Naningkit ang mga mata ni Fane. Kapag napatay niya ang isang daan at dalawampung mga zombies sa kanyang harapan, katumbas na ito sa paglagpas sa apat na Divine Void Warrior ng isahan. Ang pagpasa sa pagsubok na ito ang magiging dahilan para malampasan niya ang ikaanim na Divine Void Warrior!Isa itong simpleng kaisipan, pero pakiramdam niya ay lalo itong humirap! Ang isang daan at dalawampung zombies ay nagsimula nang bunutin ang kanilang mga sandata. Mukhang nagising na sila ng isang sistema, at lahat sila ay may kanya-kanyang ekspresyon at layunin. Nag-igting ang kanilang mga ngipin na para bang guato nilang punitin si Fane. "Isang daan at dalawampu sa kanila ang sabay na umatake?" Kumakabog ang dibdib ni Fane.Naisip niya na nagkaroon siya ng pagkakataon kahit na paano makapagpahinga kahit na dapat ay dapat nilang patayin ang isang daan at dalawampung zombies. Naisip niya na kahit paano ay sila dapat ay umatake ng grupo-grupo. Ngunit, nung nakita niya kung gaano magkakasabay a
Ang sinuman na gumagamit ng malayuan na mga atake ayb tiyak na lamang sa ikalawang pagsubok, at ang soul attribute martial art ang may pinakamalayo ang nararating na mga atake. Habang kaharap ang isang daan at dalawampung mga zombies, kagaya ng sa kanya, ang mga nagsasanay ng mga soul attribute techniques ay kailangan lang gumamit ng konting lakas para talunin ang mga zombies.Habang lalong lumalaban si Fane, lalo lang niyang naramdaman na ang pag-akyat sa Divine Void Slope ay madali lang para sa gumagamit ng soul attribute. Subalit, para naman sa mga nagsasanay sa ibang paraan, labis itong mahirap. Bawat pag-usad nila ay puno ng pasakit. Nang maisip niya ito, hindi maiwasan ni Fane na maningkit ang kanyang mga mata.Ang hawak niyang espada ay patuloy sa pagsayaw. Ang mga zombies na may namumulang mga mata ay patuloy na sumusugod kay Fane. paisa-isa, bumagsak sila sa harapan ni Fane, kahit na sumugod ang mga ito ng sabay-sabay at merong matinding lamang sa bilang.Ang mga zombie
Naririnig ni Griffin ang nag-aalalang boses ni Howard.Malubha ang lagay ng mga lamang-loob ni Griffin sa mga sandaling iyon, dahil sa tinamo niyang mga sugat. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang likod. Nagising siya dahil sa boses ng kanyang kapatid, at nahirapan siyang iupo ang kanyang sarili.Nakita niya si Howard mula sa malayo, na nakatingin sa kanya ng may pag-aalala at nanlaki ang kanyang mga mata. Nakatingin din sa kanya ng may pag-aalinlangan ang mga tao sa paligid niya.Noong magsasalita sana siya, isang pulang liwanag ang tumapat sa kanyang katawan, na nagpapahiwatig na nabigo si Griffin.Natalo siya at nabigo sa ikatlong bahagi ng Divine Void Slope. Dalawang zombie lamang ang nagawa niyang patayin bago siya magkaganito! Hindi ito matanggap ng kanyang puso! Ang lahat ng tao na nasa Divine Void Slope ay nasa kani-kanilang mga sariling pwesto. Kahit na nakikita nila ang isa't isa at nakakapag-usap sila, hindi pa rin nila maabot ang isa't isa o hindi sila makata
”Wow! Grabe! Pambihira yung lalaking naka maskara na ‘yun na mula sa Corpse Pavillion. Ilang sandali pa lang ang lumipas, at nasa tatlumpung mga zombie na agad ang napatay niya. Naglaho na ang ika-apat na Divine Warrior sa harap niya." “Imposible talagang maikumpara natin ang mga sarili natin sa kanya. Bago nagsimula ang laban, sumuko na agad ang ilan sa’tin. Sa loob ng maikling panahon, napakaraming tao ang natalo at pinabalik. Inakala niya na walang makakapasa, pero ngayon, mukhang minaliit niya ang mga henyong iyon.”Ang orihinal na posisyon ng lalaking naka maskara ay kagaya ng sa lahat. Sa kada tatlumpung talampakan, may isang Divine warrior na nakatayo doon na may hawak na sandata. Kaharap na nila ngayon ang ikatlong Divine warrior at kapag tumingin ka sa taas, mayroong pitong mandirigma. Sa pitong ito, apat ang binabalot ng pulang liwanag.Ang dahilan kung bakit nagulat ang lahat ay dahil naglaho na ang Divine warrior na pinakamalapit sa kanya.Ibig sabihin nito ay naalis na
Ang pinakamatapat na tagasunod ng lalaking nakamaskara, si Zamian, ay nagalit nang marinig ang mga salitang iyon. Pumintig ang ulo niya dito at tinitigan nang masama ang mga disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. "Ano bang halaga ni Graham? Paano niyo siyang napapag-usapan kasabay ng senior namin? Ang tanging dahilan kung bakit magkalapit sila ng oras ay dahil sadyang hindi siya nagmamadaling patayin ang mga bangkay na 'yun. Kahit anong mangyari, natutuwa siya sa pagmamasid sa sitwasyon! Nagsayang siya ng oras dito, kaya nakahabol si Graham!" Ang mga salitang iyon ay parang isang masyadong pilit na paliwanag. Ngunit mukhang masugid masyado si Zamian habang sinasabi niya ito. Para bang papatayin niya ang kahit sinong kokontra sa kanya. Ang mga disipulo mula sa mga third-grade clan ay natatakot na madamay sa sandaling iyon. Ngunit ang Thousand Leaves Pavilion ay isang fourth-grade clan, katumbas ng Corpse Pavilion sa anumang aspeto. Natural, hindi nila tatanggapin ang panlalait ni Z
Isang malaking uhaw na parang nakaamoy ng isang halimuyak ang kanyang kaluluwa. Nagtaka dito si Fane at gusto niyang malaman kung ano ito!Huminga siya nang malalim habang bumubuo ng mga seal sa kanyang kaliwang kamay. Habang pinipigilan niya ang pagragasa ng mga bangkay, bumuo siya ng isang Soul Sword sa kanyang kaliwang kamay!Kahit na nakapatay na siya ng dalawampung bangkay, napakaliit pa rin nito kumpara sa isang daan at dalawampu. Nabawasan lamang nang kaunti ang bigat ng sitwasyon. Kanina, umaatras si Fane habang nakikipaglaban, at ang kanyang galing ay kaya itong pigilan. Ngunit ngayong nag-iipon siya ng Soul Sword habang lumalaban, naging mas mahirap ito. Nang tila ba naramdaman ang kalagayan ni Fane sa sandaling iyon, biglang sumugod ang mga bangkay sa kanya. Roar!Sumigaw ang mga ito habang nakatitig ang mapupulang mata nito sa leeg ni Fane. Inilabas ng mga ito ang kanilang matatalim na ngipin para bang balak kagatin si Fane. Sa isang sandali, napaligiran na ng anim
Pagkatabi niya ng spada, ginagamit nang buong lakas ang Destroying the Void, at pinatamaan ang isang grupo ng mga bangkay. Lima o anim na bangkay ang nahiwa nang maraming beses nang magkakasunod. Ang mga sugat na ito ay hindi malalim ngunit malawak ang nahagip, ito ang epektong gusto ni Fane. Mataas ang depensa ng mga bangkay, at kung iba ang nakatayo doon, hindi ito magdudulot ng pinsala o mapapahinto ang mga ito. Ngunit iba si Fane, hindi siya umasa sa pagsira sa katawan ng mga ito para patayin ang mga bangkay. "Roar!"Ang mga sugatang bangkay, na parang isang leopard na galit na galit, ay lumingon at tumingin kay Fane na biglang sumulpot sa likuran nila. Inilabas nila ang kanilang pangil kay Fane at sumugod, ngunit sa sandaling iyon, tila ba parang tinamaan ng kidlat ang utak nila at hindi sila makagalaw. Gumiwang nang dalawang beses ang katawan, para bang nawalan ng enerhiya, at bumagsak sa sahig nang may kalabog, nawalan na ito ng buhay. Ang mga sugat sa kani
Walang pagkakataon si Riv noon, ngunit ngayong ganito ang itsura ni Griffin, natuwa si Riv at hindi niya mapigilang asarin si Griffin gaya ng ginawa niya sa kanya noon.. Kapalit nito, galit na galit si Griffin at namula ang kanyang mukha, at lumingon siya para titigan nang masama si Riv. Ang kanyang mga mata ay malalaglag na mula sa butas niyo, "Anong ibig-sabihjn mo Riv Jones! Anong nakakakumbinsi o hindi! Paano mo nalaman ang nasa isip ko?" Suminghal nang bahagya si Riv, "Sinong hindi nakakaalam sa nasa isip mo, ang mga maya mo ay hindi lumayo ng tingin sa pwesto ni Fane mula noong makabalok ka mula sa blood wordl, siguro gusto mong makita si Fane pagkatapos niyang mapuruhan nang busto at maibalik sa Divine Void Slope." Tumingala si Grifin at sinabi, "Ano bang pake mo kung gusto ko itong makita o hindi, hindi naman ito tungkol sa gusto ko, at siguradong mangyayari ito. Hindi pa lumalabas ang taong ito dahil mabilis siya at magaling siyang tumakas." Kakaiba ang pinamalas ni