Nag-iinaat si Fane nang maamoy niya ang barbecue. Naglakad siya paglabas ng bahay. “Heh. Ikinakatakot naming baka nagsasanay ka o natutulog, kaya hindi ka namin inabala. Malapit nang maluto ang pagkain. Tatawagin ka na sana namin!”Masayang lumapit si Sally nang maaninag niya si Fane. Inabutan niya ito ng plato habang may isang malaking karne sa ibabaw nito. “Hindi ako magaling sa ibang bagay, pero sobrang galing ko sa barbecue. Ako mismo ang nagluto nito. Tikman mo!”“Sige. Tingnan ko kung gaano ka kagaling!”Kinagatan ni Fane ang karne. Kaagad na nagliwanag ang mga mata niya. “Ang sarap nito!”“Hah. Young Master Fane. May alak dito!”Sa sandaling ito, lumapit na rin si Lancelot habang may ngiti sa kanyang mukha. Ibinigay niya kay Fane ang malaking bote ng alak. “Salamat!”Nilanghap ni Fane ang amoy ng alak bago ito inumin.Malinaw na isa itong masayang gabi, lalo na para sa mga miyembro ng mga branch family. Lahat sila ay may ngiti sa kanilang mga labi.Sa susunod na umag
Matangkad at matikas ang kalbong lalaki. Itinaas niya ang isa sa mga kilay niya pagkatapos makinig kay Mr. Moustache. “Hehe, sinong gusto mo sa kanila? Kunin natin sila at ibaba natin sila ng bundok!” Nainis si Mr. Moustache sa sagot. “Patronum Larch, paano mo nagagawa ito? Ang ibig-sabihin ko ay pwede mong kunin ang mas bata!” Ngumiti nang nalulungkot ang kalbong lalaki, “Oh, kaya pala. Edi ang mas matanda ang gusto mo? Ang babaeng ito, kahit na isa siyang matandang babae, naalagaan niya nang maayos ang katawan niya! Parang nasa thirty years old lang siya; ang salitang ‘maalindog’ lang ang makakapaglarawan sa aura niya. Higit pa rito, siya ang asawa ng isang elder, talagang nasasabik ako!” Nagsalubong ang kilay ng matandang babae. Habang nagkakaskasan ang mga ngipin niya, “Sige! Sasama ako sa’yo, pero pakawalan mo ang anak ko!” “Mama, anong sinasabi mo? Lalayo tayo sa kanila!” Sa sandaling marinig niyang sinabi ito ng anak niya, nanlumo ang mukha niya at naging hindi magan
Whoosh! Gayunpaman, sa sandaling ito, isang nakakatakot na hangin na espada ang tumama sa likod ni Mr. Moustache. Nahiwa siya sa dalawa ng hangin at bumagsak sa sahig ang kanyang katawan. “Ano? Sinong gumawa niyan?” Nagulat ang kalbong lalaki at ang iba sa biglang atake, at natatarantang naglalakbay ang tingin nila para hanapin ang umatake. Ito ay si Fane. Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno sa di kalayuan at dahan-dahang naglakad palapit nang may hawak na isang eleganteng itim na espada. “Tama ka! Talagang madaling makasalubong ng isang Woods dito!” Ngumiit nang bahagya is Fane. Pinakinggan niya ang buong usapan kanina at naisip na ang mga taong ito ay hindi mula sa Woods family. Hindi alam ni Fane kung saan galing ang mga taong ito, ngunit ang kapal ng mukha nilang apihin ang dalawang mula sa Woods family branch. “Mula ka sa Woods family?” Nagsalubong ang kilay ng kalbong lalaki habang seryosong-seryoso ang mga mata niya. Ang isa pang tauhan ay bumulong, “Patronum
Tinignan ni Fane ang dalawa; malumanay siyang ngumiti, at dahan-dahan na naglakad papunta sa mag-ina. Nang makita ng dalawa si Fane na papalapit sa kanila, kaagad na kumabog ng malakas ang kanilang mga dibdib. “Ano—anong gagawin mo?” Ang hindi gaanong katandang babae ay nagngalit ang mga ngipin, ang kanyang katawan ay walang malay na lumapit sa kanyang anak na babae, sinusubukan na protektahan ito mula kay Fane. “Ikaw—hindi ka mula sa Woods family! Sino ka ba? Anong gusto mo mula sa amin?” Tanong ng dalaga ng may nanginginig na boses. “Kapag pinakawalan mo ang nanay ko, handa akong…” Dagdag niya. Tinigasan ng dalaga ang kanyang panga at nagmungkahi. Walang masabi si Fane. Sinabi na niya sa mag-inang ito na galing siya sa Woods family, bakit iniisip pa rin ng dalawang ito na isa siya sa mga masamang tao? “Huwag kayong mag-alala. Hindi ako isang masamang tao!” Mapait na tumawa si Fane, habang sinusubukan na magpaliwanag. “Bata, anong ginawa mo sa dalawang bini
Doon lang nagkaroon ng reaksyon ang mga tao sa paligid. Bakas ang pagkalito, gulat, at pagkabigla sa kanilang mga mukha. Mukhang ang lalakeng ito talaga ay isang tunay na Woods. “Ah, siya ang tagapagmana ng ating family head?” Kinapos ng hininga si Moon ng sinabi niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga siya. Pagkalipas ng ilang segundo, nang mapagtanto niya ito, lumuhod siya sa harapan ni Fane at sinabi, “Maraming salamat sa pagligtas sa buhay namin, Young Master Fane! Kung hindi dahil sayo, ako at ang aking ina ay marahil…” “Opo! Maraming salamat sa inyo, Young Master Fane!”Ang hindi gaanong katandang babae ay kaagad na lumuhod sa lupa. Puno ng luha ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang boses. “Hindi pa namin nakikita ang Young Master mula sa main Woods family, kaya akala namin ay hindi ka galing sa Woods family. Pakiusap, patawarin niyo po kami kung hindi po namin kayo nakilala!”“Pakiusap tumayo kayo. Paano ko naman kayo masisisi kung alam ko naman n
Hindi nagtagal, naging mas maayos na ang ekspresyon ni Moon.Ang binigay na healing pills ni Fane ay may malakas ay mabilis na epekto kay Moon. Tinikom ni Moon ang kanyang mga labi at ngumiti. “Ang mga tulisan na iyon ay alam na mga miyembro kami ng Woods family, kaya sa lahat ng ito, hindi sila nangahas na gumawa ng ganitong bagay, kahit paano ay hindi naman nila pinapatay ang aming mga tao. Pero ngayon, kung titignan ang sitwasyon, mukhang gusto ni Patronum Lanich na patayin kami ng aking ina.!” Tumango si Fane at sinabi, “Tama ka. Dahil sa habol nila ang ganda mo, pagkatapos ka nilang gahasain, tiyak na papatayin ka nila at sisirain ang katawan niyo. Pagdating ng oras na iyon, ang aming mga tauhan ay wala nang ideya kung buhay pa ba kayo o kung malaman man namin, hindi namin malalaman kung paano kayo namatay, at malamang ay hindi nila aaminin ang kanilang mga kasalanan!” Kinuyom ni Fane ang kanyang kamao ng maisip niya ang tiyak na kalalabasan ng eksenang iyon. “Mukhang oras
“Sige! Tara na!” Kinaway ni Fane ang kanyang kamay, at saka umalis ang mga tao ng maayos. Hindi nagtagal, nakarating sila sa paanan ng isang malaking bundok sa kabilang panig ng kanilang nayon. “Young Master Fane, ang mga tulisan na ay minsan naghahanap ng mga martial resources, pero kadalasan ninanakawan nila kami. Minsan, inaabangan pa nila kami sa may bukana ng kagubatan na kung saan kami naghahanap ng mga materyales; ilang tao mula sa ibang pamilya na hindi alam ang tungkol sa kanila ay pinagnanakawan din nila. Pero, sa pangkaraniwang sitwasyon, pinagnanakawan lang nila kami pero hindi sila nangahas na mang-agrabyado ng mga tao na mula sa ibang pamilya. Kaya, karamihan sa kanila ay pinipili na lang na tiisin ang kanilang mga pang-aabuso!” Habang nasa daan na sila sa tuktok ng malaking bundok, pinag-isipan mabuti ni Mason ang ilang mga isyu, at saka niya idinagdag, “Kaya sa tingin ko ay ang mga tulisan na ito ay maraming nakaimbak na mga kayamanan. Kapag napatay natin
Sa loob ng isang bahay, isang matandang lalake ang naglalaway sa isang dalaga na nakatali sa may kama at sugatan. NAninikip ang kanyang lalamunan, at kasabay nun, ay mabilis na gumalaw upang lunukin ang kanyang laway. “Ikaw ay isang napakagandang babae, hindi ba?” Ang matandang lalake ay pinagkiskis ang kanyang mga kamayhabang papalapit ito sa kamay ng may masamang ngiti sa mukha nito. “O munting marikit, ako ang Pinuno ng Windfall Pavilion! Kapag naging babae kita, sundin ang mga utos ko at paglingkuran ako ng maayos, ikaw ang magiging asawa ng Pinuno ng Windfall Pavilion!” Tinitigan ng dalawa ang kabilang partido nga may poot at sama ng loob. “Anong pinuno at anong pavilion? Kayo ay isang grupo lamang ng mga tulisan na magnanakaw!” Singhal niya habang bakas ang panghihina sa kanyang boses. “Matapang ka lang ngayon! Dati ay gamit lang ang ninanankaw niyo, pero ngayon, nagkaroon talaga kayo ng lakas ng loob na dumukot ng tao! Ang mga taong katulad niyo na binibigyan ng pangal
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin