Allyson's Point of View
"You're kidding me!" natatawang sagot ko dito at uminom ng kape.
Hindi ko kaya ang ugali niya ngayon. Masyadong nakakatakot at nakakabahala.
"Hindi ka ba naniniwala sa 'kin?" Bahagya akong umiling sa tanong niya. Wala sa hitsura niya na pwede siyang pagkatiwalaan.
"Magtiwala ka lang sa 'kin at ipapakita ko sa 'yo na kaya kong maging isang mabuting ama."
Awtomatiko akong napatingin sa kaniya. Humihigpit ang pagkakahawak ko sa aking baso. Pinipigilan ko lang ang nararamdaman kong galit sa kaniya.
Umiling ako sa kaniya at dismayadong ngumiti. Hindi nga niya magawang kaibiganin si Tyrell kahit ito na mismo ang lumalapit sa kaniya, paano pa kaya kung magluwal ako ng bagong bata? Hindi nga niya kayang tingnan si Tyrell ng matagal kahit na makikita naman kaagad
Travis Point of ViewHindi pa rin humuhupa ang inis ko hanggang ngayon. Pagod na pagod na ang braso at kamao ko, pero wala akong planong tumigil hanggat hindi nawawala ang narararamdaman ko."Puwede ba na tumigil na 'ko? Inaantok na 'ko masyado at masyado ng masakit ang mga braso ko." reklamo ni Chad kaya napatingin ako sa kaniya.Tagaktak na ang pawis sa kaniyang noo at masyado itong hinihingal. Sinamaan ko siya ng tingin, kaya kumunot ang noo nito habang tumititig sa 'kin na tila naguguluhan."Huwag mong sabihin na hindi ka pa rin titigil? Aba, kailangan ko rin magpahinga hoy! Hindi ko kailanman plinano na mag-boxing sa alas dos ng umaga." reklamo nito at inisa-isang tanggalin ang mga nakabalot sa kaniyang kamao."Ano naman ngayon kung uuwi ka? Walang babaeng magpapaligaya sa 'yo sa bahay m
Travis Point of View"Ewan ko, Chad. Hindi ko alam." naguguluhan kong sagot kay Chad.Umiling sita sa 'kin at tinapik ang balikat ko. Dismayado rin ang ipinapakita niyang emosyon sa 'kin. Akala mo naman talaga napakabigat ng ginawa ko sa batang 'yon."Hindi mo ba nakikita kung gaano kalapit ang dalawa? Napamahal na yata si Allyson sa bata tapos palagi mo namang pinapaalis ang bata o 'di kaya ay harap-harapan mong inaaway hanggang sa umiyak si Tyrell. Matanda ka na kaya siguro naiinis si Allyson sa 'yo dahil hindi mo kayang respetuhin ang bata." seryosong paliwanag ni Chad. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lahat na lang sila pumapanig sa batang 'yon. Porke't bata, palaging tama.Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga bago ako tumayo at kinuha ang aking boxing gloves. Wala namang mabuting kahahantongan ang usapang 'to. Ako lang
Allyson's Point of ViewNaalimpungatan ako sa aking pagtulog. Nanaginip ako na malungkot daw si Travis at may mangyayari raw na hindi maganda sa araw ko ngayon.Napailing na lang ako sa aking panaginip at tumayo na mula sa higaan. Inayos ko muna ang aking kama bago ako nagpasyang bumaba upang uminom muna ng tubig.Diretso lang ang tingin ko sa kusina hanggang sa makuha ko ang tubig na gusto ko. Bigla tuloy akong napalingon nang marinig ko ang tawa ni Travis mula sa sala. Kinakabahan ako sa paraan nang pagtawa niya. Tila may naiisip siyang kalokohan."Anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong sa kaniya habang tinitingnan siya ng seryoso.Napalingon naman siya sa 'kin at masiglang umupo sa sofa. Maingat niya rin na inilapag ang dala niya kaninang folder."Good Morning, Allyson!" masiglang bati niya
Thank you for giving some time to read this novel. I'm very happy that some people read this story. I'm hoping that you'll stick with this story until it's completed. I know that this story isn't perfect tulad ng nababasa niyo sa iba, pero sana ay taasan niyo ang inyong pasensya at ipapangako ko na aayusin ko ang lahat ng errors sa story ko after kong isulat lahat ang nilalamit nito.Sana ay huwag kayong magsawa at lahat ng corrections ay tatanggapin ko. I'll try my best to satisfy your reading journey and give you some smile.Thank you so much and please continue supporting Tan Family.-Vanchipss_1
Allyson's Point of ViewAwa at lungkot ang nakikita ko sa mata ni Zia. Siguro ay naaawa siya sa sitwasyon ko at nalulungkot din siya dahil sinasarili ko lang ang nararamdaman ko.'Anong gagawin ko, Zi?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.Nakakahiyang isipin na kahit matanda na 'ko ay humihingi pa rin ako ng tulong ni Zia sa mga ganitong bagay."Kung ako talaga ang tatanongin mo, matagal ko ng sinasabi sa 'yo na hindi si Travis ang may gawa ng lahat. Iba ang kutob ko na hindi niya talaga kayang gawin ang bagay na ibinibintang mo sa kaniya. Mukha man siyang mapagmataas sa 'yo, pero kitang-kita ko kung paano niya ibuhos ang pagmamahal niya sa 'yo."Dahil sa sinabi ni Zia, ay mas lalo lamang gumulo ang aking isipan. Nalilito ako kung alin ang tama sa mali.Una pa lang kasi ay nakikita ko na, boto talaga si Zia kay Tr
Travis Point of ViewLutang akong pumasok sa aking opisina matapos ibaba si Allyson. Hindi ko matanggap na mas pinili niyang sumama sa lalaking 'yon keysa sa sarili niyang asawa. Halos buong umaga yata akong nag-iisip kung saan sila kakain ngayong lunch.Inis kong ibinato ang folder sa aking harapan. Bahala na kung ano ang laman, basta mailabas ko lang ang inis ko sa kanilang dalawa. Hindi man lang siya nahiya na may asawa na nga si Allyson pero ipinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya."Ano itong itinawag ni Shiloah sa 'kin na nagwawala ka na naman dito?"Napatingin ako sa pinto kung sino ang nagsalita. Kaagad kong ibinato sa kaniya ang natitirang folder, pero naiwasan naman niya kaagad. Isa rin 'to si Chad, palagi akong binibigyan ng mga maling advice."Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko at ibinalik an
Allyson's Point of ViewBuong araw kong iniwasan na makita si Travis dahil baka kulitin niya 'ko kung bakit mas pinili kong makasabay si Austin keysa sa kanya.Pagsapit ng lunch ay nagtext si Austin sa 'kin na nasa cafeteria na raw siya naghihintay sa 'kin. Nagulat pa nga ako, dahil akala ko sa isang mamahaling lugar siya pupunta."Bakit mo naisipang dito kumain? Pangkaraniwang lang naman ang mga pagkain dito." pabulong kong tanong kay Austin pagkatapos namin kumain, dahil baka marinig ng mga empleyado ng Soul Empire at sumama pa ang tingin nila sa 'kin."Grabe ka naman masyado sa cafeteria niyo. Medyo cozy naman ang lugar na 'to at isa pa, nandito ka kaya hindi ko maiwasang hindi piliin ang lugar na 'to." natatawang saad ni Austin.Kung siguro isa ako sa easy to get na babae ay nahulog na 'ko sa bawat pambobola niya
Allyson's Point of ViewNapatingin ako kay Travis upang tingnan ang magiging reaksiyon niya. Malaki ang ipinagpapasalanat ko nang makitang pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Siguro ay nahihiya rin siyang makita ng ibang empleyado ang ugali niya."Sa tingin ko ay nagkamali ka yata ng taong nilapitan, Mr. Velasco. Hindi ba dapat ay sa 'kin ka lumapit kung cooperation nga talaga ang pakay mo dito? Besides, nandiyan naman si Chad kung gusto mong kausapin ako." saad ni Travis na tila nanghahamon kay Austin.Payak na tumawa si Austin at puno ng sarkasmong nginitian si Travis."Hindi ba't dapat ikaw naman sana sadya ko dito? Kaso bigla mong tinanggihan ang offer ko kaya wala akong ibang choice kung hindi ang lapitan ang asawa mo. Well, magkakilala naman kami ni Allyson kaya ayos lang din sa 'kin." paliwanag ni Austin sa kaniyang sarili.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan