Kumirot nang ilang beses ang sulok ng bibig ni Cloud, at nanigas ang kanyang katawan, hindi ito mapaniwalaan. Makalipas ang ilang segundo, doon lang niya hinablot ang kwelyo ng lalaki at itinaas ito. “Ulitin mo! Kapag naglakas-loob kang magsinungaling sa akin, pupunitin kita!” Tinitigan niya nang masama ang lalaki. “Young Master Cloud, totoo ‘yun! Pwede mo silang tanungin; nakita rin nila ang katawan. At natagpuan namin ang ring ni Young Master Tyrell sa mga damo! Siguro kinuha na ng pumatay ang mga gamit sa loob ng ring at itinapon ito!” Sumimangot ang lalaki at nanginig ang boses nito sa takot. Pagkatapos ay inilabas niya ang singsing nang nanginginig at iniabot ito kay Cloud. Doon lang siya binitawan ni Cloud at kinuha ang singsing mula sa lalaki. Namula ang mata niya at nagkiskisan nang husto ang mga ngipin niya. “Sinong gumawa nito? Sinong makakapatay sa kapatid ko? Siguro nakarating na ang taong ‘yun sa late stage ng true god realm para magawa ito, at nagtataglay ng na
“Itinikom nang mahigpit ni Cloud ang kanyang kamao. “Ang mokong na ‘yun mula sa Woods family ay may mas mahinang martial status at combat prowess, kaya imposibleng siya ang pumatay sa kapatid ko. At para naman sa Lancaster family at ibang mga pamilya, kahit na hindi tayo malapit sa kanila, hindi tayo magkalaban, at wala silang problema sa kapatid ko. Tingin ko ang pangunahing layunin natin ngayon ay hanapin si Helena Cabello at patayin siya para ipaghiganti ang kapatid ko!” “Ngayon ilang araw na lamang ang natitira bago matapos ang paligsahan, at tingin ko nakarating na ito sa Kobe Mountain. Kaya ang posibilidad na magkatagpo kami ay malaki na rin sa ngayon!” Sumigaw ang isa mula sa madla. “Tara na!” Ikinumpas ni Cloud ang kanyang kamay, sinesenyasan ang mga tauhan niya na umalis. “Young Master Cloud, tingnan mo! May grupo ng mga taong parating. Mukhang ito ang Church family! Magaling! Mas lalakas na ang grupo natin! Haha!” Tumawa nang malakas ang isang lalaki nang ma
“Tumigil ka nga!” Inirapan ni Daniella si Randall, ngunit sa loob niya, kinikilig siya nang sobra. Tagos sa puso niya ang mga sinabi ni Randall. Kung hindi lang delikadong malaman ng Hunt family, ipapalam niya sana sa buong mundo na kasintahan niya si Fane! “Young Master Fane, may ilang Ziegler dito!” Pagkatapos lumipad sandali, pinatigil nila Fane ang mga tao mula sa Ziegler family—isang second-class family. Mayroon silang higit dalawampung tao. Nang mapansin nila sila Fane sa harapan nila, natakot sila nang sobra. “Diyos ko, tama ba ang nakita ko? Talagang nagtipon ang tatlong pamilyang ito!” Isang lalaking mula sa Ziegler family ang napasigaw nang mukhang nanlulumo, at lalong sumama ang mukha niya habang tumatagal. Mukhang ang token na pinaghirapan nilang makuha nitong nakaraang mga araw ay mawawala na sa bulsa nila. Para sa wala ang kanilang paghihirap. “Tatlong pamilyang nagtitipon, at mayroon pa silang higit sa pitong daang tao! Paano nila nagawang tipunin
Pagkatapos mag-usap sandali ng Ziegler family, tinanggap nila ang payo ni Fane at bumaba sila ng bundok. “Masyado kang mabait. Hindi mo na nga kinuha ang mga spirited grass nila, pinakawalan mo pa sila!” Pagkaalis nila, tinignan ni Helena si Fane at hindi mapigilang mapangiti. “Hindi naging madali para sa kanilang umabot sa ganito. Atsaka, tayo ang nakasalubong nila ngayon, pero kapag nakasalubong nila ang Hunt family, hindi sila pakakawalan kahit na mababa ang martial level nila.” Bumaling ang atensyon ni Fane sa bundok, habang mukhang seryoso ang titig niya. Habang palapit sila nang palapit sa tuktok, mas lumalaki ang posibilidad na makatagpo nila ang Hunt family. Malamang kalaunan ay makakalaban niya ang mga ito. Patuloy na naglakad paharap ang lahat, at lumipas ang dalawang araw. Limang araw na lamang ang natitira hanggang matapos ang kompetisyon, at natagpuan na nila Fane ang isang malaking grupo ng tao sa malayo. Sa sandaling iyon, nagawa nila Fane na maipon ang maram
“Tama, Young Master Cloud. Nakita ko ito mismo! Pinatay niya ang Second Young Master!” Nagalit ang lalaki. “Pero tingin ko wala siyang laban sa’yo. Tapos na siya ngayon!” “Syempre kaya kong maghiganti!” Mas seryoso na ang mukha ni Cloud. “Pero kung talagang ganoon siya kalakas, siguro matatagalan ako sa laban ko sa kanya. Kulang tayo sa bilang. Sa oras na matapos ko siya, baka maraming tao na ang nawala sa atin!” Nanlumo ang lahat ng mga miyembro ng Church family at Lagorio family. Akala nila madali nilang mapapatay ang mga kalaban nila sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Hunt family, at pinangakuan pa sila ng benepisyo ng Hunt family kapag nagawa nila ang napagkasunduan. Pagkatapos, magagawa nilang umusbong upang burahin ang Woods at Lancaster family. Pagkatapos nito, magiging isa sila sa pinakamalakas na pamilya sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, kasama ang Hunt family syempre. Hindi nila inakalang bubuo ng alyansa ang Woods, Lancaster at Cabello family. Nagkar
“Hmph. sa tingin mo ba ay kaya mo akong higitan dahil lang sa marami kayo? Tignan natin kung may kakayahan kayo!” Malamig na suminghal si Cloud, at puno ng panlilibak ang kanyang mga tingin. “Sugod!” Sa ilalim ng utos ng tatlo, ang dalawang panig ay sinimulan ang laban. Sa loob lamang ng ilang sandali, ilang tao na ang nagsimulang bumagsak, at walang buhay na nakahandusay sa lapag. “Laban, Young Master Hunt! Baka hindi na kami tumagal!” Isang lalake na mula sa Church family na nasa beginning stage ng true god status ay tinignan ang kanyang mga kalaban, ang kanyang ekspresyon ay nabagabag ng pag-alala. Lalo na, bukod sa marami ang bilang ng hukbo ni Fane, kaunti lang sa kanilang mga fighter ang nasa true god realm kung ikukumpara sa kanila. Higit pa doon, sila venus at Randall ay nakakatakot na mga fighter, higit pa sa mga tao na nasa pareho nilang cultivation. Ito ang dahilan kung bakit siya nag-aalala. “Huwag kayong mag-alala. Pupunta na ako jan para tulungan kayo. Kail
“Hindi ko inakala na ang isang bastardong anak na mula sa mundo ng mga mortal na katulad mo ay magagawang patayin ang aking kapatid. Ngunit ipaghihiganti ko siya ngayong araw na ito!”: Naging seryoso ang tingin ni Cloud. Isang nakakatakot na auera ang lumabas sa kanyang katawan. Sa loob ng isang iglap, kinontra niya ang atake gamit ang sarili niyang atake. Sa sandaling iyon, sa labas ng higanteng kulay asul na bula, ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa iisang lugar. Lalo na ang Hunt family, Quentin family, at ang iba pa. Akala niya ang malaking grupo ng liwanag na kasama ng dalawa ay kanyang mga tao. Lalo na, meron silang lihim na kasunduan sa pagitan Hunt, Lagorio, at Church families. Nangako siya na bibigyan niya ang dalawang pamilya ng maraming spirited grass at pills kapag tinupad nila ang kanilang kasunduan, na burahin ang mga henyo ng iba pang mga pamilya. Ng sa gayon ang tatlong pamilya ay unti-unting magsasama habang ang iba pang pamilya ay nagkukumahog na tipunin ang
“Atakhin natin siya ng sabay, Fane!”Tinignan ni Helena si Fane at sinabi ito sa kanya.“Sige!” Tumango si Fane. Hawak ang kanilang mga espada, muli silang sinugod ang kanilang kalaban. Ngayon naman, gumamit si Helena ng isang malakas na technique sa pagkakataon na ito, ang kanyang sword aura ay humiwa palabas na parang isang kometa na bumubulusok sa kalangitan. Samantala, ginamit naman ni Fane ang kanyang second-grade elementary martial skill kanina, Burning Chop. Naniniwala siya na si Cloud ay hindi magagawang salagin ang dalawang sabay na atake kung gagamitin nito ang parehong technique na ginamit nito kanina. “Twin Dragons Fist!”Hindi nila inaasahan na ikakaluban ni Cloud ang kanyang espada at ikukuyom nito ang kanyang kamao, at pinag-umpog ang mga ito. Roar!Bigla, dalawang higanteng dragon ang nabuo mula sa Chi ang lumipad sa ere. Halos mukha itong mga buhay, at ang kanilang mga kaliskis ay delikadong kuminam. Pagkatapos nitong umalulong, sumugod ang mga ito s
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin