Narinig ni Fane ang mga sinabi ng vice-treasurer at napaisip siya ng malalim. Base sa pananalita ng vice-treasurer, tila hindi nagiging kakaiba ang sitwasyon.Sa taglay na talento ni Grayson, imposibleng pakawalan siya ng Rosefinch Pavilion ng ganun-ganun na lang, kahit na saang anggulo mo ito tingnan. Siguradong may dahilan sa likod nito.Magiging isa lamang siyang estudyante, isang tao na hindi maaaring ikumpara sa isang inner disciple. Higit pa dito, ang Rosefinch Pavilion ay isang fifth-grade clan. Hindi kailangang alalahanin ni Grayson ang tungkol sa pagkuha ng anumang resources upang pataasin ang kanyang potensyal.Siguradong gagawin ng mga higher-up ng Rosefinch Pavilion ang lahat ng makakaya nila upang palakasin siya. Hangga't patuloy ang pag-unlad ni Grayson, maaari siyang maging isang seventh-grade alchemist sa hinaharap. Malaki ang maitutulong nito sa Rosefinch PavilionNais ng bawat clan na magkaroon ng sarili nilang alchemist. Sa oras na gumaling ang alchemist, magagaw
Nagbigay galang din ang ilan sa mga pinuno, sabay-sabay silang bumati, “Maligayang pagdating, Elder Turner!”Ang taong iyon ay isang elder mula sa Middle Province Alchemist Alliance. Nasaan man sila, ang status ng isang elder ay iginagalang pa rin. Hindi napigilan ni Fane na muling mapatingin kay Elder Turner.Mukha siyang mabait. Bilugan at nakangiti ang kanyang mukha. Subalit, mayroong kasamaan na hindi maitago sa kanyang mga mata. Patunay ito na hindi siya kasing bait ng gaya ng pinapakita niya.Kinawayan silang lahat ni Elder Turner at sinabing, “Kayong lahat, salamat sa pagpunta niyo. Hindi ko inasahan na napakaraming tao ang pupunta dito ngayon, ngunit kailangan nating sundin ang utos ng mga nakakataas.”Pagkatapos sabihin ni Elder Turner ang mga salitang iyon, tiningnan niya ng maigi ang lahat. Pagkatapos nito, tinaas niya ang limang daliri niya at sinabing, “Lima! Ngayong araw, limang disipulo lang ang kukunin namin!”Hindi lang si Fane anag nagulat sa mga sinabi niya. Nan
Nagtaas ng kilay si Fane. Halata sa ekspresyon ng vice treasurer na hindi niya alam ang tungkol dito. Maliban kay Zayne at Constance, lahat ay may gulat sa kanilang mga mukha.Upang hindi na itapon ang kanilang mga kasalukuyang posisyon at matanggap pa rin ang mga mapagkukunan ng Middle Province Alchemist Alliance. Ito ay parehong magandang balita para sa estudyante at sa mga puwersa sa likod ng estudyante.Ito ay kapareho ng alyansa na karaniwang nagpapalaki ng anak ng ibang tao para sa kanila. Walang sinuman ang maniniwala na may ganoong magandang deal kung hindi nila ito narinig mismo.Nakakunot ang noo ni Fane habang may pagdududang tumingin sa matanda. Kahit na mukhang magandang bagay ito, alam na alam ni Fane na walang sinuman ang kusang-loob na isuko ang kanilang sariling mga benepisyo para sa kapakanan ng iba, lalo na ang isang grupong tulad nito.Ang Middle Province Alchemist Alliance ay dapat may sariling mga dahilan para gawin ito. Si Elder Horst ay nagpakawala ng kaunti
"Muli kitang papaalalahanan. Iba ang proseso ng pagpili ngayon. Kapag napili ka, maaalagaan ka ng husto. Magiging sixth-grade alchemist lang ang simula."Ang mga salitang iyon ang naging dahilan ng paglaki ng mga mata ng lahat ng naroroon. Ito ay nag-udyok sa pagkauhaw ng lahat para sa tagumpay. Ito ay isang gintong kayamanan. Naramdaman ng lahat ng mga estudyanteng naroroon ang kanilang bibig.Pag-aalaga mula sa alyansa na hindi pa nakikita noon. Ito ay ganap na hindi isang walang laman na pangako. Kahit na parang matatamis na salita ang hinihikayat nila, ang Middle Province Alchemist Alliance ay hindi isang maliit na grupo. Natural na kailangan nilang panatilihin ang kanilang sariling mga salita.Sa sandaling naisip nila ang tungkol sa pag-aalaga na kanilang matatanggap, ang kanilang mga kamay ay nagsimulang manginig sa tuwa. Isang salpok ang sumakop sa kanilang mga katawan. Gayunpaman, walang pakialam si Fane sa mga huling salita na sinabi ni Elder Horst.Labinlimang minuto para
Tumawa si Grayson at sumagot, “Lahat kayo dito ay nandito lang para mapunan ang bilang. Pakiusap isipin niyo kung sino kayo. Kahit paano matapang kayong kausapin ako nang ganito.“Kung kaya niyong bumuo ng 500 pill runes, kikilalanin ko kayo. Pero, sa itsura niyo pa lang, kailangan niyo nang galingan para makabuo ng 100 pill runes!”Ang taong napagsabihan ni Grayson ay namula. Bigla itong mukhang isang bolang walang hangin, hindi makapagsalita. Tama si Grayson. Hindi siya makabuo ng kahit 100 pill runes, paano pa kaya kung limang daan. Higit sa lahat, ang Way of the Pill ay malalim na noon pa. Kung wala kang talento, imposibleng matutunan kung paano makabuo ng 500 pill rune sa loob lamang ng maikling panahon.Ang kaibahan sa pagitan ng husay niya at ng kay Grayson ay kitang-kita ng lahat. Kahit na nagmamatigas siya, kaagad itong mawawalan ng bisa dahil malapit na silang magsimula sa pagsusulit.“Mukhang kampante si Grayson sa kanyang sarili…” biglang sinabi ng tao sa likod ni Con
Kanina, hindi masyadong nagbago ang ekspresyon nilang dalawa nang sabihin ni Elder Horst ang tungkol sa espesyal na pagpili. Mukhang ang lahat ng ito ay kasama sa plano nila. Malinaw na kinabahan dito ang vice treasurer.Ang pinakamalakas sa mga pinuno doon ay silang dalawa at ang vice treasurer. Ngunit ang vice treasurer lamang ang hindi nakatanggap ng kahit anong balita. Malinaw na mababahala siya dito. Tumaas ang kilay ni Fane. Pagkatapos huminga nang malalim, sinabi niya, “Mangyayari ang mangyayari. Kung isa itong biyaya, magiging biyaya ito. Kung masama ang kalalabasan nito, hindi naman natin ito maiiwasan. Isa lang itong selection test. Kahit na kumalat na nang maaga ang balita, hindi mo naman din siguro gugustuhing ipadala ang eldest student dito.”Lumingon kay Fane ang vice treasurer at sinabi, “Hindi naman sa ganyan. Kailangan handa kang isuko ang isang bagay para makakuha ng mas malaki. Handa ang Rosefinch Pavilion na dalhin si Grayson. Walang dahilan para magpigil tayo.”
”Maaaring may punto ka, pero pakiramdam ko pa rin may ibang dahilan…”“Bakit palayo kayo nang palayo sa usapan? Hindi niyo ba narinig ang sinabi ni Rudy? Gusto niyang bumuo ng sixth-grade pill! Anong ibig-sabihin nito?! Ibig-sabihin nito, ang husay ni Rudy ay katumbas ng kay Grayson!”“Hindi talaga natin kayang makipagsabayan sa mga tulad nila. Nahihirapan pa tayong bumuo ng mga pill rune, pero nakapagsimula na silang bumuo ng mga sixth-grade pill. Kahit na mabuo nila ang pinakasimpleng sixth-grade pill, sapat na ito para patunayan ang kanilang sarili bilang sixth-grade alchemist.“Huwag niyong kalimutan kung nasaan tayo ngayon. Lahat tayo ay nasa vessel ng Middle Province Alchemist Alliance.“Basta matagumpay silang makabuo ng isang sixth-grade pill, aaprubahan ng alliance ang kanilang katayuan at bibigyan sila ng badge ng isang sixth-grade alchemist! Gamit ng badge na ito, lahat ng gusto nilang gawin ay mapapadali!” Kumalat ang usap-usapan sa buong lugar at nagsimulang sumakit
Sa simula, tumayo lamang sa tabi si Constance at Zayne, walang pakialam sa bagay na ito. Gusto nilang hayaan ang sitwasyon na kusang umusad. Ngunit habang patindi nang patindi ang labanan ni Grayson at Rudy, napilitan silang kumilos.Napilitan silang paghiwalayin si Rudy at Grayson. Higit sa lahat, ang away sa pagitan ng mga batang henerasyon ay dapat may hangganan. Kapag sumobra sila dito, maaapektuhan ang kanilang ugnayan. Ito itong bagay na ayaw makita ni Rudy at Grayson.Halos labinlimang minuto na ang nakalipas. Umupo si Elder Horst sa kanyang upuan habang nakatingin sa mga usap-usapan. Nang maubos ang oras, tumayo siya sa kanyang upuan.Pumalakpak siya nang malakas at sinabi, “Sige, oras na. Siguro naman napagpasyahan niyo na kung paano niyo papatunayan ang inyong husay.“Siguro naman hindi ko na kailangan sabihin sa inyo ang tungkol sa iba’t ibang paraan. Maghiwalay na ang mga grupo ngayon na. Ang mga gustong bumuo ng pill rune ay tumayo sa silanang.“Ang mga gustong magsur