Share

Kabanata 1086

Author: Moneto
Ngumiti nang malungkot si Joan. “Bakit naman kita kamumuhian?” Sinabi niya. “Kinamuhian kita noong una—kinamuhian ko ang pagiging mahina mo at kung paanong hindi mo kami naalagaan!”

Dito, bumuntong-hininga siya at tumayo. “Pero hindi na kita kinamumuhian. Alam kong mahal mo talaga ako at nararamdaman kong bukal sa loob mo,” Nagpatuloy siya. “Nauunawaan ko rin na wala kang magawa. Kahit anong mangyari ikaw ang nasa posisyong ito. At ang tatay at ang pamilya mo ay hindi kami tatanggapin noon. Atsaka, bilang master ng pamilya, kailangan mo laging isaalang-alang ang Woods family!”

“Salamat Joan. Salamat sa pagiging maunawain at mapagpatawad!”

Namula ang mata ni Nash. “O siguro ito ang parusa ng Diyos, na ako, ang master ng Woods family, ay mamatay sa isang kama sa halip ng sa digmaan,” Dagdag niya. “Nakaisip na ako ng maraming paraan kung paano ako mamamatay, pero hindi ko inakalang malalason ako!”

Tumalikod si Joan at tumingin kay Nash habang nakangiti. “Wag kang masyadong negatibo
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1087

    Ngumiti si Nash. “Noon pa man pinagbabayad na namin sila ng 50 percent. Pero tinaasan namin ito ng 10 percent nitong nakaraang mga taon para sa pagpapayaman ng main family, kya nagbibigay sila ng 60 percent. Pero wala nang ibang paraan. Kailangang magsakripisyo ng mga nasa branch family para mas lumakas kami.” Napuno ng tuwa ang mukha ni Nash. “Magagaling ang mga miyembro ng branch family. Sinabi ito mismo ng Third Elder—nauunawaan talaga nila kami at nakikisama sila sa amin nang lubos. Binibigay pa nila sa amin ang pinakamaganda nilang spirited grass. Pinag-iisipan kong ibalik sa 50 percent ang buwis kapag mas maayos na ang main family.”Tulad ito ng inaakala ni Fane. Noon pa nagsisinungaling ang Third Elder at si Lily sa lahat sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kasangkapan para sa pagpapalakas ng martial status nila. “Hindi mo pala tinaasan ang pagbubuwis pagkatapos itong itaas sa 60 percent? Kahit isang beses?”Nagtanong ulit si Fane para makasiguro. “Hindi!” Di nagdalawang-

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1088

    Nang marinig niya ito, naantig ang damdamin ni Fane. “Wag kang mag-alala. Tutulungan kitang magamot ang karamdaman mo,” Sinabi niya habang nakangiti. “Ngayon may hinala na akong si Lily ang naglagay ng lason. Nagpadala na siya ng mga assassin para sa akin sa Middle Province. Sinong makakapagsabing hindi niya gagawin ang ganitong bagay!”“Ah. Nagpadala siya ng mga assassin para patayin ka, at ang Ninth Patronum—na may magandang ugnayan sa Third Elder at sa iba—ay naghihintay para patayin ka sa entrance. Higit pa rito, nakipagtulungan siya sa Third Elder para kumuha ng ilang martial art resources para sa sarili nila sa pamamagitan ng pagpapalaki ng buwis. Nilinaw na nila sa atin ang sabwatan nila!”Bumuntong-hininga si Fane. “Tanga ako kung hindi pa rin ako maniniwala pagkatapos ng lahat ng ito!” Naiinis niyang sinabi. “Ano nang gagawin natin, Pa? Tingin ko magiging mahirap ito. Kahit anong mangyari, ang Third Elder ay isang malakas na chi practitioner. Ang tanging makakatapat sa kan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1089

    Kumunot ang noo ni Nash habang malalim ang nasa isip. Ilang minuto muna ang dumaan bago siya makasagot, “Magandang ideya yan Fane, pero masyadong delikado. Kapag inabot natin ang responsibilidad sa ibang mga elder, para bang alam na natin kung paano nakuha ni Lily at ng iba nang palihim ang 70 hanggang 80 percent ng martial resource mula sa mga branch family. Kapag alam ito ng ibang mga elder, hindi tayo makakapagpanggap na wala tayong alam dito. Dito, huminto si Nash bago magpatuloy, “Kapag nalaman ng mga elder mula sa main family ang tungkol dito, magkakaroon ng kaguluhan. Magkakaroon pa rin ng giyera!”“Ah!”Bumuntong-hininga si Fane. Pinag-isipan niya ito bago sabihin, “Edi bakit di ko palihim sa sabihin ang opinyon ko sa mga branch family? Sasabihan ko sila na magtiis muna sa loob ng isa o dalawang buwan. Ibabalik natin ang buwis sa 50 percent kapag magaling ka na. Pero mayroon akong ideya para magbigay ng ilang benepisyo sa mga branch family!” “Oh? Pakinggan natin!” Nat

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1090

    ”Magpahinga ka nang maaga Pa. Babalik na muna ako!”Tumango si Fane at umalis. “Si-sige. Ang laki na talaga ng anak ko. At napaka-mature pa—mas mature pa siya kay Lance!”Pag-alis ni Fane, humiga si Nash sa kama habang puno ng pasasalamat sa kanyang mukha. Kinabukasan, ang mga miyembro ng branch family na nanuluyan ay nagsimulang bumalik. Mukhang normal lang ang lahat. Ngunit walang nag-akalang si Hudson, na nakikipag-usap sa dalawang anak na babae ng Woods family sa isang pabilyon ay makikita si Lancelot na tumutungo sa lugar ni Fane. “Nakakapagtaka. Bakit siya pupunta sa lugar ni Fane? Nakaalis na ang lahat ng ibang mga kasapi ng branch family. Bakit hindi pa siya umaalis? Bakit sa halip ay makikipagkita siya kay Fane?”Kumunot ang noo ni Hudson nang titigan niya ang likod ni lancelo, at napuno ng pagdududa ang kanyang mukha. Napahiya siya nang sobra kahapon. Gusto niyang patayin si Fane, pero hindi man lang niya ito nagalaw bago siya maalis. Inakala niya pa na si Fa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1091

    Sinalubong niya si Fane nang nakasaludo nang maglakad siya paharap. “Maupo ka!”Ngumiti si Fane at hinintay na makaupo si Lancelot. “Nakausap ko na ang tatay ko tungkol sa problema mo,” Dahan-dahan niyang sinabi. “Nagsagawa kami ng meeting para mapag-usapan ang tungkol sa pagpapataas ng buwis para sa martial resource.”Huminto dito si Fane bago magpatuloy, “Pero isang beses lamang namin itong itinaas, itinaas namin ito mula sa 50% hanggang 60%. At hindi na namin ito itinaas pa pagkatapos nito. Kaya malinaw na nagsabwatan ang Third Elder at ang Mistress para makuha ang mga martial resource na ibinigay niyo!”“Hindi ko inakalang kukunin nila ito para sa sarili nila!”Kahit matagal na siyang may hinalang ganito ang nangyari, nagulat pa rin si Lancelot matapos itong kumpirmahin ni Fane. Kasabay nito, namuo ang galit sa loob niya. “Ano palang gusto ng Master na gawin namin?”Sa huli, tumingin si Lancelot nang maigi kay Fane. Alam niyang kahit nakumpirma na ang korapsyong ito, hindi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1092

    ”Heh. Bumangon ka muna. Masyado kang magalang!”Minadaling itayo ni Fane ang lalaki. “SIge. Makakaalis ka na. Siguro hinihintay na ng iba ang balita,” Sinabi niya. “At ang tagal mo nang nandito. Di maganda kapag may ibang nakakita sa atin!”“Sige. Sasabihin ko sa lahat ang tungkol sa magandang balita!”Masayang sinabi ni Lancelot. “Wag mong sabihin sa kanilang ilihim ito. Wag kang mag-alala. Maaaring hindi pa namin maasikaso si Lily at Third Elder sa ngayon, pero sigurado akong maaasikaso ng tatay ko ang bagay na ito sa gitna ng meeting!”Pinaalalahanan niya ito pagkatapos mag-isip saglit. Kaagad na umalis si Lancelot habang hindi mapakali sa tuwa. Sa ibaba ng bundok na hindi malayo sa tahanan ng Woods family, ang mga head at elder ng mga branch family na nagpanggap na umalis ay talagang nagtitipon. “Ah. Ano kayang mabuting balita ang ibabahagi sa atin ni Lancelot!”Si Chad Woods, na puno ng puting buhok, ay hindi mapigilang mapabuntong-hininga pagkatapos maghintay nang ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1093

    Nanlumo ang ngiti ng matandang lalaki kanina, at nagtanong nang malungkot. Lumingon si Lancelot sa madla at sinabi, “Malinaw nang sinabi ni Master Woods na aasikasuhin niya ang bagay na ito, pero hindi pa sa ngayon. Pakiusap bigyan niyo pa siya ng dalawa hanggang tatlong buwan!” “Dalawa hanggang tatlong buwan pa? Gaano katagal namin ito kailangang tiisin? Kung hindi niya ito maaasikaso ngayon, paano niya ito magagawa pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong buwan? At tingin ko malamig at matigas na ang katawan niya pagkalipas ng dalawang buwan—patay na siya pagdating ng araw na yun! Sa sandaling iyon, makakapagpahinga na siya at hindi na niya kailangang mag-abala sa kahit anong bagay!” Puno ng galit ang matandang lalaki. Sarkastiko siyang sumigaw. “Ang tagal na natin itong tiniis, gaano katagal pa ba natin titiisin ang kaga*uhang ito! Kita mo ang sinasabi ko? Kahit na malaman ni Master Woods ang tungkol sa bagay na ito, wala pa rin siyang magagawa! Talagang hindi maaasahan!” “Mas

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1094

    Nitong tanghali, nagtawag si Nash para sa isang pagpupulong. Ang dalawang planing nasabi kanina ay nabanggit sa pagpupulong at halos lahat ng dumalo ay sumang-ayon dito. Si Lily, ang Third Elder, at dalawang elder ay kontra sa mga ideyang ito, ngunit halos lahat ng mga miyembro ay sumang-ayon sa mga planong ito. Halos lahat sa kanila ay nagsabi na ang mga branch family na ito ay malaki ang ambag nitong mga nagdaang taon, kaya pumayag sila sa mga bagong polisiya. Sila Lily ay walang magawa kahit na ayaw nila ang mga ideyang ito. Pagkatapos maipatupad ang mga bagong polisiya, ang pag-aasikaso dito ay napunta kay Fane. Si Beth at Yule ay tutulong kay Fane sa bagay na ito. Umalis si Lily at ang Third Elder ng meeting room habang sumisinghal. Nakasalubong nila si Hudson na naglalakad patungo sa kanila pabalik sa tahanan nila. Malalim ang usapan nila hanggang sa lumitaw si Hudson. “Magandang araw, First Madam! Magandang araw, Third Elder!” Binati ni Hudson si Lily at ang

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status