“Teka! Tingnan muna natin ang martial rings nila kung may kayamanan ba dito!” Kaagad na may naisip si Nikini, kaagad na lumapit sa tatlong bangkay, at ibinaba ang kanilang martial ring. “Eh? Ayos din! Mayroong ilang healing pills at ilang first-grade spirited grass. Sandali, ano ‘to? Diyos ko! Mayroong dalawang black token sa singsing ng lalaking ito! Nakahanap tayo ng kayamanan!” Napasigaw nang malakas si Nikini nang ilabas niya ang mga kayamanan mula sa mga singsing at iniabot ang mga ito kay Sally. “Sis Sally, salamat sa pagligtas sa akin! Sa’yo na ang lahat ng kayamanang ito! Ito na ang premyo mo!” “Ibibigay mo sa akin lahat? Hindi, paghatian natin! Kung sinong lalahok ay pwedeng makipaghati diba? Hehe. Atsaka, gamit ng mga spirited grass na ito, pwede ka nang makarating nang mas maaga sa susunod na level!” Magalang si Sally; hindi niya kinuha ang lahat ngunit kinuha lang niya ang kalahati ng kayamanan at iniabot ito kay Nikini. Ibinahagi pa niya ang isa sa black toke
Mula sa mahinang aura na nanggagaling sa python, kaagad na natukoy ni Fane na ang python na ito ay isang monster beast na may lakas na katumbas ng nasa early stage ng semi-god realm ng mundo ng tao. Nakakagulat na magpakita ang ganitong monster beast sa kagubatang ito. Kahit anong mangyari, ang python na ito ay itinuturing na pambihira at ang lakas nito ay karaniwang mas malakas sa mga karaniwang martial artist, lalo na sa mga baguhan. Sa madaling salita, ang isang martial artist na nasa early stage ng semi-god realm ay walang laban sa ganitong monster beast, at maging ang isang martial artist na nasa middle stage ng semi-god realm ay maaaring mabigong patayin ang isang monster beast na may ganitong lakas—nasa early stage ng semi-god realm. Gayunpaman, nakarating na si Fane sa middle stage ng true-god realm, kaya wala lang ang ganitong monster beast sa mata niya. Itinikom niya ang kanyang kamao, at sa isang iglap, sumulpot siya sa ibabaw ng ulo ng python, at pagkatapos sinuntok
“Sige sabi mo eh!” Iniunat ni Fane ang kanyang braso at sinabi, “Kararating mo lang dito at masyado ka nang nagbabalak na mang-agaw ng gamit ng iba? Nakakaawa. Hindi ako uto-uto!” “Heh. Ako ang grandson ng second elder ng Zachary family at ako ay nasa intermediate stage ng true-god status. Kaya kung matalino ka, isusuko mo na lang ang tangkay ng spirited grass na binunot mo. Pakakawalan kita!” Ang lalaki mula sa Zachary family ay may hawak na spada sa isang kamay at may mapagmataas na aura. “Ang Zachary family ay hindi kasundo ang Woods family, pero wala rin kaming masamang relasyon. Hindi kita papatayin basta ibibigay mo sa akin ‘yan. Atsaka, siguro mahirap para sa’yong maging tagapagmana sa master mo. Sayang kung mamamatay ka dito!” “Masyado kang kampante kahit na nasa intermediate stage ka lang ng true-god status?” Lumipad si Fane pataas sa isang iglap. “Paano kung ganito? Ibigay mo sa akin ang spada mo at ang lahat ng mayroon ka, at bubuhayin kita dahil nag-alok kang bubu
Kaagad na naramdaman ni Haiden na may kakaiba. Nagsimulang lumitaw ang maliliit na lamat sa kanyang panangga, at malapit na itong bumigay. “Imposible. Imposibleng matalo ako ng isang mokong na mula sa mortal realm!” Sumigaw si Haiden. Kasabay nito, ang mga lamat sa kalasag sa paligid ng kanyang katawan ay lumaki nang lumaki at nadurog ito. Bang!Isang nakakatakot na ingay ang narinig. Kasunod nito, tumalsik si Haiden palayo na para bang isang siyang saranggolang walang talo. Bumagsak siya nang malakas sa isang puno. Bumagsak ang puno mula sa pwersa. Sumuka ng dugo si Haiden at namutla ang kanyang mukha. Nagkaskasan ang kanyang ngipin at bumangon siya. Muli siyang sumuka ng dugo. Itinukod niya ang spada sa sahig at tumayo nang maayos. Walang-bahalang lumipad palapit si Fane, at lumitaw sa harapan ni Haiden nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. “Mahusay ka, Haiden Zachary!” Ngumiti si Fane at idinagdag, “Sayang naman kung papatayin kita dito. Siguro naging mahirap a
Hindi na nag-abala pa si Fane na sagutin siya. Lumingon na lang siya at dahan-dahan na lumipad palayo, at iniwan lang ang mga salitang ito, “Ang gamot na ito na gawa ko na kayang magpagaling ng mga sugat ay mas maganda pa kaysa sayo. Mas mainam kung gagamutin mo na ang sarili mo, o kaya ay huwag mo akong sisihin dahil nasugatan kita kapag namatay ka sa isang laban sa pagitan ng isang henyo na mula sa Hunt family kapag nakasalubong mo sila!” Nakatayo pa din sa kanyang kinatatayuan si Haiden Zachary nang umalis si Fane, nakatulala habang iniisip kung ang lahat ba ng nangyari ay panaginip lamang. Lalo na, siya ang lihim na umatake at minaliit si Fane. Hindi niya naisip na ang kabilang partido ay hindi kukunin ang kanyang mga gamit kahit pagkatapos siyang talunin, at iniwanan pa niya si Haiden ng ilang healing pills at spirited stones. “Nakakalason ba to?” bulong ni Haiden habang pinagmamasdan ang maliliit na pills sa kanyang palad. Umiling siya. Hindi ba’t hindi na kailangan ito k
Kaya naman, mas delikado na maglakbay sa gabi kung ikukumpara sa umaga. Ng bigla na lang…Thoom!Narinig ni Fane ang isang nakakatakot na tunog, mukhang may labanan na nagaganap sa malapit, at ang katunayan na walang mga alulong na mula sa mga halimbawa ay nangangahulugan na ito ay sa pagitan ng mga kalahok. Sa kanyang hinuha, lumipad si Fane patungo sa pinanggalingan ng ingay. Nang makarating siya sa isang maliit na dalisdis, nagtago siya sa damuhan at tumingin sa may ibaba ng burol. “Helena Cabello?” Isang magandang babae ang lumitaw sa paningin ni Fane, at ang kanyang ekspresyon ay unti-unting nagbago habang nararamdaman niya na naghahalo ang kanyang emosyon. Ang babaeng ito ay halos 30 taong gulang na, dalawang taon ang tanda niya kay Fane, ngunit wala pa din siyang asawa. Nagsinungaling siya na si Fane ay ang kanyang boyfriend nang ginugulo siya ni Second Young Master Hunt, sa kagustuhan niyang sumuko ito. Hindi niya inaasahan na ang kanyang desisyon ay lalong mag
Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Helena dahil sa hindi siya mapalagay sa atake ni Second Young Master Hunt. Ang dalawa ay ilang oras na din naglalaban at minaliit niya ito, dahil sa nasa final stage na siya ng true god level. Naniniwala siya na wala itong laban sa kanya. Subalit, hindi niya inaasahan na nakarating na ito sa final stage ng true god level. Sa ganitong pagkakataon na kung saan ang kakayahan sa pakikipaglaban ay kapareho ng sa kanya, ang kanyang martial skill o kaya ay martial art technique ay mukhang mas malakas kaysa sa kanya. Ang kabuan niyang kakayahan na makipaglaban ay mas malakas ng bahagya kaysa sa kanya. Sa mga sandaling iyon, halata naman na lugi siya, basang basa ng pawis at wala sa ayos. Hindi niya inaasahan na si Second Young Master Hunt ay gagamit ng isang napakalakas na martial arts skill sa mga sandaling iyon. “Haha…! Hayaan mong ipakita ko sayo ang aking second-grade intermediate-level martial skill!” Malakas na tumawa si Tyrell Hunt habang napu
Nakakagulat, muling tumawa ng malakas ang Second Young Master Hunt. “totoo naman na hindi naagrabyado ng Cabello family ang Hunt family noon, ngunit inagrabyado mo ako kanina lang? Ang lakas ng loob mo na tanggihan ako sa harapan ng maraming tao at pinagmukha mo pa akong masama. Kinalaban mo ako! Hmph! Karangalan mo na nagkaroon ako ng gusto sayo! Ang aming Hunt family ang numero uno sa mga reclusive family, ngunit hindi mo alam ang pinagkaiba ng chalk sa keso!” “Matagal ko nang sinabi sayo na meron na akong boyfriend, kaya sumuko ka na lang!” Sigaw ni Helena habangb malamig angb kanyang ekspresyon. “Bukod doon, sinabi mo na din: ang Hunt family ay ang pinakamalakas sa lahat ng mag reclusive family, at ikaw ang second young master ng Hunt family. Natatakot ka ba na hindi ka makakuha ng babae?” “Tigilan mo na ang kalokohan mo!” Sigaw ni Second Young Master Hunt. “Maraming mga babae, ngunit ikaw lang ang gusto ko. Gusto ko ang mga babae na mailap at malamig katulad mo pati na din
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin