Share

Kabanata 1390

Author: Moneto
“Hah. Masyado kang nagiging sakim!”

Tumawa si Fane. “Masaya na akong napatay natin ang marami sa kanila. Malamang mamamatay tayo kapag nahuli ang dating mo!”

“Tama. Mabuti at dumating ka, Young Master Fane, kung hindi ay malamig na bangkay na kami sa sahig ngayon. Ayaw tumigil ng mga taong ‘yun hangga’t hindi kami namamatay lahat!”

Isang henyo mula sa Woods family ang mukhang nagiginhawaan.

“Umalis na tayo. Lilinisin muna natin ang kalat na ito, pagkatapos gagamitin ko ang aking flying sword para dalhin kayo sa lugar kung nasaan nagtipon ang mga miyembro ng Woods family, Cabello family, at Lancaster family!”

Ngumiti si Fane at sinabi sa lahat.

“Ang Lancaster family? Marami pa sila dito?”

Nagliwanag ang mga mata ni Randall nang marinig niya ito, at napatalon sa tuwa ang puso niya.

“Marami-rami rin! Naghihintay silang lahat sa gubat sa paanan ng bundok!”

Sumagot si Fane habang tumatango.

“Lumapit kayong lahat dito!”

Inutusan ni Randall ang mga miyembro ng pamilya niy
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1391

    "Sige. Ayos na ang lahat," Ang sabi ni Randall. "Ikaw na ang Big Brother ko mula ngayon!" "Sige. Tara, Brother Randall!" Nang mapansin niya na nakuha na ng lahat ang mga gamit, initsa ni Fane ang espada niya paharap. Bigla itong lumaki at lumutang sa harapan ng lahat. "Tara na. Magpapahinga tayo pagdating natin sa kinaroroonan ng lahat!"!Tumalon sina Randall at ang iba pa sa espada bago naupo nang maayos sa ibabaw nito. "Nakakamangha ang espadang ito, Brother Fane. Kaya nitong lumipad at naging sandata, at mukhang napapataas nito ang lakas mo. Siguro isang middle-grade spiritual tool ito, tama?" Bago ito masagot ni Fane, mapagmalaking sumingit ang isang babae simula sa Woods family, "Young Master Randall, mali ang husga mo sa ngayon. Hindi isang middle-grade spiritual tool ang flying sword ni Young Master Fane, isa itong ultimate-grade spiritual tool!" "P*ta. Isang ultimate-grade?" Napahigop ng hangin si Randall at ang iba pa habang iniisip nila kung nagkamali sila ng din

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1392

    "Imposible. Mali ba ako ng pagkakarinig? Gu-gusto mong maging Little Bro niya?" Nabigla si Helena. Ito ang anak ni Master Lancaster, na nasa isang makapangyarihan at importanteng posisyon. Maliban roon, ang Lancaster family ay halos nasa lebel ng Cabello family sa loob ng walong reclusive families, kaya hindi niya ito inaasahan. "Anong pinagsasasabi mo? Para na kaming magkapatid. Hindi importante kung sino ang 'big' o 'little'!" Ngumiti ang labi ni Fane habang nagmadali siyang nagpaliwanag. "Heh. Basta, makikinig lang ako sa kahit anong sasabihin mo, Big Bro!" Tumawa si Randall at kinabog ang kanyang dibdib. "Kahit anong mangyari, niligtas mo ang buhay ko, Big Bro. Kaya ilalaan ko ito para sa'yo!" "Sige. Kailangang magpahinga kayo nang dalawang araw. Kaunting oras na lang at matatapos na ang paligsahan. Kapag nakabawi na kayong lahat, may oras pa rin tayo na umakyat ng bundok!"Nagpasya si Fane habang tinitignan ang mga tao sa paligid niya. Bumaba ang lahat mula sa flyin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1393

    Ngayon, nakarating na ang dalawa sa beginning stage ng true god status. Gayunpaman, nakarating na sa intermediate stage si Fane. Mas mataas na ang cultivation level niya kumpara sa kanila, paano pa kaya sa kakayahan niya sa pakikipaglaban? Tuluyan silang sumunod sa kanya dahil sa katotohanang ito. "Masyadong makapal ang balat ng halimaw na'to. Wala tayong laban dito!" Nalulumong nagsalita si Liah habang nilalabanan niya ang ahas, "Mukhang wala na sa beginning stage ng true god status ang sawang ito—malamang ay makakarating na'to sa intermediate stage!" "Tama ka. Wala tayong laban dito kahit pagsamahin natin ang lakas nating dalawa. Bw*sit. Nakarating na kaya si Young Master Fane sa nakatakdang tagpuan?! Kung wala siya roon, baka magdala lang tayo ng problema sa mga miyembro ng Woods family kapag dinala natin to roon!"Mabilis na nakapag-isip si Martin at nagdilim ang ekspresyon niya. Napuno ng kaba ang kanyang dibdib. Tumawa nang walang sigla si Liah. "Tama ka. Ano nang gagawi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1394

    “Pfttt!” Tumalsik si Liah palikod, at umakyat ang mainit na pulang likido sa kanyang bibig. Kaagad na namutla ang mukha niya. Kahit na ganoon, pinagngitngit pa rin niya ang ngipin niya at naghanda na magpatuloy na lumaban. Ang bw*sit na sawang iyon! Pinatay nila ang ilang mga tao ng Woods family; matagal nang gustong patayin ng Woods family ang halimaw na ito. Nang makita niyang masaktan nito si Martin, mas lalong sumilab ang apoy sa loob ni Liah. "Liah, wag lang lumaban nang harap-harapan sa halimaw na'to! Masyadong makapal ang balat nito! Parating na si Young Master Fane at tapos na yan!" Sa sandaling napansin ni Martin na tumayo si Liah at nagbalak na sumugod at lumaban ulit, lumipad siya sa tabi niya at pinayuhan siya. Roar! Gayunpaman, ang higanteng sawa—na nasugatan na naman—ay mas lalo pang nagalit. Pagkatapos ng isang sigaw, sumugod ito sa direksyon nina Liah at Martin. "Mamatay ka na, halimaw ka!" Isang anino ang sumugod at dumating sa eksena. Sa wakas, n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1395

    "Young Master Fane, napakalakas mo, sobra!" Lumipad din si Liah palitan sa grupo at tinignan si Fane nang may naiinggit na ekspresyon. "Bakit pakiramdam ko hindi ka talaga nasa intermediate stage ng true god realm? Sa lakas mo, para kang nasa late stage na ng true god realm o di kaya nasa peak stage!" "Tama siya! Ikaw, kung makakarating ka sa late stage ng true god realm, sa tingin ko kahit mga malalakas na taong nasa peak stage ng true god realm ay matatakot sa'yo!" Nainggit si Martin kay Fane. "Ngayon naiisip ko ang nakaraan kung saan minamaliit pa kita. Ugh. Nakakahiya ako. Wala talaga akong laban sa'yo! Hay! Dapat kong aminin yun, di ba?" Naalala niya ang nakaraan at hindi niya napigilang ibaba ang kanyang sarili. "Haha, kayong dalawa. Wag niyo kong purihin!" Malumanay na ngumiti si Fane, pagkatapos ay kinaway ang kanyang kamay at lumitaw ang dalawang healing pills sa harapan nila. "Kunin niyo to. Mukhang malala ang mga sugat niyo!" "Hehe, maraming salamat, aming

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1396

    Kumirot nang ilang beses ang sulok ng bibig ni Cloud, at nanigas ang kanyang katawan, hindi ito mapaniwalaan. Makalipas ang ilang segundo, doon lang niya hinablot ang kwelyo ng lalaki at itinaas ito. “Ulitin mo! Kapag naglakas-loob kang magsinungaling sa akin, pupunitin kita!” Tinitigan niya nang masama ang lalaki. “Young Master Cloud, totoo ‘yun! Pwede mo silang tanungin; nakita rin nila ang katawan. At natagpuan namin ang ring ni Young Master Tyrell sa mga damo! Siguro kinuha na ng pumatay ang mga gamit sa loob ng ring at itinapon ito!” Sumimangot ang lalaki at nanginig ang boses nito sa takot. Pagkatapos ay inilabas niya ang singsing nang nanginginig at iniabot ito kay Cloud. Doon lang siya binitawan ni Cloud at kinuha ang singsing mula sa lalaki. Namula ang mata niya at nagkiskisan nang husto ang mga ngipin niya. “Sinong gumawa nito? Sinong makakapatay sa kapatid ko? Siguro nakarating na ang taong ‘yun sa late stage ng true god realm para magawa ito, at nagtataglay ng na

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1397

    “Itinikom nang mahigpit ni Cloud ang kanyang kamao. “Ang mokong na ‘yun mula sa Woods family ay may mas mahinang martial status at combat prowess, kaya imposibleng siya ang pumatay sa kapatid ko. At para naman sa Lancaster family at ibang mga pamilya, kahit na hindi tayo malapit sa kanila, hindi tayo magkalaban, at wala silang problema sa kapatid ko. Tingin ko ang pangunahing layunin natin ngayon ay hanapin si Helena Cabello at patayin siya para ipaghiganti ang kapatid ko!” “Ngayon ilang araw na lamang ang natitira bago matapos ang paligsahan, at tingin ko nakarating na ito sa Kobe Mountain. Kaya ang posibilidad na magkatagpo kami ay malaki na rin sa ngayon!” Sumigaw ang isa mula sa madla. “Tara na!” Ikinumpas ni Cloud ang kanyang kamay, sinesenyasan ang mga tauhan niya na umalis. “Young Master Cloud, tingnan mo! May grupo ng mga taong parating. Mukhang ito ang Church family! Magaling! Mas lalakas na ang grupo natin! Haha!” Tumawa nang malakas ang isang lalaki nang ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1398

    “Tumigil ka nga!” Inirapan ni Daniella si Randall, ngunit sa loob niya, kinikilig siya nang sobra. Tagos sa puso niya ang mga sinabi ni Randall. Kung hindi lang delikadong malaman ng Hunt family, ipapalam niya sana sa buong mundo na kasintahan niya si Fane! “Young Master Fane, may ilang Ziegler dito!” Pagkatapos lumipad sandali, pinatigil nila Fane ang mga tao mula sa Ziegler family—isang second-class family. Mayroon silang higit dalawampung tao. Nang mapansin nila sila Fane sa harapan nila, natakot sila nang sobra. “Diyos ko, tama ba ang nakita ko? Talagang nagtipon ang tatlong pamilyang ito!” Isang lalaking mula sa Ziegler family ang napasigaw nang mukhang nanlulumo, at lalong sumama ang mukha niya habang tumatagal. Mukhang ang token na pinaghirapan nilang makuha nitong nakaraang mga araw ay mawawala na sa bulsa nila. Para sa wala ang kanilang paghihirap. “Tatlong pamilyang nagtitipon, at mayroon pa silang higit sa pitong daang tao! Paano nila nagawang tipunin

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status