Allyson's P.O.V
Napangisi ako sa paglapit nila sa'kin.
"Hurt me all you can and I'll make sure na lahat ng kontrata niyo ay mawawala. And for you Sofia, there will be no extension of contract for you. So, hurt me! I don't care." banta ko sa kanila kaya napatiim bagang si Sofia sa'kin.
Akala ko matapang si Sofia pero mukhang mas matapang pa ang alipores nito. Gusto ko pa naman sanang makausap ng matino ang mga 'to.
"Hoy newbie! Sino ka ba sa inaakala mo para pagbantaan kami? Hindi ka nga namin kilala dito kaya huwag kag mapagmataas dito dahil si Miss Sofia ang pinakarespetadong tao sa loob ng kompanya!" sigaw ng isang alipores nito.
"Shut up low class!" sagot ko sa alipores nito.
"Akala niyo ba sisikat kayo sa mga ugali niyo? Napaka low class ng mga ugali niyo. Paano kayo aangat kung napakabasura ng mga ugali niyo? Konting respeto nga lang 'di niyo pa magawa? Ito na ba ang 'class' na sinabi ni Mr. Tan? I'm so disappointed." anas ko sa kanila. Nagbabakasakaling makikinig sila sa'kin dahil gusto ko silang tulungan lahat.
"Napakabobo niyo kapag nakinig kayo sa babaeng 'yan. Get her out of here, right now!" sigaw ni Sofia na naging hudyat upang lumapit sila sa'kin.
Akmang hahampasin na ako ng libro nang biglang may pumigil sa kanila.
"What are you doing? Can't you even show some respect to Miss Flare?" sigaw ni Shiloah kaya napatigil silang lahat at napatitig sa'kin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa kanilang ikinilos.
Akalain mo ng naman, talagang pwede silang maging artista.
"What do you mean Miss Shiloah?" gulat na tanong ni Sofia dito.
"I see kung bakit sikat ang Soul Empire in terms of Modelling but I can still see some little dirt here, so I think I need to clean it up." seryosong saad ko sa kanila.
"Miss Flare ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ginawa nila sa'yo. Hindi po nila alam na ikaw si Miss Flare." saad ni Shiloah at bahagyang yumuko.
"I'm sorry but apology isn't in my vocabulary." magalang na sagot ko kay Shiloah at binalingan ang mga modelo.
"Before you disrespect me, make sure na kaya niyo 'kong pabilibin sa husay niyo sa pagrampa dahil kapag hindi ko magustuhan ang performance niyo, pasensyahan tayo." banta ko sa kanila.
Wala naman talaga akong planong parusahan sila dahil baka masira ang image ko kay Travis pero gustong makita ng mga modelong 'to ang pagiging strikta ko kaya ibibigay ko ang gusto nila.
"You mean, siya ang sinasabi mong Flare?" dudang tanong pa rin ni Sofia.
Hindi ko ito sinagot dahil alam kong si Shiloah ang bahalang magpakilala sa'kin.
"She's Flare, the famous critic from Italy na palagi niyong pinag-uusapan and she's here to see your performance." saad ni Shiloah kaya bahagya akong ngumiti para hindi sila matakot.
"Teka! Sino ang naghire sa kaniya? Bakit niyo siya tinanggap?" hysterical na tanong ni Sofia.
Humakbang ako ng isang beses palapit sa kaniya upang mas makita ang magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko.
"Mr. Tan begged and ask some help upang sumikat kayo para naman lumaki ang profit ng kompanya kaya ako nandito ngayon upang tulungan siya." paliwanag ko kay Sofia na sana naman ay nakuha niya lalo na't alam ko kung gaano kakitid ang utak niya.
Hindi sila nagsalita kaya napagdesisyunan kong magpatuloy.
"I'll see your performance tomorrow and choose one model that is deserving to be train personally by me.I don't care about the past achievements dahil hindi naman nakabase sa past ang magiging kapalaran mo sa industriyang ito. Please be mindful na pinakaayaw mo sa lahat ang may makitid na utak at late sa evaluation." dagdag ko at sinenyasan si Shiloah na aalis na kami.
Kompara kanina, puno ng respeto ang mga kilos nila ngayon na halos lahat sila ay gustong mapalapit sa'kin pero too late, alam ko na ang baho ng bawat isa.
"Pasensya na po talaga sa mga ugali nila kanina Miss Flare. Hindi kasi n--."
"I don't need an apology Shiloah and besides hindi ikaw ang may kasalanan sa'kin so please don't be sorry. I hate it." saad ko at nginitian siya.
Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa opisina ng CEO.
"Mr. Tan will be here anytime po. You may wait in his office. I'll inform his secretary to assist you." saad ni Shiloah at nilapitan ang isang babae.
Lumapit naman ito sa'kin at binati ako bago iginiya papasok sa opisina ni Travis.
"Mr. Tan will see you here in his office. Do you want to have a drink?" magalang na tanong ng secretary nito pero wala akong panahon sa pag-inom.
"I don't drink. You may go." saad ko sa sekretarya nito at umalis naman siya.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng office ni Travis at bigla kong naisip ang dahilan ng pag-uwi ko sa Pilipinas matapos makita ang mga nakahilera niyang papeles. Hindi naman siguro siya yung tipo ng taong walang alam sa importanteng bagay pero baka nakaligtaan niyang ilagay ang importanteng dokumento sa lamesa niya.
Tiningnan ko munang mabuti kung may cctv sa loob ng opisina niya at nang makumpirma kong wala ay kaagad kong nilapitan ang nakahilerang papel at inisa-isa ito. Medyo kinakabahan ako sa ginagawa ko pero kailangan kong gawin ito upang makabalik na 'ko sa Italy kaagad. Naisipan kong tanggalin ang isa kong hikaw upang may pangdepensa ako kung sakaling pumasok si Travis dito.
Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko nga ang pagbati ng sekretarya ni Travis kaya dali-dali kong inihagis ang hikaw ko at agad na napaupo na kunwari hinahanap ang hikaw. Rinig na rinig ko ang mabibigat na hininga nito na tila mainit ang kaniyang ulo.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong nito sa'kin kaya pinulot ko ang hikaw at tumingin sa kaniya habang nakangiti.
"Hinahanap ko lang naman ang hikaw ko. Bawasan mo nga ang pagiging mainitin ang ulo." sita ko sa kaniya at mas lalo namang kumunot ang noo nito.
"Kung wala ka namang kailangan dito, makakaalis ka na. I don't want to see you again." diretsong saad nito matapos maupo sa kaniyang upuan.
"Ang harsh naman masyado Trav. Para namang napakalaki ng kasalanan ko sa 'yo." sagot ko dito at naupo sa upuang katapat ng lamesa niya.
"Ibang klase rin talaga ang pagiging malandi mo babae. Hindi ka pa ba kontento sa ginawa niyong eskandalo sa event at talagang pumunta ka pa dito? Magkano ba ang kailangan mo at nang bumalik ka na sa pinanggalingan mo."
Nanatili akong nakangiti kahit na gustong-gusto ko na siyang sampalin. Kung hindi lang talaga mahalaga ang pagbalik ko malamang kanina ko pa siya nasampal.
"Hindi nga pera ang gusto ko. I want you back Travis at alam kong alam mo ang tinutukoy ko." seryosong saad ko dito at napatingin naman siya sa 'kin.
"Sa tingin mo ba hindi kita kayang kalimutan? Kung puro landi lang naman ang pakay mo, makakaalis ka na ngayon at huwag ka ng magpapakita sa 'kin."
Imbes na makinig ako sa sinabi niya ay tumayo ako at lumapit sa kaniya. Naisipan kong umupo sa kaniyang lamesa habang nakaharap sa kaniya.
"Bakit ba napaka bitter mo? Hindi mo ba naaalala kung paano mo 'ko inaalagaan dati? Kasi kung ako ang tatanongin mo, klarong-klaro pa sa 'kin kung paano mo 'ko pasayahin kapag malungkot ako."
Bahagyang kumirot ang puso ko dahil sa aking sinabi. Ibang pag-aalaga ang naaalala ko sa kaniya.
"I don't need you in my life anymore kaya umalis ka na. I don't want a burden." walang emosyong saad nito kaya napatango ako.
"Sure ka na talaga? Baka kasi magbago ang isip mo at pabalikin ako. Mahirap pa naman akong kumbinsihin. Sayang naman ang effort mo kung paalisin mo lang din ako." saad ko at tumayo.
Akmang hahakbang na sana ako nang bigla itong magsalita kaya napatigil ako.
"Pirmahan mo ang divorce papers." utos nito sa 'kin at iniabot ang isang folder.
Ibinaba ko ito at muling bumalik sa pag-upo.
"I can sign the papers pero huwag mong kakalimutan na 98% ng kompanyang ito ay mapapasakin dahil ipinangalan mo ang titulo at ownership sa 'kin at nag-invest na rin ako ng 1% sa kompanya mo kaya 1% lang ang makukuha mo. Sa bahay naman legally married na tayo nang maitayo 'yon kaya based from the law dapat nating hatiin ito. For the money, you should pay for the mental and emotional damaged you made at makakaasa kang titirhan kita ng almost 1% din sa pera mo." paliwanag ko dito kaya mas lalo itong nainis.
"Sa tingin mo makakakuha ka ng pera galing sa'kin? Pirmahan mo na lang ang papeles at huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin." anas nito at pilit inaabot sa'kin ang papeles.
"Hindi mo sure since may pruweba ako sa lahat ng sinasabi ko Travis. I don't make such jokes kapag pera ang pinag-uusapan at isa marriage is a sacred thing to me. You've got two options lang naman Trav kaya isipin mo ng mabuti ang pipiliin mo. Come with me or give me all your money and properties." sagot ko naman dito.
"Talagang mukha ka ngang pera. Umalis ka dito bago ko itapon sa pagmumukha mo ang folder na 'to."
Tumango ako sa kaniya at nagsimulang humakbang pero bigla akong napatigil nang biglang may pumasok.
"Allyson?"
"Miss Flare"
Shiloah's P.O.V
"Sabay na tayo pareha naman tayo ng pupuntahan." suhestiyon ni Chad at sinamahan akong bumalik sa opisina ni Mr. Tan. Plano ko kasing ipakilala ito sa kaniya ng personal lalo na't si Mr. Tan ang nagmakaawa para lang makuha ang pirma ni Miss Flare.
"Ally?"
"Miss Flare"
Sabay kaming nagkatinginan ni Chad. Akala ko ba Flare ang pangalan niya pero bakit tinawag siyang Ally?
"Get out!"
Dali-dali akong hinatak palabas ni Chad matapos sumigaw si Mr. Tan.
"Bakit mukhang magkakilala sila?" tanong ko kay Chad habang katabing nakikinig sa usapan nila Miss Flare.
"She's the wife of the CEO at ngayon lang ulit sila nagkita kaya huwag mo ng pansinin ang tensiyon sa pagitan nila. Magtrabaho na tayo." sagot ni Chad at hinatak ako pabalik sa opisina ko.
Allyson's P.O.V
Matapos lumabas sina Chad at Shiloah ay biglang napatayo si Travis kaya bahagya akong nagulat.
"So you're Flare?"
Imbes na sagutin ko siya ay umupo ako sa sofa. Nakangiti ako habang diretsong nakatingin sa kaniya. Hindi naman siguro siya slow para hindi makuha ang ipinapahiwatig ko.
"How come you're Flare? You must be kidding me!" sigaw nito sa 'kin pero umupo naman sa katapat kong sofa.
Hindi ba siya nalibadbaran sa boses niya at panay ang sigaw niya? Akala niya ata maganda ang boses niya.
"I'm the only Flare, Mr. Tan. Naalala mo pa ba kung paano ka nagmakaawa secretary ko para lang maibigay sa 'kin ang kontrata?" pang-iinis ko dito.
Natatawa talaga ako sa tuwing pumapasok sa 'king isipan ang ginawa niya sa Italya. Alam niya na bawal ang magbigay ng pera sa secretary ko para lang makuha ang schedule ko pero ginawa niya at doble pa sa sahod nito ang ibinigay niya.
"I can easily replace you with anyone so stop your hallucination." saad nito pero hindi naman tumitingin sa 'kin.
"Really? Marami ka naman palang options pero bakit mo inubos ang limang taon mo sa Italya para lang makuha ang presensiya ko? Huwag mong sabihin na iba ang pakay mo?"
"Maraming mas magaling sa 'yo kaya huwag kang magsalita ng tapos." diretsong saad nito kaya napangiti ako.
Still the same.
"Hindi ka naman siguro mag-aaksaya ng pera kakahabol sa 'kin kung marami kang options Mr. Tan."
Napabuntong hininga ito at tiningnan ako ng seryoso.
"Itinapon ko na ang kontrata kaya wala ka ng aasahan sa 'kin." anas nito at ngumisi.
"Okay, so based from my rules you need to pay for the damages. I cancelled my plans para lang sa proposal na sinasabi mo and to sum it all, 5 billion ang dapat mong bayaran at dahil sinira mo ang schedule ko, I'll call some of your sponsor to stop the sponsorship since sa 'kin naman sila nagtatrabaho. Makakaya mo kayang bayaran lahat kung halos lahat ng source of income ng kompanya ay galing sa mga projects ni Sofia na siyang hawak ko?" sagot ko dito at seryoso itong tiningnan.
"Ano ba talaga ang pakay mo at kailangan mo pang pabagsakin ang kompanya ko?" naiinis na tanong nito sakin.
Kinuha ko ang folder sa bag ko at ipinakita sa kaniya na agad naman niyang binasa.
"Give me 4 months at sisiguraduhin ko na ang Soul Empire ang magiging sikat sa lahat ng kompanya sa Pilipinas. I'll make everyone rich like me." paliwanag ko sa kaniya.
Ibinaba niya ang kontrata at umiwas ng tingin sa 'kin.
"Hindi ko kailangan ng isang babae upang mapalago ang kompanya ko kaya makakaalis ka na." buong tapang na sagot nito kaya napabuga ako ng hangin.
"Okay so back to our divorce. Sigurado akong alam mo na ang magiging resulta at sa kompanya naman, bibigyan na lang kita ng 1% para hindi ka masyadong magh----."
"Pwede ba na pakawalan mo na 'ko sa leeg?" putol niya sa sasabihin ko at kinuha ang kontrata at pinirmahan ito.
Nagdiwang ang aking kalooban matapos makita ang pirma niya. Tulad nga ng inaasahan ko, hindi niya basta-basta isusuko ang ari-arian niya dahil lahat ng ari-arian niya ay pamana sa kaniya ni Tita bago ito mawala.
"I'll give you 3 months at kapag hindi mo nagawa ang sinabi mo kusa kang aalis at babayaran mo lahat ng ginamit mo sa kompanya." seryosong saad nito at galit na tumingin sa 'kin.
Nginitian ko ito bago sumagot para naman maibsan kahit konti ang galit niya.
"Don't worry I know my actions."
"Huwag mo rin sanang kakalimutan kung sino ka. Act professional in front of everyone." saad nito at inirapan ako.
Lalaking tao pero ugali parang babae.
Kinuha ko ang kontratang pinirmahan niya at tumayo.
"Don't worry Mr. Tan. I know how to separate my work and my life."
"Kung tapos ka na sa pakay mo please lang umalis ka na."
Hindi ko na ito sinagot at humakbang palabas ng kaniyang opisina. Abot langit ang ngiti ko habang hawak ang aking bag. Binati naman ako ni Chad kaya nginitian ko na lang ito.
You're now inside my trap, Travis.
Travis P.O.V
Nakakainis na babae! Buong buhay ko ngayon pa lang ako napatiklop ng isang kagaya niya at nakakasira ng dignidad ang ginawa niya.
"Kumusta naman kayo ng asawa mo?" kaagad na tanong ni Chad matapos umalis si Allyson.
Isa pa 'to hindi man lang ako sinabihan na si Flare at ang magaling kong asawa ay iisa. Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng unan.
"G*go ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na matigas ang ulo niya? Hindi mo alam kung gaano siya kahirap kausapin ng maayos." sagot ko dito at nagpakawala ng buntong hininga.
"Si Allyson matigas ang ulo? Nagpapatawa ka ba? Napakabait ni Allyson at talagang susundin niya ang sinabi mo kaya hindi ako maniniwala sa 'yo." saad nito at tumawa pa.
"Kung nakita mo lang kung gaano siya ka desperadang magtrabaho dito at kunin lahat ng ari-arian ko, ibang-iba siya sa tinutukoy mo."
Naramdaman ko naman ang pag-upo nito sa sofa kaya kunot noo akong napatingin sa kaniya.
"Talagang normal naman ang hatian kapag maghihiwalay ang mag-asawa. She's easy to deal Travis, sadyang mainit lang ang ulo mo." pagtatanggol niya dito kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Pero dahil hindi man lang siya nagpakita sa'yo sa loob ng pitong taon, masasabi kong wala siya karapatan kahit piso sa ari-arian mo." dagdag ni Chad kaya napatango ako.
Kung talagang wala siyang planong pirmahan ang divorce namin, edi sana nagpakita siya sa 'kin kahit isang beses man lang. Hindi ko nga siya nakita noong magising ako galing sa aksidente tapos bigla na lang siyang darating dito at hihingi ng mga ari-arian at ako pa ang nagmumukhang kawawa sa kondisyon niya.
"Anong plano mo?" biglang tanong ni Chad kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ipatawag mo lahat ng legal council na kakilala mo at ibang sikat na abogado. Hindi pwedeng patagalin ko ang problemang ito. Kailangan ko ng putulin ang plano niya." utos ko dito pero nanatili pa rin itong nakaupo.
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? Hindi naman masamang tao si Allyson kaya siguradong pwede niyo naman pag-usapan ang bagay na 'to. Baka kasi masira ang pangalan mo o 'di kaya ang pangalan ng kompanya kapag lumabas ang issue na 'to." pigil sa 'kin ni Chad pero sinamaan ko lang ito ng tingin.
"I'm the boss here at wala akong pakealam kung kumalat ang issue na 'to. Ang importante sa 'kin ngayon, masecure ko lahat ng ari-arian na meron ako kaya umalis ka na at gawin mo ang sinabi ko." saad ko dito kaya tumayo ito at tahimik na umalis.
Mukha namang ibang-iba siya sa pagkakakilala ni Chad. Napakasiga niya at feeling niya siya ang may hawak ng lahat. Akala niya umaasa ang kompanya ko sa mga alipores niya.
Napahilot ako sa aking ulo at pilit na pinapakalma ang sarili. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nahirapan ng ganito sa isang babae. Hindi ko maalala kung bakit ko pinakasalan ang isang tulad niya dati.
I won't let you belittle me Allyson. Baka pagkakataon ko na 'to upang hiwalayan ka ng tuluyan.
Allyson's P.O.VPagkatapos kung umalis sa opisina ni Travis ay inihatid ako ng sekretarya niya sa opisina ko dito sa kaniyang kompanya. Inilibot ko ang aking paniningin at sa tingin ko ay maayos naman ang ibinigay na opisina. Kulay puti ang kulay ng pader habang may linyang intim sa bawat sulok nito. Ang sabi sa 'kin ng sekretarya niya, talagang pinasadya ni Travis ang kulay ng opisina para sa 'kin dahil akala niya lalaki ako.Kinuha ko ang aking cellphone dahil bigla itong tumunog. Tiningnan ko muna kung sino ang tumawag at nang mapagtanto ko na si Zia ito ay kaagad ko itong sinagot."How was your first day?" Lumapit muna ako sa glass window bago ko siya sinagot."Maayos na man. Tulad ng inaasahan ko, hindi niya inaakalang ako at si Flare ay iisa." sagot ko dito habang tinatanaw ang malalaking building na makikita mula sa
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising upang patunayan ang sarili ko kay Travis na karapat-dapat ako sa posisyon na hawak ko. Kailangan ko rin na madaliin ang plano ko dahil baka magkaroon ng problema lalo na't mabilis gumawa ng aksiyon ang walang hiya kong kapatid."Good Morning Flare! Aga natin ah." bati ni Zia habang himihikab pa."Good Morning Zi! Bakit mukha ka namang hindi nakatulog?" anas ko dito dahil pansin ko kasi na medyo pumipikit pa siya ,eh mas nauuna pa nga siyang natutulog sa 'kin."Talagang nagmana siya sa 'yo sa pagiging matalino. Akalain mo yun? Na-hack niya ang gcash ko at ibabalik niya lang daw ng pa unti-unti kapag natapos kong ikwento sa kaniya ang beauty and the beast at frozen." reklamo ni Zia at sumimsim ng kape.Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang maliit na mukha nito a
Pagkatapos ng nangyaring alitan sa pagitan ni Sofia at Allyson ay kaagad na dumiretso si Sofia sa matalik nitong kaibigan na si Yuri Tan. Matalik na magkaibigan ang dalawa mula noong highschool pa lang sila at si Yuri ang palaging tinatakbuhan ni Sofia kapag nagkaroon sila ng alitan ni Allyson.Tulad ng nakagawian, nadatnan ni Sofia si Yuri na nag-aayos ng mga bulaklak. Si Yuri ang tipo ng babaeng ibubuhos ang buong oras sa pagtingin at pag-aayos lang ng mga bulaklak dahil para sa kaniya ito ang stress reliever niya."Riri!"Napalingon si Yuri sa tumawag sa kaniya. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Yuri ng mapagtantong si Sofia ang bumisita sa kaniya. Minsan na lang kasi bumisita si Sofia dahil sa sandamakmak na activities na nakalaan sa schedule niya."Sofia! I miss you bestie!" masiglang bati ni Yuri at kaagad na binitawan ang bulaklak at niyakap si Sofia.
Allyson's P.O.V"Alam mo naman siguro na mahilig ako sa alak Miss Romero kaya kailangan mo munang ubusin ang tatlong baso ng alak kung gusto mo talagang makuha ang pirma ko." Nakatuon ang atensiyon ko sa tatlong baso ng alak sa aking harapan."Anong alak ba 'yan?" seryosong tanong ko habang pilit iniisip kung paano ko maiisahan ang isang Velasco.Alam kong patibong lang ang lahat ng 'to pero kailangan kong makuha ang tiwala niya para sa plano ko."Spirytus Stawski"Hindi naman siguro ako mamamatay kapag uminom ako ng tatlong baso dahil palagi naman akong umiinom sa Italy at isa pa alam kong nakatingin si Travis sa akin kaya dapat mapaganda ko ang imahe ko sa kaniya."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ako namimilit ng babae Miss Romero. Sasabihin ko na lang kay Mr. Tan na hindi m
Allyson's P.O.VPagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong pumunta sa opisina dahil tinawagan ako ni Shiloah na kailangan kong magmadali dahil may kailangan daw akong makita.Pagkarating ko ay agad silang napalingon sa akin at napuno ng bulungan ang paligid. Gustuhin ko mang patahimikin ito pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay dumiretso sa elevator papunta sa aking opisina. Kaagad kong binuksan ang computer at tiningnan ang news na kumakalat tungkol sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko masisira ang pangalan ko pero kabaliktaran pala sa naiisip ko.'The International Critic is a sleeping beauty.'"Private and Intimate meeting with two respective bachelors in the country.'Agad na sumagi sa isipan ko si Sofia. Siya lang naman kasi ang nakakaalam maliban kina Travis na umattend ako sa brand launch at siya lang din ang hindi marunong g
Allyson's P.O.VPagkatapos ng pag-uusap namin ni Travis ay kaagad itong umalis, siguro kakausapin niya ang medya sa ibaba.Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang numero ni Zia. Kanina pa ako kinakabahan sa pagkawala ni Luigi , dahil baka masira ang plano ko."Anong balita? Nakita mo siya?" tanong ko kay Zia, nagbabakasakaling nahanap na niya ito."I'm sorry Ally, pero nandito ako sa hotel na pinagdalhan kay Luigi. I'm trying my very best na makita sila.""Don't worry. Magpapakita rin siya kung kailan niya gusto. Just continue observing him." utos ko dito at ibinaba ang tawag.Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang sekretarya ni Travis. Kunot noo ko itong tiningnan."Mr. Tan told me na kailangan niyo po na s
Allyson's P.O.V"You can't force me to accept and love you Ally kaya habang may respeto pa 'ko sayo, umalis ka ngayon sa harapan ko at huwag ka ng magpakita sa 'kin kagaya ng ginawa mo dati. Bumalik ka sa lugar kung saan ka galing." naiinis na saad nito.Hindi niya malimutan ang pag-alis ko pero hindi niya naman matandaan kung bakit ako umalis. The nerve of this guy!"I won't go anywhere. I'll stay with you Travis Tan at kahit ikaw ay hindi ako mapipigilan." saad ko dito at nagpakawala ito ng buntong hininga."Don't use the 'you love me card' to me Allyson. Nararamdaman ko pa rin na iba ang pakay mo sa pagbalik ko." anas nito at ako naman ang napabuntong hininga."Travis, alam ng lahat na kasal tayo at alam mo naman siguro na tayo ang pinakauna sa balita. Kapag nalaman nila na hindi tayo nakatira sa iisang bubong a
Third Person's P.O.VGalit si Sofia habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ni Yuri. Hindi niya inaakalang bigla na lang mawawala sa kaniya ang lahat dahil sa pagbalik ni Allyson. Lahat ng pinaghirapan niya ay parang isang bulang bigla na lang naglaho."Anong nangyari sa 'yo? Napakaaga pa pero yang mukha mo parang binagsakan ng lupa." natatawang saad ni Yuri habang umiinom ng kape.Inirapan ni Sofia ang kaibigan at napahilamos sa kaniyang mukha. Alam na ni Yuri kung ano ang nangyari sa kaibigan dahil pumupunta lang naman ito sa bahay niya kapag naiinis kay Allyson."Wala akong oras para makipagtawanan Yuri. Galit ang buong sistema ko." seryosong saad ni Sofia.Likas kay Yuri ang pagiging kalmado sa lahat ng bagay kaya balewala lang sa kaniya ang sinabi ng kaibigan at patuloy lang sa pagtawa habang pa minsan-minsan ay umiinom ng kape.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan