"Biglang nakarating sa pinakataas ng true god status si Wade. Kung hindi lang magaling sa panggagamot si Young Master Fane at pumalpak siya na pagalingin ang kanyang ama sa takdang oras, malamang nagtagumpay na ang taong yun. Pero pinatay sila ng master, at wala na ngayong kapangyarihan ang First Madam—pinalayas siya mula sa Woods family! Iyon ang dahilan kung bakit hindi na nating kailangang mag-alala tungkol sa kanila!" Tumawa si Lancelot habang pinaliwanag niya ang sitwasyon sa lahat. Noon, hindi niya alam kung paano sasagot sa mga tanong ng branch family. Alam niya na malalim ang hinanakit ng lahat. Pero ngayon, nagawa nilang lumaban sa kanilang paghihirap. "Magaling. Dapat matagal nang namatay si Wade!" "Tama. Sayang lang at hindi namin siya nakita na pinatay ng master sa personal!" "Talagang napakagandang balita nito. Ibig sabihin nito ay gumaling nang maayos ang katawan ni Master. Ngayon ay uunlad na ang Woods family sa ilalim ng pamumuno niya!" "Nilason pala ang m
"Hmph. Wala akong pakialam kung ikaw ang young master ng Woods family. Talagang hindi patas ang desisyon na to para sa ama ko. Nakakadurog ng puso!" Malamig na suminghal ang babae at tinupi ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Tinikom niya ang kanyang labi at suminghal ngunit mukha siyang kaaya-ayang tignan. "Tama. Paano namin magagawa yun?" Maraming tao ang hindi natuwa para sa kapakanan ni Lancelot. Lalo na't makakakuha na ng mas maraming martial resources ang kanilang master at komportable na siyang mamumuhay sa wakas. Pero kailangan pang mangyari ang ganitong bagay. Natural lang na magagalit ang mga miyembro ng branch family. "Anong pinagsasasabi mo, Sally? Humingi ka ng tawad kay Young Master Fane ngayon din! Nakalimutan mo na ba lahat ng pangaral ko sa'yo?" Nagsalubong ang kilay ni Lancelot at nagpakita ng isang striktong aura habang sinagot niya ang babaeng nasa kanyang harapan. "Papa!" Nainis si Sally at pinadyak ang kanyang paa. "Wala akong sinabing mali. B
Ang isang lalaking nasa beginning stage ng true god status ay kaagad na napasigaw nang malakas sa galak pagkatapos niyang marinig ito. “Heh. Medyo malakas ka Wally. Kung walang kokontra, inonomina kita bilang ang susunod na house head!”Tumawa si Lancelot habang kausap niya ang matandang lalaki. “Matagal na akong naging elder sa mga branch family. Hindi ako handang biglang maging house head!”Ngumiti nang naiilang ang matandang lalaki.“Ikaw dapat ‘yan. Ikaw ang pinakamalakas kasunod ng master natin!”Sinabi ng elder said habang tumatawa.“Tama ‘yan. Napagpasyahan na pala. Siya ang susunod!”May isa pang tumango sa tuwa.“Siguro naman nakapagpasya na tayong lahat. Hindi na natin kailangang mag-abala na magtawag ng boto!”Ngumiti si lancelot.Dumapo kay Fane ang titig ni Sally. “Young Master Fane, lubos akong humihingi ng tawad sa inasal ko kanina,” Nahihiya niyang sinabi. “Hindi ko alam ang nangyayari. Nagkamali ako ng akala sa intensyon mo sa sandaling narinig kong magpap
”Sa kanya ka na?” Naguluhan ang mukha ng isang binatilyo nang marinig niya ito. Ang pagkakasabi niya nito ay madaling magdulot ng maling akala.Medyo nabigla si Sally. Namutla ang kanyang pisngi nang irapan niya ang binatilyo. “Anong sinasabi mo?” Sigaw niya. “Ibig-sabihin ko mula ngayon pagsisilbihan ko na siya. Kung saan siya pupunta, susunod ako!”“Hah. Hindi mo alam kung paano sumipsip sa iba, pero ngayon marunong ka na. Kakaiba!” Natawa ang isang matandang lalaki. “Anong sumisipsip? Totoo ang sinasabi ko. Hindi ba mabuting bagay ang pagtulong sa atin ni Young Master Fane?” Tinignan nang masama ni Sally ang matanda. “Malay natin kung kailan tayo magkakaroon ng susunod na pagkakataong tulad nito?” Sinabi niya.“Sige, sige. Mahaba ang araw ni Young Master Fane ngayon, at pagabi na. Uuwi muna tayo para magpahinga bago magdiwang nang maayos mamayang hapunan!” Sinabi ni Lancelot habang tumatawa. “Sige. Heh. Talagang maganda ang araw na ito. Ang tagal ko nang hindi nakakar
Nag-iinaat si Fane nang maamoy niya ang barbecue. Naglakad siya paglabas ng bahay. “Heh. Ikinakatakot naming baka nagsasanay ka o natutulog, kaya hindi ka namin inabala. Malapit nang maluto ang pagkain. Tatawagin ka na sana namin!”Masayang lumapit si Sally nang maaninag niya si Fane. Inabutan niya ito ng plato habang may isang malaking karne sa ibabaw nito. “Hindi ako magaling sa ibang bagay, pero sobrang galing ko sa barbecue. Ako mismo ang nagluto nito. Tikman mo!”“Sige. Tingnan ko kung gaano ka kagaling!”Kinagatan ni Fane ang karne. Kaagad na nagliwanag ang mga mata niya. “Ang sarap nito!”“Hah. Young Master Fane. May alak dito!”Sa sandaling ito, lumapit na rin si Lancelot habang may ngiti sa kanyang mukha. Ibinigay niya kay Fane ang malaking bote ng alak. “Salamat!”Nilanghap ni Fane ang amoy ng alak bago ito inumin.Malinaw na isa itong masayang gabi, lalo na para sa mga miyembro ng mga branch family. Lahat sila ay may ngiti sa kanilang mga labi.Sa susunod na umag
Matangkad at matikas ang kalbong lalaki. Itinaas niya ang isa sa mga kilay niya pagkatapos makinig kay Mr. Moustache. “Hehe, sinong gusto mo sa kanila? Kunin natin sila at ibaba natin sila ng bundok!” Nainis si Mr. Moustache sa sagot. “Patronum Larch, paano mo nagagawa ito? Ang ibig-sabihin ko ay pwede mong kunin ang mas bata!” Ngumiti nang nalulungkot ang kalbong lalaki, “Oh, kaya pala. Edi ang mas matanda ang gusto mo? Ang babaeng ito, kahit na isa siyang matandang babae, naalagaan niya nang maayos ang katawan niya! Parang nasa thirty years old lang siya; ang salitang ‘maalindog’ lang ang makakapaglarawan sa aura niya. Higit pa rito, siya ang asawa ng isang elder, talagang nasasabik ako!” Nagsalubong ang kilay ng matandang babae. Habang nagkakaskasan ang mga ngipin niya, “Sige! Sasama ako sa’yo, pero pakawalan mo ang anak ko!” “Mama, anong sinasabi mo? Lalayo tayo sa kanila!” Sa sandaling marinig niyang sinabi ito ng anak niya, nanlumo ang mukha niya at naging hindi magan
Whoosh! Gayunpaman, sa sandaling ito, isang nakakatakot na hangin na espada ang tumama sa likod ni Mr. Moustache. Nahiwa siya sa dalawa ng hangin at bumagsak sa sahig ang kanyang katawan. “Ano? Sinong gumawa niyan?” Nagulat ang kalbong lalaki at ang iba sa biglang atake, at natatarantang naglalakbay ang tingin nila para hanapin ang umatake. Ito ay si Fane. Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno sa di kalayuan at dahan-dahang naglakad palapit nang may hawak na isang eleganteng itim na espada. “Tama ka! Talagang madaling makasalubong ng isang Woods dito!” Ngumiit nang bahagya is Fane. Pinakinggan niya ang buong usapan kanina at naisip na ang mga taong ito ay hindi mula sa Woods family. Hindi alam ni Fane kung saan galing ang mga taong ito, ngunit ang kapal ng mukha nilang apihin ang dalawang mula sa Woods family branch. “Mula ka sa Woods family?” Nagsalubong ang kilay ng kalbong lalaki habang seryosong-seryoso ang mga mata niya. Ang isa pang tauhan ay bumulong, “Patronum
Tinignan ni Fane ang dalawa; malumanay siyang ngumiti, at dahan-dahan na naglakad papunta sa mag-ina. Nang makita ng dalawa si Fane na papalapit sa kanila, kaagad na kumabog ng malakas ang kanilang mga dibdib. “Ano—anong gagawin mo?” Ang hindi gaanong katandang babae ay nagngalit ang mga ngipin, ang kanyang katawan ay walang malay na lumapit sa kanyang anak na babae, sinusubukan na protektahan ito mula kay Fane. “Ikaw—hindi ka mula sa Woods family! Sino ka ba? Anong gusto mo mula sa amin?” Tanong ng dalaga ng may nanginginig na boses. “Kapag pinakawalan mo ang nanay ko, handa akong…” Dagdag niya. Tinigasan ng dalaga ang kanyang panga at nagmungkahi. Walang masabi si Fane. Sinabi na niya sa mag-inang ito na galing siya sa Woods family, bakit iniisip pa rin ng dalawang ito na isa siya sa mga masamang tao? “Huwag kayong mag-alala. Hindi ako isang masamang tao!” Mapait na tumawa si Fane, habang sinusubukan na magpaliwanag. “Bata, anong ginawa mo sa dalawang bini
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin