Kanina, hindi masyadong nagbago ang ekspresyon nilang dalawa nang sabihin ni Elder Horst ang tungkol sa espesyal na pagpili. Mukhang ang lahat ng ito ay kasama sa plano nila. Malinaw na kinabahan dito ang vice treasurer.Ang pinakamalakas sa mga pinuno doon ay silang dalawa at ang vice treasurer. Ngunit ang vice treasurer lamang ang hindi nakatanggap ng kahit anong balita. Malinaw na mababahala siya dito. Tumaas ang kilay ni Fane. Pagkatapos huminga nang malalim, sinabi niya, “Mangyayari ang mangyayari. Kung isa itong biyaya, magiging biyaya ito. Kung masama ang kalalabasan nito, hindi naman natin ito maiiwasan. Isa lang itong selection test. Kahit na kumalat na nang maaga ang balita, hindi mo naman din siguro gugustuhing ipadala ang eldest student dito.”Lumingon kay Fane ang vice treasurer at sinabi, “Hindi naman sa ganyan. Kailangan handa kang isuko ang isang bagay para makakuha ng mas malaki. Handa ang Rosefinch Pavilion na dalhin si Grayson. Walang dahilan para magpigil tayo.”
”Maaaring may punto ka, pero pakiramdam ko pa rin may ibang dahilan…”“Bakit palayo kayo nang palayo sa usapan? Hindi niyo ba narinig ang sinabi ni Rudy? Gusto niyang bumuo ng sixth-grade pill! Anong ibig-sabihin nito?! Ibig-sabihin nito, ang husay ni Rudy ay katumbas ng kay Grayson!”“Hindi talaga natin kayang makipagsabayan sa mga tulad nila. Nahihirapan pa tayong bumuo ng mga pill rune, pero nakapagsimula na silang bumuo ng mga sixth-grade pill. Kahit na mabuo nila ang pinakasimpleng sixth-grade pill, sapat na ito para patunayan ang kanilang sarili bilang sixth-grade alchemist.“Huwag niyong kalimutan kung nasaan tayo ngayon. Lahat tayo ay nasa vessel ng Middle Province Alchemist Alliance.“Basta matagumpay silang makabuo ng isang sixth-grade pill, aaprubahan ng alliance ang kanilang katayuan at bibigyan sila ng badge ng isang sixth-grade alchemist! Gamit ng badge na ito, lahat ng gusto nilang gawin ay mapapadali!” Kumalat ang usap-usapan sa buong lugar at nagsimulang sumakit
Sa simula, tumayo lamang sa tabi si Constance at Zayne, walang pakialam sa bagay na ito. Gusto nilang hayaan ang sitwasyon na kusang umusad. Ngunit habang patindi nang patindi ang labanan ni Grayson at Rudy, napilitan silang kumilos.Napilitan silang paghiwalayin si Rudy at Grayson. Higit sa lahat, ang away sa pagitan ng mga batang henerasyon ay dapat may hangganan. Kapag sumobra sila dito, maaapektuhan ang kanilang ugnayan. Ito itong bagay na ayaw makita ni Rudy at Grayson.Halos labinlimang minuto na ang nakalipas. Umupo si Elder Horst sa kanyang upuan habang nakatingin sa mga usap-usapan. Nang maubos ang oras, tumayo siya sa kanyang upuan.Pumalakpak siya nang malakas at sinabi, “Sige, oras na. Siguro naman napagpasyahan niyo na kung paano niyo papatunayan ang inyong husay.“Siguro naman hindi ko na kailangan sabihin sa inyo ang tungkol sa iba’t ibang paraan. Maghiwalay na ang mga grupo ngayon na. Ang mga gustong bumuo ng pill rune ay tumayo sa silanang.“Ang mga gustong magsur
Mukhang nakalunok ng langaw si Gilbert. Kanina pa siya umaasang sa kanya ito sasabihin ng vice treasurer, ngunit hindi man lang siya tiningnan nito.Nilagay ng vice treasurer ang pag-asa nito kay Fane. Para bang nandoon lamang si Gilbert at ANdrew para makumpleto.Mukha ring masama ang loob ni ANdrew. Marami silang naging pagtatalo ni Gilbert noon, at hindi maaayos ang kanilang ugnayan.Ngunit dahil kay Fane, isinintabi niya muna ang lahat ng galit na ito.Sinabi ni ANdrew habang nagdidilim ang mukha, “Vice treasurer, mukhang inilagay mo na ang pag-asa ni kay Fane.“Pero dapat paalalahanan mo pa rin si Fane na kahit na mahusay siya, dapat hindi siya maging masyadong mayabang.”Sobrang mapanghamak ng salitang iyon. Galit na galit si Andrew sa sandaling iyon at hindi siya nagpigil.Dumagdag si Gilbert pagkatapos nito, “Tama si Andrew. Kahit na mahusay si Fane, hindi dapat siya maging mayabang. Hindi maganda ang magagawa sa’yo ng ganitong salita.”Walang masabi si Fane sa mga pasa
Si Fane na lamang ang nakatayo sa sandaling iyon. Mukhang nagdadalawang-isip siya at naghihintay. Sa sandaling matapos ang vice treasurer na sabihin ito, napatingin si Elder Horst.Kahit na masyadong maraming makikita sa mata nito, nakakaramdam pa rin ng talim si Fane dito. Para bang matatanggal siya kapag hindi siya kumilos.Kumirot ang labi ni Fane. Hindi na siya makapaghintay, kaya naglakad siya patungo sa lugar kung saan niya balak magpunta.Sa simula, ayaw ni Fane na kumuha ang atensyon. Higit sa lahat, maaaring siya ang nahuli, ngunit walang nakakilala sa kanya. Kahit na mula siya sa Heavenly Pills, bukod sa mga nakakilala na sa kanya, walang nakakaalam kung sino siya.Habang naglalakad siya patungo sa kaliwa, nagsimulang bumaling sa kanya ang titig ng lahat. Unti-unti ring sumama ang mukha ng vice treasurer nang mapansin niya ang direksyong pinupuntahan ni Fane.“Balak bang pumunta ng taong ‘yon sa likod ni Rudy? Balak rin ba niyang patunayan ang kanyang sarili sa pamamagit
Walang mas nakakaalam sa vice treasurer kung anong ibig-sabihin ng sixth-grade pill. Sa loob ng napakaraming taon, tumanggap na ang Heavenly Pills ng napakaraming estudyante, ngunit kaunti lamang ang naging sixth-grade alchemist.Ngumiti si Constance at sinabi, “Vice treasurer, talagang marami kang tinatagong alas. Hindi ako makapaniwalang may henyo rin sa Heavenly Pills. Hindi ko pa ito nababalitaan noon.”Kumirot ang labi ng vice treasurer. Gusto niyang magpaliwanag, ngunit kapag sinabi niyang hindi kayang bumuo ni Fane ng sixth-grade pill, at mahusay lang ito sa pagbuo ng mga pill rune, magiging isa itong malaking katatawanan. Pagtatawanan ng lahat ang Heavenly Pills.Ngunit kapag nagmatigas siya, mabubunyag ni Fane ang lahat pagdating sa oras ng pagbuo ng mga pill. Sa gayon, lalong titindi ang pagkakapahiya.Nanginig ang kanyang kamay. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon sa lahat ng taon niya. Pakiramdam niya naipit siya sa pagitang ng dalawang mahirap na sitwasyon. Akala n
"Talagang may mali sa ulo ng lalaking ito. Sa tingin ba niya ay kapantay niya ang dalawa pang nasa harapan niya sa pamamagitan lamang ng pagtayo sa iisang grupo? Medyo masyadong biro iyon...""Akala ko magiging mahigpit at seryoso ang pagsubok. Hindi ako makapaniwala na nasaksihan ko ang ganitong palabas. Sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa..."Napakunot ang noo ni Andrew na nakaramdam ng hiya. Galit na galit ang vice treasurer to the point na nagsimulang manginig matapos marinig ang sinabi ni Gilbert. Wala siyang ibang gusto kundi ang sumugod at sampalin si Gilbert ng ilang beses.Para sa kapakanan ng kanyang sarili, hindi pinansin ni Gilbert ang reputasyon ng Heavenly Pills. Malapit na silang mapahiya nang husto. Anuman ang mangyari, ito ay isang kahihiyan na hindi mapapawi ng Heavenly Pills.Sumigaw ang vice treasurer, "Manahimik ka! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Kung ayaw mong sumali sa pagsusulit na ito ay magwala ka!"Galit na galit ang vice treasurer. Nang magsalita si
Napakaraming akusasyong ibinabato at napakaraming insulto. Ayaw man niyang makipagtalo sa mga taong iyon ay pinilit pa rin niyang dahan-dahang iangat ang ulo.Tumingin siya sa mga mata ni Rudy na puno ng pangungutya. Parang isa lang siyang aso sa paningin ni Rudy.Isang malamig na tawa ang pinakawalan ni Fane, "So makikinig ka na lang ba sa asong pinakamalakas na tumatahol?"Ang mga salitang iyon ay matagumpay na nangungutya sa lahat ng naroon. Inihambing niya si Gilbert sa isang aso at kinutya ang lahat sa pakikinig sa asong iyon. Nagdulot ito ng pagbabago sa ekspresyon sa mukha ng lahat.Halos mawala si Gilbert sa galit. Hindi siya makapaniwala na nagawa pa rin ni Fane na ilabas ang ganoong pang-iinsulto kahit na sa mga bagay-bagay. Pulang-pula sa galit si Gilbert nang lumingon siya para titigan si Fane.Gusto sana niyang sumigaw pabalik ngunit pinigilan siya ng vice treasurer. "Mukhang ayaw mo na talagang sumali sa test!"Ang isang pangungusap na iyon ay ganap na nagpahinto ka