Ang pinakamatapat na tagasunod ng lalaking nakamaskara, si Zamian, ay nagalit nang marinig ang mga salitang iyon. Pumintig ang ulo niya dito at tinitigan nang masama ang mga disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. "Ano bang halaga ni Graham? Paano niyo siyang napapag-usapan kasabay ng senior namin? Ang tanging dahilan kung bakit magkalapit sila ng oras ay dahil sadyang hindi siya nagmamadaling patayin ang mga bangkay na 'yun. Kahit anong mangyari, natutuwa siya sa pagmamasid sa sitwasyon! Nagsayang siya ng oras dito, kaya nakahabol si Graham!" Ang mga salitang iyon ay parang isang masyadong pilit na paliwanag. Ngunit mukhang masugid masyado si Zamian habang sinasabi niya ito. Para bang papatayin niya ang kahit sinong kokontra sa kanya. Ang mga disipulo mula sa mga third-grade clan ay natatakot na madamay sa sandaling iyon. Ngunit ang Thousand Leaves Pavilion ay isang fourth-grade clan, katumbas ng Corpse Pavilion sa anumang aspeto. Natural, hindi nila tatanggapin ang panlalait ni Z
Isang malaking uhaw na parang nakaamoy ng isang halimuyak ang kanyang kaluluwa. Nagtaka dito si Fane at gusto niyang malaman kung ano ito!Huminga siya nang malalim habang bumubuo ng mga seal sa kanyang kaliwang kamay. Habang pinipigilan niya ang pagragasa ng mga bangkay, bumuo siya ng isang Soul Sword sa kanyang kaliwang kamay!Kahit na nakapatay na siya ng dalawampung bangkay, napakaliit pa rin nito kumpara sa isang daan at dalawampu. Nabawasan lamang nang kaunti ang bigat ng sitwasyon. Kanina, umaatras si Fane habang nakikipaglaban, at ang kanyang galing ay kaya itong pigilan. Ngunit ngayong nag-iipon siya ng Soul Sword habang lumalaban, naging mas mahirap ito. Nang tila ba naramdaman ang kalagayan ni Fane sa sandaling iyon, biglang sumugod ang mga bangkay sa kanya. Roar!Sumigaw ang mga ito habang nakatitig ang mapupulang mata nito sa leeg ni Fane. Inilabas ng mga ito ang kanilang matatalim na ngipin para bang balak kagatin si Fane. Sa isang sandali, napaligiran na ng anim
Pagkatabi niya ng spada, ginagamit nang buong lakas ang Destroying the Void, at pinatamaan ang isang grupo ng mga bangkay. Lima o anim na bangkay ang nahiwa nang maraming beses nang magkakasunod. Ang mga sugat na ito ay hindi malalim ngunit malawak ang nahagip, ito ang epektong gusto ni Fane. Mataas ang depensa ng mga bangkay, at kung iba ang nakatayo doon, hindi ito magdudulot ng pinsala o mapapahinto ang mga ito. Ngunit iba si Fane, hindi siya umasa sa pagsira sa katawan ng mga ito para patayin ang mga bangkay. "Roar!"Ang mga sugatang bangkay, na parang isang leopard na galit na galit, ay lumingon at tumingin kay Fane na biglang sumulpot sa likuran nila. Inilabas nila ang kanilang pangil kay Fane at sumugod, ngunit sa sandaling iyon, tila ba parang tinamaan ng kidlat ang utak nila at hindi sila makagalaw. Gumiwang nang dalawang beses ang katawan, para bang nawalan ng enerhiya, at bumagsak sa sahig nang may kalabog, nawalan na ito ng buhay. Ang mga sugat sa kani
Walang pagkakataon si Riv noon, ngunit ngayong ganito ang itsura ni Griffin, natuwa si Riv at hindi niya mapigilang asarin si Griffin gaya ng ginawa niya sa kanya noon.. Kapalit nito, galit na galit si Griffin at namula ang kanyang mukha, at lumingon siya para titigan nang masama si Riv. Ang kanyang mga mata ay malalaglag na mula sa butas niyo, "Anong ibig-sabihjn mo Riv Jones! Anong nakakakumbinsi o hindi! Paano mo nalaman ang nasa isip ko?" Suminghal nang bahagya si Riv, "Sinong hindi nakakaalam sa nasa isip mo, ang mga maya mo ay hindi lumayo ng tingin sa pwesto ni Fane mula noong makabalok ka mula sa blood wordl, siguro gusto mong makita si Fane pagkatapos niyang mapuruhan nang busto at maibalik sa Divine Void Slope." Tumingala si Grifin at sinabi, "Ano bang pake mo kung gusto ko itong makita o hindi, hindi naman ito tungkol sa gusto ko, at siguradong mangyayari ito. Hindi pa lumalabas ang taong ito dahil mabilis siya at magaling siyang tumakas." Kakaiba ang pinamalas ni
