Napagpasyahan na ni Griffin na ang dahilan kung bakit tumagal nang ganito si Fane sa blood world ay dahil magaling siyang tumakas at umiwas, imbes na dahil sa lakas niya.Ang paliwanag na ito ay tinanggap ng mga tao dahil sa cultivation ni Fane. Maraming taong mas malakas kay Fane sa cultivation at katayuan ang ayaw maniwalang ang isang tulad ni Fane ay mas malakas sa kanila at kayang mas tumagal sa blood world kumpara sa kanila! Ang mga sinabi ni Griffin ay narinig ng lahat. “Tama siya. Kung ang isang tao ay magaling tumakas, talagang kaya nilang tumagal sa mundong iyon, pero ang ganitong gawain, bukod sa pananatili sa mundong iyon nang mas matagal, ay wala talagang nagagawa.” “Tama, isa lamang itong palabas para maging mukha siyang mas magaling sa iba, isang walang kwentang pagpapanggap, ang ibang nasa blood world ay buong-pusong nakikipaglaban sa mga corpse puppet, habang siya ay masyadong mayabang at gustong magpasikat sa harap ng lahat.” Marami ang hindi namamangha kay
Pagkatapos itong sabihin ni Theo, marami ang bumulong, ang ilan ay sinasadya pang lakasan ang kanilang boses, para lalong marinig ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion. “Ang isang disciple na nasa intermediate stage ng innate level, kahit na malakas siya, gaano kalakas ba siya? Ang paggamit ng ganitong taktika para patunayan ang husay niya, tingin niya siguro tanga ang lahat! Wala na bang ibang tao ang Dual Sovereign Pavilion? Ang kapal naman ng mukha nilang hayaan ang isang disciple na nasa intermediate stage ng innate level na makapasok sa Secret Place for Resources para mamatay?” Pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, ang mukha ng mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, bukod kay Griffin, ay namula, para bang may sumampal sa kanila nang malakas nang dalawang beses. Ang ilan sa mga disipulo ng Dual Sovereign Pavilion ang nagtanim ng galit kay Fane. Ang lahat ng ito ay dahil mahilig magpasikat ang batang ito at nadamay silang lahat para maliitin. Ngunit si Griffin ay
”Tama si Brother Griffin, magaling tumakas si Brother Fane, pero may tanong lang sana ako, pwede mo ba itong sagutin para sa’kin Brother Griffin? Magagawa mo bang patayin ang isang corpse puppet kapag ang alam mo lang ay tumakbo ng mabilis?”Matalas ang pagkakatanong dito, o marahil ito ay hindi isang tanong, at alam ng lahat ng tao dito ang sagot kung paano naging posible na patayin ang mga corpse puppet sa pamamagitan lamang ng pagtakas.Alam ng lahat na pambihira ang depensa ng mga corpse puppet. Upang sirain ang depensa ng isang corpse puppet at upang mawalan ng kakayahan ang corpse puppet na lumaban, kailangan na mayroong pambihirang lakas ang isang tao, na hindi kayang gawin ng karamihan.Kahit na magawa ito ng isang tao, imposible itong magawa sa ilalim ng sunud-sunod na pag-atake ng mga corpse puppet! Hindi nalalayo sa pagkain ng dumi ang ekspresyon ng mukha ni Griffin ngayon, ang mga sinabi ni Riv ay patama sa kanya.Kung sabagay, kanina lang ay maraming sinasabi si Griffi
Patayin ang mas maraming mga corpse puppet gamit ang kaunting enerhiya! Sa pamamagitan ng pagbabawas sa daloy ng true energy, mas humihina din ang lakas ng atake at natural lang na bumagal ang bilis ng pagpatay niya sa mga kalaban. Ganito rin ang pinapakita sa ibang mga character world.Hindi lang ang lalaking nakamaskara ang nakakaranas ng patuloy na pagkaubos ng kanyang true energy, ganun din ang inaalala ni Graham Eliot, dahil paubos na din ang kanyang internal true energy, ngunit mayroon pang walumpu hanggang siyamnapung mga corpse puppet sa harap niya, na nakatingin ng maigi sa kanya.Huminga ng malalim si Graham at ginawa niya din ang ginawa ng lalaking nakamaskara, binawasan niya ang paggamit ng true energy sa kanyang katawan. Ang layunin nila ay ang makumpleto ang misyon na ito, hindi ang pumatay ng pumatay ng mga corpse puppet sa harap nila!Paglipas ng oras, parami ng parami ang mga tao na mula sa blood world, ang malubhang nasugatan at pagkatapos ay binalik sa Divine Void
