Whoosh! Whoosh! Whoosh!Ang mga dahon na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng Chi at sword aura ay mabilis na sumugod. Pagkatapos nitong makarating sa malayo, isa-isa itong lumapag sa alon ng Chi ni Fane. Thoom! Thoom! Thoom!Sunod-sunod na dumating ang mga atake, at nang sumabog ang mga dahon, nagwatak ang alon ng Chi ni Fane habang matagumpay nitong pinigilan ang atake ni Second Young Master Hunt. "Bw*sit!" Nang pumalpak ang mga atake niya, kumibot ang bibig ni Second Young Master Hunt habang nagdilim ang kanyang ekspresyon sa nakita niyang… nawawala si Fane. Hindi lang iyon, pati ang sugatang si Helena, na nakatayo sa isang tabi habang naglalaban sila, ay naglaho rin. Ginamit ni Fane ang malakas na alon ng Chi para sumugod at takpan ang paningin ni Second Young Master Hunt sa sandaling lumaki ito bago tumakas kasama ni Helena. "Masyadong matalino ang lalaking ito. Tumakas siya pagkatapos niyang malamang hindi niya ako matatalo. Bw*sit, magdasal na siya na hindi kami magkit
"Imposible. Naramdaman mo na mayroong nanonood sa'tin?" Nagulat si Helena sa sinabi ni Fane, lalo na't wala siyang naramdamang kakaiba kanina. Hindi niya alam kung dahil ba masyado siyang nakatuon sa laban nina Fane at Tyrell. Kung ganoon, dapat mas nakatuon si Fane sa laban. Pero paano niya nalaman ang presensya ng iba pang mga tao. Napansin ni Fane ang naguguluhang mukha ni Helena habang nakangiti siyang nagsabi, "Isa akong alchemist, at natural na mas malakas ang mental ko kaysa sa'yo. Mas malakas ang pakiramdam ko sa paligid ko kaysa sa'yo at nararamdaman ko na nakatago nang maigi ang hininga ng mga taong iyon. Mukhang hindi rin mababa ang lebel ng lakas nila."Huminto si Fane dito bago siya nagpatuloy, "Iyon ang dahilan kaya inisip ko na mas magandang pabayaan muna si Second Young Master Hunt sa ngayon." Nailang ang hindi natutuwang si Helena at sumagot, "Pwede lang magsalita kahit kailan mo gusto. Nagsasalita ka na para bang kaya mong manalo kung nagpatuloy ang laban ninyo
Yumuko si Helena para tumingin sa kanyang dibdib, at namula ang kanyang maputlang mukha. Sobra siyang nahiya na gusto niyang lamunin siya ng lupa. Kaagad niyang tinakpan ang sarili niya at tinignan si Fane. "Hindi mo ba naiintindihan ang kasabihang 'see no evil'? Bakit nakatingin ka pa rin sa'kin? Bastos ka, wala kang pinagkaiba sa ibang mga lalaki!" Nagulat si Fane. Tinawag siyang bastos dahil lang sa isang mabuting paalala. Hindi siya natuwa habang naalala niya kung gaano nakakainis si Helena nitong nagdaang dalawang araw. Ngumisi lang siya. "Talaga? Hindi ba sinabi mo sa harapan ng lahat na ako ang nobyo mo? Bakit sobrang nahihiya ka ngayong may relasyon tayo at binigay mo pa sa'kin ang una mo? Hindi ba ang lakas ng loob mo noong nasa kalsada tao nitong nakaraang araw?" "Ikaw…" Nagalit si Helena sa inasal niya. Hindi niya inasahan na aasta nang ganito ang lalaking ito sa kanya. Inirapan niya si Fane bago nagsabi, "Sigurado akong alam mo na sinabi ko yun dahil wala akong
Nadiskubre ni Helena na nagsimulang gumaling nang dahan-dahan ang mga sugat niya pagkatapos niyang inumin ang gamot. Ang bilis ng paggaling niya ay higit pa sa pill na mula sa pamilya niya, at kahit isang peklat ay hindi na makita. “Ang Woods family ay may ganito kagandang healing pills? Mukhang ang pamilya mo ay may maganda ring pag-aaral sa mga bagay na ito!” Sigaw ni Helena, habang sinusuri kung gaano kalakas ang gamot na binigay sa kanya ni Fane. “Hindi ito mula sa Woods family. Ginawa ko ito noong may oras ako, at marami ang nacultivate kong ganito.” Ngumiti nang naiilang si Fane bago niya idagdag, “Tuturuan ko ang ibang mga miyembro ng Woods family kapag may oras ako. Makakagamit sila ng mas magandang healing medication sa hinaharap!” “Hindi ko inakalang may ganyan kang talento!” Tinignan ni Helena si Fane nang may paghanga. Inaamin niya na ang lalaking ito, ang kasintahan ng kanyang ikatlong kapatid, ay isang magaling na tao. Higit pa sa pagiging mahusay nito, mabait ito a
Hindi kailanman binalak ni Fane na habulin si Daniella, ngunit ang gabi na may nangyari sa kanila pagkatapos nilang malason ang bumago sa lahat. “Sige. Papasok na ako para magpalit, para makapagbantay ka sa labas. Tandaan mo, ‘wag kang sisilip dahil kung hindi ay hindi ako mananahimik!” Tumalikod si Helena at ngumiti bago pumasok sa kuweba nang mag-isa. “Ang babaeng ‘yun…!” Ngumiti si Fane nang nanlulumo pagkatapos maglabas ng sigarilyo at dahan-dahang nilasap ang usok sa labas. Hindi niya inakalang makakatagpo niya si Helena at Second Young Master Hunt sa unang araw ng kompetisyon. Parang itinadhana ang lahat. Bigla na lang… “Ah!” Narinig ni Fane ang sigaw ni Helena mula sa loob ng kuweba pagkatapos niyang umihip nang dalawang beses sa kanyang sigarilyo. “Hindi ‘to maganda. Nasa panganib siya!” Habang nabibigla, sumugod si Fane patungo sa kuweba. “Roar!” Nakita niya ang isang tigreng inaatake si Helena nang sumugod siya sa kuweba. Nang itaob niya ang kanyang kamay, ang
“Sige, pwede ka nang pumasok!” Nang makapagpalit siya, inayos muna ni Helana saglit ang kanyang sarili bago tawagin si Fane.Pumasok si Fane sa kuweba nang may hawak na patay na kuneho bago niya ito ihagis sa loob.“Bakit ka nagdala ng kuneho sa loob?” Kaagad na nagtanong si Helena nang makita niya ang maliit na katawan ng hayop sa sahig. Ngumiti si Fane. “Dahil may oras pa tayo, iihaw natin ito para kainin mamaya!” Lumabas siya ng kuweba pagkatapos para maghanap ng kahoy. Sinilaban niya ito pagkatapos at sinimulang iihaw ang kuneho pagkatapos tanggalin ang balat nito. Habang nakaupo sa tabi ni Fane, nag-isip muna sandali si Helena bago itanong nang mahina, “May nakita ka ba kanina?” “Ahem, ahem! Wala akong nakita. Diba tinakpan mo ang sarili mo kanina gamit ng damit mo?” Bulong ni Fane habang inuubo at nahihiya. “Kahit na may sugat ka, ang monster beast na ‘yun ay hindi naman mataas ang lebel, at siguro naman kaya mo ‘yun.” Inirapan siya ni Helena at sinabi, “Nagtago ang t
Kinumpas ni Helena ang kamay niya bago siya may maalala, at tinanong si Fane nang interesado, “Oo nga pala, dahil magkasintahan kayo ni Daniella, paano pala kayo nagkakilala?” “Ilang mga barbaro ang nakakuha sa kanya, at may hidwaan kami, kaya pinatay ko sila at nagkataong nasagip ko siya.” Kumain ng malaking piraso ng karne si Fane at uminom ng wine bago siya magpatuloy, “Kalaunan naging magkasintahan kami pagkatapos naming magsama nang matagal!” Mukhang nagdududa si Helena. “Isang buwan lang kayong nagkasama, at ngayon sinasabi mo sa akin na naging magkasintahan kayo pagkatapos niyong magsama nang matagal? Masyado ‘yang mabilis sa tingin ko. Maraming taong nakakakilala at nanliligaw kay Daniella sa loob ng maraming taon, baka higit pa sa isang dosenang taon, ay hindi man lang nakuha ang loob niya noon. Talagang maswerte kang makuha ang loob niya.” “Ako, maswerte? Haha!” Ngumiti nang naiilang si Fane nang marinig niya ito at isang komplikadong damdamin ang umusbong sa kanyang pu
Naunawaan ni Yule ang sagot ni Beth. “Totoo ‘yan. Nagtataka rin ako kung paanong biglang naging magkasintahan ang kuya ko at si Helena. Atsaka, kakakilala lang nila sa isa’t isa at hindi pa sila nagkikita noon! Mukhang mabait ang kuya ko para tulungan si Helena, kaya hindi niya ito ibinuking. Kung hindi, mapapahamak sana ang Cabello family!” Tumango rin si Beth. “Ang pinakamahalaga ay ang pagiging nakakatakot ng mga miyembro ng Hunt family. Mahusay pareho si Second Young Master Hunt at si Eldest Young Master Hunt. Mabuting hindi sila galitin hangga’t maaari.” Huminto si Beth bago niya ipagpatuloy, “Pero, kung ako si Helena Cabello, hindi ako mahuhulog sa matabang ‘yun, si Second Young Master Hunt. Gagawin ko rin siguro ang tulad ng paghalik kay Young Master Fane para mapatigil si Second Young Master Hunt!” Sa sandaling matapos sila sa pagsasalita, lumitaw si Fane sa harapan nila at huminto. Ang pito hanggang walong miyembro ng Cabello family ay huminto rin malapit sa kanila. Na
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin