Nanlumo ang ngiti ng matandang lalaki kanina, at nagtanong nang malungkot. Lumingon si Lancelot sa madla at sinabi, “Malinaw nang sinabi ni Master Woods na aasikasuhin niya ang bagay na ito, pero hindi pa sa ngayon. Pakiusap bigyan niyo pa siya ng dalawa hanggang tatlong buwan!” “Dalawa hanggang tatlong buwan pa? Gaano katagal namin ito kailangang tiisin? Kung hindi niya ito maaasikaso ngayon, paano niya ito magagawa pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong buwan? At tingin ko malamig at matigas na ang katawan niya pagkalipas ng dalawang buwan—patay na siya pagdating ng araw na yun! Sa sandaling iyon, makakapagpahinga na siya at hindi na niya kailangang mag-abala sa kahit anong bagay!” Puno ng galit ang matandang lalaki. Sarkastiko siyang sumigaw. “Ang tagal na natin itong tiniis, gaano katagal pa ba natin titiisin ang kaga*uhang ito! Kita mo ang sinasabi ko? Kahit na malaman ni Master Woods ang tungkol sa bagay na ito, wala pa rin siyang magagawa! Talagang hindi maaasahan!” “Mas
Nitong tanghali, nagtawag si Nash para sa isang pagpupulong. Ang dalawang planing nasabi kanina ay nabanggit sa pagpupulong at halos lahat ng dumalo ay sumang-ayon dito. Si Lily, ang Third Elder, at dalawang elder ay kontra sa mga ideyang ito, ngunit halos lahat ng mga miyembro ay sumang-ayon sa mga planong ito. Halos lahat sa kanila ay nagsabi na ang mga branch family na ito ay malaki ang ambag nitong mga nagdaang taon, kaya pumayag sila sa mga bagong polisiya. Sila Lily ay walang magawa kahit na ayaw nila ang mga ideyang ito. Pagkatapos maipatupad ang mga bagong polisiya, ang pag-aasikaso dito ay napunta kay Fane. Si Beth at Yule ay tutulong kay Fane sa bagay na ito. Umalis si Lily at ang Third Elder ng meeting room habang sumisinghal. Nakasalubong nila si Hudson na naglalakad patungo sa kanila pabalik sa tahanan nila. Malalim ang usapan nila hanggang sa lumitaw si Hudson. “Magandang araw, First Madam! Magandang araw, Third Elder!” Binati ni Hudson si Lily at ang
Naisip ni Lily and Wade na kapag narinig ni Hudson kung anong ginawa ng lolo niya sa main family ng Woods, manggigigil siya sa galit. Ang hindi nila inasahan, kumislap ang mga mata ni Hudson sa mga bagong ideyang ito at ngumiti nang masaya, “Ang ganda niyan diba? Sa totoo, ang pagpunta sa gubat at pagkuha ng mga kasangkapang iyon ay parang paghahanap ng kayamanan, nakakasabik! Masaya ako sa ideyang iyon. Lalo na kapag kailangan mong manatili sa bahay araw-araw at magsanay nang magsanay, masyado itong paulit-ulit at nakakabagot! Kaya mas gusto kong pumunta sa gubat at libutin ang mundo. Ako, si Hudson Woods, ay hindi natatakot mamatay, kung gusto kong lumakas, dapat kong tanggapin ang mga hamong ito…” Kaagad na nanlumo ang mukha ni Lily at Wade nang marinig nila ang sinabi ni Hudson. Wala silang masabi. “Ayos! First Madam, Third Elder, mauna na ako! Ang papasukin dito ang mga miyembro ng branch family para magsanay ay isang bagay na ayaw ko pero ang pagpapadala sa amin sa gubat
Huminahon si Lily at pinag-isipan niya ang tungkol dito. "Imposibleng malaman ni Nash ang tungkol dito. Kung may alam siya, sana may sinabi na siya sa meeting kanina, at baka hinampas niya pa ang mesa o baka kung ano pa ang nagawa niya. Mukha siyang masaya kanina at nakangiti siya sa buong meeting, kaya pusta ko hindi niya pa alam ang tungkol dito!" Umiling si Lily at nagmungkahi. Nakahinga ng maluwag si Wade noong marinig niya ang sinabi ni Lily. "Tama ka. Kung alam ni Nash ang tungkol dito, matagal na sana siyang sumabog sa galit. Isa pa, si Lancelot, bilang pinuno ng branch family, ay isang taong mahina ang loob. Sa tuwing pupuntahan ko siya para kunin ang resources sa kanya, lagi niya akong binabati ng may ngiti sa kanyang mukha at naghahanda pa siya ng masasarap na pagkain at wine para sakin. Hindi mangangahas na magsalita ang isang taong gaya niya maliban na lang kung gusto na niyang mamatay!" "Hmmm… Kung titingnan mo ang sitwasyon, sa tingin ko gusto lang ni Lancelot na mag
Subalit, paglipas ng oras, nagsimulang makaramdam ng pananakit si Selena sa kanyang buong katawan, na para bang libo-libong langgam ang gumagapang sa kanyang katawan at kinakagat ang kanyang sensitibong balat. Patindi ng patindi ang sakit, hindi na ito simpleng pagkirot lamang, lubhang napakasakit na nito. Sa loob ng maikling panahon, nagbutil-butil ang pawis sa noo ni Selena, na tumutulo sa kanyang magandang mukha. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at nagngitngit ang kanyang mga ngipin habang tinitiis niya ang sakit. "Eh? Bakit may maitim na grasang lumalabas sa katawan ko? At napakabaho ng amoy nito, ayos lang ba 'to?" Di nagtagal, napansin ni Selena na may lumalabas na maitim na grasa mula sa kanyang katawan. Nakakadiri ito at mabaho. "Huwag kang mag-alala. Normal lang yan. Yan ang dumi at mga toxin sa loob ng katawan mo. Pinalabas yan ng spirited grass at kapag nailabas na ang lahat ng yan mula sa katawan mo, gagaan ang pakiramdam mo. At hindi ka na madaling dadapuan n
“Ah!” Paglipas ng oras, lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ni Selena. Hindi na niya napigilang mapasigaw sa sakit. Sa isang tabi, hindi alam ni Fane kung matatawa ba siya o maiiyak sa pagsigaw ng kanyang asawa. "Mahal, gusto mo bang samahan kita diyan?" Ang nakangiting sinabi ni Fane. Agad na namula ang mukha ni Selena. Tumingin siya ng masama kay Fane at nagsalita. "Walang hiya ka! Paano ka pa nakakapagbiro sa mga oras na 'to? Puno ng maitim at malansang dumi ang tubig, talaga bang lulusong ka dito?" "Hey! Basta papayag ang mahal kong asawa, ano namang dapat kong ikahiya? Syempre, lulusong ako diyan!" Tumawa si Fane at natawa at naiyak si Selena dahil dito. "Malapit nang matapos. Konting tiis na lang. Magsisimula nang humupa ang sakit na nararamdaman mo sa oras na makalabas ang lahat ng dumi sa katawan mo. Malalampasan mo 'to!" Tumingin sa oras si Fane at nagpaliwanag siya kay Selena. "Mahal, maganda ang ginagawa mo! Kaya mo yan! Malalampasan mo yan!" Ang sab
"Ang laki niyan! Ayaw ko nga. Hindi ko kayang basagin yan. Tinitingnan ko pa lang yan natatakot na ako!" Tiningnan ni Selena ang batong nasa kamay niya at natataranta siyang nagsalita. Pakiramdam niya ay hindi na nga niya kayang basagin ang bato na kasing laki ng isang kamao, paano pa kaya ang isang bato na kasing laki ng basketball? "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."Subalit inirapan siya ni Ben. "Akala ko rin hindi ko 'to kayang basagin. Pero nagawa ko," ang sabi niya. "Subukan mo muna, Ate. Hindi mo ba napapansin na hindi kasing bigat ng iniisip mo yang bato na yan habang hawak mo? Dahil yun sa hindi na pang ordinaryong tao ang lakas mo. May katawan ka na ng isang martial artist ngayon!" Huminto sandali si Ben bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Ate, alam mo ba na ang taong tunay na malakas ay ang taong hindi natatakot sa isang tigre, at iniisip na langgam lang ang tigre para sa kanya!" Hindi napigilan ni Elaine na magsalita nang marinig niya ang sinabi ni Ben.
"Selena, nakikita mo ba yung batong yun? Yung nasa lupa, na mas malaki kaysa sa isang basketball. Suntukin mo yun, kung hindi ka pa rin makapaniwala. Kapag nabasag yun, ibig sabihin taglay mo talaga ang lakas ng isang third-grade martial artist!" Tumingin sa paligid si Fane bago niya tinuro ang isang bato. Kinausap niya si Selena. "Talaga? Susubukan ko!" Pinakinggan ni Selena ang mga sinabi ni Fane at ngumisi siya. Lumapit siya sa bato at sinuntok niya ito. Bang!Umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa hangin, at nabiyak ang malaking bato at nadurog ito. "Ang galing. Ate, nakakainggit ang lakas mo!" Biglang naglaho ang sayang nararamdaman ni Ben nang makita niya ang ginawa ni Selena; pakiramdam niya ay natapakan ng husto ang pagkalalaki. Gusto sana niyang magpakitang-gilas kanina, ngunit nawalan na siya ng pagkakataong gawin ito. "Wala akong magagawa. Ate mo ako e!"May malaking ngiti sa mukha ni Selena. Pagkatapos, may naisip siya at nagsalita siya, "Siguradong mat
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin