Allyson's Point of View
Napatingin ako kay Travis upang tingnan ang magiging reaksiyon niya. Malaki ang ipinagpapasalanat ko nang makitang pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Siguro ay nahihiya rin siyang makita ng ibang empleyado ang ugali niya.
"Sa tingin ko ay nagkamali ka yata ng taong nilapitan, Mr. Velasco. Hindi ba dapat ay sa 'kin ka lumapit kung cooperation nga talaga ang pakay mo dito? Besides, nandiyan naman si Chad kung gusto mong kausapin ako." saad ni Travis na tila nanghahamon kay Austin.
Payak na tumawa si Austin at puno ng sarkasmong nginitian si Travis.
"Hindi ba't dapat ikaw naman sana sadya ko dito? Kaso bigla mong tinanggihan ang offer ko kaya wala akong ibang choice kung hindi ang lapitan ang asawa mo. Well, magkakilala naman kami ni Allyson kaya ayos lang din sa 'kin." paliwanag ni Austin sa kaniyang sarili.
<Austin's Point of ViewNapangisi na lang ako sa inakto ni Travis. Masyado talagang seloso kahit kanino. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ugali niya."Hi! Have we met before? You look familiar kasi."Napatingin ako sa aking likod at nakangiti ang babaeng 'to sa 'kin. Nakatutok lang ang mata ko sa kaniya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya at hindi ko rin siya kilala."Don't be shy! I'm Yuri Tan nga pala, kapatid ni Travis Tan."Maniniwala na sana ako sa sinasabi ng babaeng 'to na kapatid siya ni Travis, kung hindi ko lang sana alam ang tunay na ugali ni Travis. Sa nakikita ko kanina ay itinataboy nga ni Travis ang babaeng 'to kaya sigurado ako na hindi rin siya tunay na Tan."Oh, I see." tanging saad ko at tinanaw ang relos. Masyado talaga akong late ngayon.
Allyson's Point of ViewMalaki ang pasasalamat ko nang pumayag si Travis sa gusto ko. Akala ko ay magmamatigas na naman ito, pero pagkatapos niyang magnakaw ng halik ay bigla na lang siyang ngumiti sa 'kin at sinabi na papayag siya."Where is he?" tanong ni Travis sa pumasok na waiter. Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon sa gilid.Ako ang pinapili ng lugar dahil ako raw ang babae at baka raw magtalo pa sila ni Matt."Hindi pa po dumadating si Mr. Velasco." magalang na sagot ng waiter at katulad ng inaasahan ko ay nag-iba ang timpla ng ugali ni Travis.Nagpakawala ito ng buntong hininga kaya kaagad kong hinawakan ang balikat niya. Baka magsimula na naman 'to ng gulo dito at maantala ang kooperasyon."Nasabi mo ba sa kanila kung anong oras ang dinner ngayon? Mukhang nakalimutan yata ng mga important guest natin ang tamang oras." puno ng sarkasmong ani ni Travis.Itinikom ko ang aking bibig at pinigilan ang sariling sumagot
Allyson's Point of ViewIlang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng lamesa namin bago nagimulang kumuha ng baso si Matt at tinapik ang balikat ni Travis. Naiinis man ay lumingon pa rin si Travis sa kaniya at nakipagcheers dito."Sabihin mo na ang gusto mong sabihin habang maayos pa ang pag-iisip ko." diretsong saad ni Travis pagkatapos uminom ng wine.Napailing si Matt bago ibinaba ang kaniyang baso at seryosonh humarap kay Travis. Tahinik lang akong nakamasid sa dalawa. Baka mag-away pa 'to kung malingat ako."Kumalma ka nga muna, Travis. Para namang hindi tayo naging magkaibigan dati." pabirong ani ni Matt.Travis Point of View.Halos masamid ako sa sariling laway matapos marinig galing kay Matt na dati raw kaming magkaibigan. Hindi ko nga siya pinapansin dati dahil palagi na lang siyang nagmamataas. Akala niya lahat ng bagay ay ginawa para sa kaniya. Kung hindi ko lang alam na marumi siyang magtrabaho, baka naniwala pa '
Third Person's Point of ViewGalit na tumingin si Travis kay Matt na ngayon ay nakatayo habang nakangisi sa kaniya. Ang pagngisi nito ang nagpapatunay sa masamang balak ni Matt sa kompanya ni Travis. Kabadong nakatingin si Allyson kay Travis. Pilit niyang iniintindi kung ano ang susunod na gagawin ni Travis lalo na't alam niya na maliit lang ang pasensya ng mister."Love, calm down." mahinang bulong ni Allyson kay Travis. Napalingon naman si Austin sa kaniya dito.Hindi lumingon si Travis kay Allyson at sa halip ay nakatuon lang ang atensiyon kay Matt. Naghihintay sa susunod na sasabihin nito."Akala ko ba tripartite cooperation ang pag-uusapan natin ngayon? Bakit pinairal mo na naman ang walang kwenta mong utak?" dismayadong tanong ni Travis at halata naman sa mukha ni Matt ang pagkainis."Masyado na yatang
Allyson's Point of ViewMabuti na lang talaga at naiwasan ko amg pag-atake ni Matt sa 'kin dahil kung hindi ay baka nasaksak ako ng food knife."Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Travis sa 'kin at pinasadahan ako ng tingin."Ayos lang naman. Maliit na galos lang." sagot ko dito at itinuro ang maliit na galos.Sinuri ni Travis ang aking galos at bahagya itong pinisil kaya napangiwi ako. Masyadong mabilis ang mga pangyayari dahil nakita ko na lang na tumama si Matt sa pader habang hawak ang panga nito. Hindi naman masyadong masakit ang galos ko kaya naisipan kong tumayo at lapitan siya upang pakalmahin. Baka mapaalis pa kami dito ng wala sa oras."Ano ba ang problema mo? Wala na ngang ginagawa si Kuya sa 'yo tapos ikaw naman 'tong sugod ng sugod." ani ni Austin at dinaluhan ang kapatid kahit iti
Zia's Point of ViewMaaga akong nagpaalam kay Allyson na maaga akong uuwi dahil magpapahinga ako. Halos isang linggo na rin akong hindi natutulog ng maayos dahil sa paghahanap ng mga impormasyong kailangan ni Allyson. Naalimpungatan lang talaga ako ngayon dahil sa ingay na naririnig ko sa sala.Dahan-dahang akong bumangon at hinanap ang aking tsinelas upang puntahan ang pinanggalingan ng ingay hanggang sa napadpad ako sa sala. Nakaupo si Tyrell habang nakabusangot ang mukha. Kaagad ko naman itong nilapitan at napalingon naman siya sa akin."Anong problema mo?" kaagad na tanong ko dito matapos ko siyang nilapitan."Anong oras na, tita?" balik na tanong niya sa 'kin. Hindi ko alam kung anong naiisip niya pero tumingin na lang ako sa orasan upang alamin ang oras."It is almost ten, love. Bakit?" saad ko
Zia's Point of ViewNapataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Umirap naman ito sa 'kin na tila naghahamon ng away."Bahay ko 'to kaya ako ang magpapasya kung aalis ka na o hindi." ani ko dito at tumingin siya sa 'kin. Akala ko ay magsasalita siya kaagad pero inuna niya pa talagang tingnan ako mula ulo hanggang paa na tila nilalait ako."Anong klaseng tingin 'yan, Biazon?" taas kilay kong tanong sa kaniya at humilig naman siya sa sofa. Masyado yatang feel at home ang isang 'to."Hindi ka man lang magbibigay ng kahit tubig? Halos isang oras din kaya akong nagbuhat ng mga laruan para kay Tyrell tapos paaalisin mo lang ako. Wala ka ba talagang modo?" seryosong tanong niya.Medyo nakaramdam naman ako ng pagkapahiya, pero hindi ko ito ipinakita sa kaniya at sa halip ay inirapan siya. "Ikukuha kita ng tubig kaya inomin mo kaagad nang makaalis ka na." bilin ko sa kaniya at tumango naman siya. May tiwala naman ako kay Tyrell na hindi niy
Zia's Point of ViewInis akong umalis sa harap ni Chad. Medyo napahiya niya ako sa sinabi niya. Kumuha na lang ako ng isang baso ng juice sa kusina para naman mawala ang bad image ko sa kaniya.Pabalik na sana ako sa sala nang makita ko itong pumasok sa hidden room namin ni Allyson kaya dali-dali ko itong nilapitan at hinila ang kaniyang kwelyo. Gulat naman siyang napalingon sa akin na tila may nakita siyang mali."Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo na maghintay ka at bibigyan kita ng maiinom?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya at tila nalilito siya sa kaniyang isasagot."Naghahanap lang naman ako ng comfort room dahil hindi ako sinagot ni Tyrell." kinakabahang sagot nito.Alam kong nakita niya na ang hindi dapat makita, pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kaniya na kinakabahan ako dahil mas
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan