Kaya naman, mas delikado na maglakbay sa gabi kung ikukumpara sa umaga. Ng bigla na lang…Thoom!Narinig ni Fane ang isang nakakatakot na tunog, mukhang may labanan na nagaganap sa malapit, at ang katunayan na walang mga alulong na mula sa mga halimbawa ay nangangahulugan na ito ay sa pagitan ng mga kalahok. Sa kanyang hinuha, lumipad si Fane patungo sa pinanggalingan ng ingay. Nang makarating siya sa isang maliit na dalisdis, nagtago siya sa damuhan at tumingin sa may ibaba ng burol. “Helena Cabello?” Isang magandang babae ang lumitaw sa paningin ni Fane, at ang kanyang ekspresyon ay unti-unting nagbago habang nararamdaman niya na naghahalo ang kanyang emosyon. Ang babaeng ito ay halos 30 taong gulang na, dalawang taon ang tanda niya kay Fane, ngunit wala pa din siyang asawa. Nagsinungaling siya na si Fane ay ang kanyang boyfriend nang ginugulo siya ni Second Young Master Hunt, sa kagustuhan niyang sumuko ito. Hindi niya inaasahan na ang kanyang desisyon ay lalong mag
Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Helena dahil sa hindi siya mapalagay sa atake ni Second Young Master Hunt. Ang dalawa ay ilang oras na din naglalaban at minaliit niya ito, dahil sa nasa final stage na siya ng true god level. Naniniwala siya na wala itong laban sa kanya. Subalit, hindi niya inaasahan na nakarating na ito sa final stage ng true god level. Sa ganitong pagkakataon na kung saan ang kakayahan sa pakikipaglaban ay kapareho ng sa kanya, ang kanyang martial skill o kaya ay martial art technique ay mukhang mas malakas kaysa sa kanya. Ang kabuan niyang kakayahan na makipaglaban ay mas malakas ng bahagya kaysa sa kanya. Sa mga sandaling iyon, halata naman na lugi siya, basang basa ng pawis at wala sa ayos. Hindi niya inaasahan na si Second Young Master Hunt ay gagamit ng isang napakalakas na martial arts skill sa mga sandaling iyon. “Haha…! Hayaan mong ipakita ko sayo ang aking second-grade intermediate-level martial skill!” Malakas na tumawa si Tyrell Hunt habang napu
Nakakagulat, muling tumawa ng malakas ang Second Young Master Hunt. “totoo naman na hindi naagrabyado ng Cabello family ang Hunt family noon, ngunit inagrabyado mo ako kanina lang? Ang lakas ng loob mo na tanggihan ako sa harapan ng maraming tao at pinagmukha mo pa akong masama. Kinalaban mo ako! Hmph! Karangalan mo na nagkaroon ako ng gusto sayo! Ang aming Hunt family ang numero uno sa mga reclusive family, ngunit hindi mo alam ang pinagkaiba ng chalk sa keso!” “Matagal ko nang sinabi sayo na meron na akong boyfriend, kaya sumuko ka na lang!” Sigaw ni Helena habangb malamig angb kanyang ekspresyon. “Bukod doon, sinabi mo na din: ang Hunt family ay ang pinakamalakas sa lahat ng mag reclusive family, at ikaw ang second young master ng Hunt family. Natatakot ka ba na hindi ka makakuha ng babae?” “Tigilan mo na ang kalokohan mo!” Sigaw ni Second Young Master Hunt. “Maraming mga babae, ngunit ikaw lang ang gusto ko. Gusto ko ang mga babae na mailap at malamig katulad mo pati na din
Dahil sa isang tunay na master na nasa final stage ng true-god level si Tyrell, kaagad niyang naramdaman na parang may mali nang lumitaw ang sword aura at nailagan niya it kaagad. Ang sword aura ay lumagpas lang sa kanya at pumutol ng isang puno.Lumipad pababa si Fane mula sa dalisdis, na kung saan siya nagtatago kanina. “Ikaw?” Sa sobrang galit ni Tyrell ay lumitaw ang kanyang mga ugat sa kanyang noo nang makita niya si Fane. “Tignan mo nga naman ang pagkakataon; dumating ka nang malapit ko na sanang gahasain ang kasintahan mo. Haha…! Tignan mo nga naman ang tadhana!” “Bakit… Bakit ka nandito?” Maingat na tinignan ni Helena si Fane. Gaano na ba katagal inoobsebahan ng lalaking ito silang dalawa, at bakit siya sumugod sa sandaling ito? “Haha…!” Mapait na ngumiti si Fane at nagbiro, “Anong dapat ko palang gawin? At bakit hindi kita ililigtas kung kailan sinabi ko na na kasintahan kita?” Bukod sa ilan na nakakaalam kung ano ba ang kanilang relasyon sa sandaling ito, karamihan sa
Mabilis na lumitaw si Fane sa harapan ni Second Young Master Hunt at sumuntok. 'Ang lalaking to… napakatigas talaga ng ulo niya para labanan si Tyrell sa isang buwis-buhay na sitwasyon!' Naguluhan si Helena habang nakita niyang sumusugod si Fane. Ginamit niya lang si Fane bilang solusyon para hindi siya guluhin ni Second Young Master Hunt, pero hindi niya lang hindi binuking ang kanyang kasinungalingan, lumapit pa siya at tinulungan siya! 'Iniisip niya ba talaga na girlfriend niya ako? Dahil ba maganda ako at hinalikan ko siya?' Nagsimulang lumitaw sa isipan ni Helena ang mga ideya, iniisip niya na mukhang ganito ang nangyari. Lalo na't siya at ang dalawa niyang mga kapatid ay mga napakagandang babae at kahit sino ay gustong maging bayani na magliligtas sa isang babaeng nasa panganib. "Wag mo kong sisihin; ikaw ang gustong mamatay!" Sinara ni Second Young Master Hunt ang kanyang kamay at pinagana ang kanyang Chi bago sinalubong ang suntok ni Fane. Thoom!Narinig ang isang naka
Nakuntento si Tyrell sa nagulat na ekspresyon ni Fane. Mayroon siyang malagim na ngiti habang tinaas niya ang kanyang kilay at nagsalita, "Kumusta? Natatakot ka ba? Haha…! Mukhang matalas ang mga mata mo at nakikita mo na hindi simple ang espada ko!" Tinaas ni Tyrell ang espada at habang itinuro ito sa direksyon ni Fane ay mapagmataas siyang nagdeklara, "Sa araw na ito, puputulin ko ang mga kamay mo gamit ng espadang ito at susugatan kita nang malubha!" 'Hay! Ang laking problema nito… Malakas si Fane sa pakikipaglaban at isa siyang henyo sa mga henyo, pero malungkot na makita siyang lumaban sa bastos na Second Young Master Hunt na to!" Bumuntong hininga si Helena habang tinignan niya ang espada at nakaramdam ng bahagyang pagbabago rito. Gumamit ng ibang espada kanina si Second Young Master Hunt, isang lower-grade spiritual tool noong inatake siya nito, pero bigla siyang naglabas ng isang middle-grade spiritual tool laban kay Fane. Mukhang talagang katapusan na nila ni Fane. '
Whoosh! Whoosh! Whoosh!Ang mga dahon na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng Chi at sword aura ay mabilis na sumugod. Pagkatapos nitong makarating sa malayo, isa-isa itong lumapag sa alon ng Chi ni Fane. Thoom! Thoom! Thoom!Sunod-sunod na dumating ang mga atake, at nang sumabog ang mga dahon, nagwatak ang alon ng Chi ni Fane habang matagumpay nitong pinigilan ang atake ni Second Young Master Hunt. "Bw*sit!" Nang pumalpak ang mga atake niya, kumibot ang bibig ni Second Young Master Hunt habang nagdilim ang kanyang ekspresyon sa nakita niyang… nawawala si Fane. Hindi lang iyon, pati ang sugatang si Helena, na nakatayo sa isang tabi habang naglalaban sila, ay naglaho rin. Ginamit ni Fane ang malakas na alon ng Chi para sumugod at takpan ang paningin ni Second Young Master Hunt sa sandaling lumaki ito bago tumakas kasama ni Helena. "Masyadong matalino ang lalaking ito. Tumakas siya pagkatapos niyang malamang hindi niya ako matatalo. Bw*sit, magdasal na siya na hindi kami magkit
"Imposible. Naramdaman mo na mayroong nanonood sa'tin?" Nagulat si Helena sa sinabi ni Fane, lalo na't wala siyang naramdamang kakaiba kanina. Hindi niya alam kung dahil ba masyado siyang nakatuon sa laban nina Fane at Tyrell. Kung ganoon, dapat mas nakatuon si Fane sa laban. Pero paano niya nalaman ang presensya ng iba pang mga tao. Napansin ni Fane ang naguguluhang mukha ni Helena habang nakangiti siyang nagsabi, "Isa akong alchemist, at natural na mas malakas ang mental ko kaysa sa'yo. Mas malakas ang pakiramdam ko sa paligid ko kaysa sa'yo at nararamdaman ko na nakatago nang maigi ang hininga ng mga taong iyon. Mukhang hindi rin mababa ang lebel ng lakas nila."Huminto si Fane dito bago siya nagpatuloy, "Iyon ang dahilan kaya inisip ko na mas magandang pabayaan muna si Second Young Master Hunt sa ngayon." Nailang ang hindi natutuwang si Helena at sumagot, "Pwede lang magsalita kahit kailan mo gusto. Nagsasalita ka na para bang kaya mong manalo kung nagpatuloy ang laban ninyo
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin