Hangga't hindi ito nakakaapekto sa kanyang pagpino ng pill, magagawa nilang dalawa ang anumang gusto nila. Wala man lang itong kinalaman sa kanya."Kahit na mababa ang tingin ko sa taong ito, naglakas-loob pa rin siyang magyabang. Sa tingin ko may talento siya. Hindi siya magkakaroon ng problema sa unang dalawang hakbang." Ang sabi ni Grayson.Tumingin si Rudy kay Grayson na may malamig na ngiti sa labi at sumagot, "Mukhang masyadong malaki ang tiwala mo sa lalaking ito. Sa tingin ko kalokohan ang sinabi niya kanina."Sa tingin ko makakaabot lang siya sa second step bago siya pumalpak! Gusto ko talagang makita kung paano niya tayo haharapin pagakatapos nun."Huminga ng malalim si Grayson. Pakiramdam niya ay mas malalim ang galit ni Rudy kay Fane kaysa sa kanya.Halos nag-aapoy ang mga mata ni Rudy nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Halatang-halata kung gaano niya kagalit si Fane.Isang malamig na tawa ang pinakawalan ni Grayson, "Pagkatapos ay tingnan natin kung ano ang man
Nag-isip siya ng matagal bago niya sinabing, "Ipupusta ko ang isang middle-priced sixth-grade pill. Kung anong pill 'yan, you can decide. Syempre, 'yun ay kung mananalo ka."Ang mga salita ni Rudy ay nagpasiklab sa pagiging mapagkumpitensya ni Grayson. Hindi niya inaasahan na ganoon kaseryoso ang pag-uusapan ni Rudy. Para bang pinagtibay ni Rudy ang kanyang pasya.Medyo mayaman si Grayson sa sandaling iyon. Ang isang solong tableta sa ikaanim na baitang ay hindi gaanong para sa kanya. He nodded casually, "Sige ba! Pusta ko mabibigo siya sa huling step."Tumango si Rudy, "Pusta ko mabibigo siya sa second step. Hindi man lang siya makakabuo ng pill!"Ang mga salitang iyon ay hindi kapani-paniwalang determinado. Para siyang magsisimulang lumaban kung may sasabihin si Grayson laban dito.Nakataas ang isang kilay ni Grayson habang nagpapakawala ng tawa, "Kung ganun isang sixth-grade pill din ang ipupusta ko. Ikaw na ang bahalang pumili ng uri nito."Nagkaroon ng deal ang dalawa, at mu
Hindi maaaring pinuhin ni Fane ang isang sixth-grade na pill at nawalan din ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pill rune. Si Fane ay naghukay ng sarili niyang libingan.Hindi naiwasang ihanda ng bise ingat-yaman ang sarili sa kabiguan sa hinaharap. Kung hindi, siya ay marahas na kukutyain mamaya, at ang pangungutya ni Constance ay lalala.Maraming bagay ang naranasan ng bise ingat-yaman sa kanyang mga taon, ngunit hindi niya matanggap ang ganoong uri ng panunuya.Isang malamig na ngiti ang pinakawalan ni Constance at sinabing, "Mukhang hindi mo akalain na magagawa ni Fane ang lahat. Hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip ng Heavenly Pills para tanggapin ang riff-raff ng ganoon."Ang isang hangal na tulad niya na nagpipilit na patunayan kung gaano siya katanga ay magiging isang pabigat kahit na siya ay maging isang sixth-grade alchemist."Tila nagbibigay ng payo si Constance, ngunit kapansin-pansing mali ang tono. Kahit sino ay maaarin
Unti-unting lumipas ang oras. Binubuo ni Fane ang mga pill rune sa pantay na bilis. Isa-isang lumutang sa hangin ang mga gintong rune, dahan-dahang naipon.Sina Rudy at Grayson ay hindi pa nakakapagsimula sa kanilang sariling mga tabletas. Itinuon nila ang kanilang buong atensyon kay Fane. Nasaksihan nila ang kanilang sarili habang si Fane ay dahan-dahang nag-condense ng pill rune after pill rune.Ang mahinang ginintuang kinang ay kumislap sa harap ng kanilang mga mata. Habang pinapanood nila, mas lalo silang nangangamba. Naramdaman ni Grayson na si Fane ay napakatalino na para makabuo ng isang daang pill rune.Pagkatapos ng lahat, ang pagbuo ng mga pill rune nang mag-isa ay iba sa pagbuo ng mga pill rune habang pinipino ang isang pill.Habang pinipino, kakailanganing tiyaking napanatili ng tableta ang hugis nito. Pagkatapos, kakailanganin ng isa na gamitin ang pill aura na ibinubuga mula sa pill upang bumuo ng mga pill rune. Kailangan nito ang suporta ng tunay at espirituwal na en
Medyo magaspang ang boses ni Grayson. Sa sandaling iyon, wala nang gana si Rudy na sagutin si Grayson. Tiningnan ni Rudy si Fane nang nababahala, nagdadasal na mabigo si Fane! Doon lamang niya maliligtas ang kanyang sarili sa kahihiyan.Malalaglag na ang mata ng vice treasurer. Napanganga siya habang nakatingin kay Fane.Hindi niya inakalang talagang makakabuo si Fane ng 800 pill rune. Alam niyang tinatago lang ni Fane ang kanyang galing, ngunit hindi niya inakalang ganito pala ito kagaling.Akala ng vice treasurer nababaliw lang si Fane, ngunit mukhang siya ang bulag sa galing ni Fane! Nang maisip ito, huminga siya nang malalim habang tinatago ang kanyang mukha. Ayaw niyang may makapansin ng kakaiba.Sinabi ni Constance nang sobrang lakas, “Vice treasurer, pagaling nang pagaling ang pag-arte mo!” Nang sabihin niya ito, napuno siya ng galit. Buti na lang naitago ng vice treasurer ang kanyang nagtatakang mukha at bumalik ito sa normal. Walang napansin si Constance at pakiramdam
Pakiramdam ni Gilbert mababaliw na siya sa galit. Naapakan na siya ni Fane noon, pero ngayon pakiramdam niya yuyurakan na nang tuluyan ang pagkatao niya.Tingin niya kay Fane noon mahusay, ngunit hindi masyadong malakas kumpara sa kanya. Pagkatapos itong masaksihan mismo, napagtanto na niya kung gaano kalaking kalokohan ang akala niya.Kaya pala noon pa man ang tingin ni Fane sa kanya ay parang wala lang. Hindi talaga siya sineryoso ni Fane sa simula pa lang. Sa mata ni Fane, si Gilbert ay isa lamang payaso. Hindi na ito kinaya ni Gilbert nang mapagtanto niya ito.Kanina, maaaring nagalit sa kanya ang vice treasurer, ngunit nagawa niyang katatawanan si Fane. Pagbalik ni Fane sa Heavenly Pills, mapaparusahan nang husto si Fane. Higit sa lahat, malaki talaga ang pagpapahalaga ng Heavenly Pills sa kanilang reputasyon.Malinaw na nadungisan ng ginawa ni Fane ang reputasyon ng Heavenly Pills noon. Ngunit tuluyang nasira ni Fane ang akala niya.Nanginig ang kamay ni Gilbert. Hindi na si
Higit sa lahat, hindi pa siya ganito kagaling. Sa martial world, ang malalakas ang laging nananalo. Ayaw niyang gumawa ng problema sa ngayon. Nang maisip ito, nagpasya si Fane.Gumawa siya ng mga seal gamit ng kanyang kamay habang ang pill body ay nagsimulang umikot. Sa isang kumpas ng kanyang kanang kamay, ang mga golden pill rune na nasa ere ay umikot nang mabilis sa paligid ng pill body.Sa sandaling humalo ito sa pill body, ang mga golden pill rune ay umilaw ng ginto. Pagkatapos nito, humalo ito sa pill body.Mayroong kabuuang 830 pill rune. Pinagalaw ni Fane ang mga ito at isa-isang ihinalo sa pill body. Habang humahalo ang mga pill rune sa pill body, nanginig saglit ang kamay ni Fane, habang may ginagawa sa pill body.Dahil dito ang pill na dapat magkakaroon ng walompung porsyentong refinement ay nagkaroon lamang ng limampung pursyento! Sinadya ni Fane na bagalan ang proseso bago niya ihalo ang mga pill rune sa pill body.Isang Energy Breaking Pill na umiilaw nang kulay gint
Sinabi ito ni Grayson na dahil ayaw niyang magbago ang tingin ng mga tao sa kanya pagkatapos niyang ipakita ang kanyang husay. Gusto niyang mas gumanda ang tingin ni Elder Horst sa kanya kaysa kay Fane.Natawa si Fane at sinabi, “Kahit na gusto mo akong hilahin pababa, kahit paano naman gamitin mo ang utak mo. kung sinabi ko kaninang mahusay ako, anong iisipin niyo?“Sinasabi mo lang ‘yan kasi naagaw ko ang eksena mo. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay mga taong tulad mo na sobrang taas ng tingin sa kakayahan nila. Ang alam niyo lang naman gawin ay itulak pababa ang iba mula sa napakataas niyong bangko!”Halos masuka ng dugo si Grayson sa mga salitang iyon. Kasinggaling ng batang ito ang bibig niya.Sumigaw si Grayson nang nakatikom ang kanyang kamao, “Huwag mong akalaing matatalo mo ako dahil lang nagawa mong makabuo ng isang sixth-grade pill!“Sasabihin ko sa’yo, nasa ganitong lebel lang ako ngayon dahil sandali ko pa lang natututunan ang Way of the Pill. Kapag binigyan mo ako ng ora
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin