MORNING CAME and this is the first day so far na sobrang ganda ng gising ko. Kiel stick to his promise na hindi muna ako bisitahin. Nang magising ako kagabi sa mundo ng mga panaginip ay wala nga siya pero ramdam kong nasa paligid lang siya. And I'm glad na seryoso siya sa sinabi niya.
Isa pa sa rason kung bakit maganda ang gising ko ay dahil inaabangan ko ang sinasabi ni Jenny sa akin kahapon. I can't wait to see her and ask about any updates about her and Ma'am Russell being an angel.
Nang matapos akong maghanda para pumasok ay lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko roon si Mama na naghahanda ng almusal. Nang makita niya ako ay inaya na niya ako.
"Kumusta ang pag-aaral mo, Hannah?" tanong niya habang pinapaikot ang kutsara sa loob ng tasa ng kape niya. "Lovelife mo?" pahabol nito na naging dahilan para hindi ko masagot ang nauna niyang tanong.
Napatingin ako sa kaniya bago ngumuso. I di
I WANT TO push him away. But I can't deny that I'm loving his kisses. I don't know how to explain this but I am missing him. I want to feel his touch and kisses again. I want him to burn me with his warmth."I've been enduring this tension whenever I'm with you," he whispered as his hand caresses my hair. "But I can't take it anymore. I'm losing control."Come to think of it, ilang araw na magmula nang bumisita siya sa akin, but he hasn't feed on my lust yet. And for a demon who feeds on lust, just like a mortal deprived of food, darating at darating sa punto na hindi na nito mapipigilan ang gutom. It will find any possible ways to eat and ease the hunger.His hand moved down to the hem of my shirt, crawling it's way on my mound. Napasinghap ako nang pisilin ito ng mainit niyang kamay. He took the chance to invade my mouth with his tongue.There's this igniting fire inside me that's been blazing in his eve
NAGISING AKO sa kalagitnaan ng gabi. I was about to get up when a pair of arms coiled around my waist. Nilingon ko kung sino ang nagmamay-ari nito, and of course, it's Kiel. He gave me a smile before he buried his face on my neck. Hindi ko naman mapigilang mapaigtad sa kiliti. It is due of his stubbles, brushing against my bare skin."I missed you already," he mumbled as he pulled me closer to him. I stiffened when I felt his lips slowly planting marks on my skin. "Nights were never long until I met you."Hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko. Wala naman espesyal sa sinabi niya, but my body is reacting oddly. Something inside me is screaming and giggling with his words.He pulled me even closer, making me feel his warmth. And somehow, I felt more comfortable rather than being tensed. I find it odd but amazing at the same time. I never thought I'd feel this comfortable with a demon. Him, being an incubus, doesn't bother me that much anymore."K-Kiel, s-s
HINDI MAALIS sa isip ko ang nangyari kagabi. Malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko ang imahe ng lugar na pinuntahan namin ni Kiel. Gusto kong bumalik doon at i-enjoy ulit ang view. Pero sana, wala na munang Kiel na nangma-manyak. Mabuti na lang talaga at napigilan ko siya-no, mabuti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko. I was about to give in again. I was so near in getting myself devoured by his heat.Tiningnan ko ang orasan. Ang aga pa. Wala namam akong gagawin ngayong weekend. Walang assignments at wala rin requirements. Tapos ko na rin i-review ang notes ko. Maglilinis na lang siguro ako sa bahay. Tama.Bumangon ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ng pambahay. Pagkababa ko ay wala na si Mama. May sticky note lang na nakadikit sa ref. Enjoy sa date!Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi ni Mama? Anong date ang sinasabi niya?Nagkibit-balikat na lang ako. Tinungo ko ang lamesa at nags