Kalaban na ang tingin ni Theo kay Riv. "Napatay nga ni Fane ang Divine warrior noon, pero anong napatunayan niyo? Maaaring ang atakeng iyon ay ang paggamit ni Fane ng sobrang enerhiya para magpakitang-gilas! “Alam ng marami sa mundong ito, may mga ibang paraan para makakuha ng malaking enerhiya sa pamamagitan ng pagtubos ng sariling buhay!” Nang marinig niya ito, tumango si Griffin at nilakasan ang kanyang boses para marinig ito ng lahat ng nasa paligid. “Tama si Brother Theo, ang taong iyon ay nasa intermediate level lamang ng innate level. Sa mga nandito, siya ang tanging nasa intermediate stage ng innate level, ngunit ang lakas na ipinakita niya ay higit sa kalahati ng mga taong nandito! Anong nagbigay sa kanya ng ganitong lakas, isa lamang siyang elder disciple! Siguro gumamit siya ng isang paraan na nakakaubos ng buhay, para lang mapansin siya at mapuri ng iba!” Ang ganitong paninira ay basta na lamang nasasabi ni Griffin, at sinabi niya ito na parang totoo ito. Pagkatap
Napagpasyahan na ni Griffin na ang dahilan kung bakit tumagal nang ganito si Fane sa blood world ay dahil magaling siyang tumakas at umiwas, imbes na dahil sa lakas niya.Ang paliwanag na ito ay tinanggap ng mga tao dahil sa cultivation ni Fane. Maraming taong mas malakas kay Fane sa cultivation at katayuan ang ayaw maniwalang ang isang tulad ni Fane ay mas malakas sa kanila at kayang mas tumagal sa blood world kumpara sa kanila! Ang mga sinabi ni Griffin ay narinig ng lahat. “Tama siya. Kung ang isang tao ay magaling tumakas, talagang kaya nilang tumagal sa mundong iyon, pero ang ganitong gawain, bukod sa pananatili sa mundong iyon nang mas matagal, ay wala talagang nagagawa.” “Tama, isa lamang itong palabas para maging mukha siyang mas magaling sa iba, isang walang kwentang pagpapanggap, ang ibang nasa blood world ay buong-pusong nakikipaglaban sa mga corpse puppet, habang siya ay masyadong mayabang at gustong magpasikat sa harap ng lahat.” Marami ang hindi namamangha kay
Pagkatapos itong sabihin ni Theo, marami ang bumulong, ang ilan ay sinasadya pang lakasan ang kanilang boses, para lalong marinig ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion. “Ang isang disciple na nasa intermediate stage ng innate level, kahit na malakas siya, gaano kalakas ba siya? Ang paggamit ng ganitong taktika para patunayan ang husay niya, tingin niya siguro tanga ang lahat! Wala na bang ibang tao ang Dual Sovereign Pavilion? Ang kapal naman ng mukha nilang hayaan ang isang disciple na nasa intermediate stage ng innate level na makapasok sa Secret Place for Resources para mamatay?” Pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, ang mukha ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, bukod kay Griffin, ay namula, para bang may sumampal sa kanila nang malakas nang dalawang beses. Ang ilan sa mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion ang nagtanim ng galit kay Fane. Ang lahat ng ito ay dahil mahilig magpasikat ang batang ito at nadamay silang lahat para maliitin. Ngunit si Griffin ay
”Tama si Brother Griffin, magaling tumakas si Brother Fane, pero may tanong lang sana ako, pwede mo ba itong sagutin para sa’kin Brother Griffin? Magagawa mo bang patayin ang isang corpse puppet kapag ang alam mo lang ay tumakbo ng mabilis?”Matalas ang pagkakatanong dito, o marahil ito ay hindi isang tanong, at alam ng lahat ng tao dito ang sagot kung paano naging posible na patayin ang mga corpse puppet sa pamamagitan lamang ng pagtakas.Alam ng lahat na pambihira ang depensa ng mga corpse puppet. Upang sirain ang depensa ng isang corpse puppet at upang mawalan ng kakayahan ang corpse puppet na lumaban, kailangan na mayroong pambihirang lakas ang isang tao, na hindi kayang gawin ng karamihan.Kahit na magawa ito ng isang tao, imposible itong magawa sa ilalim ng sunud-sunod na pag-atake ng mga corpse puppet! Hindi nalalayo sa pagkain ng dumi ang ekspresyon ng mukha ni Griffin ngayon, ang mga sinabi ni Riv ay patama sa kanya.Kung sabagay, kanina lang ay maraming sinasabi si Griffi