"Dear, pati ikaw…" Hindi inasahan ni Dylan na gagawa ng ganito ang kanyang asawa. Kahit na nagkaaway sila ng mag-asawa kaninang umaga, mababa ang tingin niya sa mga taong hindi gumagamit ng maduming pamamaraan. Nagngitngit ang ngipin ni Rachel sabay galit na nagsalita, "Hindi mo kami masisisi. Sabi ni Fane pwede kaming mag-order ng kahit anong gusto namin, at nakita namin ang dalawang boteng ito. Mali ba na gusto namin itong tikman?" Suminghal si Rachel. "Kung hindi pala niya kayang bayaran sa umpisa pa lang, 'wag kang magpanggap na kaya mo at sabihin sa'min na umorder ng kahit na ano!" "Rachel, isip-bata si Britney, at alam mong mainitin ang ulo niya. Kung may ginagawa siyang kalokohan, dapat mo rin bang gawin ang ginagawa niya?" Nagdilim ang mukha ni Hugh. Umabot sa sampung milyon ang kanilang nagastos, at kung sapilitang maiiwan si Selena at Fane, anong mangyayari sa kanila? Kung hindi sila makakapagbayad, baka magbayad sila gamit ng buhay nila. Lalo na, ang lugar na ito a
"Ka-Kaibigan niya ang Goddess of War?' Napahinga nang mabilis ang manager pagkatapos niya itong marinig. Maraming tao ang gustong makita ang Goddess of War; kahit man lang makapagsabi ng isang pangungusap sa kanya ay isa nang malaking karangalan. Maraming katawan ng media ang umaasang mainterview ang Goddess of War Lana Zechs ng Middle Province pero lahat sila ay tinanggihan ng malamig na Goddess. Hindi nilang lahat inasahan na ang ordinaryong tao na nasa kanilang harapan ay kaibigan ng Goddess of War. "Imposible, kilala niya ang Goddess of War?" Nagulat din si Britney. Kung si Fane ay isang kaibigan ng Goddess of War, at kung malapit sila, malamang ay magkakaproblema siya. Lalo na, silang dalawa ni Rachel ang nagsimula nito, at siya ang tinaguriang utak sa likod nito. Kung gagamitin ni Fane and kanyang koneksyon sa Goddess of War para ipunta sa kanila ang sisi, matatapos na sila at ang buong Lee family. "Imposible, iniisip mo ba talaga na ganun lang kadaling matawagan a
Hindi na nakapagtimpi si Fane pagkatapos niyang makita ang mukha ni Selena. Lumapit siya at sinampal nang dalawang beses si Britney. "Pak, pak!" Sa sobrang lakas ng tunog ay kaagad na nanahimik ang silid. "Nananaginip ka ba? Handa kami ng asawa ko na bilhan layo ng inumin kaya dapat magpasalamat ka. Tapos, sasabihan mo kami na lumuhod sa harapan mo? Haha, nananaginip ka pa rin na prinsesa ka, tama ba?" Malamig ang ekspresyon ni Fane. Ang kanyang titig ay puno nang nakakatakot na aura. Napahinto si Britney. Hindi pa siya nasampal sa buong buhay niya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng Lee Family kaya siya ang paborito ng kanyang mga magulang at matagal na siyang tinatrato bilang hiyas ng kanilang pamilya. Hindi niya inaasahan na masasampal siya ng isang bodyguard ngayon. "Matt, anong tinatayo-tayo mo diyan?" Nainis si Britney nang makita niyang natakot rin si Matt. "Bw*sit ka, anong klaseng lalaki ang nananakit ng babae?" Tinaas ni Matt ang kanyang kamao at sumugod
"Bata, kung sasali ka, haha, magpapakamatay ka lang. Para ka lang langgam sa kanya!" "Tama, ang laki at ang lakas ng Amerikanong 'yon. Halos dalawang metro ang taas niya at ang kanyang mga braso ay mas malaki pa sa hita mo. Sa katawan mong 'yan, haha…" Ngumisi ang mga lalaki pagkatapos nilang makita ang katawan ni Fane. "Tsk tsk, Sampung professional ang sunod-sunod na namatay? Ang lakas naman ng Amerikanong 'yon!" Sabi ni Hugh, "Pero dati binubugbog lang ng dating mga competitor ang kanilang mga kalaban, di ba? Pumatay talaga ang lalaking ito?" "Maraming taon nang magkalaban sa giyera ang America at Cathysia. Kahit na tapos na ang giyera, mayroon pa ring poot sa pagitan ng dalawa!" "Kahit na nagsasagawa ngayon ng diplomatic relations ang dalawang bansa, mayroon pa ring tensyon sa pagitan nila!" Pilit na ngumiti si Rosa at nagsabing, Dahil isa 'tong competition at mayroong mga consent forms, malamang ay magiging brutal ang kalaban!" Pagkatapos niya itong sabihin, tuming
"Tama, pipicturan pa kita bilang alaala kapag nangyari 'yon!" Galit na galit si Matt na sinabi niya ito nang may nagliliyab na poot. "Bawal gumamit ng cellphone dito…" Nagpaalala ang manager sa grupo. "Sige, maswerte ang batang 'to!" Bahagyang nadismaya si Matt. Hindi nagtagal ay nakarating ang grupo sa pangatlong palapag. Ang pangatlong palapag ay isang malaking, hugis globong court; may mga larawan sa paligid at sa gitna ng lahat ng ito ay isang boxing ring na maraming nakatutok na ilaw. "Fane, anong ginagawa niya rito?" Sa kabilang bahagi ng silid, papanoorin sana nina Young Master Clark at ni Neil ang competition kasama ng ilang mayayamang mga lalaki. Simula noong araw na nalaman ni Ken na ayaw ni Neil kay Fane ay nagsimulang magkausap ang dalawa. Talagang naguguluhan si Ken kay Fane. Ito ang dahilan kung bakit niya niyaya si Neil na lumabas ngayong gabi para pag-usapan kung paano nila tatapusin si Fane o paano sila paghihiwalayin ni Selena. Hindi nila inaas
"Dennis, bakit siya nandito?" Nabigla si Ken nang marinig niya ang pangalan na iyon. Hindi niya inasahan na sasali sa laban ang kanyang mabuting kaibigan ngayong gabi. "P*ta, kilala mo si Dennis?" Napahinto si Neil bago nagsalitang muli, "Isa siyang marshal, yung tipo na may malakas na kakayahan sa pakikipaglaban!" "Syempre kilala ko siya, magkaibigan kami!" "Kung ganoon, mamamatay ang Amerikanong 'to!" Medyo nasabik si Ken. "Haha, mukha ngang magiging maganda ang laban ngayon!" "Wala akong pakialam kung maganda o hindi, andito tayo para manood!" Tumawa si Neil bago bumulong kay Ken, "Kung sabi mo kaibigan mo si Dennis, bakit di mo siya utusan na patayin si Fane? Basta't mamatay siya ay magkakaroon tayo ng pagkakataon, hindi ba?" Nagdilim ang ekspresyon ni Ken nang marinig niya ito. "Sa tingin mo ba hindi ko pa naisip 'yan? Inutusan ko na siya na bugbugin ang batang 'yon pero sa kung anong dahilan, sinabihan ako ni Dennis na 'wag manggulo kay Fane. Sa totoo lang, sina
Nag-uusap ang dalawang waitress. May naisip ang babaeng manager. Lumingon siya at nagsabi sa mga lalaking nakaitim, "Bantayan niyo ang batang 'yan. 'Wag niyo siyang patatakasin, naririnig niyo ba ko? Mukhang hindi siya papasok sa ring ngayong gabi. Hmph, Kung hindi pa siya makakapagbayad pagdating ng ala una, kamatayan ang naghihintay sa kanya!" "Sige, salubungin natin ang ating challenger, Dennis Howard!" Malakas na sabi ng host sa ring. Sa sandaling ito, isang lalaki na may malaking katawan ang lumabas mula sa pinto. Kalmado ang kanyang ekspresyon. Tinignan niya ang mga tao bago tumayo sa isang gilid para hintayin ang kanyang kalaban. "Magaling, narito na rin sa ring ang pinakamalakas sa Cathysia. P*ta, tiyak na mapapatay niya ang pesteng Amerikanong 'yon!" "Tama, isang marshal naman ngayon. Talagang mamamatay na ang lalaking 'yun!" "Baka hindi ganoon ang mangyari, ang Amerikanong 'to ay matangkad at malaki at mayroon rin siyang matinding lakas. Mukha siyang isang halim
"Napakabilis!" Sabi ni Britney at ng mga tao. Lahat sila ay nakatingin sa mga pangyayari sa loob ng ring. Mabilis si Dennis; sumugod siya sa isang kurap na para bang isang leopard. Bago mapansin ng lahat ay nasa harapan na siya ni O'Neal. "Bang!" Lumapag ang kamao ni Dennis sa dibdib ng kalaban. Malakas ang suntok na iyon. "Ano, tinamaan siya?!" "Diyos ko, hindi pa 'yun nangyayari!" "Ang galing, haha. Minamaliit ng O'Neal na 'to ang Cathysia. Lakasan mo!" Umingay ang mga tao! Pagkatapos ng kanyang suntok, natulak si Dennis ng pwersa. Umatras siya ng ilang hakbang at tinitigan ang kanyang kalaban nang may seryosong mukha. Hindi niya binaba ang kanyang depensa. Napaatras lang ng isang hakbang si O'Neal at isang masamang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Haha, hindi na masama. Isa kang marshal ng Cathysia kaya mas malakas ka kumpara sa ibang walang kwentang mga bata!" "Ang lahat ng lumaban sa'yo ay mga bayani!" Tinititigan nang masama ni Dennis ang kanyang k