PAGMULAT NG mga mata ko ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kiel. "Good evening, beautiful creature. How was your day?"Hindi ko siya sinagot. Bumangon ako at inayos ang sarili ko. Inalala ko ang nangyari bago ako natulog at hindi ko mapigilang mapangiti. "I had a wonderful day, Kiel. I had so much fun," sagot ko sa kaniya nang kinulit niya pa rin ako patungkol sa naging takbo ng araw ko. Hindi ko tuloy maiwasang mas mapangiti lalo na nang maalala ko kung gaano kagusto ni Mama na malaman ang mga detalye ng naging date namin ni Daniel. Pero dahil pinapauwi na si Daniel ay hindi na niya ito nasagot. At ako naman ay mabilis na umakyat sa kuwarto at hindi na lumabas.Ilang beses pa nga akong kinatok ni Mama at halos sirain na niya ang pi
NAWAWALAN NA ako ng pag-asa. Hindi na ako nagpumiglas. Hinayaan ko na lang ang sinumang estrangherong ito na hilain ako. Wala akong magawa dahil sobrang lakas niya. Ni hindi siya tinatablan ng mga tadyak at hampas ko.Namalayan ko na lang na dinala niya ako sa isa sa mga kuwarto sa bahay nila Abi. Marahan niyang inalis ang kaniyang kamay sa bibig ko kaya muli akong sumigaw, "Tul-" Mabilis niyang binusalan ng tela ang aking bibig.Sunod niyang tinalian ang mga kamay ko. Nagpumiglas ako pero gaya ng kanina ay hindi man lang siya natinag. Sinubukan kong lingunin siya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa sumbrerong suot niya."Hmmmp!" Nagpumiglas ako nang nagpumiglas."Ang ingay mo!" singhal nito sabay bagsak sa akin sa kama at malakas na sinuntok ang aking sikmura.Halos lumuwa ang mata ko sa sakit. Para bang nilisan ng lakas ko ang aking katawan. Bahagya ring naantala ang paglalabas-masok
NAGLALAKAD KAMI ngayon ni Kiel sa kalsada at ninanamnam ang malamig na hangin na bumabalot sa amin. But the cold seems to be powerless under the warmth of our hands intertwined with each other. I don't know what am I doing. I really don't know. I am just letting this force inside me take over my system.Kasi kapag hindi ko iyon ginawa, I might lose my sanity. Baka mabaliw na ako kakaisip sa kung ano ang dapat kong gawin. I know this is wrong, but it feels so right for an unexplainable reason."Hannah, do you still see me as a threat?" biglaang tanong ni Kiel kaya naman napatingin ako sa kaniya. He's gazing at me with curiosity. His crimson eyes seems to be trying to penetrate mine. "Are you still bothered by my presence?"Agad akong umiwas ng tingin. I felt the urge to do so. Kasi kapag hindi, I think might let myself be pulled by the gravity of his eyes."I...I don't know, Kiel," sagot ko bago binawi ang kamay kong hawak niya. "Right now, I'm total
HINDI AKO mapakali habang nakahiga sa kama. I've been thinking about the thought I had when I was in the cafeteria with Daniel. Ibibigay ko na ba sa kaniya ang permiso na ligawan ako? Should I ready myself to enter in a relationship? Am I not doing this just to fill the hole Abi has left? Am I really ready to throw the ideal I have built up until now?Nagulo ko ang buhok ko bago gumulong sa kama ko. Pumikit ako at tinakpan ng unan ang mukha ko.Hindi ko pa masyadong kilala si Daniel. Bilang pa lang ang mga araw na magkasama kami. But there's this thought inside me that's been telling me to open myself up-to welcome him as a man. And here's this other side telling me that it's wrong.Argh. Ang gulo!Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mga mata ko ay agad na dumako ang tingin ko sa orasan sa gilid ng kama ko. Tumigil na ito sa pagtakbo. I'm h
PAGMULAT NG mga mata ko ay bumungad ang mukha ni Mama na halos magtagpo na ang mga kilay. Mabilis akong napabangon."M-Mama!""Kanina pa kita ginigising pero hindi ka nagigising. Bumangon ka na riyan at mali-late ka na," aniya bago mabilis na lumabas ng kuwarto.Agad akong pumunta sa banyo at naligo. At habang pumapadausdos ang mga butil ng tubig sa aking balat, hindi ko napigilang balikan ang nangyari sa amin ni Kiel kagabi.Napapikit ako at nasabunutan ang sarili ko. Anong ginawa ko? Why did I do that? Bakit ako naging agresibo? Hindi lang agresibo, sobrang agresibo. I can't imagine myself doing that in real life. I can't! Mabuti na lang at sa panaginip lang 'yon. But still, the feeling, the intensity, and the sensuality still lingers on my skin even though I'm no longer in that dream.I can still feel his lips brushing against mine, his hands tracing my curves, his tongue playing with everyt
HINDI ako kaagad na nakasagot sa tanong ng Diyosa. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng mga butil ng malamig na pawis sa aking noo.“Helleia, ayos ka lang?” tanong nito dahilan para matauhan ako. Napalunok ako ng laway bago pilit na ngumiti, ngiting sinadya kong paabutin sa aking mga mata para magmukhang totoo.“W-Walang nangyari sa amin, diyosa. Kung meron man, iyon ay naganap sa aking panaginip noong hindi pa tuluyang bumabalik ang aking mga alaala,” sagot ko na may katotohanan naman. “Kung kaya’t hindi nawala ang aking pagkadalisay at pagka-birhen,” dagdag ko, at ito ang kasinungalingan.Napatingin ako kay Diyosa Cashmir at hindi ko mapigilang hindi mapalunok nang makita ang mataman niyang pagtingin sa akin.“Mabuti naman kung gano’n,” nakangiting saad nito dahilan para makahinga ako nang maluwag. “Dahil alam mo naman kung ano ang maaaring mangyari, Helleia, maaaring magdulot ito ng sigalot,” dagdag nito hab
NAG-USAP pa kami ni Viann nang ilang minuton at hindi napigilang pag-usapan ang mga karanasan at nangyari sa amin noong kami ay nasa katawan ng mga mortal pa lamang. Para tuloy akong bumalik sa buhay ko bilang si Hannah, dahilan para muli ko na namang maalala ang buhay ko kasama si Casmon.Napag-alaman ko ring may lihim na pagtingin si Viann sa kaibigan kong si Lyo. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na, “I like Lyo so much, Helleia, but he likes you not me. I don’t want to plant a grudge against you for it will pollute my heart, that’s why I'll tell you this...don’t hurt him, for you’ll hurt me, too."“I know it’s impossible to own a heart who already belongs to someone else. That’s why rather than hating you and getting jealous, I’ll just support you both, just remember, don’t hurt him.”Akmang lalabas na sana ako ng aking silid para ikutin ang buong palasyo nang biglang dumating si Lyo. Medyo basa pa ang kaniyang kulay mais na buhok. May mga b
“CASMON,” madiing saad ko bago marahas na inalis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat.Mabilis kong pinagalaw ang aking kanang paa at sinipa nang pagkalakas-lakas ang incubus dahilan para tumilapon ito. Naghalu-halo na ang naramdaman ko: galit, lungkot, at saya. Hindi ko na maintindihan…hindi ko na maintindihan ang sarili ko.“Hannah,” tawag nito sa akin dahilan para mas lalo akong magalit.Marahas kong tiningnan ang lalaking may sungay na nakaturo paibaba, pulang mga mata, matikas na pangangatawan na nababalot ng itim na marka, may matatalas na mga kuko na kulay itim, at ang tanging suot lang ay itim na pang-ibaba na hanggang sa kaniyang bukong-bukong.“Hindi ako si Hannah, ako si Helleia,” malamig ngunit may diin kong pagkakasabi kasabay ng pagpapadaloy ng hangin sa aking mga kamay.“Hannah, kailangan nating mag-usap, hindi mo alam ang buong pangyayari,” nagsusumamong saad nito ngunit hindi ko pinansin.He turned my heart into a
UNTI-UNTING pumasok sa aking tainga ang sipol ng hangin mula sa labas kasabay ng marahang pagmulat ng aking mga mata. Nang una ay wala akong maaninag dahil sa labo ng aking paningin, pero nang masanay ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang silid na kung saan sa gitna ng kisame ay nakasabit ang isang magarang gintong aranya na pinalamutian ng diyamante’t iba pang mamahaling bato. Marahan akong bumangon mula sa aking kinahihigaang puting malambot na kama at tinungo ang tanging kagamitan sa kuwarto—ang isang aparador na yari sa kahoy. Pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang isang malaking salamin at mga nakahilerang puting bestida.Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko mapigilang humanga sa aking sariling wangis—aking totoong wangis. Kulay kape at maalon na buhok, mala-kastanyas na kulay ng mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, at isang pares ng puting pakpak. Bagay na bagay sa akin ang suot kong puting bestida
THE RAYS of the sun woke me up. I groaned when I felt my whole body hurts. My eyes feel too heavy as if I was awakened from a long slumber.I got up and walked my way to the mirror to comb my hair. And with the rays from the sun and the white dress I am wearing, the color of my hazelnut hair became more prominent.I stared at myself. Up until now I could not believe that I am an angel trapped inside a human's body. If it weren't for Eulla, maybe, I won't be able to return here and will be stuck in a human's body until I die.I don't know the exact time I got here, since I was already unconscious when Eulla brought me here.I tried remembering the last things I saw before I lost consciousness but it was all blurry, and some parts seem to give me a headache. Kaya naman hindi ko na lang 'yon pinansin. I shook my head to clear my thoughts.Muli kong binalingan ang sarili ko sa salamin. At kahit ala
THREE days had pass since my heartfelt talk with Casmon. And during those days, I did nothing but cherish every moment I spent with him. We did all the things we want to do together. Even some random things we saw from TV commercials.We went to malls to shop for couple items, went to park and played like kids, and even went to seaside to watch the sun set while eating ice cream.All those times, all we had were precious memories worth to treasure and be remembered."Hindi ka ba manonood ng Dora ngayon?" I asked when I saw him peeking from the door of my room. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama at nagtutupi ng mga damit namin.Umiling siya bago tuluyang pumasok. He went at my back to hug me. He rested his chin on my shoulder before he answered, "I can't. Masyado akong excited sa lakad natin."I can see him pouting from my vision.Saglit akong natigilan. Pero agad akong ngumiti nang makabawi. "Are
IT'S BEEN days since Eulla appeared in my dream and gave me memories I am unfamiliar with. And since then, I've been having headaches due to the sudden surge of scenes in my head. Naging suki na ako ng school infirmary dahil sa araw-araw na pagsakit ng ulo ko.Dahil doon, the school decided to give me a week of rest, which happened to be a bad idea.Magmula nang mamalagi ako sa bahay, the surge of memories became even worse.Kiel has been worried about me. Ilang beses niya akong tinanong kung okay lang ba raw ako. But I can't gather even a single word to answer him. Maging ako sa sarili ko, hindi ko alam kung okay lang ba ako.I wanted some answers, but Eulla is nowhere to be found. Mula rin kasi ng araw na nagpakita siya sa panaginip ko, hindi ko na siya nakita pa. When I asked my classmates and adviser about her, they only gave me weird gazes and told me they do not know her, even heard of her.
NAGISING ako dahil sa matigas at mainit na bagay na sumusundot sa tagiliran ko. I tried moving my body only to realize I am in Kiel's arms. Agad akong namula at pasimpleng inangat ang tingin ko. And there, I saw him peacefully sleeping.Ngayon ko lang siya nagawang titigan nang ganito. And I got to admit-ang cute niya kahit natutulog siya. I can't stop myself from smiling. Paano ba naman kasi, nakakunot ang noo niya at nakanguso ang labi niya. I somehow felt the urge to pinch his nose and kiss him. Pero pinigilan ko ang sarili ko.I was about to close my eyes and try to get back to sleep when I felt that warm and hard, twitching thing on my waist. Pasimple kong sinilip ang ilalim ng comforter at kamuntik na akong mapasigaw sa gulat nang makita kong hubo't hubad pala kaming dalawa.Umakyat yata lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Biglang uminit ang paligid. Nanuyo rin ang lalamunan ko. At mas lalong lumala ang nararamdaman k
Buong biyahe ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa labas. Kahit na pilit akong kinakausap ng driver ay hindi ako sumagot. Masyadong abala ang isip ko para magsalita pa. My thoughts are swallowing me whole.Pagkababa ko ng taxi ay napakapit na lang ako sa poste ng gate upang suportahan ang katawan ko. I'm too exhausted. My head feels like crumbling into pieces. And I don't know how to stop it.Gulong-gulo ako ngayon. Gulong-gulo sa lahat ng nangyayari sa akin. I can't even think of any answers to the why's and how's that are slowly clouding my head.I need some rest. I badly do. I want to feel the warmth of my bed as it slowly swallows my weight, freezing yet comforting embrace of the air conditioning, and the safety my room gives me. I want to feel it all.Pumasok na ako sa bahay at kaagad na hinanap si Kiel, hoping he prepared something to eat. At kung wala pa ay uutusan ko siya. But, he's nowhere