Naglakad si Fane para suriin ang anyo ni Fernando, napansin niya na humina nga ang hinga ng buhay niya. Kung hindi nila siya ilalagay sa yelo, magiging imposible na mailigtas siya sa susunod na araw.Maswerte sila na nagmadali ang matandang lalaking iyon na mula sa misteryosong grupo na patayin siya at ang iba kaya hindi siya naghintay na tuluyang maging puppet si Fernando. Ginamit niya si Fernando sa mga laban niya noong may bahagya pang katalinuhan at buhay si Fernando. Kung naghintay pa ang kabilang partido ng ilang araw para tuluyang mawala ang buhay ni Fernando bago siya gamitin sa mga laban, namatay na si Fernando. Namula ang mga mata ni Fane nang maisip niya si Fernando—isang lalaki na mayroong malaking karangalan noon sa giyera—na mauwi sa ganitong kaawa-awang sitwasyon. Huminga nang malalim si Fane, kinuha ang Cryo Pearl, marahang binuka ang bibig ni Fernando, at nilagay ang perlas sa bibig niya. Nang matapos siya, tinapik ni Fane gamit ng isa sa mga daliri niya ang p
Nagpaliwanag si Fane sa tanong ni Ben, "Nang pinasok ko ang Chi, naglagay ako ng isang hibla ng mental strength ko sa loob nito. Hindi niyo pa magagamit ang mental strength sa ngayon. Ang mental strength na ito ay isang hindi nakikita at misteryosong kapangyarihan. Hindi niyo ito makikita, mararamdaman at magagamit niyo lang ito kapag nakarating na kayo sa true god level. "Kung gusto kong tanggalin ang yelo na to, kailangan ko lang kumonekta sa Cryo Pearl gamit ng isipan ko. Mawawala ang yelo pagkatapos ko itong kausapin." "Sige, umalis na tayo. Sobrang lamig na ng lugar na to ngayon!" "Ayos lang kami, pero ikaw at si Selena ay hindi pa mga martial artist, kaya mas mababa ang kalidad ng katawan ninyo kumpara sa amin," sabi ni Fane. "Baka magkasakit kayo kapag nanatili kayo rito nang matagal." Hindi nagtagal ay naglakad ang grupo palabas ng kweba. Inisip ito ni Ethan bago nagtanong kay Fane, "Pero Master, mapipigilan lang nating mamatay si Fernando ngayon; mahihirapan tayo kun
Samantala, nanggagalaiti si Lily sa kanyang kwarto, pakiramdam niya ay parang may nakabara sa puso niya. "Galit na galit ako! Malakas pala talaga sa pakikipaglaban ang bastardong yon, at may alam pa siyang second-grade intermediate skill. Oh, kumukulo ang dugo ko!" Naisip ni Lily na utusan sina Hudson at ang iba pa na patayin si Fane sa martial arts competition; pwede nilang sabihin na dumulas ang kamay nila at hindi nila nakontrol ang kapangyarihan nila. Kahit na hindi nila mapatay si Fane, pwede nilang pigilan siya na maging kampeon at makuha ang titulo ng tigapagmana ng family master. Nagulat ang lahat nang magawang talunin ng binata ang lahat sa paligsahan at makuha ang posisyon na kinilala ng family master. Nakuha pa niya ang kayamanan ng Woods family, ang Cryo Pearl. "Sinong makakaalam kung saan nakuha ng mokong na yun ang ganitong martial skill!" Umupo ang Third Elder sa tabi ng mesa sa loob ng kwarto at uminom ng puting alak. Pagkatapos ay suminghal siya, "Hula ko ay na
Tumango si Elaine sa paalala ni Fane at sumagot, "Tama. Hindi kayo dapat kumain nang marami nito!" "Hay naku… Ang bango ng karneng to pero hindi kami pwedeng kumain nang masyadong marami," reklamo ni Ben habang nilunok niya ang kanyang laway. "Lumapit na kayo at maupo. Hindi na kailangan ng mga pormalidad!" Ngumiti si Fane at nagsabi sa mga master ng branch families. "Lahat tayo ay mga miyembro ng Woods family, at ayon rito, isa tayong malaking pamilya. Kailangan magsaya ang lahat kapag uminom tayo mamaya, ha?" "Oo, oo! Tama si Young Master!" Umupo ang lahat nang nakangiti at nagsimulang uminom. Pagkatapos ng ilang sandali, lumingon si Fane kay Lancelot at nagsabing, "Oo nga pala, Lancelot, ayos lang ba ang lahat sa mga branch family? Ipaalam mo sa'kin kung mayroong kailangang gawin. Hindi ako masyadong pamilyar sa sitwasyon ng mga branch family." Binuka ni Lancelot ang bibig niya at nag-alinlangang magsalita at kusa siyang napatingin sa iba pang mga branch family master. P
"Hindi namin alam kung alam to ng master at hindi kami nagtangkang magtanong. Natatakot kami na magalit ang iba kapag masyado kaming nagtanong." Ang matandang lalaki ay isa sa mga branch family master. Nagsalita siya nang nakakunot ang noo at nakikita ang kawalan ng pag-asa sa mukha niya. Malinaw na natatakot sila sa mga miyembro ng main family habang gusto nilang makakauha ng mas maraming martial enhancement resources para sa branch families. "Sino ang may hawak nito?" tanong ni Fane. "Si First Elder ang may hawak sa paglikom ng limampung porsyento, pero pagkatapos ay kailangan niyang mag-asikaso ng ibang bagay, kaya si Third Elder ang pumalit sa kanya." Ngumiti si Lancelot. "Hindi nagtagal pagkatapos niyang hawakan ang pag-aayos sa martial enhancement resources, sinabihan niya kami na nagpasya ang nakatataas na pataasin ito ng animnapung porsyento pagkatapos ng isang diskusyon. "Sabi niya, lumakas raw ang main family at marami sa kanilang kabataan ang umangat. Sinabihan kami
Ngayong araw, bukas na nagsalita ang Third Elder para kay Lily, kasabay ng mga usap-usapan kung gaano sila kalapit nitong mga nakaraan. Dahil dito, sigurado na siya na magkasabwat sina Lily at Third Elder at sila ang lumason sa ama niya. Mukhang hindi lang pala iyon ang ginawa nila. Nagsabwatan siguro sila na kumuha ng maraming martial enhancement resources. Ilang mga branch family master ang medyo nailang nang napansin nila kung gaano katahimik si Fane nang may napakaseryosong ekspresyon. Kaagad na binago ng isa sa mga branch elder ang usapan at nagsabi, "Young Master Fane, wag mo kaming masamain. Sinasabi namin to nang walang hinanakit, para lang mailabas namin ang saloobin namin. Pakiramdam namin ay nagkukulang lang ang mga branch family sa materyales, yun lang yun!" Isa pang branch family master ang nagsalita, "Tara, uminom tayo, Young Master Fane. Hindi namin pinagdudahan ang Third Elder at ang First Madam, lalo na ang First Madam. Siya ang asawa ng family master kaya sigu
"Kung ganun, Young Master Fane, pinapasalamatan ka namin sa kagustuhan mong kumilos. Ang totoo, kailangan lang naming magreklamo at ipahayag ang mga sarili namin. Hindi na namin kailangan ng iba pa!" paliwanag ng matandang lalaki nang maingat. "Ang pinakadahilan ay dahil wala nang ibang paraan. Ang totoo, mayroon kaming mga henyo sa branch family, mga talentado sila, pero kulang kami sa materyales. Masasabi namin na kulang talaga ang mga materyales namin na nagpabagsak sa pagtaas ng kanilang martial level. Kaya ayun, ang tanging nagawa na lang namin ay tumingin nang may pag-aalala." Tumango rin si Lancelot. "Ganito rin sa pamilya namin. Hindi kumbinsido at palaging nagrereklamo ang mga henyong iyon. Lalo na't makakahanap sila ng mas magandang kayamanan at spirit grass kung tataas ang martial level nila. Wala kaming magawa para tulungan sila, pinapagaan lang namin ang loob nila kapag pinanghihinaan sila ng loob." Tumango rin ang matandang lalaki na may puting buhok. "Totoo yun. Nang
Nakarating ang mga master ng branch family sa isang liblib na pavillion at umupo roon pagkatapos umalis sa tinitirahan ni Fane Nagsalita ang isa sa kanila, "Kayong lahat, sa tingin niyo ba maaasahan natin si Young Master Fane? Nag-aalala ako, lalo na't kababalik lang niya sa Woods family. Sa tingin ko maraming tao ang hindi pa siya kayang tanggapin, at baka labanan siya ni Lily. Higit pa roon, hindi pa siya nananatili nang matagal. Sa tingin mo matutulungan niya talaga tayo?" Nakangiting sumagot ang isa pang matandang lalaki, "Hindi mahalaga sa'kin kung matutulungan niya tayo o hindi. Mahirap na para sa kanya na sabihin ang sinabi niya ngayong araw, pero inimbitahan pa niya tayo sa isang hapunan. Matagal ko nang kinikimkim ang opinyon ko. Naging mas komportable ako pagkatapos ko tong mailabas." "Haha… Tama ka! Mas gumaan rin ang pakiramdam ko!" Tumawa si Lancelot. Pagkatapos ay sabi niya, "Paano kung ganito: dahan-dahan tayong umalis sa lugar ng main family bukas ng umaga. Pwede
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin