Andrea licked her lips and sighed deeply before she answers his question. Her heart is still beating faster. She's nervous, but she should talk to him no matter what happens. Kailangan nito malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Salubong ang mga kilay ni Martin na nakatingin sa kanya."Ano'ng ginagawa mo dito, huh? Ano'ng kailangan mo?! Sagutin mo ang mga itinatanong ko sa 'yo, Andrea! Wala ka bang naririnig?! Hindi ka naman siguro bingi, 'di ba?" singhal ni Martin sa harap niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ni Martin ngayon na nasa harapan niya si Andrea. Nagagalit. Naiinis. Natutuwa. Natutuwa siya na makitang muli si Andrea kahit nagagalit siya dito dahil sa ginawa nito sa kanya. Naramdaman niya na para bang unti-unti na naman na nabubuhay ang pagkalalaki niya ngayon na nasa harap niya ang babaeng dahilan kung bakit ito nagkakaganoon. "May kailangan akong sabihin sa 'yo, Martin," dahan-dahan na sagot ni Andrea kay Martin. Napalunok siya ng kanyang laway matapos niyang ma
"Nagbunga ang ginawa natin ng maraming beses, Martin. Buntis ako at 'yon ang gusto ko na sabihin sa 'yo. Gusto ko na malaman mo 'yon dahil hindi naman ako mabubuntis kung wala ka, Martin. Maniwala ka man o hindi sa akin ay buntis ako. Ikaw lang naman ang nakaka-sex ko, 'di ba? Wala namang iba. Imposible na hindi ikaw ang ama nitong pinagbubuntis ko," paliwanag ni Andrea kay Martin. Ramdam ni Martin ang sinseridad sa pananalita ni Andrea tungkol sa pinagtapat nito sa kanya na buntis nga ito at siya lang naman ang ama. Nagbunga ang ginawa nilang dalawa. Wala siyang naisagot matapos kumpirmahin ni Andrea na totoo ang sinasabi niya na buntis nga siya. Na-realize niya na ngayon na buntis si Andrea ay magkakaroon na rin siya ng anak. Iyon ang kauna-unahang baby na magkakaroon siya kahit sabihin na hindi siya magkaka-interes sa batang 'yon pagkasilang nito. May apo na rin ang mga magulang niya. Wala siyang naramdaman na inis o galit nang malaman niya mula kay Andrea na buntis nga ito at magk
Hindi makatulog si Martin kinagabihan. Ang tanging laman ng isip niya ay si Andrea at wala nang iba pa. Hindi pa rin siya makapaniwala na buntis na si Andrea at magkakaanak na ito. Iyon ang produkto ng pag-iisa ng mga katawan nilang dalawa na maraming beses nilang ginawa. Magiging ama na siya. Dahil hindi siya makatulog ay nagpasya siyang puntahan ang best friend niya na si Johnny kahit hatinggabi na. Gusto niyang may makausap man lang. Gising pa si Johnny nang dumating siya sa tinitirahan nito. "Hindi ako makatulog, bro," sabi ni Martin sa best friend niya. "Bakit naman, bro? Bakit ka naman hindi makatulog, huh? May iniisip ka ba, bro?" tanong ni Martin sa kanya. "Oo. May iniisip ako, bro. Pumunta kanina si Andrea sa condo unit ko," anunsiyo niya kay Johnny."Seryoso ka, bro? Pumunta kanina si Andrea sa condo unit mo? Bakit ba siya pumunta? Ano'ng ginawa niya sa condo unit mo?" tanong ni Johnny kay Martin. Tinapunan ni Martin ng seryosong tingin si Johnny na best friend niya."M
Paulit-ulit sa isipan ni Martin ang sinabi ng best friend niya na si Johnny na kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa awa at konsensiya para kay Andrea sa mga sinabi niya rito ngunit alam niya sa sarili na hindi lang naman 'yon. May iba pang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon kay Andrea. Madaling araw na siya nagdesisyon na bumalik sa condo unit niya at saka lang siya nakatulog nang mahimbing. Sumunod na araw ay pinapunta muli siya ng mga magulang niya sa mansion nila. Ayaw sana niyang pumunta doon kaso ayaw naman niya na magalit ang mga magulang niya sa kanya kahit alam na naman niya ang sasabihin nito sa kanya."Kailangan na natin makausap ang mga magulang ni Arianne para sa kasal n'yong dalawa. Kailangan na mapag-uusapan natin 'yon. We're excited for that wedding," sabi ni Aurora sa anak niya na si Martin na nakabusangot sa harap niya. "Mr. Roncesvalles and his wife are excited too. Mukhang magiging malaking kasalan 'yon ng taon. Mas lalong magiging strong at solido ang samahan na
Martin bit his lips and gave his best friend a quick smile on his face. Alam na niya kung ano ang isasagot niya kay Johnny sa tanong nito sa kanya. Muli siyang humugot nang malalim na buntong-hininga. Seryosong nakatingin ito sa mga mata ni Johnny. "Si Andrea. Siya ang babaeng ipakikilala ko sa mga magulang ko," anunsiyo ni Martin kay Johnny na nanlaki ang dalawang mga mata pagkarinig nito sa kanyang sinabi. Napaawang ang mga labi nito. "A-ano? Ano'ng sinabi mo, bro? Si Andrea ang ipakikilala mo sa mga magulang mo, huh? Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin? Hindi mo ba ako binibiro, huh?!" tanong ni Johnny sa kanya. Kaagad naman na tumango si Martin sa best friend niya para sabihin na totoo ang sinasabi niya."Yeah, you're right. Si Andrea ang ipakikilala ko sa mga magulang ko. Hindi ako nagbibiro sa harap mo, bro. Nagsasabi ako ng totoo," sabi ni Martin sa kanya. "Bakit mo naman naisipan na si Andrea ang ipakikilala sa mga magulang mo, huh? Hindi mo naman siya napupusuan, 'di ba?
Pagkapasok na pagkapasok ni Andrea sa loob ng kompanya na pinagtatrabauhan nila ay napansin niya ang lahat ng mga empleyado na nakatingin sa kanya na para bang may binubulong-bulong ito tungkol sa kanya. Nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng puso niya at medyo kinakabahan siya. Patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa elevator. Hinayaan na lang niya ang mga ito. Nang makapasok siya sa loob ng opisina ng department nila ay ganoon rin ang nangyari. Pinagtitinginan rin siya ng mga katrabaho nila kagaya sa baba. Nagtaka na siya sa kanyang mga napapansin. Mukhang may something na nangyayari na kailangan niya na malaman. Pagkakita ni Gretta na kaibigan niya sa kanya ay mabilis na tumayo ito at hinawakan ang kamay niya. Iginiya siya nito sa may gilid kung saan walang nakakakita sa kanilang dalawa na nag-uusap. Tinapunan niya nang nagtatakang tingin si Gretta bago siya nagsalita dito."Bakit mo ako dinala dito? Ano ba'ng nangyayari, huh? Napapansin ko lang na sa akin lahat nakatingin ang
Inilagay muna ni Andrea ang dala niyang bag sa may desk niya bago tumungo sa taas kung saan ang opisina ni Mr. Rodriguez na boss nila. Sa kanya pa rin nakatingin ang mga katrabaho niya ngunit hindi naman niya pinapansin pa 'yon. Ang kailangan niya na gawin ay makausap ang boss nila at masabi niya ang kailangan niyang sabihin dito na hindi naman siya ang nagpakalat ng balitang 'yon. Magkasama silang tumungo sa taas ni Gretta. Wala sa labas ng opisina ni Mr. Rodriguez si Ella Marie. Wala silang ideya kung nasaan ito ngunit nakabukas ang computer na nasa harap nito at may mga nakakalat na mga folder sa desk nito. "Nasaan kaya si Ella Marie?" tanong ni Gretta kay Andrea nang dumating sila sa labas. Andrea shrugs her shoulders and said, "Hindi ko alam kung nasaan siya, Gretta. Siguro baka may pinuntahan lang saglit 'yon." Tumango si Gretta pagkasagot ng kaibigan niya sa kanya."So hihintayin natin siya na dumating, huh?" tanong nito kay Andrea na napakagat labi sa harap niya.Andrea nodde
Umayos ng tayo ang dalawang magkasintahan na sina Mr. Rodriguez at Ella Marie pagkakita sa kanila na pumasok sa loob ng opisina. Mr. Rodriguez told them to lock the door of his office, so they locked it immediately. Kailangan nila na mag-usap tungkol sa kumakalat na balitang 'yon. Punong-puno ng tensiyon ang loob ng opisina ni Mr. Rodriguez."Pinapapunta mo raw po ako dito sa opisina mo, sir?" malumanay na tanong ni Andrea sa harap ni Mr. Rodriguez. Ikinalma niya ang sarili niya kahit kinakabahan at natatakot siya. Nasa likuran lang niya si Gretta na kaibigan niya na handang dumepensa sa kanya kapag kinakailangan niyang depensahan siya. Mr. Rodriguez rolled his eyes and gritted his teeth. Katabi nito si Ella Marie na masamang nakatingin sa kanilang dalawa. Alam na nila kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanilang dalawa na magkaibigan. "Ano ba'ng ginawa mo, Andrea?" matigas na tanong nito sa kanya. "Bakit kalat na kalat na ngayon sa loob nitong kompanya ko na may relasyon kaming da
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma