tanong ng principal. "Ipakita niyo sa akin ang dokumento niyo!" Tanong ni Fane pagkatapos ngumiti. "Oh!" Napagtanto nilang dalawa kung anong nangyayari at inilabas ang kanilang mga dokumento at iniabot ito kay Fane. Kasama nito ang ilang larawan ng paaralan. "Sir, gusto niyo po bang magdonate? Kung di iyo nakakaabala sa inyo, sana matulungan niyo kami, kahit isa o 10 dolyar ay pwede na!" Mukhang medyo nahihiya ang babaeng principal. Subalit, para sa kapakanan ng paaralan at ng mga
Walang masabi si Selena. Napakabuti ng loob ni Fane, pero talagang di maalis ang pagiging mayabang niya. Pero sa sandaling ito mismo, dalawang pulang Porsche ang humarurot nang may nakakasilaw na ilaw at huminto sa harap ng lahat. "Ate, bayaw, hehe, talagang ang saya imaneho ng kotse niyo! Pakiramdam ko ang daming nakakapansin sa akin kapag bumabiyahe ako sa kalye!" Bumaba si Ben ng kotse at inihagis ang susi kay Fane. Bumaba din si Xena ng kotse at inihagis ang isa pang susi kay Selena. "Napakaganda nito. Ito ang unang pagkakataon kong magmaneho ng isang sports car. Talagang napakasarap sa pakiramdam!" Sa sandaling ito, malungkot niyang idinagdag, "Sayang di amin ito. Hay, kung makakakuha lang ako ng pansarili ko!" "Di pa kayo uuwi?" Nang makita na iniabot nila pareho ang parehong susi, kumunot ang noo ni Selena. "Hehe, may plabo kami ng mga kaibigan ko na maglalaro kami sa internet cafe mamaya. Nandoon sila at naghihintay sa amin. Nalubos na namin ang pagmamaneho ng kot
"Honey, sa totoo lang, sobrang nakakatukso ng 100 million bucks. Lalo na, kung kinuha mo yun, magkakaroon ka na ng pera para sa birthday ni lolo. Pero kung iisipin, hindi natin pwedeng kunin ang pera na 'yun." Umuwi sila at naligo. Nakahiga si Selena sa kama habang nakatingin kay Fane na nakahiga sa lapag. Ngumiti siya at nagsabing, "Honey, napansin ko na baka para talaga tayo sa isat-isa. Minsan, parang pareho tayo ng iniisip!" "Kung niligtas ko ang batang 'yun para sa pera, tatanggapin ko 'yun. Pero, wala sa isip ko ang pera nung niligtas ko siya, kaya di ko 'yun kukunin!" Ngumiti si Fane at tinignan si Selena na nakasuot ng sexy na pantulog. Pagkatapos, nagsabi siya, "Honey, mukhang tulog na si Kylie. Pwede ba kitang halikan?" Kaagad na inirapan ni Selena si Fane. "Syempre hindi. Pero may tanong ako sa'yo. Anong gagawin mo tungkol sa ninakaw na 3.8 million? 'Wag mong kalimutan na may binigay na time limit si mama sayo!" Sa pag-aalala, nagsalita siyang muli pagkatapos niyan