Gaya ng inaasahan, ang mga henyo mula sa mga fourth-grade pavilion ay malinaw na mas malakas sa kanila, na mga mula sa mga third-grade pavilion.“Tingnan niyo! Nakapatay na ng 60 na corpse puppet yung Fane na ‘yun! Dalawang Divine Void Warrior na ang naglaho sa harap niya!” Ang gulat na sigaw ng isang tao.Nagulat ang lahat sa sinabi ng taong iyon at halos lahat ay tumingin sa kung nasaan si Fane. Gaya nga ng sabi ng lalaki, naglaho na ang dalawa sa mga Diving Void Warrior! Marami sa kanila ang napanganga sa gulat. “Natatandaan ko na nasa intermediate stage pa lang siya ng innate level! Paano niya nagawa ‘to kung nasa intermediate stage pa lang siya ng innate level! Patuloy kaya niyang ginagamit ang mga lihim niyang kakayahan?”Isa pang tao ang suminghal at nagsalita ng may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha. “Hindi ka ba pwedeng mag-isip muna bago ka magsalita? Sa tingin mo ba paano magagawa ni Fane na lumaban sa loob ng napakahabang oras kahit na gamitin pa niya ang mga lihim
May malamig na kislap sa mga mata ng lalaking nakamaskara. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin siya sa huling 11 na corpse puppet. Sa mga sandaling ito, hindi balakid sa kanya ang bilang ng mga natitirang corpse puppet. Subalit, hindi napanatag ang loob ng lalaking nakamaskara. Kung sabagay, habang mas marami siyang napapatay na mga corpse puppet, lalong nagiging mabangis ang mga natitirang corpse puppet. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang kontrolin ang paggamit niya ng kanyang true energy, ngunit halos paubos na ang kanyang true energy habang lalong bumabangis ang mga corpse puppet.“Napakahirap nito!” Hindi napigilan ng lalaking nakamaskara na sumigaw!Hinaharap ng mga natitirang tao na mag-isang lumalaban sa blood world ang kani-kanilang mga pagsubok at walang sinuman sa kanila ang may panahon para magpahinga. Masyadong marami ang mga kalaban nila at tinutupad nito ang kasabihan na, papagurin nila ang kalaban kahit na hindi nila kayang patayin ang mga kalahok! Inuub
Pakiramdam ni Nelson na nakakahiya ang kalagayan niya ngayon. Naubos ang kanyang true energy at napakaraming sugat sa kanyang katawan. Kung hindi naramdaman ng blood world na hindi na niya kayang lumaban, baka namatay na siya sa kinatatayuan niya. Hindi na siya makalaban pagkatapos niyang gawin ang lahat ng makakaya niya upang patayin ang 60 corpse puppet. Pagkatapos maubos ang kanyang true energy, naputol niya ang braso ng isang corpse puppet.Natatandaan pa niya ang huling bagay na nakita niya sa blood world. Tumilapon sa ere ang braso ng corpse puppet at nakaramdam din siya ng kawalan ng pag-asa. Walang ibang nakakaintindi sa sitwasyon niya ngayon kundi ang sarili niya. Wala siyang magamit na true energy at malubha siyang nasugatan. Nakahanda na siyang mamatay. Buti na lang, ibinalik siya sa Divine Void Slope sa pinakahuling sandali. Nagpaulit-ulit ang mga ito sa kanyang isipan at bumuntong-hininga siya. Kahit na ligtas na siya ngayon, takot na takot pa rin siya sa nangyari.Nag-a
Pagkatapos pag-isipan ang tungkol dito, nagsalita siya. “Dahil hindi malubhang nasugatan si Senior Brother Nelson, dapat kang maglaan ng oras para magmeditate at magpagaling. Bakit ka nakatayo ngayon? Kung kailangan mo ng tulong namin sa anumang bagay, hindi ka namin tatanggihan."Hindi nakakapagtaka ang sinabi niya. Tumawa ng mahina si Nelson at tumango kay Griffin. Dahil mabuti ang ibig niyang sabihin, hindi kinontra ni Nelson ang kanyang sinabi. "May isang maliit na bagay lang ako na hindi maintindihan. Nagpadala kami ng 20 disipulo dito at bakit 19 lang tayo dito?” Natahimik ang lahat pagkatapos nilang marinig ang tanong ni Nelson. Nagkatinginan sila at may kakaibang tingin sa mga mata nila.Ang orihinal na mapayapang ekspresyon ni Griffin ay agad na naging malungkot na para bang nakalunok siya ng mga patay na langaw. Laking gulat ni Nelson nang makita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng lahat. Lumingon siya at tumingin sa mga tao. Sa sandaling ito, bigla niyang napagtanto