Naunawaan ni Yule ang sagot ni Beth. “Totoo ‘yan. Nagtataka rin ako kung paanong biglang naging magkasintahan ang kuya ko at si Helena. Atsaka, kakakilala lang nila sa isa’t isa at hindi pa sila nagkikita noon! Mukhang mabait ang kuya ko para tulungan si Helena, kaya hindi niya ito ibinuking. Kung hindi, mapapahamak sana ang Cabello family!” Tumango rin si Beth. “Ang pinakamahalaga ay ang pagiging nakakatakot ng mga miyembro ng Hunt family. Mahusay pareho si Second Young Master Hunt at si Eldest Young Master Hunt. Mabuting hindi sila galitin hangga’t maaari.” Huminto si Beth bago niya ipagpatuloy, “Pero, kung ako si Helena Cabello, hindi ako mahuhulog sa matabang ‘yun, si Second Young Master Hunt. Gagawin ko rin siguro ang tulad ng paghalik kay Young Master Fane para mapatigil si Second Young Master Hunt!” Sa sandaling matapos sila sa pagsasalita, lumitaw si Fane sa harapan nila at huminto. Ang pito hanggang walong miyembro ng Cabello family ay huminto rin malapit sa kanila. Na
“Kuha ko na, huwag kang mag-alala.” Ngumiti si Fane at wala nang sinabi pa. Sa halip, walang emosyon niyang tinignan si Helena, dahil sa gusto niya malaman kung ano ang desisyon ni Helena. Lalo na, bukod sa tinulungan niya ito na pigilan si Second Young Master Hunt sa panggugulo sa kanya, niligtas pa niya ang buhay niya. Gayunpaman, marami nag laban ang namagitan sa kanilang pamilya noon, kaya nagtataka siya kung ano ang desisyon ni Helena. “Sa kanila ito nang madiskubre nila ito nung una. Bakit kailangan niyong kunin ito mula sa kanila?” Pinanlisikan ni Helena si Jay at ang iba pa bago siya nagpatuloy, “Mabuting tao si Fane, at tinulungan pa niya ako sa isang mahalagang sandali kahapon. Hayaan niyong kunin nila ang nararapat lang sa kanila!” Sinalubong siya ng mga nasopresang mga mukha mula sa mga henyo ng Cabello family, dagdag pa ni Helena, “Siya nga pala, kapag may nakasalubong kayo na mga miyembro na mula sa Woods family, huwag niyong kukunin ang meron sila. Magkakampi tay
“Ano? Young Master, pinaglalaruan mo lang ba siya? Nagiing masyado kang iresponsable kung ganun. Bukod doon, maganda si Eldest Mistress Cabello, at sa tingin ko ay bagay kayo!” Isa pang lalake na mula sa Woods family ang nagulat din. Hindi nila inaasahan na gusto lang ni Fane na magkaroon ng relasyon kay Eldest Young Mistress Cabello ng hindi man lang iniisip ang tungkol sa pagpapakasal. Malulungkot nito si Eldest Mistress Cabello kapag narinig niya ito.Nahiya si Fane sa mga salitang iyon, at wala siyang ideya kung ano ang kanyang sasabihin o kung paano ipapaliwanag ang kanyang sarili sa sandaling ito. Kapag nagpaliwanag siya at ang mga tao na ito ay binuka ang kanilang mga bibig tungkol sa kung paano sila ay pekeng magkasintahan, parehong hindi matutuwa ang Master ng Hunt family at si Old Master Hunt.Buod doon, posible din na isipin ng iba pang mga pamilya na sila Fane ay Helena ay niloloko lang sila. Lalo na, pareho silang umamin bago sila pumasok sa kagubatan at sumalis sa kompe
Isang pamilyar na boses ng isang babae ang bigla na lang nila narinig habang may isang babae na lumilipad papunta kay Fane. Sumugod siya papunta sa mga bisig ni Fane sa sobrang tuwa nang makalapit siya, niyakap siya habang sinasabi, “Mabuti naman! Nahanap din kita! Labis akong nag-alala para sayo!” Nahiya si Fane. hindi niya inaasahan na labis na matutuwa si Daniella na makita siya. “Sandali…” Nakatingin sila Yule at ang iba pa na puno ng pagkalito at gulat. Dalawa sa kanila ang nakanganga ng husto na halos dumikit na sa lupa ang kanilang mga baba sa sobrang gulat. Hindi ba;t si Eldest Young Mistress Cabello ang kasintahan ni Young Master Fane? Bakit tumalon sa mga bisig ni Fane si Daniella sa sandaling makita niya ito? Posible kaya na nagkamali lang sila? “Ehem, ehem…! Daniella, ikaw…” Mabilis siyang pinaalalahanan ni Fane. At doon lang sinilip ni Daniella ang paligid at kaagad siyang namula bago siya humakbang paatras ng ilang beses. “Huwag… Huwag niyong mamasamain. M
Ngumiti si Fane at sinabi kay Daniella, “Huwag kang mag-alala. Ako, si Fane Woods, ay hindi sumisira ng pangako!” “Sige, tara na! Sasama ako sayo!” Pakiramdam ni Daniella ay may paru-paro sa kanyang sikmura. Sa isang pitik lang ng kanyang kamay, naglabas siya ng dalawang itim na token at inabot ito kay Fane. “Haha…! Nahanap ko to kahapon. Heto, para to sayo!” “Para sa akin?” Nahiya si Fane. “Miyembro ka ng Cabello family. Mas mainam kung itatabi mo iyan para sa ate mo!” “Miyembro man ako ng Cabello family,”sabi ng namumulang Daniella bago dinagdag, “ngunit sayo din ako. Magiging akin din naman ikaw sa hinaharap, kaya kailangan kitang tulungan!” Ang kanyang kabutihan ay naantig ang kalooban ni Fane. Inayos niya ang lahat at hinawakan ang kamay ni Daniella lumipad sila pababa. Niyakap ni Daniella si Fane mula sa likuran sa sandaling nakababa sila sa lupa. Pagkatapos ay sinandal niya ang kanyang ulo sa likuran ni Fane, at kumurba ang kanyang mga labi at naging isang matamis na
Nang hinarap niya ang kanilang mga pangungutya, hinawakan ni Fane si Daniella mula sa bewang nito, hinila ito papalapit sa kanyang dibdib, at binaba ang kanyang ulo upang halikan ang mapula nitong mga labi. Mabilis na tumibok ang puso ni Daniella sa kanyang pagkagulat, at nagulat sa kung paano nagdesisyon si Fane na patunayan ang kanilang relasyon sa sandaling iyon sa isang mapangahas na paraan, hindi ba siya natatakot na baka ang mga taong ito ay ikapalat ang balita tungkol sa kanilang dalawa? Ano ang dapat nilang gawin kapag nalaman ng Hunt family ang tungkol dito? “Ikaw…” ANg lahat ng tatlong anak na lalake ng Norman family ay may gusto sa tatlong young mistresses ng Cabello family. Ang kanilang tunay na pakay ay si Daniella dahil sa mukha itong mas bata at masigla. Siya, sa madaling salita, ay nabihag sila. Paano nagawa ni Fane na mapaibig sila Helena at Daniella sa kanya? Nag-uumapaw ang ingit sa kanilang mga puso. Higit pa doon, kinamuhian nila kung paano ang babae na ma
"Tama ka, Kuya. Pambihira ang ganda ng babaeng to. Sayang naman kung papatayin natin siya nang basta-basta!" Malagim na ngumiti si Joshua. "Maliban roon, pwede nating patayin ang kahit na sinong gustuhin natin sa paligsahan na to. Haha. Kahit ang ama ni Daniella ay hindi magtatangkang gumawa ng kahit na ano sa'tin kung paglalaruan muna natin siya bago patayin!" Sumingit din si Conley, "Tama kayo pareho. Hindi nobya ni Fane si Daniella kaya may posibilidad na hindi pa siya nagagalaw. Hehe!" "Tama ka!" Isa pang henyo mula sa Norman family ang may malagim na ngiti sa kanyang mukha. Mayroon ring malalagim na ngiti ang dalawang iba pang dalawang lalaki mula sa Lagorio family. Tinitigan nila si Daniella at napalunok. Lalo na't mahirap makahanap ng isang magandang dalagang kagaya niya. Maraming lalaki ang nagnanasa sa mga anak na babae ng Cabello family, at makakapagyabang sila kung makukuha nila ang unang beses nila. Walang masabi ang dalawang dalaga mula sa Lagorio family. Nan
Lalo na’t ang lahat ng walong kalalakihang nasa harapan niya ay nasa true god realm, at dalawa sa kanila ay nasa intermediate stage. Malamang ay isa sila sa mga pinakamagagaling na kalahok ngayong araw . Kaya kayab ni Fane na saluhin ang mga atake nilang walo nang mag-isa?Ngunit isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang hinarap niya sila. Hinigpitan niya ang hawak niya sa itim na espadang nasa kamay niya habang dahan-dahan niyang binubuhos ang kanyang chi sa maliit na butas sa hawakan nito. Hum!Habang dumaloy ang chi rito, nagsimulang umugong nang nakakatakot ang espada. Nagnginig ang espada at lumakas ang aura ni Fane. “Ang lakas ng aura niya. Pinalakas siya ng espadang iyon!”Mabilis itong naramdaman ni Joshua at nagdilim ang kanyang ekspresyon. “Kuya, di ba sabi mo hindi mapapalakas ng flying sword ang may hawak nito?”Natakot si Conley pagkatapos niyang maramdaman ang bugso ng enerhiya mabilis siyang tumingin sa kanyang kuya para mapagaan ang kan
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin