Kakatapos pa lang nina Andrea at Martin na mag-sex at kasalukuyan na nagpapahinga. Nasa isang mamahalin na hotel silang dalawa. Doon sila pumunta. Walang pasok si Andrea dahil Sabado. Ang paalam lang niya sa mga magulang ay mamasyal silang dalawa ni Gretta ngunit hindi naman pala."Bakit dito pa tayo pumunta sa hotel na 'to? Puwede naman na doon na lang tayo sa condo unit mo, 'di ba? Magbabayad ka pa tuloy ng malaking halaga ng pera," tanong ni Andrea kay Martin habang hinihimas-himas niya ang malalapad nitong dibdib. Magkatabi silang nakahiga sa kama na 'yon. "Gusto ko lang naman na dito natin gawin 'yon, eh. Wala namang problema sa akin 'yon. Kaya kong bayaran ang lahat, Andrea," sabi ni Martin sa kanya na nakangisi sa kanya habang sinusuklay-suklay nito ang kamay sa buhok niya."I know pero may condo unit ka naman, eh," giit pang sabi ni Andrea. "Ikaw naman ang magbabayad, hindi naman ako. Sorry.""Wala kang dapat na ipag-alala, Andrea. Kahit mamayang gabi pa tayo umalis dito ay w
Sinamahan ni Andrea si Martin na mag-swimming sa pool na nasa rooftop ng hotel kung saan silang dalawa naka-check-in. May mga taong nandoon rin na nagsu-swimming. Tinginan ang mga 'to sa kanila lalo na ang mga kababaehan kay Martin. May isang babae na hindi nakatiis kaya lumapit ito kay Andrea para mag-usisa sa kanya. Mukhang bata pa ang babaeng 'yon na nakasuot ng swimsuit na kulay pula. "Can I ask you something?" tanong nito pagkalapit kay Andrea na tinatarayan pa siya. Magalang naman na hinarap ni Andrea ang babaeng 'yon kahit naiinis siya sa inaakto nito sa kanya."Yeah, sure. What do you want to ask?" pilit ang ngiting tanong ni Andrea sa babaeng 'yon na tiningnan pa siya mula paa hanggang ulo. Bumuntong-hininga ang babae at tinanong ang nais niyang itanong sa kanya. "Boyfriend mo ba 'yung kasama mo na hot at guwapong lalaki na nagsu-swimming ngayon?" tanong nito sa kanya sabay turo pa sa kinaroroonan ni Martin na nagsu-swimming. Nakatingin naman si Andrea sa kinaroroonan ni Ma
Hindi mabura sa isipan ni Andrea ang sinabi ni Martin sa kanya kanina na obsessed ito sa kanya—sa kanyang katawan. Hanggang sa makabihis si Martin ay hindi pa rin niya 'yon makalimutan. Nahihiya naman siyang tanungin ito tungkol sa sinabi nito sa kanya. "Nagugutom ka na ba? Kung nagugutom ka na ay magsabi ka lang dahil bababa na tayo," tanong ni Martin sa kanya. Alas siyete na rin ng gabi. "Oo. Nagugutom na ako, Martin. E, ikaw? Nagugutom ka na rin ba, huh?" sagot ni Andrea sa kanya. Tinanong rin niya ito kung nagugutom na rin. Mabilis naman na ibinuka ni Martin ang kanyang bibig para magsalita sa kanya."Nagugutom na rin ako, Andrea. Kung ganoon nga ay bumaba na tayo para kumain ng dinner. Ano'ng gusto mo na gawin matapos natin na kumain ng dinner?" sabi ni Martin sa kanya. Andrea shrugged her shoulders and said, "Hindi ko alam. Bahala na kung ano'ng puwede na gawin. Tumango si Martin sa kanya at hindi na nagsalita. Tumayo na siya at sumunod kay Martin na naglakad patungo sa eleva
Kumain muna silang dalawa ng breakfast bago nag-check-out sa hotel na 'yon para tumungo sa simbahan para um-attend ng misa. Bago siya magising kanina ay may mga damit ng binili si Martin sa kanya. Iyon na ang sinuot niya. Bumili ng bagong damit si Martin na sinuot rin niya pagkaligo niya. Habang nasa daan sila patungo sa simbahan ay naalala ni Martin ang pangako ni Andrea sa kanya na dadalhan siya nito ng nilutong kaldereta kapag nagluto ito."Kailan ka pala magluluto ng kaldereta?" tanong ni Martin kay Andrea na mabilis naman na lumingon sa kanya. Nagkibit-balikat si Andrea bago sumagot kay Martin na nakatuon na muli ang mga mata sa daan. "Hindi ko alam kung kailan ako makakapagluto ng kaldereta. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi ko, eh. Wala rin naman akong oras pa para gawin 'yon, Martin," sagot ni Andrea kay Martin.Tumango-tango si Martin pagkasabi sa kanya. Hindi muna ito nagsalita. Nagisip-isip ito ng sasabihin sa kanya. Mayamaya ay ibinuka nito
Marami na ang taong nandoon sa loob ng simbahan nang pumasok silang dalawa. Ilang minuto na lang ay nagsimula na ang misa. Iyon ang unang beses na nagsimba sila na magkasamang dalawa. Matapos ang misa ay lumabas na sila sa simbahan at tumungo sa sasakyan. "Marami ka sigurong ipinagdasal kanina, 'no?" wika ni Martin kay Andrea pagkapasok nila sa sasakyan niya. Hindi pa naman niya binubuksan ang engine ng sasakyan niya dahil nag-uusap pa silang dalawa. Andrea bit her lower lip and opened her mouth slowly."Hindi naman masyado karami ang pinagdasal ko kanina," mahinang sagot ni Andrea kay Martin. "E, ikaw? Alam ko na ang isa sa mga ipinagdasal mo kanina." "Ano? Ano sa tingin mo ang isa sa mga pinagdasal ko kanina? Nabasa mo ba kanina ang mga pinagdasal ko?" tanong ni Martin sa kanya."Alam ko na 'yon," sabi ni Andrea na nakaawang ang mga labi. "Ano? Sabihin mo sa akin para malaman ko, Andrea," sabi ni Martin kay Andrea na umiwas ng tingin sa kanya. "Pinagdasal mo na sana ay maging ma
Lalong namangha si Andrea pagkapasok nila sa loob ng mansion na pagmamay-ari ni Martin at ng mga magulang nito. Manghang-mangha siya sa kanyang mga nakikita sa loob. Para nga lang siya pumasok sa isang mamahalin na hotel na para lang sa mga mayayaman na mga tao. Lahat ay nagkikinangan sa loob lalo na ang mga chandeliers na tinitingala niya habang naglalakad sila. Bilyonaryong-bilyonaro talaga sina Martin at mga magulang nito. Amoy pa lang sa loob ng mansion ay nagpapahiwatig na hindi lang mayaman ang mga nakatira. Napakalinis sa loob. Kahit hibla ng buhok ay hindi puwede na malaglag dahil madudumihan ang kumikinang na sahig ng mansion nina Martin.Napangiti na lang si Martin habang pinagmamasdan si Andrea sa ginagawa nito. Alam niya na-amaze lang talaga ang kasama niya na si Andrea kaya ganoon ito. Diretso na silang dalawa sa dining room kung saan nandoon na nga ang mga magulang ni Martin na naghihintay sa kanila. Andrea couldn't explain the feelings she feels as she glances at his par
Bumalik si Martin sa mansion nila pagkahatid niya kay Andrea. Pinababalik siya ng mga magulang niya dahil may importante itong sasabihin sa kanya. "May kailangan kaming sabihin sa 'yo, Martin," malumanay na wika ni Aurora sa kanya. Kasalukuyan silang nasa labas ng kanilang mansion. Doon sila malapit sa may garden nag-uusap na tatlo. Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila. Martin clears his throat before he speaks to his mom. "What is it?" tanong nga niya."Kailangan mo na ikasal," anunsiyo ni Antonio kay Martin na nabigla sa narinig niya. Umawang ang mga labi niya."W-what? What did you say, dad? Am I going to marry? With whom? Kanino ako ikakasal? Seryoso ba kayo sa mga sinasabi n'yo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Martin sa harap ng mga magulang niya.Tumango naman si Antonio sa kanya para sabihin na seryoso sila sa sinasabi nila kay Martin."We're serious, Martin. You should marry the daughter of Mr. Roncesvalles as soon as possible," sabi pa nito sa kanya."W-what? Si Ari
"Ano'ng sasabihin mo sa akin, bro?" tanong ni Johnny sa kanya matapos lagukin nito ang alak. Martin licked his lips and let out a deep sigh."Gusto ng mga magulang ko na ikasal ako kay Arianne na anak ni Mr. Roncesvalles na kaibigan ng mga magulang ko. Gusto nilang ikasal kaming dalawa. Sabi pa nila ay gusto rin ako ni Arianne. Napagkasunduan na raw nila ang kasalan na 'yon namin noong isang araw na magkausap sila. Bro, ayaw ko na maikasal kaming dalawa ni Arianne. Alam mo naman na hindi ko siya gusto, 'di ba? Ayaw ko na maikasal sa babaeng hindi ko naman napupusuan. May ibang babae akong napupusuan, 'di ba? Alam mo 'yan, bro," kuwento ni Martin kay Johnny na napakunot-noo sa narinig nito mula sa kanya."Talaga ba, bro? Hindi ka ba nagsisinungaling sa akin, huh? Baka binibiro mo lang ako n'yan, bro. 'Wag ka namang ganyan," sabi ni Johnny sa kanya na hindi naniniwala. Nagpakawala muna si Martin ng malalim na buntong-hininga at saka nagsalita, "Bro, hindi ako nagsisinungaling sa 'yo, ok