Nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap. Hindi ito mas mabagal kay Graham at sa lalaking. Nakamaskara. Nanlaki ang mata ng mga nakasaksi sa laban ni Fane. Masyadong mabilis na napatay ni Fane ang mga Divine warrior. Higit pa ito sa isang karaniwang disipulo. Napanganga ang ilan sa kanila nang matapatan niya ang dalawang pinakamalakas na tao dito. "Ang batang ito ang naunang nakarating sa second stage! Pagkakaalala ko siya ang pinakamabilis. Siya ang unang nakatakas sa mga illusion. Hindi ako makapaniwalang ang husay niya ay talagang kapantay ng determinasyon niya!" "Hindi pa 'yan ang pinakamahalaga. Tingnan mo ang fighting prowess niya. Nasa middle stage lamang siya ng innate level. Talagang mas malakas siya sa lahat ng late-stage innate level disciple dito, at hindi lamang maliit ang lamang niya!""Sa lahat ng nandito, ang nakamaskarang disciple ng Corpse Pavilion at si Graham, ang leader ng mga estudyante ng Thousand Leaves Pavilion lamang ang makakatapat sa kanya! Tingnan mo
”Hindi! May mali sa tunog na ito. Bakit pakiramdam ko ay parang gusto akong patayin nito?”“Anong nangyayari? Bakit naririnig ko pa rin ito naririnig kahit na tinakpan ko na ang aking mga tenga?” Ang bawat tunog ay nagdudulot ng pagwawala ng daloy ng kanilang dugo. Ang ilan sa kanila ang nararamdaman na nagwawala ang kanilang mga dugo sa bawat pagtunog ng batingaw, at ilan sa kanila ay nagsimula nang sumuka ng dugo. Nagsalubong ang kilay ni Fane, pinaikot sa katawan niya ang kanyang true energy para harangin ang mga atake na dala ng tunog. Ang mga Divine Void Warrior sa kanyang harapan ay hindi pa rin gumagalaw ngunit nakatingin pa rin sa kaya ng may may panlilibak. At nung nagtataka si Fane kung ano pa ang meron bukod sa mga batingaw, kumislap ang kanyang paningin nang makarating siya sa isang espesyal na lugar.Ang eksena ay masyadong mabilis na nagbago para sa kanya para mahulaan kung ano ito. Nagtataka siya kung isa ba itong ilusyon uli, ngunit binalewala niya ang posibilid
Sa matinding kaba na dulot ng sandaling iyon, ang tunog ng pumipitong ihip ng hangin ang kanyang narinig. Kahit na sino ay alam na may mangyayari sa mga sandaling iyon. Tinapang ni Fane ang kanyang sarili, saka tinuon ang lahat ng kanyang atensyon sa kanyang kapaligiran. Sa sandaling may anumang kakaiba na mangyari, kaagad siyang kikilos. Lumakas ang hangin, na tumangay sa alikabok sa lupa, na nakasagabal sa paningin ni Fane. ang damit ni Fane ay pumapagaspas sa hangin. Hindi lang nakakasagabal ang hangin sa kanyang paningin, natakpan din nito ang anumang tunog sa kanyang kapaligiran. Biglang napadpad si Fane sa isang lugar na kung saan ay hindi niya magamit ang kanyang mga pandama. Huminga siya ng malalim, hindi magiging maganda kapag nagpatuloy pa ito! Isa pang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa kanya, na naging dahilan para mawalan ng balanse si Fane at muntik nang tangayin ang kanyang katawan ng sumisipol na hangin. Anong nangyayari?! Hindi niya alam kung gaano ka
Kahit saan tingnan ay imposible ito. Isa itong hamon na imposibleng matapos!Ang mga kaisipan na ito ay hindi lang nasa isipan ni Fane. lumitaw rin ang prehong eksena sa harapan ng lahat na humamon sa ikatlong Divine Void Warrior. Bawat isa sa kanila na nasa ikatlong hamon ay dinala sa kanilang sariling isolated spaces. Bawat isolated space ay may parehong eksena. Higit sa isang daang mga zombies ang nakatayo sa kanilang harapan, na naglalabas ng parehong malupit na aura mula sa kanilang mga katawan!Tiningnan ni Griffin ang mga zombies sa kanyang harapan at walang malay na napalunok ng laway. Ang espadang mahigpit niyang hawak ay nanginginig ng bahagya. ‘Paano nangyari to… Kailangan ko bang patayin ang lahat ng mga zombies na ito? Paano…naman naging posible to?” Halos walang masabi si Griffin. Sa harap ng isang matinding hamon, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na ipakita ang kanyang takot. Ang kapatid ni Griffin, na si Howard, ay halos nahirapan na makapasa sa pangala
”Sigurado naman ay hindi nila tatanggalin ang lahat pagdating ng ikaapat na pagsubok, tama? Kung ganun ang kaso, hindi ba’t mababalewala lang ang lahat ng ito?”“Sinong makakapagsabi… subalit, sa tingin ko naman ay may katwairan kayo!” Habang lalo silang nag-uusap, lalo lang dumarami ang kanilang mga katanungan. Kung may makakakumpleto ba o wala ng pagsubok na ito, kung meron bang may kakayahan na makuha ang mga kayamanan sa tuktok ng Divine Void Slope. Ang pakiramdam ng lahat ay imposible ito dahil sa hirap na ipinapakita nito. Kung ganun rin lang, pwes balewala lang ang lahat ng ginawa nila. Habang pinag-uusapan ng lahat ang tungkol dito, ang matandang boses ay muli nilang narinig, “Lahat-lahat, may isang daan at dalawampung mga zombies doon. Ang pagpatay sa tatlumpu ay pag-alis sa unang sagabal, na katumbas sa pagtalo sa isang Divine Void Warrior. Ang pagpatay sa isang daan at dalawampung mga zombies ay katumbas ng paggapi sa apat na Divine Void Warriors.”Nang sinabi niya i
Naningkit ang mga mata ni Fane. Kapag napatay niya ang isang daan at dalawampung mga zombies sa kanyang harapan, katumbas na ito sa paglagpas sa apat na Divine Void Warrior ng isahan. Ang pagpasa sa pagsubok na ito ang magiging dahilan para malampasan niya ang ikaanim na Divine Void Warrior!Isa itong simpleng kaisipan, pero pakiramdam niya ay lalo itong humirap! Ang isang daan at dalawampung zombies ay nagsimula nang bunutin ang kanilang mga sandata. Mukhang nagising na sila ng isang sistema, at lahat sila ay may kanya-kanyang ekspresyon at layunin. Nag-igting ang kanilang mga ngipin na para bang guato nilang punitin si Fane. "Isang daan at dalawampu sa kanila ang sabay na umatake?" Kumakabog ang dibdib ni Fane.Naisip niya na nagkaroon siya ng pagkakataon kahit na paano makapagpahinga kahit na dapat ay dapat nilang patayin ang isang daan at dalawampung zombies. Naisip niya na kahit paano ay sila dapat ay umatake ng grupo-grupo. Ngunit, nung nakita niya kung gaano magkakasabay a
Ang sinuman na gumagamit ng malayuan na mga atake ayb tiyak na lamang sa ikalawang pagsubok, at ang soul attribute martial art ang may pinakamalayo ang nararating na mga atake. Habang kaharap ang isang daan at dalawampung mga zombies, kagaya ng sa kanya, ang mga nagsasanay ng mga soul attribute techniques ay kailangan lang gumamit ng konting lakas para talunin ang mga zombies.Habang lalong lumalaban si Fane, lalo lang niyang naramdaman na ang pag-akyat sa Divine Void Slope ay madali lang para sa gumagamit ng soul attribute. Subalit, para naman sa mga nagsasanay sa ibang paraan, labis itong mahirap. Bawat pag-usad nila ay puno ng pasakit. Nang maisip niya ito, hindi maiwasan ni Fane na maningkit ang kanyang mga mata.Ang hawak niyang espada ay patuloy sa pagsayaw. Ang mga zombies na may namumulang mga mata ay patuloy na sumusugod kay Fane. paisa-isa, bumagsak sila sa harapan ni Fane, kahit na sumugod ang mga ito ng sabay-sabay at merong matinding lamang sa bilang.Ang mga zombie
Naririnig ni Griffin ang nag-aalalang boses ni Howard.Malubha ang lagay ng mga lamang-loob ni Griffin sa mga sandaling iyon, dahil sa tinamo niyang mga sugat. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang likod. Nagising siya dahil sa boses ng kanyang kapatid, at nahirapan siyang iupo ang kanyang sarili.Nakita niya si Howard mula sa malayo, na nakatingin sa kanya ng may pag-aalala at nanlaki ang kanyang mga mata. Nakatingin din sa kanya ng may pag-aalinlangan ang mga tao sa paligid niya.Noong magsasalita sana siya, isang pulang liwanag ang tumapat sa kanyang katawan, na nagpapahiwatig na nabigo si Griffin.Natalo siya at nabigo sa ikatlong bahagi ng Divine Void Slope. Dalawang zombie lamang ang nagawa niyang patayin bago siya magkaganito! Hindi ito matanggap ng kanyang puso! Ang lahat ng tao na nasa Divine Void Slope ay nasa kani-kanilang mga sariling pwesto. Kahit na nakikita nila ang isa't isa at nakakapag-usap sila, hindi pa rin nila maabot ang isa't isa o hindi sila makata